You are on page 1of 16

PELIKULA

 Kilala din bilang sine at pinilakang tabing


 Ay isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang
isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan.
 Isang anyo ito ng sining, at tanyag na anyo ng mga libangan at negosyo
 Nililikha ang pelikula sa pamamagitan ng pagrekord ng
“totoong” tao at bagay (kabilang ang inarte na pantasya at mga
peke) sa kamera, at/o sa pamamagitan ng kartun.

JOSE NEPOMUCENO
(AMA NG PELIKULANG PILIPINO)
JOSE JIMENEZ

 Ang nagtayo ng sinehan sa Calle Azcaraga


na ngayon ay Claro M. Recto na tinatawag
na Cinematograpo Rizal
 Ang pelikulang may tunog ay nakarating sa Maynila sa
taong 1910 sa kagamitan ng Chronophone mula sa mga
Briton.

 Isang kumpanya sa Hollywood ang gumawa ng isang


pelikula na may pamagat na “La vida de Rizal” tungkol ito
sa buhay ng pambansang bayani at ditto nagsimula ang
pagpapanganak ng Pelikulang Pilipino.
Sequence Skrip
Ito ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang
kwento. Ipinamalas nito ang tunay na layunin ng isang
kwento.
Ito ay pagkuha sa wastong anggulo upang
maipakita sa manonood ang tunay na
pangyayari sa pamamagitan ng wastong
timpla ng ilaw at lente ng kamera.
Tunog at Musika
Ito ang nagpapalutang ng bawat tagpo at
pagpapasidhi sa ugnayan ng tunog at linya
ng dayalogo. Pinupukaw nito ang interest at
damdamin ng mga manonood.
Gabay sa Pagsusuri
ng Isang Pelikula
Tauhan
Malinaw ba ang karakterisasyon ng mga tauhan. Lumutang
ba ang mga katangian ng tauhan upang makilala ang bida
(protagonista) at ang kontrabida (antagonista)
Istorya o Kwento
May kaibahan ba ang istorya sa mga dating napanood mo na
o ito’y isang gasgas na kwento lamang? Malinaw bang
naihanay ang mga pangyayari sa pelikula upang lubos na
maunawaan ng mga manonood?
Diyalogo
Matino ba o bulgar ang mag salitang ginamit sa kabuuan ng
pelikula. Angkop ba ang lenggwahe sa takbo ng mga
pangyayari?
Titulo o Pamagat
Mayroon ba itong panghatak o impact? Nakikita ba kaagad at
nauunawaan ng manonood ang mga simbolismo na ginamit sa
pamagat?
Sinematograpiya
Mapusyaw ba o matingkad ang kabuuang kulay ng pelikula?
Nakatulong ba ang paggamit ng visual effects sa paglutang
ng mga pangyayari sa kwento?
Tema o Paksa
Mayroon bang “puso” ang pelikula? May taglay ba
itong kaisipan at diwnag titimo sa isip at damdamin ng
mga manonood na kaugnay ng kanilang mga karanasan
sa buhay?

You might also like