You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region III
Division of Cabanatuan City
CESAR E. VERGARA MEMORIAL HIGH SCHOOL
Lagare, Cabanatuan City
www.cevmhsdeped.weebly.com cesare.vergaramhs@gmail.com School ID: 307301

Agosto 28, 2018

G. ROLANDO CARPIO
Punong Barangay
Obrero, Cabanatuan City

Isang maligayang pagbati!

Nais po naming ipaalam sa inyo na ang aming Mataas na Pang-alaalang Paaralan ng Cesar E.
Vergara ay magdiriwang ng School Intramurals sa darating na Setyembre 5-7 taong
kasalukuyan. Ito ay upang maipamalas ng mga mag-aaral ang kani-kanilang talento at
kakayahan sa larangan ng pampalakasan.

Dahil sa kakulangan ng pasilidad ng aming paaralan, may mga larong pampalakasan at aktibidad
na hindi maisasagawa sa loob nito. Dahil dito, nais po naming hilingin sa inyo na kami ay
payagang magamit ang inyong himnasyo o “gymnasium” para sa gaganaping Mr. and Ms.
Intramurals (Setyembre 5, 2018, Miyerkules, 3:00 pm) at larong Basketball (Setyembre 6-7,
2018, Huwebes-Biyernes, 8:00 am- 5:00 pm).

Inaasahan po namin ang inyong positibong pagtugon ukol sa kahilingang ito. Maraming salamat
po.

Lubos na gumagalang,

GEROME A. ORIZAL
Tagapag-ugnay sa MAPEH

Sa kabatiran ni:

IMELDA D. SISON
Punong Guro I

You might also like