Pananaliksik

You might also like

You are on page 1of 47

PANANALIKSIK

MGA LAYUNIN:
• Nabibigyan halaga ang pananaliksik bilang pang-akademikong
gawain.;
• Nakikilala ang iiba’t ibang bahagi pananaliksik at gamit nito;
• Nakagagawa ng isang payak na banghay ng pananaliksik.
ANO ANG PANANALIKSIK?
• Sistematikong pag-iimbestiga at pag-aaral upang makapagpaliwanag at
makapaglatag ng katotohanan gamit ang iba’t ibang batis ng kaalaman.
• Ito ay isinasagawa bilang lohikal, at organisadong batayan ng mga karagdagang
kaalaman tungkol sa tao, kultura, at lipunan.
• Ginagamit upang palawakin o palalimin ang kaalaman sa isang larangan lalo na sa
mga institusyong pang-akademiko.
• Paghahanap, pangangalap, pagtatasa o pagtataya, at pagiging kritikal ay mga
kasanayang nalilinang sa pagsasagawa ng pananaliksik.
PANANALIKSIK
• Nagsisimula sa mga tanong sa pananaliksik (research question).
• Sinasaklaw ng mga tanong ang pinakabuod o sentro ng pananaliksik
• Tinutukoy nito ang uri at layunin ng panaliksik at nagsilbi rin itong
patnubay kung anong proseso ang angkop na gamitin.
TUGON SA SULIRANIN
• Tumutukoy ito sa paksa, usapin o pangyayari na nais siyasatin,
kailangang alamin.
• Mga kondisyong dapat baguhin
• Mga hamon na dapat bigyan ng solusyon ng isang mananaliksik
PAGBUO NG TANONG SA PANANALIKSIK
(DUKE WRITING STUDIO)
1. Pumili ng paksang kinawiwilihan at magbasa ng mga kaugnay na pag-
aaral na maisagawa tungkol dito.

2. Isaalang-alang ang iyong mambabasa. Para kanino? Sino ang iyong


target? SINO, ANO, PAANO, SAAN, BAKIT, at KAILAN
KATANGIAN NG MAGANDANG
TANONG SA PANANALIKSIK
1. TIYAK, ESPESIPIKO, AT MALIWANAG ANG PAGGAMIT NG
MGA TERMINO
2. TUMATALAKAY SA MAHALAGA AT MAKABULUHANG ISYU
3. HINDI PA NAISAGAWA NGUNIT POSIBLENG
MAISAKATUPARAN
4. NAGTATAGLAY NG MALINAW NA LAYUNIN AT
KAHALAGAHAN
PAMARAANG PASAKLAW
• Sinusuri ang mga detalye at obserbasyon upang matukoy at
mapatunayan ang pangkalahatang kaisipan at prinsipyo.

• Nagsisimula sa maliliit na detalye bago bumuo ng paglalahat.

• Ginagamit upang maghanap ng paliwanag


PAMARAANG PABUOD
• Inilalahad ang pangkalahatang kaisipan na pinatutunayan sa pamamagitan ng mga
detalye at obserbasyon.

• Isang umiiral na teorya o kaalaman ay sususugan ng mga detalye upang


mapatunayan ang katotohanan at bisa nito.

