You are on page 1of 8

Linggo 6 Alamat

Pangalan: _____________________________________ Pangkat: _______________________

KOMPETENSI:
1. Nabibigyang-kahulugan ang kilos, gawi at karakter ng mga tauhan batay
sa usapang napakinggan (F9PN-IIIf-53)
2. Napatunayan ang pagiging makatotohanan/ di makatotohanan ng akda
(F9PB-IIIf-53)
3. Nagagamit ang mga pang-abay na pamanahon, panlunan at pamaraan
sa pagbuo ng alamat (F9WG-IIIf-55)

PAG-ARALAN:
Alamat ni Prinsesa Manorah
(Isinalin sa Filipino ni Dr. Romulo N. Peralta)

Isang alamat na pasalin-salin sa iba’t ibang panahon at henerasyon mula


noong panahon ng Ayutthaya at nagbigay-inspirasyon kay Haring Rama V ng
Thailand.

Si Kinnaree Manorah ay isang prinsesa ng alamat ng Thai at ang pinakabata


sa pitong anak na kinnaree ng Haring Prathum at Reynang Jantakinnaree. Siya ay
nakatira sa maalamat na kaharian ng Bundok Grairat. Ang pitong kinnaree ay
kalahating babae at kalahating sisne. Sila’y nakalilipad at nagagawang itago ang
kani-kanilang pakpak kung kanilang nanaisin.

Sa loob ng kahariang Krairat (Grairat), nakatago ang kagubatan ng


Himmapan kung saan din namamahay ang mga nakatatakot na nilalang na hindi
kilala sa daigdig ng mga tao. Sa loob ng kagubatan, nakakubli ang maganda at
kaaya-ayang lawa kung saan ang pitong kinnaree ay masayang dumadalaw lalo na
sa araw ng Panarasi (kalakihan ng buwan). Sa di-kalayuan ng lawa, nakatira ang
isang ermitanyo na nagsasagawa ng kaniyang meditasyon.

Isang araw, napadako ang isang binata habang naglalakbay sa kagubatan


ng Himmapan. Siya ay si Prahnbun. Nakita niya ang pitong kinnaree na masayang
nagtatampisaw sa ilog. Namangha siya sa nakabibighaning kagandahan ni
Prinsesa Manorah. Naisip niya na kung mahuhuli niya ang prinsesa, dadalhin niya
ito kay Prinsipe Suton, ang anak ng Haring Artityawong at Reyna Jantaivee ng
Udon Panjah. Tiyak na matutuwa ang prinsipe at tuluyang mapapaibig ito sa
prinsesa. Ngunit naitanong niya sa sarili kung paano niya ito mahuhuli.

Alam ni Prahnbun na may ermitanyong nakatira sa malapit ng kagubatan.


Pinuntahan niya ito upang magpatulong sa kaniyang balak. Sinabi sa kaniya ng
ermitanyo na napakahirap ang manghuli ng kinnaree dahil agad-agad itong
lumilipad kapag tinatakot. Ngunit naisip ng ermitanyo na may isang dragon na

Author: Estrellita R. Mangubat


School/Station: Don Ruben E. Ecleo Sr. Memorial National High School
Division: Dinagat Islands
Email Address: estrellita.mangubat900@gmail.com
nakatira sa pinakasulok-sulukan ng kagubatan na maaaring makatulong sa
kanila. Nagpasalamat ang binata sa ermitanyo at nagmamadaling lumisan upang
hanapinang dragon.

Hindi natuwa ang dragon nang marinig ang balak ni Prahnbun, ngunit
napapayag din itong bigyan niya si Prahnbun ng makapangyarihang lubid na
siyang panghuhuli niya kay Prinsesa Manorah. Nagpasalamat ang binata at
patakbong umalis na dala-dala ang makapangyarihang lubid at patagong tinungo
ang ilog kung saan naglalaro ang mga kinnaree.

Habang abala sa paglalaro ang mga kinnaree, inihagis ni Prahnbun ang


lubid at matagumpay na nahuli si Prinsesa Manorah. Ganun na lamang ang
pagkaawa ng ibang mga kapatid ng prinsesa. Ngunit sila’y walang nagawa kundi
agad-agad na lumipad dahil sa takot na sila rin ay paghuhulihin.

Itinali nang mahigpit ni Prahnbun ang pakpak ni Prinsesa Manorah upang


hindi makawala at tuluyang madala pabalik sa Udon Panjah at maibigay kay
Prinsipe Suton na noo’y naglalakbay rin sakay sa kabayo papunta sa kagubatan.
Nakasalubong niya si Prahnbun dala-dala si Prinsesa Manorah. Agad-agad na
naakit sa kagandahan ni Prinsesa Manorah ang prinsipe.

