You are on page 1of 19

Filipino sa Piling Larangan

(AKADEMIK)
Nina
Dr. Pamela Constantino
Dr. Galileo Zafra
Aralin 15

Pagbuo ng Panukalang Saliksik


Layunin
• Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng
mga mag-aaral ang sumusunod:
1. Matukoy ang mga bahagi ng isang panukalang saliksik;
2. Maipaliwanag ang kahalagahan ng isang panukalang
saliksik;
3. Masuri ang isang halimbawang panukalang saliksik; at
4. Makabuo ng isang panukalang saliksik.
Pagpaplano ng Saliksik sa Isang
Panukalang Saliksik
Ang tagumpay ng anumang proyektong saliksik ay
nakasalalay sa isang pinag-isipan at sistematikong plano.
Ang plano ay dinedetalye sa tinatawag na research
proposal o panukalang saliksik. Gaya ng mahihiwatigan sa
termino, ang planong ito ay isang panukala lamang, na
ang ibig sabihin ay para sa konsiderasyon o pagsasaalang-
alang ng eksperto o nakababatid tungkol sa proyekto.
Maaari pa itong mabago sang-ayon sa mga komentaryo at
mungkahi ng mga eksperto at iba pang magbibigay pansin
o puna rito.
Ang isang panukalang saliksik ay karaniwang
binubuo ng sumusunod na bahagi:

1. Introduksiyon
2. Paglalahad ng Suliranin
3. Rebyu ng Kaugnay na Pag-aaral
4. Layunin
5. Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang isang panukalang saliksik ay karaniwang
binubuo ng sumusunod na bahagi:

6. Teoretikal na Balangkas
7. Metodo
8. Saklaw at Delimitasyon
9. Daloy ng Pag-aaral
Mga Bahagi ng Panukalang Saliksik
Introduksiyon
Tinutukoy na sa bahaging ito ang paksa at
suliranin ng saliksik upang magkaroon agad ng ideya
ang babasa ng panukalang saliksik kung tungkol saan
ang pag-aaral. Mahalagang mapag-iba ang paksa at
suliranin. Ang suliranin ng saliksik ay isang katanungan
hinggil sa isang aspekto ng paksa.
Halimbawa, kung ang paksa ay “wika at agham,”
isang posibleng suliranin ng saliksik ay “Bakit kaunti o
halos walang nagsusulat ng siyentipikong babasahin sa
wikang Filipino?”
LAYUNIN
Isa-isahin ang mga tiyak na layunin ng pag-aaral na
tumutukoy sa mga espesipikong gagawin sa saliksik. Dahil
ang mga layunin ay tumutukoy sa dapat gawin, nakasulat
ang bawat layunin gamit ang mga verb o pandiwa.
Karaniwan, may mga tatlo hanggang limang tiyak na
layunin ang isang may katamtamang habang saliksik (mga
30 hanggang 50 pahina).
Ang bawat layunin ay dapat na espesipiko, maaaring
isakatuparan, at nasusukat. Kapag naisulat na ang saliksik,
karaniwang binabalikan ang mga tiyak na layunin para
matiyak kung natamo ang lahat ng mga layuning ito.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Dito ipinaliliwanag kung bakit mahalagang gawin
ang pag-aaral. Maaaring mahalaga ang pag-aaral dahil
sa maiaambag nito sa isang akademikong disiplina, o
maidaragdag na impormasyon o kabatiran hinggil sa
isang napapanahong isyu, o maibibigay na sagot sa
isang problema ng lipunan.
TEORETIKAL NA BALANGKAS
Para sa marami, isang mabigat na salita ang teorya.
Karaniwan, iniuugnay ito sa mga salitang nagtatapos sa “-
ismo” tulad ng pormalismo, marxismo, peminismo, pos-
estrukturalismo, at iba pa. Pero hindi lang naman ang mga
salitang ito ang maituturing na teorya. Sa halip na salitang
teorya, maaari ring gamitin ang salitang konsepto o ideya.
Sa Teoretikal na Balangkas ipinaliliwanag ang mga
ideyang gagamitin sa pagtingin, pagpapahalaga, o
pagsusuri sa mga datos na natipon sa saliksik. Sa bahaging
ito rin ipinaliliwanag kung paano ilalapat ang mga ideyang
ito sa datos.
TEORETIKAL NA BALANGKAS
Kapag sinabing mga konsepto o ideya, maaaring
nasa anyo ito ng mga salita o pangungusap. Ang mga
konsepto o ideyang ito ay maaaring nabuo ng ibang
mananaliksik, iskolar, o eksperto mula sa kanilang sariling
malawakan o malaliman o tuloy-tuloy na pananaliksik sa
isang larang. Dahil sa kahalagan ng kanilang nabuo o
nadebelop na konsepto o ideya, maaaring gamitin din ng
ibang mananaliksik o iskolar ang mga konsepto o ideyang
ito sa pag-aaral ng ibang paksa o ng ibang aspekto ng
paksang niluwalan ng konsepto o ideyang ito.
METODO

