You are on page 1of 19

Mga Akdang Pampanitikan sa Kanlurang

asya
o Panitikan : Elehiya sa Kamatayan ni Kuya – isinulat sa Bhuta at Isinalin
sa Filipino ni Pat V. Villafuerte

o Gramatika/Retorika : Pagpapasidhi ng Damdamin – Paggamit ng mga


Salitang Sinonimo

o Uri Ng Teksto : Naglalarawan


>Ang tekstong “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya” ay
isinulat sa bansang Bhutan.
>Ang bansang Bhutan ay kilala dahil sa lugar na
kinanalagyan nito, ito ay matatagpuan sa bundok
ng Himalaya, sa pagitan ng India at China sa Timog
Asya.
>Druk Yul ang lokal na pangalan ng bansa na
kalaunan ay tinawag ring Druk Tsendhen na ang
ibig sabihi ay “land of thunder Dragons”
o Ang elehiya ay isang tulang liriko na naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guni-
guni na nagpapakita ng masidhing damdamin patungkol sa alaala ng isang mahal sa
buhay .

o May katangian ang elehiya. Ito’y tula ng pananangis, pag-alaala at pagpaparangal


sa mahal sa buhay na ang himig ay matimpi at mapagmuni-muni at di- masintahin.
Ang elehiya ay isang tulang liriko na naglalarawan ng
pagbubulay-bulay o guni-guni na nagpapakita ng
masidhing damdamin patungkol sa alaala ng isang
mahal sa buhay .
May katangian ang elehiya. Ito’y tula ng pananangis,
pag-alaala at pagpaparangal sa mahal sa buhay na ang
himig ay matimpi at mapagmuni-muni at di- masintahin.
Hindi napapanahon!
Sa edad na dalawpu’t isa, isinugo ang buhay
Ang kanyang malungkot na paglalakbay na hindi na matanaw
Una sa dami ng aking kilala taglay ang di- mabigkas na pangarap
Di maipakitang pagmamahal
At kahit pagkaraan ng maraming pagsubok
Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga
Maniwala’t dili panghihina at pagbagsak!
Ano ang naiwan!
Mga naikuwadrong larawang guhit, poster at larawan,
Aklat, talaarawan at iba pa.
Wala nang dapat ipagbunyi
Ang masaklap na pangyayari, nagwakas na
Sa pamamagitan ng luha naglandas ang hangganan, gaya ng paggunita
Ang maamong mukha, ang matamis na tinig, ang halakhak
At ang ligayang di- malilimutan.
Walang katapusang pagdarasal
Kasama ng lungkot, luha at pighati
Bilang paggalang sa kanyang kinahinatnan
Mula sa maraming taon ng paghihirap
Sa pag-aaral at paghahanap ng magpapaaral
Mga mata’y nawalan ng luha, ang lakas ay nawala
O’ ano ang naganap,
Ang buhay ay saglit na nawala
Pema, ang immortal na pangalan
Mula sa nilisang tahanan
Walang imahe, walang anino at walang katawan
Ang lahat ay nagluksa, ang burol ay bumaba, ang bukid ay nadaanan ng unos
Malungkot na lumisan ang tag-araw
Kasama ang pagmamahal na inialay
Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita
Ang masayang panahon ng pangarap.
Paggamit ng mga Salitang Sinonimo
> Pangamba, kaba, takot
> Poot, Galit, Inis, Asar
> Pag-irog, Pagmamahal, Pagliyag, Paghanga
Ang pagpapasidhi ng damdamin ay isang uri ng
pagpapahayag ng saloobin o emosyon sa paraang papataas
ang antas nito. Nagagamit ito sa pamamagitan ng pag-iiba-
iba ng mga salitang may ugnayang sinonimo.
oPangamba, kaba, takot
> (1)Kaba (2)Pangamba (3)Takot

oPoot, Galit, Inis, Asar


> (1)Asar (2)Inis (3)Galit (4)Poot

oPag-irog, Pagmamahal, Pagliyag, Paghanga


> (1)Paghanga (2)Pagliyag (3)Pagmamahal (4)Pag-irog
a) __Paninibugho __Pagkasuklam __Pagkagalit
Sagot: (1) Paninibugho (2) Pagkagalit (3) Pagkasuklam

b) __Nasisiyahan __Natutuwa __Masaya


Sagot: (1) Nasisiyahan (2) Natutuwa (3) Masaya

c) __Suklam __Yamot __Inis


Sagot: (1)Inis (2)Yamot (3)Suklam
d) __Ganid __Gahaman __Sakim __Damot
Sagot: (1) Damot (2) Sakim (3) Gahaman (4) Ganid

e) __Sigaw __Bulong __Dagungdong


Sagot: (1) Bulong (2) Sigaw (3) Dagungdong

You might also like