You are on page 1of 10

Pampurok na Paligsahan sa

Pamamahayag, isinagawa

Upang malaman ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pamamahayag isinagawa ang pampurok na
paligsahan sa Paaralang Sentral ng San Pascual, Setyembre 7,9,11.
Dinaluhan ang nasabing paligsahan ng mga delegado mula sa 20 paaralang nasasakupan ng
purok sa pamamahala ni G. Christoper A. Dalisay, pampurok na tagapag-ugnay sa pamamahayag,mga
pinuno ng paaralan at G.Joel B. Lubis Pampurok na Tagamasid.
Sinimulan ito sa isang palatuntunan na pinangunahan ni Gng.Rolena Garcia. Nagkaroon ng
pagpapaliwanag at pagsasanay ng mga mag-aaral ang mga tagapagsalita na itinalaga sa bawat kategoriya.
Kasunod nito ay ang pagpapakita ng kakayahan ng mga mag-aaral na kung saan sila ay
nagtagisan ng galing sa larangan ng pagsulat.
Ginawa ng mga kalahok ang kanilang makakaya upang mapili ang mga kakatawan sa purok na
lalahok sa Division Schools Press Conference.

BES, National Achievement Test,


nanguna sa Purok
Tagumpay! Yan ang sigaw ng mga mag-aaral,matapos silang manguna sa resulta ng National
Achievement Test na ibinigay sa Ikaanim na Baitang.
Nakuha ng Banaba Elementary School ang MPS na 90.36 ng kabuuang marka sa NAT, kaya't
tinanghal itong pinakamataas sa dalawampung paaralang nasasakupan ng distrito ng San Pascual.
Ang naturang marka ay kinabibilangan ng English 89.14, Mathematics 97.81,
Science 81.39, Filipino 94.30 at Hekasi 90.04.
Matatandaang kabilang ang paaralan sa nakatanggap ng Outstanding Achievement Award sa
NAT sa sinundang mga taon kaya't patunay ang pag angat ng kalidad ng edukasyon dahil sa puspusang
pagsusumikap ng mga guro na malinang ang isip at talino ng mga mag-aaral at pagkakaisa
upang sa lahat ng gawain ay palaging manguna sa tulong at gabay ng Poong Maykapal.

Sabay-sabay na Paligsahan,
Makakabuti ba sa Mag-aaral
Paligsahan...ano nga ba ang maidudulot ng paligsahan sa bawat mag-aaral.
Bilang isang mag-aaral hangad ng bawat isa sa atin na makalahok sa mga paligsahan.Lubhang naaabala
ang mga guro at mag-aaral sa sabay-sabay na paligsahan.
Sa kabilang banda,sa paligsahan nahahasa ang mga talento ng bawat bata nasasanay
silang humarap sa iba't ibang klase ng laro,lumalabas ang kanilang loob at paninindigan.
Hindi ito makakabuti sa mga mag-aaral,dahil sa kakulangan ng panahon sa
pag-aaral ng akademya.gayun din ang mga guro,sila ay hindi nakapagtuturo ng maayos sa
mga bata.
Ang paligsahan ay makatutulong sa pag - unlad ng kakahayan ng bawat bata lumalabas
ang loob at paninindigan.
Pampurok na Paligsahan sa Pamamahayag,Isinagawa
Upang malaman ang kakayahan ng mag-aaral sa pamamahayag isinagawa ang pampurok
na paligsahan sa Paaralang Sentral ng San Pascual,Setyembre 7,9,11.
Dinaluhan ang nasabing paligsahan ng mga delegado mula sa 20 paaralang nasasakupan
ng purok sa pamamahala ni G.Christoper Dalisay pampurok na taga pag-ugnay sa pamamahayag,mga
pinuno ng paaralan at G.Joel Lubis pampurok na taga-masid.
Sinimulan ito sa isang palatuntunan na pinangunahan Gng. Rolena Garcia,
Nagkaroon ng pagpapaliwanag at pagsasanay ng mga mag aaral ang mga tagapagsalita na itinalaga sa
bawat kategoriya.
Ginawa ng mga kalahok ang lahat ng kanilang makakaya upang mapili ang lahat ng
kakatawan sa purok na lalahok sa Division Schools Press Conference.
Rosales,Kampeon sa Badminton
Iba't ibang taktika ang ipinamalas ni John Rey V. Rosales ng Banaba Elementary School sa
pakikipaglaban ng larong Badminton na ginanap sa Bayanan Cover Court , Agosto
19-20 .
Sa unang laro pala mang matinding palo agad ang ibinigay niya sa kanyang
kalaban.Nakarating siya sa ChampionShip,binigyan niya ang kalaban ng malalakas na palo at plesing.
Muli siyang nakipagtagisan sa ikalawang round at muli na naman siyang nakipagtagisan ng
galing lumamang siya at kung saan siya ang tinanghal na panalo .
Patuloy ang kanyang pagsasanay sapagkat siya ang kakatawan sa Single A ng San Pascual
na gaganapin sa Calaca.
Si Gng.Vilma Acuzar ang kaniyang tagapagsanay.