• Ginagamit upang patunayan ang paliwanag


KAHALAGAHAN NG
PANANALIKSIK
• “Necessity is the mother of invention”
• Pangangailangan, napipilitan ang tao na gumawa ng paraan upang
maisakatuparan, makamit, o masolusyonan ang nasabing
pangangailangan.
• Ang likas na mausisa at palatanong ng tao ang nagbubunsod upang
lumikha o humanap ng sagot.
ANO-ANO ANG GAMIT NG
PANANALIKSIK?
1. Upang tumuklas ng mga bagong kaalaman at impormasyon na
magiging kapaki-pakinabang sa mga tao.
2. Upang bigyan ng bagong interprestasyon ang lumang impormasyon.
Maaaring sa paglipas ng panahon ay magkaroon ng panibagong
imbensyon na may kaugnayan sa dating pananaliksik.
3. Nagagamit ang pananaliksik upang linawin ang isang pinagyayalunang
isyu.
4. Nagsasagawa ng karagdagang pananaliksik upang mapatunayan ang
bias at katotohanan ng isang datos o ideya.
BILANG GAWAING PANG-
AKADEMYA
1. Nakabatay sa mga datos mula sa mga obserbasyon at mga aktwal na karanasan
2. Sistematiko
3. Kontrolado
4. Gumamit ng matalinong kuro-kuro (hypothesis)
5. Masusing nagsusui at gumagamit ng angkop na proseso
6. Makatwiran at walang kinikilingan
7. Gumagamit ng mga dulog estatistika
8. Orihinal
9. Maingat na gumagamit ng mga pamaraa sa pangangalap ng mapagtitiwalaang datos
10. Hindi minadali
IBA’T IBANG DIMENSION NG
PANANALIKSIK
1. Pananaliksik na naglalayong tumuklas ng bagong kaalaman at magpatunay ng mga
umiiral na kaalaman
a. Pananaliksik na naglalayong tumuklas ng makabagong kaalaman ay
nagsasagawa ng imbensyon at pagsusuri tungkol sa mga bagay o ideya na hindi
pa ganap na nauunawaan o hindi pa saklaw ng kaalaman.

b. Pananaliksik na naglalayong magpatunay ng mga umiiral na teorya ay batay


sa mga nakuhang datos.
IBA’T IBANG DIMENSION NG
PANANALIKSIK
1. Pananaliksik na nagtataya o nagsusuma ng mga datos at pananaliksik na nag-uuri
ng mga datos
a. Pananaliksik na nagtataya o nagsusuma ng mga datos ay gumagamit ng
numero o estatistika upang masukat ang mga elemento.

b. Pananaliksik na nag-uuri ay nakabatay sa direktang obserbasyon o bunga ng


mga panayam mula sa iba’t ibang batos. Naglalarawan ng mga katangian ng
paksang sinasaliksik.
ETIKANG ISINASAALANG-ALANG
SA PANANALIKSIK
a. Paggamit ng teksto ng ibang manunulat o mananaliksik (plagiarism).

b. Pagreresiklo ng mga materyal (recycling)

c. Agarang pagbibigay ng konklusyon nang walang sapat na batayan.


MGA HAKBANG AT KASANAYAN
SA PAGSULAT NG PANANALIKSIK
MGA LAYUNIN
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagbubuo ng isang pananaliksik;


2. Natutukoy ang iba’t ibang bahagi ng pananaliksik; at
3. Natutukoy ang mga paraan at prinsipyo sa pagsulat ngisang pananaliksik.
PUMILI NG PAKSA

Paksang kinagigiliwan at nangangailangan ng malalim na


pagsusuri. Ang iyong pagtingin sa napiling paksa ang siyang
magbibigay ng direksyon sa paggawa ng pananaliksik. Gawing
espisipiko ang paksa.
KUMALAP NG MGA
IMPORMASYON
Kumuha ng ideya at impormasyon mula sa internet. Gamitin ang iba’t
ibang search engine sa pagsisiyasat tungkol sa iyong paksa. Bumisita sa
iba’t ibang website upang makahanap ng iba pang sanggunian. Siguruhin
lamang na mapagkakatiwalaan ang paghahanguan ng impormasyon.
Humanap ng mga sanggunian sa silid-aklatan gamit ang OPAC o card
catalog.
BUMUO NG TESIS NG PAHAYAG
• Kadalasang isang pangungusap na nagsasaad ng argumento ng sulatin at karaniwang
makikita sa panimulang bahagi.
• Tumatalakay sa mga ebidinsyang nagpapatibay o sumusuporta sa tesis na pahayag.
• Nagsisilbing gabay sa mambabasa kung ano ang dapat asahan at isang paalala sa
manunulat sa magiging direksiyon ng kaniyang isusulat.
GUMAWA NG ISANG TENTATIBONG
BALANGKAS
• Ang layunin sa pagbuo ng isang balangkas ay makagawa ng isang
lohikal at kongkretong pagkasunod-sunod ng mga ideyang kailangang
isali sa bubuuing sulatin.
• Mahalagang malinaw na maipakita sa balangkas ang introduksyon o
panimula, katawan, at kongklusyon.
PAGSASAAYOS NG MGA TALA
• Organisahin ang lahat ng mga tala at impormasyong nakalap ayon sa pagkasunod-
sunod ng inihandang balangkas.
• Suriing mabuti ang mga datos na nasaliksik kung wasto, tiyak, at napapanahon.
• Sinusuri, binubuo, inaayos, at pinagsasama-sama ang lahat ng impormasyong
mahalaga sa saliksik.
ISULAT ANG UNANG BURADOR
• Magiging madali ang pagsunod sa magiging daloy ng nilalaman

