You are on page 1of 27

PAGREREBYU O

PAGSUSURI NG
PELIKULA

1/29/2020 @reinaantonettefranco 1
PAGREREBYU o PAGSUSURI NG PELIKULA

1/29/2020 @reinaantonettefranco 2
Pagsulat ng Rebyu ng Pelikula
■ Ang Pelikula ay isang integratibong sining, biswal na midyum at
daynamikong naratibo ng iba’t-ibang paksain, pangyayari, genre, at
panahon na nagaganap sa harap ng manonood sa pinilakang tabing (silver
screen).
■ Masasabi din na ito ay multimedia dahil kasangkot sa pelikula ang iba
pang sining tulad ng musika, teatro, literatura at potograpiya.
■ Ang pelikula ay biswal na midyum tulad ng aklat, inihahatid ng pelikula
ang maraming mensahe at teksto sa paraang audiovisual.
■ Audiovisual – nagaganap ang lahat ng ito sa paningin at pandinig ng
manonood, na sumasaling din sa pandama niya lalo kung drama, komedi,
o aksyon ang genre ng pelikula.

1/29/2020 @reinaantonettefranco 3
 Isang paraan ng pagpapahalaga sa sining ng
pelikula kung saan ang manunuri ay maingat
na nagtitimbang at nagpapasiya sa katangian
nito.

 Ang pagsusuri ay tumutukoy hindi lamang sa


kahinaan at kakulangan kundi gayundin sa
mabubuting bagay na dapat isaalang- alang
sa pagpapaganda ng pelikula.
1/29/2020 @reinaantonettefranco 4
Dalawang Mahahalagang Hakbang Bago
Magsulat ng Rebyu ng Pelikula:

1. Tangkilikin at pahalagahan ang pelikula (film


appreciation). Walang maisusulat na rebyu kung hindi mo
napanood ang pelikula. Ang pagsulat ng rebyu ay isang
pasyon at sining ng pagtangkilik ng pelikula.
2. Alamin ang iba’t ibang elemento ng pelikula. Katulad ng
ibang sining, mayroong banghay at elemento ang pelikula
na kailangang matutunan ng isang rebyuwer. Dito dahil
nagmumula ang lalamanin ng teksto ng susulating papel.
1/29/2020 @reinaantonettefranco 5
Tema/Paksa

Kuwento

Pamagat

Diyalogo

Tauhan

Cinematograpiya

Iba pang aspektong teknikal

1/29/2020 @reinaantonettefranco 6
KUWENTO
■ Tumutukoy ito sa istorya o sa mga pangyayari
kung saan umiikot ang pelikula. Sa pagsusuri ng
pelikula pagtutuonan ng pansin ang sumusunod
na tanong:
Bago ba o luma ang istorya?
Ito ba ay ordinaryo o gasgas na at naulit na rin
sa ibang pelikula?
Malinaw ba ang pagkakalahad ng istorya?
Nakapupukaw ba ito ng interes?
1/29/2020 @reinaantonettefranco 7
TEMA/ PAKSANG DIWA:
■ Ito ang pinakapaksa isang pelikula. Ito ang diwa,
kaisipan at pinakapuso ng isang pelikula.

Napapanahon ba ang paksa?


Malakas ba ang dating o impact sa manonood
kung saan ito ay nakatitimo sa isip?
Akma ba ang tema sa panahon kung kalian ito
nagawa o akma ito sa lahat ng panahon?
1/29/2020 @reinaantonettefranco 8
PAMAGAT NG PELIKULA
■Ito ay naghahatid ng pinakamensahe ng
pelikula. Ito ay nagsisilbi ring panghatak
ng pelikula.
Ito ba ay angkop sa pelikula?
Nakatatawag ba ito ng pansin?
Mayroon ba itong simbolo o pahiwatig?