Storm Surge o Daluyong


Ang storm surge o daluyong ng bagyo ay hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa
dalampasigan habang papalapit ang bagyo sa baybayin sanhi ito ang malakas na hangin dahil sa pagbaba
ng presyon sa mata ng bagyo na nagtutulak sa tubig dagat dahilan upang ito ay maipon at tumaas kasya
pangkaraniwang taas ng tubig, patungomg baybayin. Ang storm surge ay nagdudulot ng malawakang
pagbaha na maaring umabot ng ilang kilometro mula sa baybaying dagat depende sa hugis at taas ng alon
nito kasabay ng malakas na pag-alon at malakas na hangin ang storm surge ay maaaring makapinsala at
tanyag rin ang mga bagay na dadaanan nito. Ang pangunahing maaaring tamaan ng storm surge ay mga
kumidad na malapit sa baybaying dagat. Maaari ring abutin ang mga mamamayan may ilang kilometro ay
layo rito depende sa taas ng kalupaan mas mababa ang libel ng kalupaan,mas madaling maapektuhan.
Hindi apektado ng storm surge kung matarik ang pampang.
BES,namituin sa chess
Dahil sa matinding taktika at matitinding move nina Patrick A. Rosales, Mark Andrei R.
Manalo,Catherine Joy R. Rosales, at Ahlliya Angel V. Rosales nagawa nilang talunin ang kalaban sa larong
chess na ginanap sa San Pascual Central School, Agosto 18-20.
Nagawang taluhin ni Patrick Rosales ang kalaban kaya't nakamit niya ang unang puwesto.
Nakuha naman nina Ahlliya Angel Rosales at Mark Andrei Manalo ang ikatlong puwesto si Catherine Joy
Rosales naman ay nakuha ang ikalawang puwesto sa gabay ni Gng. Vilma A. Contreras bilang
paghahanda sa darating na Division Athletic Meet.
Dalawang Palapag na Gusali Sinimulan, Mga Mag-aaral Makikinabang
Sinimulan ang isang bagong gusali sa Banaba Elementary School kamakailan lamang
Ang nasabing gusali ay tugon sa kahilingan ng pamunuan ng paaralan.
"Laking pasasalamat namin sa ipinagkaloob na ito ni Mayor Antonio A. Dimayuga"ayon kay
G.Casimiro A. Rosales, punongguro ng paaralan.
Tinanyagang 1.5 M ang nakalaang halaga para sa itinatayong gusali na nagmula sa munisipyo.
Inaasahang matatapos ang gusali sa Diyembre ng taong ito.

Villarama, Kampeon sa Sci Dama


Tinanghal na kampeon si Jhon Errol R. Villarama Baitang VI sa District Sci Dama CompetitionPower Patrol na ginanap sa San Pascual Central School Setyembre 10.
Tinalo ni Villarama ang pitong katunggali mula sa ibat ibang paaralang nasasakupan ng purok na
nagging daan upang makalahok siya sa Area Level na paligsahan.
Samantala nakuha rin ni Jhon Errol ang ikatlong puwesto sa Area Sci Dama Competition sa
nasabing paaralan Setyembre 16.
Patunay lamang na may angkin siyang husay at galing sa larangang ito.
Si Gng. Gloria C. ang kanyang tagapagsanay.

