You are on page 1of 1

SURING-PELIKULA

I. TUNGKOL SA PELIKULA
A. Pamagat ng Pelikula:
(Ibibigay ng mag-aaral ang pamagat ng pelikulang sinuri at pagpapakahulugan sa pamagat. Maaari ng
sagutin ang katanungang bakit?)
B. Direktor:
(Pangalan ng Direktor)
C. Prodyuser:
(Pangalan ng Prodyuser o mga prodyuser)
D. Pangunahin tauhan:
(Pangalan ng karakter – artistang gumanap – paglalarawan)
E. Tema ng Pelikula:
(Ano ang paksang tinatalakay sa pelikula?)
F. Buod ng Pelikula
(Magbigay ng maikling buod ng pelikula.)
II. MGA ASPEKTONG TEKNIKAL
A. Musika
(Nababagay ba ang mga tunog at musikang ginamit sa pelikula? Nakatulong ba ang musika sa pagguhit ng
emosyon at pagpapatingkad ng kagandahan ng kwento?)
B. Sinematografi
(Maganda ba ang kabuuang kulay ng pelikula? Mapusyaw ba o matingkad ang pagkakatempla ng kulay na
kuha ng mga camera? Maganda ba ang visual effects na ginamit? )
C. Pagkasunud-sunod ng mga Pangyayari
(Maayos ba ang pagkakasunud-sunod ng mga eksena? Hindi ba ito nakalilito? Lahat ba ng tagpo ay
malinaw at mahalaga sa pinapaksa?)
D. Pagganap ng mga Arista
(Maganda ba ang pagka-ganap ng mga artista? Makatotohanan ba ang emosyong kanilang pinapapakita?
Paano nakatulong ang kanilang pag-arte sa pag-unawa sa nilalaman?)
E. Tagpuan
(May maganda bang tagpuan ang pelikula? Nakatutulong ba ang tagpuan sa kabuuang palabas? Angkop
ba ang mga tagpuang ginamit sa tema at kwento ng pelikula?)
III. KAHALAGAHANG PANTAO
A. Paglalapat ng Teoryang Realismo
(Makatotohanan ba ang mga pangyayaring pinapapakita sa pelikula? Anu-ano ang mga isyu na tinalakay
sa pelikula na maihahalintulad sa mga isyung nagaganap sa lipunan?)
B. Paglalapat ng Ibang Teoryang pampanitikan
Magbigay ng tatlong eksena o tagpo sa pelikula na gumait ng iba pang teorya maliban sa Realismo.
C. Mga Aral
D. Kabuuang Pananaw
(Paano naiiba ang pelikulang ito sa mga pelikulang napanood mo?Naangkop ba ang pelikula sa atin.
Karapat-dapat bang panoorin ang pelikula? Bakit?)

You might also like