1/29/2020 @reinaantonettefranco 9
TAUHAN
■Ito ay ang mga karakter na gumaganap
at nagbibigay buhay sa kuwento ng
pelikula.
Malinaw ba ang karakterisasyon ng
mga tauhan?
Makatotohanan ba ang mga ito?
Angkop ba ang pagganap ng mga
artista sa pelikula?
1/29/2020 @reinaantonettefranco 10
DIYALOGO
■ Ito ang mga linyang binabanggit ng mga tauhan
sa kuwento.
Naisaalang- alang ba ang uri ng lenggwaheng
ginamit ng mga tauhan sa kuwento?
Matino ba, bulgar, o naaangkop ang mga
ginamit na salita sa kabuoan ng pelikula?
Angkop ba sa edad ng target na manonood ng
pelikula ang diyalogong ginamit?
1/29/2020 @reinaantonettefranco 11
CINEMATOGRAPHY:
■ Ito ang matapat na paglalarawan sa buhay
ng pelikula.
Mahusay ba ang mga anggulong kinunan?
Naipakita ba ng mga camera shots ang
mga bagay o kaisipang nais palutangin?
Ang lente ba ng kamera ay na-adjust para
sumunod sa galaw ng artista?
1/29/2020 @reinaantonettefranco 12
IBA PANG ASPEKTONG TEKNIKAL:
■ Kabilang dito ang paglalapat ng tunog ng pelikula,
pagpapalit- palit ng eksena, special effects, at editing.
Akma ba ang musika at nababagay sa tema at eksenang
ipinakikita sa pelikula?
Maayos ba ang pagkaka- edit ng pelikula? Wala bang
bahagi ang parang putol?
Ang ilaw ba at tunog ay coordinated at akma sa eksena?
Akma o makatotohanan ba ang special effects, blasting;
pagkawala, pagliit ng bagay; animasyon, make- up ng
mga artista; paggamit ng computer graphics, at iba pa.
1/29/2020 @reinaantonettefranco 13
Gawain: Suriin ang pelikula batay sa banghay at elemento nito.
Tema/Paksa

Kuwento

Pamagat

Diyalogo

Tauhan

Cinematograpiya

Iba pang aspektong teknikal

1/29/2020 @reinaantonettefranco 14
1/29/2020 @reinaantonettefranco 15
1/29/2020 @reinaantonettefranco 16
Gawain: Suriin ang pelikula batay sa banghay at elemento nito.

Tema/Paksa

Kuwento

Pamagat

Diyalogo

Tauhan

Cinematograpiya

Iba pang aspektong teknikal


1/29/2020 @reinaantonettefranco 17
Tema/Paksa:
Ito ay patungkol sa isang ina na nagtatrabaho
bilang OFW sa Hong Kong at tinitiis na malayo sa
pamilya upang mabigyan ito ng magandang buhay.
Naglalayon ito na ipaintindi sa mga kamag-anak ng
mga OFW na hindi sila umalis para takasan ang
kanilang mga responsabilidad at
obligasyon. Ipinahahatid lamang nito na handang
gawin ng isang ina ang lahat para sa kanyang mga
anak. At kahit anuman ang mangyari babalik at
babalik ka parin sa iyong ina.
1/29/2020 @reinaantonettefranco 18
Kuwento:
Base sa pinanood na palabas, ang puso ko ay naantig at naging
emosyonal sa mga piling pagkakataon. Ang bawat pangyayari ay kaabang-
abang sapagkat ang pelikula ay kakaiba sa paraan ng pagkakalahad ng
kwento bagama't ang kabuuang kwento ay pangkaraniwan, hindi mo
masasabi kung ano ang susunod na mangyayari.
Malalim ang istorya sapagkat hindi ito pangkaraniwan lamang na may
mag-aaway at magbabati. Ipinapakita ng kwento ang detalyado at eksaktong
mga pangyayari kung bakit nagkaganoon ang kanilang pamilya. Hindi paligoy-
ligoy ang istorya sapagkat fokus nito ang mga pangyayari kung bakit
kinamumuhian siya ng kanyang anak na si Carla. Ang pangunahing tauhan
na ginampanan ni Vilma Santos ay nagpapakita ng katapangan sa pagharap
niya sa suliranin- ang paglayo ng loob ng kanyang anak sakanya. Hindi niya
tinakbuhan bagkus ay hinarap niya ito ng buong lakas. Bagama't may mga
pagkakataon na mahuhulaan mo ang susunod na pangyayari, mas marami
parin ang kaganapan na hindi mo mahuhulaan ang susunod.
1/29/2020 @reinaantonettefranco 19
Pamagat:

