You are on page 1of 2

Banhay Aralin sa Filipino 9

I. Kasanayang Pampagkatuto: Nabibigyang puna ang kabisaan ng


paggamit ng hayop bilang tauhan na parang nagsasalita at kumikilos.
(F9PB-IIc-46)
Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Naisusulat paglalarawan ng mga hayop na ginamit sa mga pabula;

B. Nabibigyang-halaga ang pagpapakatao.


II. Paksang-Aralin:
Paksa
Panitikan : Ang Hatol ng Kuneho
Pabula - Korea
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Gramatika/ Retorika : Modal: Gamit bilang Malapandiwa, bilang
Panuring,
Mga Uri nito:
nagsasaad ng pagnanasa, paghahangad at
pagkagusto, sapilitang pagpapatupad,
hinihinging mangyari, at nagsasaad ng
posibilidad)

Uri ng Teksto : Nagsasalaysay

Sangguniang Aklat : Panitikang Asyano 9, pp. 108-113


Kagamitan : Video clip, LCD projector, laptop, speaker,
Kasanayan : Nalilinang ang kasanayan sa pagsusulat
at paglalarawan gamit ang katangian ng
hayop.
Konsepto : Ang pabula ay isang maikling kuwentong
kathang-isip lamang.Karaniwang isinasalaysay
sa mga kabataan para aliwin gayundin ang
magbigay pangaral.Mga hayop na
kumakatawan o sumasagisag sa mga
katangian at pag-uugali ng tao.

Ang modal ay tinatawag na malapandiwa.


Ginagamit ito na pantulong sa pandiwang nasa
panaganong pawatas. Ang mga ito ay
ginagamit bilang panuring na may kahulugang
tulad ng pandiwa. Ang mga modal ay mga
pandiwang hindi nagbabago, limitado kapag
binanghay o walang aspekto.
III. Yugto ng Pagkatuto
A. Panimulang Gawain:
Pagdarasal, Pagbati, Pagtatala ng liban, pagpapanatili ng kalinisan,
Malayang Pagsasalita
B. Pagbabalik-aral
1. Ano ang paksa ng pabulang tinalakay kahapon?
2. Paano nagkakaiba ang katangian ng mga hayop na ginamit sa pabula
ng Korea at ng Pilipinas?
C. Pagganyak
1. Pagpapakita o pagpapanood ng isang pelikulang ang tauhan ay mga
hayop (Gamitin ang palabas na “RIO” o “Madagascar”)

2. Batay sa napanood, ibigay o ilarawan ang mga hayop at katangian nito na inyong
hinangaan.
D. Gawain
G- Makapagsusulat at makapagsusuri ng mahusay na pabula.
R- Pagganap ng mga mag-aaral bilang isang emplayado ng Human Resource
Department
A- Guro at iba pang mag-aaral
S- Isa ka sa naimbitahan sa isang children’s party. Naatasan kang mag
bahagi ng pabula para sa mga bata. Pumili ng isang hayop at magsagawa ng
nakagigiliw na kwento na sumisimbolo sa mga katangian ng mga tao.
P- Pangkatang pagsulat ng pabula
S- a. Orihinalidad.......................................................25 %
b. Pagiging malikhain .......................................... 25 %
c. Pagkakabuo ng kuwento.................................. 25 %
d. Malinaw na pagkakalahad ng mensahe ...........25%
Kabuuan ...................................................... 100 %

Takdang-aralin:
1. Basahin ang sanaysay ng Taiwan na “Ang Kababaihan ng Taiwan” na
salin ni Shiela C. Molina sa pahina 116-127.
2. Magsaliksik sa pagkakaiba at pagkakatulad ng kababaihan ng Taiwan at
Pilipinas.

You might also like