You are on page 1of 33

Curfew: Ipinatutupad na sa kalakhang Luzon

Ipinapatupad ngayon sa kalakhang Luzon


ang pagpapatupad ng curfew.
Malinaw na ipinatutupad ang curfew sa mga
kabataang may 17 taong gulang pababa.
Magsisimula ito ng ika-10 ng gabi hanggang
ika- 4 ng umaga. Aarestuhin at parurusahan ang
mga kabataang lalabag sa nasabing curfew.
Ano ang paksa ng binasa?

Ano ang nais ipaunawa ng


sumulat tungkol sa paksa?
Ano ang nais ipaunawa ng
sumulat tungkol sa paksa?

Ang sagot sa tanong na ito ay ang


Pangunahing ideya o
kaisipan ng teksto.
PANGUNAHIN AT
PANTULONG
NA KAISIPAN
Ang isang teksto ay nagtataglay ng
mahahalaga at tiyak na detalye tungkol sa
mga tao, bagay, lugar at pangyayari.
Napalalawak natin ang paksa sa tulong ng
mga ideyang sumusuporta rito upang
maging mas malinaw at naiintindihan ang
nais na ipahatid sa mga mambabasa.
Nahahati sa dalawa ang teksto: ito ang
pangunahing kaisipan at isa ay pantulong na
mga ideya na nagsasabi tungkol sa
pangunahing kaisipan.

Isa-isahin natin ito at pansinin ang mga


halimbawa.
Pangunahing Kaisipan

 Ang pangunahing kaisipan ay tumutukoy sa diwa ng buong


teksto.
 Ito ang nagbibigay ng pahiwatig tungkol saan ang pag-unawa
sa talata.
 Ipinahahayag ito sa pamamagitan ng isang pangungusap na
tuwirang natutukoy kung ano ang pag-uusapan sa buong talata.
 Kadalasan itong matatagpuan sa unang pangungusap. Maari
ring mabasa sa gitna ng talata maging sa huling pangungusap
ng talata.
Halimbawa:
Unahang Kaisipan

Ang tao ay espesyal na nilikha ng Diyos. Kung


ating ihahambing nga naman sa iba pang
nilikha ng Diyos sa daigdig, walang pag-
aalinlangan na ang tao ay nakahihigit sa lahat.
Ito rin ay mababatay sa antas ng pag-iisip ng
utak.
Halimbawa:
Gitnang Kaisipan

Bilang isang estudyante sa kolehiyo, kailangan mong


matutong magsikap mag-isa dahil walang tutulong sa
iyo kundi ang sarili mo. Ang buhay kolehiyo ay
sadyang napakahirap. Kailangan mo rin talagang
magsunog ng kilay para makakuha ng mataas na
marka at ugaliing magbasa sa aralin na napag-aralan
na at mapag-aralan pa.
Halimbawa:
Hulihang Kaisipan

Siya ang nag-aaruga sa atin mula nang tayo ay


isinilang hanggang sa paglaki. Siya rin ang
humuhubog sa ating pagkatao para tayo ay maging
mabuting anak. Pinag-aaral niya tayo para sa ating
kinabukasan. Bilang ganti, dapat natin siyang mahalin
at maging mabuting anak sa kanya. Ang ating ina ay
sinasabing ilaw ng tahanan.
Pantulong na kaisipan