Ang titulo ay angkop sa pelikula sapagkat


sakanya nagsimula ang problema, noong pinipilit niya
na lumayo ang kanyang ina sa kanilang
magkakapatid. Ito rin ay sumisimbolo sa mga
paghihirap ng ina at ang kanyang mga paghihirap
makuha lang ulit ang loob ng kanyang mga anak.

1/29/2020 @reinaantonettefranco 20
Diyalogo:

May mga pagkakataon na nagmumura ang


karakter ngunit ito'y nagdadala sa mas mataas
na antas ng tunggalian sa pagitan ng mga
karakter. Ang mga salitang mga ginamit ay
hindi malalalim na naghatid sa mas malalim na
pag-unawa ng mga manunuod. Direktang
ipinahahayag ng mga tauhan ang kanilang
saloobin ng walang paligoy-ligoy.
1/29/2020 @reinaantonettefranco 21
Tauhan:
Nagampanan ng mga tauhan nang maayos ang mga
karakter na kanilang ginampanan. Ang bawat salitang
kanilang binibigkas at ang paraan ng kanilang pag-arte ay
makatotohanan. Ang bawat pangyayari ay nakaka-antig ng
damdamin, kung kaya't nagiging emosyonal ang manunuod.
Lahat ng pangyayari ay kapana-panabik sapagkat hindi mo
alam kung ano ang susunod na mangyayari at ang mga "plot
twist". Ang buong husay na pagganap ng mga artista ang
nagbigay buhay sa buong kwento kaya't itoy naging
makatotohanan.

1/29/2020 @reinaantonettefranco 22
Sinematograpiya:

Ang mga anggulong kinunan ay angkop sa


bawat pangyayari. Ang pagpalipat-lipat ng anggulo at
fokus ng camera ay mas nagbigay ng kulay sa buong
kwento. Katulad rin ng visual effects. mas napaigting
nito ang bawat pangyayari, mas nagkakaroon ng
malawak na 'access' sa mga pangyayari. Na-adjust rin
ang mga camera upang mabigyan ng diin ang mga
ginagawa ng bawat karakter at para narin masundan
ang mga aksyon na kanilang ginagawa.

1/29/2020 @reinaantonettefranco 23
Iba pang ASPEKTONG TEKNIKAL:
Sa mga ganitong klaseng pelikula,
nangangailangan ito ng mga musika upang mas
maantig ang damdamin ng mga manunuod. Ang mga
eksena ay hindi putol-putol, sunod-sunod ang
pagkakalahad ng mga impormasyon. Mayroon ring
koordinasyon sa ilaw at tunog kaya't hindi ito magulo
tingnan. Ang Editing ay napakahusay sapagkat sunod
sunod ang pagkakadugtong mga mga pangyayari at
ito ay nakabuo ng maganda at epektibong pelikula.
1/29/2020 @reinaantonettefranco 24
Disclaimer:

Ang Suri/Rebyu ng Pelikulang “Anak” ay


kinuha lamang sa isang blogsite. Ito ay hindi
inaangkin bagkus ginawa lamang
magandang halimbawa para sa araling ito.

1/29/2020 @reinaantonettefranco 25
EBALWASYON:
Bakit mahalaga ang
pagrerebyu ng pelikula?
Bilang kabataan, bakit
mahalagang maging maingat
ka sa pagpili ng iyong
panonoorin?
1/29/2020 @reinaantonettefranco 26
TAKDANG ARALIN:

■Itala ang iba’t ibang kuha/


anggulo ng kamera. Isulat
ito sa kwaderno.

1/29/2020 @reinaantonettefranco 27

You might also like