You are on page 1of 2

PANUNURING PAMPANITIKAN

AngPanunuring Pampanitikanay isang malalim na paghimay sa mga akdang


pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng ibat’t ibang dulog ng kritisismo para sa
mabisang pag-unawa sa mga malikhaing manunulat at katha. Sa pagsusuri, kinakailangan ang
lubos na kaalaman sa kathang sinusuri tulad ng b uong nil alam an ng akd a, par aan ng
pagka kabu o nit o at ang ginam it ng awt or na pamamaraan o istilo.
Kinakailangan ding ang manunuri ay may opinyong bunga ng obhektibong
pananaw laban man o katig sa katha, kaya mahalagang siya ay maging matapat.

BALANGKAS SA PAGSUSURI NG PELIKULA

I.PANIMULA Ano sa iyong hinuha ang mga layunin ng pelikula? Sa panimula,


kinakailangang banggit in ang pam agat at pagpapakil ala sa dir e kt or ng pe likula.
I dagdag sa panimula kung ito ay halaw sa isang nobela at kung saan nakabase ang pelikula.

II.PAMAGAT Mayroon ba itong panghatak o impact? Nakikita ba kaagad at


nauunawaan ng manonood ang mga simbolisno na ginamit sa pamagat? Ano ang
ipinahihiwatig ng pamagat ng pelikula? May mensahe bang ipinahihiwatig ang pamagat? Ang
font na ginamit? Ang kulay na ginamit sa pamagat? Ipaliwanag ang ipinahihiwatig nito.

III.KARAKTERISASYON AT PAGGANAP

A. Pangunahing Tauhan
Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa pelikula? Ilarawan ang karakter ng
pangunahing tauhan. Ano ang karakter ng pangunahing tauhan sa pelikula? Sino a ng
a r t i st an g gum a na p s a m g a k ar a kt e r s a pe l i k u la ? M ah u sa y b a ni y a ng
nagampanan ang karakter sa pelikula? Saang bahagi ng pelikula nagpakita ang artista
ng kahusayan sa pagganap o kahinaan sa pagganap?
B. Katuwang na Tauhan
Sino-sino ang mga katuwang na tauhan sa pelikula? Ilarawan ang karakter ng mga
katuwang na tauhan. Ano-anong mga karakter ng katuwang na tauhan sa pelikula?
Sino-sino ang mga artistang gumanap sa mga karakter sa pelikula? Mahusay ba
niyang nagampanan ang karakter sa pelikula? Saang bahagi ng pe likula
nagpak it a ang ar t ist a ng kahusa ya n sa pagganap o ka hinaa n sa pagganap?

IV.URI NG GENRE NG PELIKULA

• Aksyon– Mga pelikulang nakapokus sa mga bakbakang pisikal. Maaring hango sa tunay na
buhay o pangyayari o kaya naman kathang-isip lamang.

• Animasyon – Ito ay ang pe likulang gumagamit ng mga larawan o pagguhit/


drowing upang magmukhang buhay ang mga bagay na walang buhay.
• Bomba– Mga pelikulang nagpapalabas ng mga hubad na katawan at gawaing sekswal.
• Drama– Mga pelikulang nakapokus sa mga personal na suliranin o tunggalian, nagtutulak
ito sa damdamin at ginawa upang paiyakin ang manonood.
• E p i k o – Pelikula na nagbibigay-diin sa dramang pantao sa mas malawak na
anggulo na karaniwang tumatalakay sa mga kaganapang maalamat, mahiwaga at
makasaysayan.
• Historikal– Mga pelikulang base sa mga tunay na kaganapan sa kasaysayan.
• Katatakutan– Pelikula na humihikayat ng negatibong reaksyong emosyonal mula
sa mga manonood sa pamamagitan ng pag-antig sa takot nito.
• K o m e d y a – Pelikula kung saan ang mga nagsisiganap ay nagsasaad ng
kasiyahan o totoong pagpapatawa sa bawat salitang namumutawi sa kanyang bibig.
• Musikal– Mga komedyang may temang pangromansa. Puno ito ng musika at
kantahan.
• Pantasya– Nagdadala sa manonood sa isang mundong gawa ng imahinasyon, tulad ng
mundo ng mga prinsepe/prinsesa, kwentong bayan o mga istoryang hango sa mga
natutuklasan ng siyensya.
• Romansa– Umiikot ang kwento sa pag-iibigan ng mga tauhan sa pelikula.
• Period– Pelikula kung saan komprehensibong tumatalakay sa tunay na buhay ng isang tao na
may diin sa pinakamakasaysayang kabanata ng kanilang buhay.
• Science Fiction- Pelikula na base sa mga pangyayari na hindi tanggap ng agham gaya ng daigdig
ng mga aliens, mga kakaibang nagagawa ng tao at paglipad sa ibang panahon.

TTEORYA NG PANITIKAN Ipaliliwanag kung anong mga teoryang pampanitikan ang nakapaloob sa
pelikulang napanood.
VI.TEMA O PAKSA NG AKDA
Mayroon bang “puso” ang pelikula? May taglay ba itong kaisipan at diwang titimo sa isip at
damdamin ng mga manonood na kaugnay ng kanilang mga karanasan sa buhay? Ipaliwanag
ang tema ng pelikula. Ibigay ang mensaheng nais iparating ng pelikula sa mga manunood.
VII.SINEMATOGRAPIYA
Mapusyaw ba o matingkad ang kabuuang kulay ng pelikula? Nakatulong ba ang
paggamit ng visual effects sa paglutang ng mga pangyayari sa kwento? Mahusay ba ang
mga shots na ginamit sa pelikula. Paano nagbigay daan ang mga shots na ginamit sa daloy
ng pagsasalaysay ng pangyayari sa pelikula. Ipaliwanag ang mga shots kung anong
ipinahihiwatig ng mga ito sa kabuoan ng kuwento ng pelikula? Nakatulong ba ang mga
shots, ilaw sa pagsasalaysay ng kuwento ng pelikula?
VIII.PAGLALAPAT NG TUNOG AT MUSIKA
Malinaw at maayos bang nailapat ang mga tunog sa mga bahagi ng pelikula na
nagbigay daan upang bigyang linaw ang mga pangyayari at maramdaman ng
m anunood ang sit was yon, t agpua n at kalagay an ng pangy ayar i sa p e likula.

You might also like