 Nagbibigay-linaw sa pangunahing ideya upang maunawaan ito


nang lubos.
 Nagtataglay ng mahahalagang impormasyon na tumutulong sa
mambabasa upang lubusang maunawaan ang tekstong binasa.
 Gayundin nagtataglay ito ng mahahalagang impormasyon na
tumutulong sa mambabasa upang lubusang maunawaan ang
pangunahing ideya o kaisipan ng isang teksto tulad ng petsa,
pangalan, lugar, paglalarawan, datos, istatistika at iba pang
 mahahalagang impormasyon na nagbibigay suporta sa
pangunahing ideya.
SUBUKAN NATIN !
Curfew: Ipinatutupad na sa kalakhang Luzon
PANGUNAHING
KAISIPAN
Ipinapatupad ngayon sa kalakhang Luzon
ang pagpapatupad ng curfew.
Malinaw na ipinatutupad ang curfew sa mga
kabataang may 17 taong gulang pababa.
Magsisimula ito ng ika-10 ng gabi hanggang
ika- 4 ng umaga. Aarestuhin at parurusahan ang
mga kabataang lalabag sa nasabing curfew.
PANTULONG NA KAISIPAN
PANGUNAHING
KAISIPAN
Saging ang pinakamasustansyang prutas na
malaki ang naitutulong sa pagpapalaki ng
kalamnan ng ating katawan. Marami ang
nagsasabi na ang saging ay hindi prutas kundi
isang uri ng “berry” ang puno nito ay
itinuturing na isang uri ng “herb” Nagtataglay
rin ito ng mga sustansyang tumutulong sa
pagpapabilis ng pagbuo ng mga nasirang tisyu
sa ating katawan.
PANTULONG NA KAISIPAN
PANGUNAHING
KAISIPAN
Ang panitikan sa panahon ng Amerikano
at Komonwelt ay naging masigla at
maunlad. Naging malaya ang mga
manunulat sa alinmang akda na kanilang
isusulat. Marami ang nailimbag na mga
aklat pampanitikan at mga babasahin sa
panahon na ito.

PANTULONG NA KAISIPAN
Totoong ang mga doctor, nars at iba
pang mga frontliners ay handang
magbuwis ng kanilang buhay. Sila ang
ating mga bagong bayani sa
kasalukuyan. Nagtiis at nagsakripisyo
sila upang alagaan ang mga may sakit
lalo na ang mga nagpositibo sa corona
virus.
Totoong ang mga doctor, nars at iba
pang mga frontliners ay handang
magbuwis ng kanilang buhay. Sila ang
ating mga bagong bayani sa PANGUNAHING
KAISIPAN
kasalukuyan. Nagtiis at nagsakripisyo
sila upang alagaan ang mga may sakit
lalo na ang mga nagpositibo sa corona
virus. PANTULONG NA KAISIPAN
MAYROON BANG
KATANUNGAN?
WRITTEN WORK 1
Panuto: Suriin ang sumusunod na mga talata at tukuyin
kung alin ang pangunahing kaisipan.
1. 1.Maagang pumapasok sa paaralan si Tonyo upang
makapag-review sa library. 2. Tuwing nagkakaroon ng
oral recitation ay palagi siyang nakakasagot. 3. Kapag
nakauwi mula sa paaralan ay agad niyang ginagawa ang
kanyang mga takdang-aralin kung kaya mataas ang
markang nakukuha ni Tonyo. 4. Si Tonyo ay mabuting
estudyante.
A. 1 pangungusap C. 3 pangungusap
B. 2 pangungusap D. 4 pangungusap
2. 1.Si Patricia ay isang mabait na bata. 2.Kapag
nakikipag-usap siya ay kakikitaan mo talaga ng
paggalang. 3.Sinusunod niya rin ang payo ng
kanyang mga magulang, guro at iba pang mga
nakakatanda sa kanya. 4.Tinutulungan niya rin ang
kanyang mga magulang sa mga gawaing-bahay.

A. 1 pangungusap C. 3 pangungusap
B. 2 pangungusap D. 4 pangungusap
3. 1.Sa panahon ng mga Amerikano, sinimulan ang
pagtatatag ng mga pampublikong paaralan at ginawa
itong sapilitan. 2.Ginamit ang wikang Ingles bilang
midyum sa pagtuturo. 3.Hindi maipagkaila na ang
pamahalaan ng Estados Unidos ang namamahala sa
pagbibigay ng libreng edukasyon sa Pilipinas.

A. 1 pangungusap C. 3 pangungusap
B. 2 pangungusap D. 4 pangungusap
4. 1.Ang paborito kong bulaklak ay rosas.
2.Gustong-gusto ko ang amoy nito kaya araw-
araw akong namimitas nito sa aming hardin.
3.Tuwing birthday ko ay hindi mawawala ang
rosas sa dekorasyon.

A. 1 pangungusap C. 3 pangungusap
B. 2 pangungusap D. 4 pangungusap
5. 1.Palaging nag-aaway ang aking mga magulang. 2.Kung
si papa ay matipid, mahilig namang gumasta ng pera si
mama. 3.Mahilig din si mama na lumabas kasama ang mga
kumara nito kahit gabi na. Gusto ni mama ang sports
habang si papa ay mahilig magbasa ng mga libro.
4.Natatakot ako na baka maghiwalay sila.