Nang isalaysay ni Prahnbun kay Prinsipe Suton ang dahilan kung bakit niya
hinuli at dinala ang prinsesa sa harap niya, nagpasalamat ang prinsipe at
binayaran siya nito ng napakalaking halaga.

Nagbalik ang prinsipe sa kaniyang palasyo dala-dala si Prinsesa Manorah


kung saan umusbong ang isang tunay na pag-ibig sa isa’t isa. Nang sabihin ng
prinsipe sa kaniyang inang reyna at amang hari ang buong pangyayari, masayang-
masaya sila at agad-agad nagbalak na magsagawa ng kasal para kina Prinsipe
Suton at Prisesa Manorah.

Bumalik sila sa palasyo ng Udon Panjah kung saan isinagawa ang kasal at
tuluyang namuhay nang masaya’t matiwasay habambuhay.

Alamat o legend at folklore sa wikang Ingles - ito ay tumatalakay sa pinagmulan


ng isang bagay, lugar, pangyayari o katawagan, katutubong kultura, kaugalian o
kapaligiran na maaaring kathang-isip lamang o may bahid na katotohanan.

Gramatika/Retorika
Pang-abay na Pamanahon – ay nagsasaad kung kailan ginanap, gainaganap o
gaganapin ang pangyayari o kilos. Maaaring may
pananda, walang pananda at nagsasaad ng dalas.

Uri ng Pang-abay na Pamanahon


1. May Pananda (nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa,
hanggang)
Author: Estrellita R. Mangubat
School/Station: Don Ruben E. Ecleo Sr. Memorial National High School
Division: Dinagat Islands
Email Address: estrellita.mangubat900@gmail.com
Halimbawa:
Kung ngayon na aalis ang mga manlalaro, tiyak aabutan na siya ng dilim sa
daan.

2. Walang Pananda (kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas)


Halimbawa:
Mamaya na lamang kukunin ni Ardiane ang pasalubong na dala ko.

3. Nagsasaad ng Dalas (araw-araw, tuwing, taon-taon, buwan-buwan)


Halimbawa:
Pumupunta taon-taon sina Lucrecia at Apolonio sa San Jose, Dinagat
Islands

PAUNANG PAGTATAYA

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang salita na angkop ipupuno sa patlang ng


bawat pangungusap.

1. Ang ____ ay isang pagsasalaysay sa pinagmulan ng mga bagay sa mundo.


A. alamat B. dula C. pabula D. tula
2. Isang makapangyarihang _____ ang ginamit na panghuli sa kinnaree.
A. abaka B. karayom C. lubid D. sinulid
3. Ang _______ ay kalahating babae at kalahating sisne.
A. balang B. kabayo C. kinnaree D. tikbalang
4. _________ ay nagsasaad kung kailan ginanap, ginaganap o gaganapin ang
kilos.
A. pananda C. pang-abay na pamanahon
B. pang-abay D. pangatnig
5. _________ araw na iyon ay naglakbay si Prinsipe Suton papunta sa
kagubatan.
A. kapag B. kung C. mula D. noon
6. __________ araw ng Panarasi, masayang dumadalaw sa kaaya-ayang lawa
ang mga kinnaree.
A. kapag B. kung C. pang-uri D. umpisa
7. __________ noon ay namuhay nang masaya’t matiwasay sina Prinsipe Suton
at Prinsesa Manorah.
A. hanggang B. kung C. mula D. niya
8. Makikipagkita _________ ng umaga si Prahnbun kay Prinsipe Suton.
A. bukas B. kanina C. ngayon D. pananda
9. ___________ umaga, ang magkakapatid na kinnaree ay masayang tinatanaw ang
nagtatayugang mga puno.
A. kay B. mo C. sa D. tuwing
10. __________ darating ang mga kinnaree sa kagubatan upang magliwaliw.
A. ngayon B. saan C. tuwing D. yugto

Author: Estrellita R. Mangubat


School/Station: Don Ruben E. Ecleo Sr. Memorial National High School
Division: Dinagat Islands
Email Address: estrellita.mangubat900@gmail.com
GAWAIN 1: Pagbibigay Kahulugan!
Panuto: Bigyang-kahulugan ang kilos, gawi at karakter ng mgat tauhan sa
nabasang alamat.

Kilos, gawi, karakter


ng mga tauhan

GAWAIN 2: Makatotohanan At Di-Makatotohanan


Panuto: Patunayan ang mga pangyayaring makatotohanan at di- makatotohann.

