You are on page 1of 3

PAGSUSURI NG PELIKULA

I. Pamagat
Ipaliwanag ang pamagat ng pelikulang sinuri sa pamamagitan
ng pagsagot sa tanong na “Bakit”.

II. Tauhan
a. Pangalan ng Karakter
b. Artistang Gumanap
c. Paglalarawan
Pagkatapos ay suriin ang pagganap ng mga artista sa
karakterisasyon na dala ng pelikula at kung makatotohanan ba ang
pagganap ng mga ito

III. Tagpuan
Ibigay at isa-isahin ang mga lugar na pinangyarihan sa mga kilos
ng pelikula at ibigay ang importanteng pangyayari.

IV. Direktor ng Pelikula


Ibigay ang pangalan ng direktor/mga direktor sa pelikulang
sinuri at ilarawan ito/ang mga ito.

V. Prodyuser ng Pelikula
Ibigay ang pangalan ng prodyuser/mga prodyuser ng
pelikulang sinuri at ilarawan ito/ang mga ito.

VI. Buod ng Pelikula


Magbigay ng maikling buod sa pelikulang sinuri sa
pamamagitan ng dalawa hanggang tatlong daang salita lamang.

VII. Musika
a. Ibigay ang musikang mas lalong nagpatingkad sa emosyon at
mensaheng inihatid ng pelikula.
b. Ibigay rin ang kumanta at lumikha ng awiting inilapat sa pelikula.
Ano ang kinalaman ng awitin sa pelikula?

VIII. Tema at Mensahe ng Pelikula


Ibigay ang paksang tinalakay ng pelikula kung ito ba ay
napapanahon, angkop ba sa mga manonood at kung anong
mensahe ang inihatid ng pelikula.
IX. Sinematograpiya
Isa-isahin at ipaliwanag ang mga visual effects na ginamit at
inilapat sa pelikula, ang pagkakakuha ng mga eksena ng camera at
ang iba’t ibang anggulo sa pagkuha ng larawan.

X. Paglalapat ng mga Teoryang Pampanitikan


Isa-isahin ang mga teoryang pampanitikan na nakalapat sa
pelikula at sa ano-anong mga pangyayari makikita ang paglalapat
nito. (P. S. Magbigay ng limang teorya)

XI. Bisa sa Manonood


1. Bisa sa Kaisipan
2. Bisa sa Damdamin
3. Bisa sa Kilos

XII. Kabuuang Pananaw


Maganda ba at makabuluhan ang pelikula? Ano ang
ipinagkaiba ng pelikulang ito sa pelikulang napanood mo na?
Mairerekomenda mo ba ang pelikula sa iba? Bakit?

XIII. Reaksiyon
Sang-ayon ka ba o hindi? Patunayan ang sagot.

XIV. Refleksiyon
Paano mo ilalapat ang iyong natutunan sa pang-araw-araw na
buhay?

Bumuo ng isang akrostik para sa bawat titik ng salitang PANITIKAN na


nagpapahayag sa kahalagahan ng pag-aaral sa Panitikan ng Pilipinas.

ARALIN C PANANALIKSIK AT PAKITANG TURO

Pagkatapos ng aralin, inaasahang kasanayan:


Nakasusulat ng isang orihenal na pananaliksik patungkol isyung
panlipunan;
Nakabubuo ng proposal na papel bilang aplikasyon sa mga
natutunang istruktura at teknik pamumuna .
Nakadedepensa sa ginawang papel pananaliksik sa mga piling
akda gamit ang piling dulog sa pagsusuri;

You might also like