Ang metodo ay tumutukoy sa mga paraan ng


pagsasagawa ng saliksik o sa mga paraan ng pagkuha at
pagtitipon ng mga datos. Ilan sa pinakakaraniwang
paraan ay ang saliksik sa aklatan, panayam, sarbey,
questionnaire, focus group discussion, at obserbasyon.
Sa bahaging ito ng panukalang saliksik, kailangang
ipaliwanag kung ano sa mga paraang ito ang gagamitin
at kung paano ito gagamitin sa pag-aaral.
SAKLAW AT DELIMITASYON
Sa bahaging ito naman tinitiyak ang saklaw ng pag-
aaral. Tumutukoy ito sa maliit na bahagi o aspekto ng paksa
na pagtutuonan sa pag-aaral. Kasama ring tinitiyak ang
delimitasyon. Dapat linawin na ang delimistayon ay iba sa
limitasyon ng pag-aaral. Ang limitasyon ay hindi kontrolado
ng mananaliksik.
Halimbawa, walang informant, kulang sa pondo, o
limitado ang panahon ng saliksik. Hindi na kailangan pang
banggitin ang mga ito sa panukalang saliksik. Sa kabilang
banda, ang delimitasyon ay sadyang itinatakda ng
mananaliksik. Kung minsan, ang delimitasyon ng pag-aaral ay
nakabatay sa limitasyon.
DALOY NG PAG-AARAL

Ang Daloy ng Pag-aaral ay ang balangkas


ng pag-aaral. Ito ang pagkakasunod-sunod ng
mga bahagi kapag isinulat na ang pag-aaral.
Pagtataya
• Bumuo ng pangkat na may tig-sisiya na
myembro. Pagkasunduan sa pangkat ang isnag
paksa ng saliksik na may kaugnayan sa inyong
kurso. Pagkatapos, koletibong buuin ang isang
panukalang saliksik. Titiyakin na alam at
nauunawaan ng bawat myembro ang kabuuan
ng pinal na panukalang saliksik.
Gamitin ang sumusunod na gabay sa pagtatasa ng gawa:
Pamantayan Buong Puntos
Paksa 10%
Introduksyon 10%
Paglalahad ng Suliranin 10%
Rebyu ng Kaugnay na Pag-aaral 10%
Layunin 10%
Kahalagahan ng pag-aaral 10%
Teoritikal na Balangkas 10%
Metodo 10%
Saklaw at Delimitasyon 10%
Daloy ng Pag-aaral 10%
KABUUAN 100%
Paliwanag Hinggil sa Aplikasyon sa
Pagsulat Halimbawa Dagdag na Paalala

Tinutukoy ang paksa at Paksa: tanawing Maaaring maikling


suliranin pangwika sa UP Campus banggit lang sa paksa at
Suliranin: Ano-anong suliranin. May hiwalay
wika ang ginagamit sa na bahaging Paglalahad
tanawing pangwika sa ng Suliranin.
UP Campus at ano ang
ideolohiyang pangwika
ng mga gumawa nito?

Ipinaliliwanag ang (mga) Ipinaliwanag kung ano Maaaring maikling


susing konsepto ang tanawing pangwika paliwanag lamang.
Maaaring may mas
mahabang paliwanag sa
bahaging Teoretikal na
Balangkas.
Paliwanag Hinggil Aplikasyon sa
sa Pagsulat Halimbawa Dagdag na Paalala
Inilalahad ang personal Ipinaliwanag na hindi Huwag mag-alangan na
at panlipunang dahilan napag-aaralan ang magbahagi ng personal
sa pagpili ng paksa tanawing pangwika, na dahilan sa pagpili ng
gayundin ang paksa. Gayunman,
kahalagahan ng domain bukod sa personal,
na ito sa pagsusulong ng mahalaga ring
wikang Filipino maipaliwanag ang
panlipunan o
akademikong kabuluhan
ng paksa. Ang
pananaliksik ay hindi
ginagawa para sa
sariling pakinabang
lamang.

You might also like