Mag-aaral ng BES nag-uwi ng medalya sa MTAP Class


Labing tatlong mag-aaral mula sa Banaba Elementary School ang nag-uwi ng medalya sa ginanap
na pagtatapos ng mga bata sa anim na Sabadong pag-aaral ng Matematika sa San Pascual Sentral,
Setyembre 19.
Pumili ang bawat klase ng 2 best pupil at itoy nakamit nina Baby Jane R. Mendoza, Arleth R.
Delgado at Rhance Jaimelle Espiritu sa Baitang I, Francis Jojo R. Mendoza, Bryan M. Rosales, at Rhina
Chelsea C. Villanueva sa Baitang II, Jenalyn T. Rosales Baitang III, Anne Nicole C. De Castro Baitang IV,
Ashley Maureen D. Roaring, Ralph Justine R. Principe, Patrick M. Asilo at Catherine R. Rosales Baitang V
at Mark Reniel E. Ondoy Baitang VI.
Ang MTAP Class ay naglalayong mahubog ang kakayahan ng mga mag-aaral sa Matematika at
magkaroon ng kawilihan sa pag-aaral ng asignaturang ito.

Protect, Connect, Respect, pinahalagahan sa Scouting


Protect, Connect, Respect. Yan ang tema ng Girls Scout Week Celebration na ipinagdiwang sa
ating paaralan, Setyembre 18.
Layunin ng pagdiriwang na pahalagahan ang buwan ng mga batang babaeng iskawt upang
malinang ang kanilang kakayahan sa mga gawaing may kaugnay sa iskawting. Ibat-ibang aktibidades ang
isinagawa tulad ng pagluluto. Nagkaroon ng limang grupo na nagsasagawa ng nasabing aktibidades.
Sinundan ito ng maikling palatuntunan kung saan ang bawat isa ay nagpamalas ng kanilang mga
talento sa pagsayaw, pag-awit, pagtula at acrostic. Anupat ang lahat ay nasiyahan at nadama ng bawat isa
ang tunay na diwa ng Scouting.

Talino ng mag-aaral,ipinamalas sa Agham


Isang karangalan ng ating paaralan nang makamit ni Ralph Justine R. Principe ang unang puwesto
sa Area Science Quiz V na ginanap sa San Pascual Central Elementary School Setyembre,15.
Nakipagtagisan ng galing si Ralph sa pitong kalahok na lahat ay kampeon mula sa ibat ibang
purok na nasasakupan ng Lawak II . Siya rin ay kabilang sa kinatawan ng Lawak na lumahok sa Division
Science Quiz sa San Jose PILMES Setyembre 23. Sa kabutihang palad nakuha niya ang ikatlong
puwesto.Patunay ito na siyay may angking talino sa Agham.
Si Gng. Gloria C. Macaraig ang kanyang tagapagsanay.

Canete nagpakitang gilas sa takbuhan


Humataw ang galing ni Danny R. Canete Jr. Kung kayat nagawa niyang maguwi ng medalya at
karangalan sa Paaralan ng Banaba sa 400m sa ginanap na District Meet,Sports Complex,Bolbok Batangas
City, Agosto 18-19
Pinakain ng alikabok ni Canete ang mga kalaban kaya hindi na sila muling nakaabot kay
Canete ng mapasin nila ay nasa finish line na si Canete. Siya na ang itinanghal na nanalo.

Laking pasasalamat naman ng kanyang coach na si Gng. Lerma Villanueva at sa mga


magulang na sumuporta at sa lahat ng dumalo para sa laban.

Rosales, namayagpag sa Badminton


Dahil a malalakidlat na palo nagawang mag kampeon ni Jhon Rey V. Rosales a larong badminton
na inanap sa Bayanan, sa District Athletic Meet Bayanan San Pascual, Batangas, Agosto 18-19.
Parang ulang bumagsak ang palo ni Rosales kaya naman natalo agad niya ang kanyang kalaban
sa etilo ng laro ni Rosales alam na ng kanyang coach na siya magkakampeon.

Batang kay Galing, Tularan Natin


Tahimik,Mabait,Magalang,Masipag, at mahilig magbasa ng aklat
Ito ay ilan ay ilan lamang sa mga katangian ni Ralph Justine R. Principe na hinangaan ng lahat. Siya
ay nasa ikalimang baiting at iis na anak ni G. Jonathan R. Principe at Gng. Rasiel R. Principe. Simula
Grade1siya ay kasama sa unang tatlong nangunguna sa klase at sa kasalukuyan siya pa rin ang namimitun
sa baiting lima.
Ginawa niya ang lahat para makuha ang nais makamit kayat siya ay kalimitang siya ay kampeon sa
anumang larangan kanyang sinasalihan sa Science Quiz Bee lalot higit sa matematika. Maging sa
Journalsm. Sa likod ng kanyang tagumpay ang dahilan ng lahat ay ang kanyang pagsisikap sa tulong ng
kanyang guro, magulang at higit sa lahat sa Poong Maykapal. Bagamat may mga pagkakataon siyay
nabibigo itoy nagsisibing hamon, patuloy na bumabangon at napupunyaging makamit ang tagumpay.
Pangarap niyang maging isang mahusay na guro pagdating ng araw.
Ralph, ikaw ang dapat tularan ng mga mag-aaral.

