You are on page 1of 2

INTRAMURALS 2014

Ang isang kaganapan na pinakahihintay ng mga mag-aaral ng UEPLHS ay ang Intramurals. Ang
Intramurals 2014 ay naganap mula sa ika-20 hanggang ika-22 ng Agosto 2014. Taun-taon ay isinasagawa
ito at nakasanayan nang hinahati ang walong seksiyon sa dalawa. Ang unang kuponan ay tinawag na
Fairy Tail na binubuo ng Daisy, Beryllium, Sampaguita, at Gold. Ang kabilang kuponan naman ay binuo
ng Dahlia, Copper, Chrysanthemum, at Oxygen sa ngalang Red Archers.
Sa unang araw bago pa magsimula ang cheerdance, nanumpa muna ang mga atleta na magiging
patas sa paglalaro at gagawin ang buong makakaya sa bawat palakasan. 10:30 ng umaga nakapagsimula
ang paligsahan para sa cheerdance. Maganda ang ipinakita ng Fairy Tail na nakakuha ng markang 92%.
Hindi dito nagpatinag ang Red Archers at ibinigay ang kanilang makakaya ngunit 81% lamang ang nakuha
nilang marka. Panalo ang Fairy Tail sa cheerdance.
2:00 ng hapon, naisagawa ang laro ng Volleyball para sa mga babae. Nakuha ng Red Archers ag
unang set. Hindi sumuko ang Fairy Tail at nakabawi sa pangalawang set. Sa ikatlo at huling set, walang
nagawa ang Fairy Tail sa pag init ng mga manlalaro ng Red Archers. Panalo ang Red Archers sa iskor na
25-13. Dahil dito, 1-0 na ang standing ng Volleyball para sa mga babae pabor sa Red Archers.
Habang maingay na maingay ang mga nanonood ng Volleyball para sa mga babae, tahimik na
tahimik naming naglalaro ang mga atleta ng magkabilang kuponan para sa Chess. Bawat grupo ay
mayroong walong (8) manlalaro para sa babae at lalake. Nagtapos ang preliminaries at ang mga panalo
ay sina Peter Jemuel Maghanoy, Jeremy Tatoy, Kaela Pinangay, at Marielle Adel para sa Fairy Tail
samantalang sina Euvan Siervo, at Abigail Bello naman ang nagtaas ng bandera ng Red Archers sa larong
Chess.
Nakapagsimula ang basketball para sa mga lalake 3:48 ng hapon. Nakuha ng Fairy Tail ang unang
possession ngunit unang nakapuntos si Erico Odosis ng Red Archers. Maganda ang depensang ipinakita
ng Fairy Tail sa ikalawang quarter ng laro dahil hindi nakapuntos ang Red Achers ni isa. Nagmarka sa mga
manonood ang 3 points nina Jude, Olivas, at Earl Laureano ng Red Archers. Ngunit hindi nagpadaig ang
Big 2 ng Fairy Tail na sina Cyrus Loverita at John Acero na nagkamit ng 32 puntos. Dahil sa depensang
ipinamalas ng Fairy Tail ay lumobo ang kanilang kalamangan sa 20 puntos. Nagtapos ang laro sa iskor na
47-27, para sa Fairy Tail. 1-0 na rin ang standing ng Basketball para sa mga lalake pabor sa Fairy Tail.
Sa ikalawang araw naman, ang unang naganap ay ang Volleyball para sa mga lalake eksaktong
10:13 ng umaga. Nasungkit ng Red Archers ang unang set. Sinubukan pang bumawi ng Fairy Tail sa
ikalawang set ngunit wala na silang nagawa upang makabawi. Panalo ang Red Archers. 1-0 na ang
standing ng Volleyball para sa mga lalake.
3:14 ng hapon nagsimula ang pangalawang laro ng Volleyball para sa mga babae. Sa kabila ng
malakas na ulan, pinagpatuloy parin ito. Mahigpit ang naging laban. Unang nakapuntos ang FairyTail.
Grabe ang tensiyong nangingibabaw sa mga manonood at sa mga manlalaro dahil dikit ang laban.
Nasungkit ng Fairytail ang unang set. Sa pangalawang set ay sunod-sunod ang service ace ni Bianca
Glorioso ng Fairytail na naging dahilan ng walong puntos (8) na lamang mula sa kabilang panig. Dahil rin
sa sunod-sunod na service ace ni Maryvil Donceras ng Red Archers ay nagawa pa nilang habulin ang
iskor. Sa huli, walang nagawa ang Red Archers at nakuha rin ng Fairy Tail ang ikalawang set sa iskor na
22-25. Dahil dito, 1-1 na ang standing ng magkabilang kuponan ng Volleyball para sa mga babae.
Habang naglalaro ang mga manlalaro ng Volleyball sa UEPLHS Quadrangle, taimtim na naglalaro
ang mga atleta nga chess sapagkat semi finals na. Sa huli, ang naging kampyon para sa Chess ay si Peter
Jemuel Maghanoy ng Fairy Tail para sa lalake at Abigail Bello ng Red Archers para sa babae. Ikalawa
naman si Euvan Siervo ng Red Archers para sa lalake at Kaela Pinangay ng Fairy Tail para sa babae.
Pangatlo naman sina Jeremy Tatoy at Marielle Adel ng Fairy Tail para sa babae at lalake.
Pagkatapos ng Volleyball para sa mga babae ay ang pangalawang laro ng Basketball para sa mga
lalake na isinagawa sa tabi ng UEP Gymnatorium. Nakuha ng Fairy Tail ang opening tip. Nagpamalas ng
dominanteng laro ang Fairy Tail sa buong laban. Napuno ng palakpakan at sigawan ang 3 points nina Kim
Tan, Avery, at Adlawan ng Red Archers. Humanga naman ang lahat sa back to back 3 points ni Eustein
Siervo ng Red Archers. Kahit marami ang ibinatong puntos ng Red Archers, hindi parin ito naging sapat
sa opensa at depensang nangibabaw sa Fairy Tail. Kaya sa huli, nakuha ng Fairy Tail ang kampyonato sa
Larong Basketball para sa mga lalake sa standing na 2-0.
Sumunod ay ang basketball para sa mga babae. Ang unang puntos ay nakuha ni Hannah Tafalla
ng Fairy Tail. Nagtapos ang laro sa iskor na 6-4 kung saan panalo ang Red Archers.
Sa huling araw ng Intramurals ay nagwagi ang Red Archers via default kontra sa Fairy Tail dahil
walang dumating na manlalaro ang Fairy Tail.
Sumunod dito ang do or die game ng Volleyball para sa mga babae, 10:15 ng umaga. Mayroong
limang sets ang laro. Fairy Tail ang unang nakapuntos. Punong puno ng hiyawan, sigawan, at palakpakan
ang mga nanonood sa UEPLHS quadrangle. Nakuha ng Fairy Tail ang unang set. Dahil dito, bumawi ng
dalawang magkasunod na set ang Red Archers. Ngunit, nakuha parin ng Fairy Tail ang ikaapat na set
kaya humantong sa ikalimang set. Sa huli, panalo ang Fairy Tail at nakuha ang kampyonato para sa
larong Volleyball para sa mga babae sa standing na 2-1.


~ Jeremy Tatoy

You might also like