• Gumamit ng paghahawig, buod, o sipi sa pagsulat ng bawat ideya at impormasyong


gagamitin mula sa mga tala.
REBISAHIN ANG BALANGKAS AT
ANG BURADOR
• Basahin itong muli at iwasto ang mga naisulat kung maayos ang
pagkakasunod-sunod ng mga paksa, ang transisyon ng mga ideya, ang
talakay sa bawat konsepto, at kung wasto ang balarila o gamit ng wika.
PAGSULAT NG PINAL NA PAPEL
• Ganap nang ginamit ng mananaliksik ang mga batayang kaalaman sa pagsulat ng
pananaliksik.
• Simpleng pagwawasto ng nilalaman dahil inaasahang Pulido na ito matapos ang rebisyon.
• Inaayos ang porma ng saliksik.
• Paglalagay ng pahina, pamagat, mga espasyo at pagitan ng mga linya
• Pagwawasto ng mga ginamit na sanggunian , at pagtingin kung kompleto ang bibliograpiya.
PAGPILI AT PAGLILIMITA NG
PAKSA
Mga Layunin:
1. Nakapaghuhulo ng isang makabuluhang paksa;
2. Naisasaalng-alang ang mga salik sa pagpili ng paksa; at
3. Nagagamit ang mga gabay sa paglilimita ng paksa.
Mga Dapat isaalang-alang sa Pagpili ng Paksa:
1. Interes at kakayahan
2. Pagkakaroon ng materyal na magagamit na sanggunian
3. Kabuluhan ng paksa
4. Limitasyon ng panahon
5. Kakayahang pinansiyal

Iwasan ang mga paksang may kaugnayan sa sumusunod:


6. Pinatatalunang paksa gaya ng relihiyon, moralidad, maselang pagtalakay
7. Kasalukuyang kaganapan o isyu ( walang gaanong material bilang sanligan)
8. Paksang “gasgas” o gamit na gamit sa pananaliksik
PAANO BUMUO NG PAKSA SA
PANANALIKSIK?
1. Ano-anong paksang maaaring pag-usapan?
2. Ano-ano ang kawili-wili at mahalagang aspekto ng paksa?
3. Ano ang aking pananaw hinggil sa paksa?
4. Ano-anong suliranin tungkol sa sarili, komunidad, bansa, at daigdig ang ipinapakita o
kaugnay sa paksa?
5. Bakit kailangang saliksikin at palalimin ang pagtalakay sa ganitong mga suliranin?
6. Sino-sino ang kasangkot?
7. Anong panahon ang sinasaklaw ng paksa?
8. Paano ko ipapahaya ang paksa sa mas malinaw at tuyak na paraan?
9. Paano ko pag-uugnayin at pagsusunod-sunuorin ang mga ideyang ito?
PAGLILIMITA NG PAKSA
MGA ELEMENTONG MAKAPAGLILIMITA NG PAKSA:
1. PANAHON
2. URI O KATEGORYA
3. EDAD
4. KASARIAN
5. LUGAR O ESPASYON
6. PANGKAT O SEKTOR NA KINASASANGKUTAN
7. PERSPEKTIBA O PANANAW
PAGBUO NG KONSEPTONG PAPEL
MGA LAYUNIN:
1. Natutukoy ang mga bahagi ng konseptong papel
2. Nailalapat ang iba’t ibang mahahalagang bahagi ng konseptong papel sa paksang nais
sulatin;
3. Nakabubuo ng isang makabuluhang konseptong papel; at
4. Naidedepensa ang oseptong papel sa klase.
• Isang plano na nagpapakita kung ano at saang direksyon patungo ang paksang nais
pagtuunan.
• Mahalagang ilahad kung paano isasakatuparan ang napiling paksa bago ang
pagsasagawa ng mismong pananaliksik.
• Nagsisilbi itong gabay upang maipakita ang potensiyal ng gagawing pag-aaral.
BAHAGI NG KONSEPTONG PAPEL

