You are on page 1of 29

Paborito Kong

Pelikulang
Tagalog?
Dokumentaryong
Pampelikula
Pelikula
- kilala din bilang sine at pinilakang tabing
- isang larangan na sinasakop ang mga
gumagalaw na larawan bilang isang anyo
ng sining o bilang bahagi ng industriya ng
libangan.
MMFF 2019 Entries
Pista ng Pelikulang Pilipino 2019
Star Cinema
Productions
Director : Rory B.
Quintos
Scriptwriter:
Ricardo Lee at
Raymond Lee
Prodyuser: Charo
Santos- Concio
- Ano ang pinakatema ng pelikulang
anak? Paano ito napalutang o binigyang-
diin sa palabas?
- Bakit nagdamdam nang husto si Carla sa
kanyang ina? Sa iyong palagay,
makatarungan ba ang kanyang ginawang
pagrerebelde laban sa kanyang ina? Bakit?
- Ano – ano ang mga isyung panlipunang
may kinalaman sa problemang
kinakaharap ng kabataan sa kasalukuyan
ang binigyang-diin sa pelikula? Masasabi
mo bang laganap pa rin ang mga
problemang ito sa ngayon? Bakit?
- Kung ikaw si Gng. Josie Agbisit, ano
kaya ang mararamdaman at gagawin mo
sa pangyayaring naranasan niya kung saan
ang kanyang imahe bilang ina ay naging
masama pa para sa kanyang mga anak sa
kabila ng kanyang ginawang
pagsasakripisyo para sa kanila? Bakit?
Pagsulat ng Rebyu
ng Isang Pelikula
Ang pagrerebyu o pagsusuri ng
pelikula ay isang paraan ng
pagpapahalaga sa sining ng
pelikula.
Mga Elemento:

1. Kuwento – tumutukoy sa mga


pangyayari kung saan umiikot ang
pelikula.
- Bago o luma ang istorya?
- Ito ba ay ordinaryo o gasgas na at
naulit-ulit na rin sa ibang pelikula?
- Malinaw ba ang pagkakalahad ng
istorya?
- Nakapupukaw ba ito ng interes?
2. Tema – Ito ang paksa ng
pelikula. Ito ang diwa, kaisipan at
pinakapuso ng pelikula.
- Napapanahon ba ang paksa?
- Malakas ba ang dating o impact
sa manonood kung saan ito ay
nakatitimo sa isip?
- Akma ba ang tema sa panahon
kung kailan ito nagawa o akma sa
lahat ng panahon?
3. Pamagat
- Ang pamagat ng pelikula ay
naghahatid ng pinakamensahe nito.
Ito ay nagsisilbi ring panghatak ng
pelikula.
- Ito ba ay angkop sa pelikula?
- Nakakatawag ba ito ng pansin?
- Mayroon ba itong simbolo o
pahiwatig?
4. Tauhan
- Ang mga karakter na gumaganap
at nagbibigay buhay sa kuwento ng
pelikula.
- Malinaw ba ang karakterisasyon
ng mga tauhan?
- Makatotohanan ba ang mga ito?
- Angkop ba ang pagganap ng
artista sa pelikula?
5. Diyalogo
- Ito ang mga linyang binabanggit
ng mga tauhan sa kuwento.
- Naisaalang-alang ba ang uri ng
lengguwaheng ginamit ng mga tauhan sa
kuwento?
- Matino ba, bulgar o naaangkop ang mga
ginamit na salita sa kabuuan ng pelikula?
- Angkop ba sa edad ng target na manonood
ng pelikula ang diyalogong ginamit?
6. Cinematography
- Ito ang matapat na paglalarawan
sa buhay ng pelikula.
- Mahusay ba ang mga anggulong
kinunan?
- Naipakita ba ng camera shots ang
mga bagay o kaisipang nais
palutangin?
- Nakakasunod ba sa galaw ng
artista ang kamera?
7. Iba pang Aspektong Teknikal
- Kabilang dito ang paglalapat ng
tunog sa pelikula, pagpapalit-palit
ng eksena, special effects, editing.
- Akma ba ang musika at nababagay sa tema at
eksenang ipinakikita sa pelikula?
- Maayos ba ang pagkaka-edit ng pelikula? Wala
bang bahaging putol?
- Ang ilaw ba at tunog ay coordinated at akma
sa eksena?
- Akma o makatotohanan ba ang special effects,
blastings, pagkawala, pagliit, o paglaki ng
bagay, animasyon, make-up ng mga artista,
paggamit ng computer graphics.
Performance Task 5: Suring Pelikula

Manood ng isang pelikula.


Gamit ang graphic organizer sa susunod na
pahina ay suriin ang pelikulang napanood
batay sa mahahalagang impormasyong
dapat tandaan sa pagrerebyu ng isang
pelikula.
Pamagat

Tema ng Pelikula Layon ng Pelikula

Pagganap ng mga
Cinematography
Tauhan

Diyalogo ng mga Paglalapat ng Musika


Tauhan at Final Editing

You might also like