You are on page 1of 3

ILOILO CITY COMMUNITY COLLEGE

Modyul 2 – Varayti at Varyasyon ng Wika

Mga Layunin:

 Matatalakay ang mga metalinggwistik na aspeto ng wika;


 Matutukoy ang pagkakaiba ng dayalek at idyolek; at
 Makapagbibigay ng iba’t ibang halimbawa ng gamit ng wika.

Mga Kagamitan: Smartphone, Powerpoint Presentation, Papel, Ballpen

Pagtalakay sa Teksto:

Lahat ng nilalang dito sa mundo ay may kani-kanilang paraan ng pakikipag-interaksyon.


Ang mga tao ay hindi na naiiba sa ganitong kakayahan. Ang kakayahan ng isang tao na gumamit
ng wika sa pakikipagkomunikasyon ang pinakanatatanging kaibahan niya sa lahat ng mga nilala
dito sa mundo.

Ang wika ang pinakapangunahing instrumento upang ang mga tao ay makipagtalastasan.
Ang wika ay sinasalita, ngunit maari rin itong gamitin sa ibang midyum tulad ng pagsulat.

Isang prominenteng katangian ng wika ay ang arbitraryong jaugnayan ng kahulugan at


linguistic sign. Ibig sabihin, ang isang salita ay nagtataglay ng tiyak na katumbas o kahulugan,
ngunit maaari rin naming ang tinutumbasan ay magkaroon din ng ibang katawagan sa ibang
wika.
Halimbawa nito ay ang langgam. Sa katagalugan, ang langgam ay mga insekting gumagapang.
Ngunit kapag isang Bisaya ang iyong kausap, maaaring ang langgam ay ipakahulugan niyang
isang ibon.

Ang wika ay buhat. Ito ay patuloy na nagbabago kasabay ng mga pagbabagong dala ng
panahon. Ang mga pagbabagong nagaganap sa wika ay tinutugunan ang mga pangangailangan sa
kasaysayan at debelopment ng wika ay dahil rin sa impluwensya ng midya, mobilidad ng mga
indibidwal, modernism, at teknolohismo.

Ang ilang varayti ng wila tulad ng dyalekto, idyolek at sosyolek ay matutukoy sa


pamamagitan ng taglay nitong bokabularyo, istrukturang panggramatika at ponolohiya. Sa
sosyolinggwistiks, ang varayti ay isang antas ng debelopment ng isang wika o dyalekto.

Dyalekto – varayti ng wika na tumutukoy sa heograpiya o lokasyon.

Sosyolek – varayti ng wika na tumutukoy sa lipunan o komunidad.

Wikang Istandard – wika na ginagamit sa edukasyon at pampublikong presentasyon.

Rejister - (diatypes) ispesyalisading bokabularyo at panggramatika/ jargon.

Idyolek – isang varayti na tumutukoy sa paraan o istilo ng pagsasalita ng tao. Tinatawag


ding punto o paraan ng pagsasalita ng tao.

Etnolek – wika paraan sa isang pangkat-etniko.


Ang dyalekto, mula sa salitang Griyego na dialektos ay isang varayti ng wika na
nalilikha dahil sa lokasyon o heograpiya.

Ayon sa Etnologo, may 171 na katutubong wika sa Pilipinas. Ang wikang ito ay kabilang
sa Malayo-Polynesian angkan ng Astronesian. Mayroon naming 13 pangunahing rehiyunal na
wika sa Pilipinas. Kabilang dito ang Tagalog, Cebuano, Ilokano, Hiligaynon, Waray-waray,
Kapampangan, Bikolano, Bikol-Albay, Pangasinan, Maranao, Maguindanao, Kinaray-a at
Tausug.

Ayon sa Etnologo, may 171 na katutubong wika sa Pilipinas. Ang wikang ito ay kabilang
sa Malayo-Polynesian angkan ng Astronesian. Mayroon naming 13 pangunahing rehiyunal na
wika sa Pilipinas. Kabilang dito ang Tagalog, Cebuano, Ilokano, Hiligaynon, Waray-waray,
Kapampangan, Bikolano, Bikol-Albay, Pangasinan, Maranao, Maguindanao, Kinaray-a at
Tausug.

Halimbawa:

 Matagal ka roon sa palengke? (Tagalog)


 Nabayag kadta palengken (tattay paylang) ya? (Ilokano)
 Nagdugay ka didto sa tyangge? (Hiligaynon)
 Dugay ka didto sa mercado? (Cebuano)
 Haloy ka duman sa saod? (wikang istandard sa Bikol, Bikol-Naga)
 Huray ka doon sa saod? (Pandan Bikol: Pandan Catanduanes)
 Nauban ika sadto sa sa-ran? (Iriga Bicolano or Rinconade; Iriga City)

Mapapansin rin ang mutual intelligibility ng mga ito ayon sa proksimiti (lapit) ng bawat
lugar. Ang mutual intelligibility ay ang pagkakaugnay ng dalawang wika na kung saan ang ibang
wika ay madaling unawain.

Ayon kay Trevor Pateman, dyalekto ay isang varayti ng wika na maaari rin tumukoy sa
mga wikang ginagamit ng isang particular na pangkat ng mga tao sa lipunan. Ito ay tinatawag na
social dialect. Ang sosyolek ay varayti na tinutukoy ng mga salik panlipunan at hindi ng
lokasyon. Ang ganitong varayti ng wika ay base sa kasarian, gulang, katayuang sosyo-
ekonomiko, relihiyon at iba pang kalagayang panlipunan.

Ang slang, argot at jargon ay mga terminong tumutukoy sa mga varayti ng wikang
panlipunan na may taglay na angking kahulugan. Ito ay kabilang sa mga salitang balbal na hindi
kabilang sa istandard na bokabularyo. May taglay itong sariling kahulugan likha lamang ng
pangkat na gumagamit nito upang hindi mauunawaan ng ibang nakaririnig.

Ang jargon ay varayti ng wikang may taglay na ispesyalisadong kahulugan para sa isang
tiyak na pangkat ng bisnes o propesyon.

Ang isang particular na pattern na ginagamit ng isang indibidwal sa kanyang


pakikipagtalastasan ay tinatawag na idyolek. Ang idyolek ng isang tao ay ang kanyang personal
na wika, ang mga salitang kanilang madalas gamitin at kanyang mga paraan ng pagbigkas at
pagpili ng salita.

Ang idyolek ay taglay na kakayahan ng isang ispeker. Ipinakikita ito sa pattern ng mga
salita, pangungusap at pagbigkas na taglay ng isang ispeker.

You might also like