1. Pahinang Nagpapakita ng Paksa


2. Kahalagahan ng Gagawing Pananaliksik (Rationale)
3. Layunin
4. Metodolohiya
5. Inaasahang Bunga
6. Sanggunian
PAGBUO NG TESIS NA PAHAYAG AT
PANGANGALAP NG DATOS
MGA LAYUNIN:

1. Nakabubuo ng wastng tesis na pahayag;


2. Nakapagmamapa ng konsepto gamit ang binuong tesis na pahayag;
3. Natutukoy ang iba’t ibang paraan ng pangangalap ng datos at nakapipili ng angkop na
pamamaraan para sa gagawing pananaliksik;
4. Nagagamit ang mga kasanayan sa paggamit ng silid-aklatan sa pangangalap ng datos; at
5. Nakakakalap ng mahahalagang material na magagamit sa pananaliksik.
PAGBUO NG TESIS NA PAHAYAG AT
PANGANGALAP NG DATOS
• Ang nagbubuod sa kabuuang nilalaman ng isang sulatin at nagbibigay
ng iedya sa mambabasa tungkol sa lawak ng pagtatalakay sa paksa.
• Inilalahad ang posisyong ng mananaliksik tungkol sa isang paksa I
direksiyong patutunguhan ng kaniyang pagsulat.
• Isinasaad ang pananaw ng may-akda.
• Nililinang at ipinaliliwanag sa kabuuan ng teksto sa pamamagitan ng
pagbibigay-diin sa mga halimbawa at ebidensya.
PAGGAWA NG TESIS NA PAHAYAG

• Tukuyin ang paksa


• Bumuo ng pangunahing argumento na binubuo ng pananaw at
sinusuportahan ng mga patunay
• Bumuo ng pansamantalang tesis na pahayag
• Rebisahin ito sa proseso ng pangangalap ng datos.
MAPA NG KONSEPTO
• Isang graphic organizer na nagpapakita ng ugnayan ng mga konseto o ideya sa
pamamagitan ng mga susing salita na nasa loob ng mga hugis.

• Masuri at maorganisa ang mga ideya


• Makita ang kabuuang saklaw ng impormasyon, at
• Makikita ang magiging kayarian at balangkas ng mga pinag-ugnay-ugnay na ideya at
impormasyon.
NAGBABAGONG ELEMENT
(VARIABLE)
• Elemento ng pananaliksik na nagtataglay ng sukat at iba-ibang
katangiang nagbago at makaaapekto sa bunga ng pananaliksik.

• Maaaring bunga ito ng kung anumang puwersa o ito mismo ang


puwersang nagdudulot ng pagbabago sa isang pangyayari na
naoobserbahan,
DALAWANG URI NG NAGBABAGONG
ELEMENT NG PANANALIKSIK
1. Nakapag-iisa (independent variable) – elementong kinokontrol upang
makita kung paano ito makaaapektp sa iba pang element ng saliksik.
Tinutukoy rin bilang sanhi o dahilan.