Bakuna Para sa Kabataan Proteksyon para sa Kinabukasan


Bakuna para sa Kabataan Proteksyon para sa Kinabukasanyan ang tema ng ginawang
pagbabakuna sa mga mag aaral mula sa Baitang1 na ginanap sa Paaralang Elmentarya ng Banaba noong
setyembre 14,2015.
Ang nasabing pagbabakuna ay pinangunahan ng DILG, DOH, at DepEd . Layunin nito na
maprotektahan ang kinabukasan ng mga kabataan mula sa Measles Rubella at Tetanus Toxoid.
Sa ginawang pagbabakuna naitalang 18 ang binakunahang batang lalaki at 16 na batang babae.

SaSaSAsaPagkakaisa
Sa pagkakaisa at Pagtutulungan , BSP/GSP Camporee Naisakatuparan

Pagkakaisa at Pagtutulungan. Ito ang dahilan kung kayat tumanggap ng tropeo ng


karangalan ang ating paaralan kung saan tinanghal na Best Camp Lay out sa ginanap
na BSP/ GSP Camporee , Bayanan, San Pascual ,Batanggas, Oktubre 1-3.
Layunin ng nasabing Camporee na mapaunlad ang kasanayan ng mga mag-aaral
sa larangan ng Scouting at maisabuhay tungo sa isang responsableng mamamayan.
Tulong tulong na naglinis ng pagtatayuan ang mga gurot magulang sa
pangunguna nig pangulo ng PTA G. Reynaldo I. Rosales. May mga nagluto at naghanda
ng pagkain para sa tanghalian.
Nagkaisa ring maitayo ang tent nang maayos.Pinintahan ang kawayan at
nilagyan ng mga palamuting kaakit- aakit pagmasdan.nagbigay din ng tulong pinansyal
si Coronel Renato Mercado, ibinili ng malalaking payong sa harapan na nagsilbing
kanlungan sa init at ulan.gayundin ang punongguro ng paaralan Ginoong Casimiro
A.Rosales,Kgg.Mayor Antonio A. Dimayuga at iba pa.
Samantala, sinimulan ang gawain sa isang parada.Ibat ibang aktibidades ang
isinagawa kaugnay ng temang Lutiang kapaligiran ating Pangalagagan tulad ng
duladulaan ,sayawan palaro ng lahi at iba pang kapakipakinabang na gawain.
Kayat ang lahat ng gawain ay naisakatuparan sa pagkakaisa at pagtutulungan.
Ipinaaabot po namin ang pasasalamat sa walang sawang pagtulong at suporta ng ating
butihing Mayor ,Coronel Mercado,PTA at iba pang nakiisa at tumulong sa gawaing ito.

Sa
Tropeo nakamit ng BES
Mapalad na kasama sa ikatlong pwesto ang Banaba Elementary School sa resulta ng District
Science Competition na ginanap sa Paaralang Sentral ng San Pascual, Setyembre 10.
Nakuha ng mga mag-aaral ang nasabing karangalan matapos makamit ni Ralph Justine R.
Princepe ang unang pwesto sa Science Quiz Grade 5, Althea Rhein V. Macatangay ikalawang pwesto
Science Quiz 4 at Jonh Errol R. Villarama, kampeon sa Sci Dama- Power Patrol.
Sa kabuuan , dalawang mag-aaral ang lalahok sa Area Competition bilang kinatawan ng purok
na gaganapin sa paaralang Sentral ng San Pascual Setyembre 15.
An nasabing paligsahan ay nilahukan ng 22 paaralang nasasakupan ng purok patunay lamang na ang ating
mga guro ay puspusang nagsisikap na malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa tulong at gabay ng
Poong Maykapal.
Ni: Ahlliya Angel Rosales

