You are on page 1of 3

PAGSUSURI NG PELIKULA

I. Pamagat ng Pelikula
 Ano ang pamagat ng pelikula?
 Ano ang kahulugan ng pamagat?
II. Direktor:
 Pangalan ng Direktor
III. Tauhan:
 Pangunahing Tauhan
o Pangalan ng Tauhan sa Pelikula (Artistang gumanap)
o Protagonista o Antagonista at patunayan
o Ilarawan ang karakter ng tauhan
 Katuwang na Tauhan
o Pangalan ng Tauhan sa Pelikula (Artistang gumanap)
o Protagonista o Antagonista at patunayan
o Ilarawan ang karakter ng tauhan
IV. Uri o Genre ng Pelikula
 Isulat ang genre ng pelikula.
 Ipaliwanag ang bawat genre at magbigay ng patunay.
V. Tema ng Pelikula
 Ano ang tema ng pelikula?
 Ipaliwanag ang tema.
 Ibigay ang mensaheng nais iparating ng pelikula sa manonood.
VI. Karakterisasyon at Pagganap
 Mahusay ba ang pagganap ng mga artista?
 Saang bahagi ng pelikula nagpakita ang artista ng kahusayan sa pagganap at
kahinaan sa pagganap?
VII. Sinematograpiya
 Mahusay ba ang mga shots na ginamit sa pelikula?
 Paano nagbigay-daan ang mga shots na ginamit sa daloy ng pagsasalaysay ng
pangyayari sa pelikula.
 Ipaliwanag ang mga shots kung ano ang ipinahihiwatig ng mga ito sa kabuuan
ng kuwento ng pelikula?
 Nakatulong ba ang mga shots, ilaw sa pagsasalaysay ng kuwento ng pelikula?
VIII. Paglalapat ng Tunog at Musika
 Malinaw at maayos bang nailapat ang mga tunog sa mga bahagi ng pelikula na
nagbigay daan upang bigyang linaw ang mga pangyayari at maramdaman ng
manonood ang sitwasyon, tagpuan at kalagayan ng pangyayari sa pelikula?
 Maganda at may kaugnayan ba ang paglalapat ng musika sa bahagi ng pelikula?
 Nagbigay daan ba ito sa damdamin upang maipadama sa mga manonood ang
sitwasyon sa pelikula?
 Ang mga boses ba ng mga tauhan sa pelikula ay nakaaapekto sa mga
pangyayari, sitwasyon, kalagayan at estetika ng pelikula?
 Ipaliwanag ang esensya ng paglalapat ng musika, tunog at boses sa mga bahagi
ng pelikula.

Miraflor C. Margallo, LPT


PAGSUSURI NG PELIKULA
IX. Editing
 Mahusay ba ang pagkakatagni-tagni ng mga pangyayari ng pelikula?
 May mga bahagi bang tumalon o di magkakaugnay o di maunawaang
pangyayari dahil sa editing?
X. Production Design
 A. Ang mga props ba na ginamit sa mga eksena ng pelikula ay makatotohanan
at nagpadama sa mga manonood ng totoong kalagayan ng buhay ng mga
tauhan sa pelikula?
 B. Ang kasuotan ng mga artista, maging ang make-up ay mahusay ba na
naipamalas sa mga bahagi ng pelikula upang maipadama ang totoong kalagayan
ng pangyayari ng mga tauhan sa pelikula?
 C. Ang mga tagpuan o lokasyong ginamit sa pelikula ay akmang-akma ba sa
sitwasyong hinihingi sa kuwento ng pelikula?
XI. Direksyon
 Mahusay bang nagampanan ng direktor ang kanyang tungkulin upang
maiparating ang tunay na mensahe ng pelikula batay sa pagkakasulat ng iskrip?
 Matagumpay bang naisakatuparan ng direktor ang paglalapat ng lahat ng
elemento ng pelikula upang maipakita ang kagandahan at kahusayan ng kalidad
ng isang tunay na pelikula?
 Patunayan kung bakit mahusay o hindi ang direktor sa pelikulang pinanood.
XII. Banghay ng Pangyayari
 Maayos ba ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa pelikula?
 Madali bang maintindihan ang daloy ng pangyayari?
 Nakakukuha ba ito ng interes sa mga tao upang subaybayan pa ang kwento o
tradisyunal lamang na pamamaraan?
XIII. Dayalogo
 Anong uri ng dayalogo ang ginamit ng mga artista? Pormal o di pormal?
 Suriing mabuti kung may halong dayuhan, puro o may makabagong salitang
ginamit sa pelikula.
 Pumili ng mga dayalogong nakatatawag-pansin, may mensaheng ‘di lantaran at
nakakabagbag-damdamin.
XIV. Teoryang Pampanitikan
 Ibigay ang mga teoryang pampanitikan na makikita sa pelilkula.
 Ipaliwanag at patunayan kung bakit angkop ito sa nasabing teorya.
XV. Buod
 Ibigay ang buod ng pelikula. Ilahad ang daloy ng mga pangyayari mulsa sa
simula, mga mahahalagang pangyayari, kasukdulan hanggang wakas.
 Bigyan ng masusing pagsusuri ang storyline.
XVI. Bisang Pampanitikan
 Bisang Pangkaisipan
i. pagbabago sa kaisipan dahil sa iyong natutunan mula sa pelikula
ii. Ang tumatak sa iyong kaisipan pagkatapos mong mapanood ang pelikula
 Bisang Pandamdamin
i. Naging epekto o pagbabagong naganap sa iyong damdamin
 Bisang Pangkaasalan

Miraflor C. Margallo, LPT


PAGSUSURI NG PELIKULA
i. Pagbabagong naganap mula sa nakasanayang gawain o gawi ng isang
tao
XVII. Pangkalahatang Reaksyon
XVIII. Rekomendasyon
 Ano ang iyong mairerekomenda sa pagkakabuo ng pelikula, pagganap ng mga
artista, production design at sa iba pang elemento nito na maaaring makabubuti
pa sa pelikula?

Format:
 A4 size
 Margins: left 1.5 inches, right, top & bottom – 1 inch
 Font Size: 12
 Font Style: Times New Roman
 Spacing: 1.5

Miraflor C. Margallo, LPT

You might also like