Mga pangyayari Makatotohanan Di-makatotohanan

1.

2.

3.

Author: Estrellita R. Mangubat


School/Station: Don Ruben E. Ecleo Sr. Memorial National High School
Division: Dinagat Islands
Email Address: estrellita.mangubat900@gmail.com
GAWAIN 3: Sariling Kathang Alamat
Panuto: Sumulat ng isang alamat tungkol sa pinagmulan ng inyong lugar
(barangay o lunsod) partikular dito sa Dinagat Islands gamit ang mga
pang-abay na pamanahon.

Author: Estrellita R. Mangubat


School/Station: Don Ruben E. Ecleo Sr. Memorial National High School
Division: Dinagat Islands
Email Address: estrellita.mangubat900@gmail.com
Rubrik sa pagsulat ng alamat
Napakahusay Mahusay Paghusayin pa
Kategorya 10 8 5
Malinaw na Katamtamang Hindi malinaw na
nasaklaw nito ang malinaw na nasaklaw nasaklaw nito ang
paksa at temang nito ang paksa at paksa at temang
Nilalaman hinihingi temang hinihingi. hinihingi.
sa paksa makatotohanan at makatotohanan at di- makatotohanan at di-
di-makatotohanan makatotohanan ang makatotohanan ang
ang mensaheng mensaheng nais mensaheng nais
nais ipabatid. ipabatid. ipabatid.

REPLEKSYON:

Natuklasan ko…

1. _________________________________________
_________________________________________

3 bagay na
nakita ko
2. _________________________________________
_________________________________________
3. _________________________________________
_________________________________________
Natutunan ko ang…
interesadong
2 bagay na
natutunan ko
1. _________________________________________
_________________________________________
2. _________________________________________
_________________________________________

Kailangang matuto pa ako…


1 bagay na
nalilito ako
1. _________________________________________

Author: Estrellita R. Mangubat


School/Station: Don Ruben E. Ecleo Sr. Memorial National High School
Division: Dinagat Islands
Email Address: estrellita.mangubat900@gmail.com
PANAPOS NA PAGTATAYA:
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tamang salita upang mabuo ang pangungu-
sap at isulat ito sa patlang.

ngayon kinnaree tuwing bukas alamat


lubid mula pang-abay na pamanahon noon kapag

1. Ang ________________________________ ay isang pagsasalaysay sa


pinagmulan ng mga bagay sa mundo.
2. Isang makapangyarihang ________________________________ ang ginamit na
panghuli sa kinnaree.
3. Ang ________________________________ ay kalahating babae at kalahating
sisne.
4. ________________________________ ay nagsasaad kung kailan ginanap,
ginaganap o gaganapin ang kilos.
5. ________________________________ araw na iyon ay naglakbay si Prinsipe
Suton papunta sa kagubatan.
6. ___________________________ araw ng Panarasi, masayang dumadalaw sa
kaaya-ayang lawa ang mga kinnaree.
7. _______________________________ noon ay namuhay nang masaya’t
matiwasay sina Prinsipe Suton at Prinsesa Manorah.
8. Makikipagkita _________________________ ng umaga si Prahnbun kay
Prinsipe Suton.
9. _______________________________ umaga, ang magkakapatid na kinnaree ay
masayang tinatanaw ang nagtatayugang mga puno.
10. _____________________________ darating ang mga kinnaree sa kagubatan
upang magliwaliw

Author: Estrellita R. Mangubat


School/Station: Don Ruben E. Ecleo Sr. Memorial National High School
Division: Dinagat Islands
Email Address: estrellita.mangubat900@gmail.com
SANGGUNIAN:
Panitikang Asyano 9, Romulo N. Peralta et al, Inilimbag ng Department of
Education- Instructional Matrials Council Secretariat (DepEd-IMCS)

Baybayin 9, Louie John Sanchez et al, Rex Bookstore, Inc. 2018

SUSI SA PAGWAWASTO:

10. A

9. C
10. ngayon
8. A
tuwing 9.
7. C bukas 8.
6. A mula 7.
5. D kapag 6.

4. C noon 5.
Pang-abay na pamanahon 4.
3. C
kinnaree 3.
2. C
lubid 2.
1. A
alamat 1.
Paunang Pagtataya
Panapos na Pagtataya

Author: Estrellita R. Mangubat


School/Station: Don Ruben E. Ecleo Sr. Memorial National High School
Division: Dinagat Islands
Email Address: estrellita.mangubat900@gmail.com

You might also like