Bakuna para sa Kabataan, Proteksyon sa Kinabukasan


Bakuna para sa kabataanproteksyon sa kinabukasan yan ang tema ng ginawang pagbabakuna sa
mga mag-aaral sa Baiting I ,Setyembre 14.
Layunin ng programa ng Kagawaran ng Kalusugan na maprotektahan ang mga mag-aaral na kung
saan magkakaroon sila ng panlaban sa Measles,Rubella at Tetanus Toxoid.
Naitalang 10 ang binakunahang batang lalaki at 16 na batang babae.
Ang nasabing pagbabakuna ay pinangunahan ng mg tauhan ng Department of Health San Pascual
at Barangay Health Workers.
Ni: Ahlliya Angel Rosales
Volley Ball Girls Pumalo sa Ikatlong Pwesto
25-19 25-20
Muli na naman ngpakitang gilas ang Banaba Spikers ng pataubin ang koponan ng alalum
Elementary School sa ginanap na Ditrict Meet Provincial Sports Complex Agosto 18-19.
Sa simula pa lang ng laro nagpakita agad ang Banaba ng mataktikang paraan sa gayundin nanalo
ang Banaba kontra Alalum.Hindi man nila nakamit ang mas mataas na pwesto Masaya narin sila.
Laking pasasalamat nila sa kanilang tagapagsanay na si G. Epitacio Macaraig, Gng. Gloria
Macaraig gayundin sa mga magulang sa kanilang coach na si Gng. Gloria C. Macaraig at lahat ng
sumusuporta.
Sa kasalukuyan patuloy pa rin ang pagsasanay ni Alexa Danielle Rosales para lumahok sa
Division.
Ni: Mark Reniel Ondoy

Luntiang Kapaligiran Pangalagaanbinigyng halaga sa District BSP/GSP Camporee


Luntiang Kapaligiran ating Pangalagaan Kasabay ng Pag-unlad ng Bayan yan ang tema ng
ginanap na District BSP/GSP Camporee Bayanan San Pascual, Batangas Oktubre 1-3.
Layunin ng nasabing gawaing mapaunlad ang kasanayan ng mga mag-aaral sa larangan ng
scouting. Ito ay sinimulan sa isng parade na lumibot sa Barangay ng Bayanan. Nagkaroon ng misang
pasasalamat, sa palaro ng lahi at iba pang aktibidades. Sa kabutihang palad nakamit ng Banaba
Elementary School ang ikalawang puwesto sa Best Camp Layout.
Ipinaabot po naming ang pasasalamat sa kagalang galang na Mayor Antonio A. Dimayuga at sa
pamunuan ng PTA Federation sa pangunguna ni G. Reynaldo Rosales sa ipinagkaloob na tulong at
ipinakitang suporta at pagpapahalaga sa mga guro t mga batang iskawt.
Sa inyo po Mayor, hangad naming ang lalo pa ninyong tagumpay !

Ni: Janna Jamhylle Roan

46 Taong Anibersaryo ng San Pascual, Ipinagdiwang


San Pascual- ipinagdiwang ang ika-46 anibersaryo
sa pagkakatatag sa bayan ng San Pascual na ginanap sa Municipal Gym Agosto 4-6
Layunin ng naturang pagdiriwang na gunitain at pahalagahan ang pinagmulan ng nasabing bayan.
Sinimulan ito sa isang banal na misa ng pasasalamat kasunod ang pananalita ng mga panauhing
pandangal sa pangunguna ng kagalang galang Mayor Antonio A. Dimayuga at Vice Mayor Davis Gregory
Fider, gayundin ang pampurok taga masid na si G. Joel B. Lubis.
Dito ipinahayag ng mga naturang pinunu kung saan tinuran nila ang walang sawang pagsuporta sa
mga programa ng DepEd.
Samantala, nagpakita naman ng ibat-ibang talento ang ilang piling guro sa bawat paaralan.
Nagpamalas na husay at galimg ang mga guro sa paglalaro, pag-awit maging sa kagandahang taglay at sa
kabutihang palad napiling musa ang kinatawan ng DepEd.
Anupat ang lahat ay nasiyahan lalo na sa mga inihandang pagkain at paraffle.

