You are on page 1of 36

Layunin ng

Napakinggang Teksto
Pag-unawa sa Akdang
Binasa
Layunin ng
Napakinggang
Teksto
Tungkol saan ang
awiting
napakinggan?
Ang pakikinig ang isa sa mga
pinakamahirap at
pinakanapapabayaang
makrong pangkasanayan.
Mula sa pakikinig
ay nalalaman ang
mensahe at layunin
ng napakinggan
Layunin

Ayon sa diksiyunaryo ang


layunin ay tumutukoy sa
tunguhin, pakay o hangarin.
Mayroong tatlong
layunin ang mga
napapakingggang
teksto .
MGA LAYUNIN NG
NAPAKINGGANG TEKSTO

1. Magturo o magbigay-alam:
naglalayong magbigay-impormasyon sa
mga nakakarinig tungkol sa mga
mahalagang paksa.
MGA LAYUNIN NG
NAPAKINGGANG TEKSTO

2. Manghikayat - naglalayong hikayatin


ang mga tagapakinig na maniwala o
kumilos batay sa tema o paksang
napakinggan.
MGA LAYUNIN NG
NAPAKINGGANG TEKSTO

3. Manglibang - naglalayong magbigay


ng pagkakataong ma-relax o
mabigyang-aliw mula sa napakinggang
teksto.
Ano ang layunin?

A. Magturo o Magbigay alam


B. Manghikayat
C. Manglibang
Ano ang layunin?

A. Magturo o Magbigay alam


B. Manghikayat
C. Manglibang
Ano ang layunin?

A. Magturo o Magbigay alam


B. Manghikayat
C. Manglibang
Pag-unawa sa
Akdang Binasa
Ang pag-unawa sa akda ay
prosesong pangkaisipan sa
anumang babasahing mga teksto
na maaaring maiuugnay sa
sariling karanasan ang mga
impormasyong nilalaman nito
upang mabigyang kahulugan.
Dating kaalaman
+
karanasan
=
Layunin at Hinuha
Layunin
magbigay impormasyon
mang-aliw
manghikayat.
Paghihinuha

Ayon sa diksiyunaryo, ang hinuha ay


ang nabubuo sa isip ng sinuman
tungkol sa anumang bagay, batay sa
sariling kuro-kuro at palagay.
Paghihinuha

Nakapagbibigay ang mambabasa ng


hinuha kapag nailalarawan niya ang
pangyayari sa nabasa nang may
reaksiyon na parang nasaksihan niya
ang tunay na mga pangyayari.
Halimbawa ng usapang ginamit sa teksto:

Nagtanong si Lam-ang sa kanyang ina kung nasaan ang kanyang


ama dahil matagal nang hindi nakauwi mula nang siya’y
isinilang.
Sa pangungusap na ito, ano ang maaaring mabuong hinuha?
a. May masamang nangyari sa kanyang ama.
b. Namatay ang kanyang ama.
c. Nagkaroon ng ibang pamilya sa bundok.
d. Nagkaamnesya ang kanyang ama nang nakikipaglaban.
e. Natakot bumalik dahil sa kakaibang taglay ni Lam-ang
Tanong?
WRITTEN WORK 6

Tukuyin ang layunin ng


sumusunod na teksto:
1. Ang baybayin ay isang mabisang paraan ng mga
ninuno ng pagsusulat di lamang upang makipag-usap
sa isa’t isa kundi makita rin nila ang kanilang mga
paniniwala sa pamamagitan ng pagbabaybay sa mga
salita. Ang baybayin ay iang piktoryal na uri ng
pagsusulat. ‘Di tulad ng ibang mga piktoryal na
sistema ng pagsusulat, ito ay madaling isulat at
kabisaduhin.
A.Magbigay-alam B. Manghikayat C. Mang-aliw
2.Muling dinumog ngayong Linggo ang “white sand
beach” sa Manila Bay. Mahaba ang pila at dikit-dikit
ang mga tao sa entrada ng ipinagmamalaki at
kontrobersiyal na baywalk, na nilagyan ng dinurog na
dolomite rock bilang artificial white sand. Dahil sa
kapal ng tao, Nawala na ang physical distancing at
umabot pa ang pila sa footbridge at kalsada. – ABS
CBN News
A. Magbigay-alam B. Manghikayat C. Mang-aliw
3. Kapag mayroon kang pangarap huwag kang tumigil
na magsumikap!
A. Magbigay-alam B. Manghikayat C. Mang-aliw

4. Anong mayroon sa jeep, tricycle at bus na wala sa


eroplano. (palaisipan-sagot: side mirror)
A.Magbigay-alam B. Manghikayat C. Mang-aliw
5. Ako si Tukmol, naglilingkod sa iyo
Ganap ng titulado, pinanday ng pagbabago
Mangarap kayo, kabataan ng bagong siglo
Naniniwala akong may mararating kayo
- Tukmol ni Bb. Rosa Fe C. Pugeda

A.Magbigay-alam
B. Manghikayat
C. Mang-aliw
Performance Task 4
Mula sa Kuwentong Ang Kalupi ni
Benjamen Pascual, suriin mo ang piling
mga pangyayari. Kilalanin ang layunin
nito at magbigay ng paghihinuha sa
pangyayari na may kaugnayan sa dati
mong kaalaman at karanasan. 10 puntos
Pangyayari : “Patay na ang dumukot ng
kuwarta ninyo,” matabang na sabi ng
pulis sa kanya. Nakatayo ito sa kanyang
tabi at hawak naman ang kuwaderno at
lapis. “Siguro’y matutuwa na kayo
niyan.
Layunin ng talata: ________________
Hinuhang mabubuo: ______________
________________________________
___
Performance Task 4.2

Pumili ng iyong paboritong awitin.


Isulat ang liriko ng koro nito sa inyong
kwaderno. Ipaliwanag sa 3-5
pangungusap ang layuning
ipinapakita ng awitin. 10 puntos

You might also like