2. Di-Nakapag-iisa (Dependent Variable) – elementong tumatanggap ng


pagbabago bilang bunga ng pagkontrol sa elementong nakapag-iisa.
Tinutukoy itong bunga.
PANGANGALAP NG MGA DATOS
A. Silid-aklatan
1. Katalogo ng mga Awtor
2. Katalogo ng Pamagat
3. Katalogo ng mga Paksa
4. OPAC ( Online Public Access Catalog)
B. Internet
C. Panayam
1. Impormal na panayam
2. Panayam na may gabay
3. Bukas o malayang panayam
4. Panayam batay sa mga inihandang tanongo sagot na pagpipilian
D. Obserbasyon
1. Natural na Obserbasyon
2. Personal at Obhetibong Obserbasyon
3. Direktang Partisipasyon
4. May estruktura at Walang Obserbasyon
E. Sarbey at Talatanungan
1. Malayang Tugon
2. May pagpipiliang Tugon

MGA URI NG TALATANUNGANG MAY PAGPIPILIANG TUGON


3. Mga Tanong na maaari lamang sagutin ng OO o HINDI (Dichotomous Questions)
4. Mga Tanong na nakalagay ang mga pagpipilian (Multiple Choice)
• Rating Scale
• Pagrarango (Ranking Scale)
• Sang-ayon o Di-Sang-ayon (Agreement scale)
PAGTATALA NG NOTECARD
• Ay paraan ng maayos na paghahayag ng mga ideyang nakuha mula sa ibang sanggunian.
• Maaari itong sa pamamagitam ng pagsisipi, pagbubuod, paghahawig, at pagsasalin.

• Kailangan lamang na maging maingat at mapanuri sa mga abagy na ilalakip sa sariling


saliksik.
MGA URI NG TALA
DIREKTANG SIPI

Paggamit ng orihinal na teksto. Kinukuha ang mismong pananalita ng orihinal na teksto mula
sa sanggunian.
Maaaring nakapahilig ang titik nito (italicized) o ginagamitan ng panipi (“/”).
Maaaring direktang sipiin ang buong pahayag o maaari ding bahagi lamang.
Gumagamit din ng tatlong tuldok (… o ellipsis) sa dulo o unahan nh pahayag bilang pananda
na may mga bahagi mula sa orhinal na hindi isinama sa sipi.
BUOD
Nilalagom ang mahahalagang punto o teksto at ilanh suportang detalye. Isinusulat ito
gamit ang sariling pananalita.
Maaaring gamitin bilang paraan ng pagtatala kung ang layunin ay magbigay ng
pangkalahatang ideya tungkol sa isang paksa, konsepto, teorya, at iba pa.
PRECIS
Personal na interpratasyon ng isang akda o ekspresyon ng saloobin. Ito
ang eksaktong replica sa mas malaking pahayag na kadalasan ay 1/5
lamang ang haba kung ihahambing sa orihinal na teksto. Ibinubuod ng
precis ang nilalaman ng orihinal na sulatin.
HAWIG (PARAPHRASE)
Muling paglalahad ng ideya ng iba sa sariling pananalita upang mas medaling mauunawaan.
Nagkakaroon ng pagbabago sa :
1. Estruktura ng salita ay pangungusap
2. Mga salitang ginamit

Kailangang hindi ito lumihis sa orihinal na teksto o mapanatili ang eksaktong ipinahahayag nito.
ABSTRAK
Matatagpuan sa mga unang pahina ng tesis at disertasyon ang mga
asbtrak. Naglalaman ito ng kabuuan tulad ng mga layunin ng pag-aaral,
teoryang ginamit, metodolohiya, resulta ng pag-aaral, konklusyon, at
rekomendasyon.
PAGSASALING -WIKA
Isang napakahalagang kasanayan lalo na sa akademya. Itinataas nito ang
antas para sa intelektuwalisasyon ng wika sa disiplinang
pinagkakadalubhasaan. Sentral ang wika lalo na sa pananaliksik na nag-
uuri mula sa kaugnay na pag-aaral, pangangalap, hanggang sa pagsusuri,
at representasyon ng mga datos.

You might also like