Ni: Janna Jamhylle Roan

Computer Room, Isinaayos


Maayos na ang Computer Room ng paaralan. Binigyang daan ang proyektong ito upang
makaangkop sa criteria ng DepEd at sa kabutihang palad na ng anim na computer kamakailan lamang.
Layunin nito na malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa paggamit ng bagong teknolohiya
sa pag-aaral.
Inaasahang magagamit na ang nasabing room bago matapos ang taon.
Ni: Ahlliya Angel Rosales

Global Warming
Ang global warming ay ang pagtaas ng temperatura ng mundo sanhi ng mga chlorofluorocarbons
na nanggagaling sa mga industriya at maging sa kabuhayan. Ang mataas na temperature ay maaaring
magresuta sa Green House Effect o pagkakaloob ng init ng araw na nakaaapekto sa kaluugan at maging
sa mga pananin.
Ni: Janna Jamhylle Roan

Iwas Basura at Polusyon kung gagamit ng Bayong


Nang bumagyo noong nakaraang buwan, maraming basura ang inanod sa Baywalk sa kahabaan ng
Roxas Boulevard sa Maynila. Apat na truck ng basura ang nakolekta a Baywalk. Ayon sa mga awtoridad,
karaniwang isa hangang dalawang truck ng basura lamang ang nakokolekta roon pagktapos ng bagyo. At
sa maniwala at hindi kramihan sa mga nakuhang basura lamang ay plastic bagsang mga plastic
shopping bag na ginagamit sa mga malls. Bukod sa mga plasik bags, iba pang plastic gaya ng candy
wrappers, biscuit wrappers at sachets ng shampoo ang nakolekta namumutiktik sa ibat ibang basurang
plastics ang kapaligiran. Ang ga itinapong plastic sa dagat at ibinalik sa Bay walk at iba pang lugar sa Metro
Manila.
Ang lumalalang problema sa basura at polusyon sa kapaligiran ang naging daan para isulong ang
paggamit ng bayong sa mga pamilihan sa halip na plastic bags. Ang bayong na yari sa nilalang dahon ng
buli ay environment friendly. Ang pagtala ng problema sa mga basurang plastic ay kinumperma naman ng
Ecological Waste Coalition (EcoWaste). Ayo sa kanilang survey 76% ng basura nangongolekta sa Manila
Bay ay pawang plastik.

Paggamit ng bayong sa mga malls ang sagot para maisalba ang pagkalason ng kapaligiran ay ang
lumalalang problema sa basura. Bukod sa bayong, maaari ring gamitin ang supot na papel para totaly wala
ng maging problema sa basurang plastik.
Kamakilan, sinbi ni President Arroyo na lilinisin ang Manila kung gaano karaming basurang plastic
ang makukuha.
Ni: Nina Grace Garing
Gulayan sa Paaralan nagging Mabunga
Sa District Evaluation ng ginanap na Naging mabunga ang kinalabasan ng ginanap na District
Evaluation sa Gulayan sa Paaralan sapagkat nakamit ng ating paaralan ang ikalawang pwesto, Setymbre
29.
Layunin ng nasabing paligsahan na mapili ang produktibong gulayan na kung saan matutugunan
ang suliraning kaugnay ng malnutrisyon at maitaguyod ang sistemang pangkalusugan ng mga mag-aaral.
Pinamunuan ni G. Joel B. Lubis, Pampurok na Tagapagmasid at mga piling pinunu ng Paaralan
ang naturang gawain labis na katuwaan ang kanilang nadama sa paglilibot sa mga halamang kayraming
bunga at kasiya siyang pagmasdan.
Si Gng. Eden R. Lopez ang gurong namamahala sa nasabing gulayan.

Samantala bumisita rin kamakailang ang PTA Federation sa pamumuno ni G. Reynaldo I. Rosales
Pangulo ng samahan uang panoorin ang produktibong gulayan.
Ni: Ahlliya Angel Rosales
National School Deworming Day, isinagawa
San Pascual Health Workers Nanguna
Isinagawa ang deworming sa ating paaralan alin sunod sa programa ng Department of Health
(DOH) at Local Government Unit (LGU) SA PANGUNGUNA NG San Pascual Health Workersat Barangay
Health Workers (BHW) Hulyo 29.
Layunin nito na mapurga ang mga mag-aaral upang maiwasan ang pagkakaroon ng bulate na
nakaaapektosa kalusugan.
Bagamat may ilang magulang ang hindi sumang ayong purgahin ang kanilang mga anak,
malaking pursiyento ng bilang ng mga mag-aaral ang nakiisa sa gawain.
Ni: Ahlliya Angel Rosales
Laging Maging Handa
Laging maging handa sa oral na kalamidad tulad ng lindol. Yan ang laging sinasabi ng Nation
Disaster Management.
Kayat isinasagawa ang Earth quake Drill sa mga paaralan, gusaling pampamahalaan at
saanmang tanggapan tatlong beses isang taon.
Layunin

You might also like