A. 1 pangungusap C. 3 pangungusap
B. 2 pangungusap D. 4 pangungusap
Panuto: Basahing mabuti ang susunod na mga talata
at piliin ang pangungusap na nagsaasaad ng
pantulong na kaisipan.

6. A. Ang pagpapatupad ng edukasyon sa Pilipinas ng


mga Amerikano ay mayroong tatlong layunin. Una,
upang palaganapin ang demokrasya. B.Pangalawa,
sanayin ang mga Pilipino sa pagkamamamayan at ang
panghuli ay ipakalat ang wikang Ingles sa ating
bansa.
7. A. Ayon sa pag-aaral ay nanganganib na
lumubog ang Maynila sa darating na 2020.
B.Kaunting ulan lamang ay binabaha na ang
siyudad.

8. A. Marami sa ating mga kabataan ngayon ay


nalululong na sa masasamang bisyo. B. Ilan sa mga
ito ay ang paninigarilyo, pagsusugal, pagsali sa
mga illegal na fraternity at maging ang paggamit
ng mga ipinagbabawal na gamot.
9. A. Naawa ang isang ina sa kanyang anak. Ramdam
niyang nais ng kanyang anak na makapag-aral. B.
Minsan ay nakikita niya itong nakatanaw sa mga
estudyanteng dumadaan sa kanilang tahanan.

10. A. Ilang taon na ang nakararaan nang maipasa ang


Republic Act 9003 o ang Solid Waste Management Act.
B. Ang batas na ito ay naglalayong tugunin ang isa sa
mga mabahong suliranin ng ating bansa – ang tamang
pamamahala ng ating basura.
PERFORMANCE TASK
1
PANUTO: Basahin at suriing mabuti ang tula at sagutin ang
hinihinging impormasyon sa ibaba.

Isang Punongkahoy
Jose Corazon de Jesus

1 Kung tatanawin mo sa malayong 2 Organo sa loob ng isang simbahan


pook, Ay nananalangin sa kapighatian
Ako’y tila isang nakadipang kurus; Habang ang kandila ng sariling
Sa napakatagal na pagkakaluhod, buhay
Parang hinahagkan ang paa ng Magdamag na tanod sa aking
Diyos. libingan.
3 Saaking paanan ay may isang batis 5 Ang mga kampana sa tuwing orasyon,
Maghapo’t magdamag na Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy;
nagtutumangis; Ibon sa sanga koy may tabing nang
Sa mga sanga ko ay nangakasabit, dahon,
Ang pugan ng mga ibon ng pag-ibig. Batis sa paa ko’y may luha nang daloy.

6Ngunit tingnan ninyo ang aking


4Sa kinikislap-kislap ng batis na iyan, narating,
Asa mo ri’y agos ng luhang nunukal; Natuyo, namatay sa sariling aliw;
At saka ang buwang tila nagdarasal, Naging kurus ako ng pagsuyong laing,
Ako’y binabati ng ngiting malamlam. At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.
7Wala na, ang gabi ay lambong ng luksa,
Panakip sa aking namumutlang mukha!
Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,
Ni ibon, ni tao’y hindi na matuwa.

8 Atiyong isipin nang nagdaang araw,


Isang akhoy akong malago’t malabay.
Ngayon, ang sanga ko’y kurus na libingan
Dahon ko’y ginawang korona sa hukay.
Gawain: Piliin o tukuyin ang pangunahin at
pantulong na kaisipang nakasaad sa binasang akda sa
pamamagitan ng pagbuo ng balangkas nito na
makikita sa ibaba. Ang pangunahing kaisipang taglay
ng tula ay ibinigay na para sa iyo.
Ngayon ay magtala ng 2 pantulong na kaisipang
nagpapatunay na ang buhay ng tao ay kagaya ng
puno, may panahon ng pagyabong at panahon ng
pagkatuyo.
Isang Punong Kahoy
Pangunahing Kaisipan

Ang buhay ng tao ay kagaya ng puno, may


panahon ng pagyabong at panahon ng pagkatuyo.

Pantulong na Kaisipan

You might also like