You are on page 1of 22

Teknik sa

Pagpapalawak ng
Paksa
1. Pagbibigay-katuturan o Depinisyon
• Ang mga salitang hindi agad-agad naiintindihan ay
kailangang bigyan ng depinisyon. Ito ay mga bagay o
kaisipan na kailangang higit na masaklaw ng
pagpapaliwanag.
• Ang kaurian, kaantasan at kaibahan ng mga salitang ito ay
binibigyang-diin sa pagbibigay ng depinisyon.
Halimbawa:
2. Paghahawig o Pagtutulad

• Ang mga bagay na magkakatulad ay


pinaghahambing upang mapalitaw ang kanilang
mga tiyak na katangian, samantalang ang
magkakaiba ay pinagtatambis upang maibukod
ang isa sa isa.
Halimbawa:
3. Pagsusuri

• Nagpapaliwanag hindi lamang ng mga bahagi ng


kabuoan ng isang bagay kundi pati na rin ang
kaugnayan ng mga bahaging ito sa isa't-isa.
Halimbawa:
SUBUKAN NATIN
Ang gamot ay sustansiyang kaiba sa
idinulot ng pagkain na nakapagbabago sa
gawain ng katawan o isipan. Ito ay
maaaring galing sa mga halaman o
pinaghalong produkto na ginawa ng mga
eksperto.
Dahil sa modernong panahon, ang mga
kabataan ay mas lalong nagiging malikhain
dahil sa kahiligan nilang manggalugad sa
bagong teknolohiya o gadyet ngayon. Kung
noon, pawang papel at bolpen lang ang gamit
ng kabataan sa klase, ngayon ay marami na
silang pagpipilian dulot ng teknolohiya.
Hindi hadlang ang kahirapan kung may
pagtitiis at determinasyon sa pagkamit sa mga
hangarin o pangarap sa buhay. Maraming
mga pagsubok ang haharapin, mayaman man
o mahirap talagang mararanasan mo ang mga
unos sa buhay. Marapat lamang na manalig
ka sa Diyos na siyang lumikha sa bawat tao.
Wika ang nagbigkis sa ating pagkakaisa. Ito
ang naging daan upang maipahayag ang ating
mga damdamin, sandata sa pagpapahiwatig
sa ating mga kakayahan at mapatibay ang
ating pagkakakilanlan bilang Pilipino.
Hindi natin maiwasan ang mabagot, matakot
at mag-alala dahil sa kasalukuyang
nararanasan natin. Kung dati malayang
namamasyal at nagagawa ang gusto upang
maaliw, ngayon maraming dapat isaisip dahil
sa pandemya.
Panuto: Basahin at unawain ang
sitwasyong nasa ibaba at sagutin ang
kasunod na mga tanong. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
Ang pamahalaan ng Pilipinas ay naglabas ng kautusang stay at
home simula noong kalagitnaan ng buwan ng Marso. Ang
pananatili sa bahay sa panahong ito ay isang hakbang upang
mapigilan ang pagkalat ng Corona Virus. Mahigpit ang bilin
lalo na sa mga kabataang nasa edad 20 pababa at nasa edad 60
taong gulang pataas o kilala sa tawag na mga senior citizen
mas madaling mahawaan ng sakit na ito. Isang tao lamang ang
maaaring lumabas upang bumili ng mga mahahalagang
pangangailangan katulad ng pagkain at gamot.
Sa paglabas ng bahay, kinakailangang magsuot ng face mask at
sundin ang physical distancing-magkaroon ng isang metrong layo
upang mabawasan ang pakikisalamuha sa mga taong posibleng may
Covid19.
Narito ang ulat tungkol sa Covid19 case sa Pilipinas. Ang datos na
ito ay hango mula sa WHO (World Helath Organization) na inilabas
noong Abril 20, 2020.
Tatlong rehiyon ang may mataas na kaso ng Covid19.
NCR - 70.9%
CALABARZON - 15.6%
Central Luzon - 5.6%
1. Batay sa sitwasyon, paano binigyang kahulugan ang stay at
home?

A. Huwag lumabas ng bahay para hindi makulong.


B. Pananatili sa bahay upang di mapagalitan ng magulang.
C. Pananatili sa tahanan upang gampanan ang mga gawaing bahay.
D. Pananatili sa bahay dahil ito ay alinsunod sa batas na ipinatupad
dahil sa pandemyang Covid19
2. Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng makabuluhang kalagayan sa
panahon ng pandemya?

A. Nakalulungkot isipin na hindi na nakakalabas ng bahay nang malaya gaya


ng dati.
B. Mas maganda ang buhay ngayon dahil makapaglalaro na ng computer
games buong araw.
C. Nakakainip manatili sa bahay dahil bawal nang lumabas at hindi na
pwedeng gumala kasama ang barkada.
D. Nagkaroon ng oportunidad upang makatulong sa mga gawaing bahay at
nakagagawa ng mga bagay na hindi pa nagagawa noong wala pang
pandemya.
3. May tatlong rehiyong may mataas na kaso ng Covid19 sa
Pilipinas ayon sa WHO na inilabas noong ika-20 ng Abril,
2020. Batay sa datos, anong rehiyon ang may pinakamataas na
kaso ng Covid19?

A. NCR
B. CALABARZON
C. Central Luzon
D. Central Luzon at NCR
4. Batay sa kasalukuyang pangyayari, nasusunod ba ng
mga mamamayan ang physical distancing na
ipinatutupad ng batas?

A. Hindi, dahil matitigas ang ulo ng mga tao.


B. Oo, dahil ayaw nilang mahuli at makulong.
C. Oo, dahil alinsunod ito sa batas para maiwasan ang
pagkahawa sa sakit.
D. Hindi, dahil sanay silang magkatabi.
5. Bilang isang mag-aaral sa ikawalong baitang, may magagawa ka ba
upang maiwasan ang pandemya? Paano?

A. Oo, sa pamamagitan ng pananatili sa bahay


B. Oo, sa pamamagitan ng pagsali sa mga gawaing pangkalusugan sa
barangay.
C. Oo. sa pamamagitan ng paglalako ng mga gulay upang matulungan ang
mga magulang na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.
D. Oo, sa pamamagitan ng paglilinis sa kapaligid upang maiwasan ang
pagkalat ng corona virus

You might also like