You are on page 1of 10

Linggo 4 Tunggalian: Tao vs. Tao vs.

Sarili

Pangalan: ______________________________________ Pangkat: ______________________

KOMPETENSI:
1. Nasusuri ang mga tunggalian (tao vs. tao, at tao vs. sarili) sa kuwento
batay sa napakinggang pag-uusap ng mga tauhan. (F9PN-IIId-e-52)
2. Napatutunayang ang mga pangyayari at o ang transpormasyong
nagaganap sa tauhan ay maaaring mangyari sa tunay na buhay. (F9PB-
IIId-e-52)
3. Natutukoy ang pinagmulan ng salita (etimolohiya). (F9PT-IIId-e-52)
4. Naiuugnay sa kasalukuyan ang mga tunggaliang (tao vs. tao at tao vs.
sarili) napanood na programang pantelebisyon. (F9PD-IIId-e-51)

PAG-ARALAN:
Sa isang malayong bayan nakatira ang pamilyang binuo ng pagmamahalan
at winasak ng kasinungalingan. Paano ba mabubuong muli ang winasak at dinurog
na pamilya? Tunghayan ang kuwento ng mag-asawang Lucas at Marta kasama ang
kanilang mga anak sa kuwentong pinamagatang “Patawad Nasaktan Lang” orihinal
na panulat ni John Rey C. Clarion.

“Patawad Nasaktan Lang”


ni: John Rey C. Clarion

Ang pamilyang Rosas ay nakatira sa bayan ng Di-Matibag kung saan nabuo


ang isang pamilyang binuo ng wagas na pagmamahalan. Ang mag-asawang Rosas
ay may tatlong anak na sina Andrea ang nakatatandang anak, Agatha ang
pangalawang anak at si Annie ang bunso. Araw-araw maririnig ang tawanan at
kulitan na maririnig sa kanilang kabayanan, kaya ilan sa mga tao rito ay naiinggit
sa ipanamamalas na pagmamahalan ng pamilya, isa na rito si Aling Loring.
Isang araw habang nagkakasiyahan ang pamilyang Rosas ay napadaan sa
kanilang bakuran si Aling Loring at narinig nito ang halakhakan ng pamilya, sa halip
na matuwa ang matanda ay nairita at nainggit ito kaya nakapag-isip ng masamang
balak laban sa pamilya. Ipinagkalat nito na ang haligi ng tahanan ng pamilyang
Rosas ay may kinakasamang babae.
Papauwi na galing sa paaralan si Agatha, nakita nito ang kanyang Ama na
may kasamang babae, kitang-kita sa mga mukha nito ang tuwa’t kagalakan habang
magkayakap. Nagtago sa malaking puno si Agatha upang hindi makita ng kanyang
ama. Dali-dali itong tumakbo habang kinakausap ang sarili kung sasabihin ba nito
sa mga kapatid ang kanyang nakita. Tinanong din nito ang sarili kung totoo nga ba
talaga ang tsismis tungkol sa kanilang ama. Pagkarating sa bahay ay ikinuwento
nito ang nasaksihan sa mga kapatid at hindi halos makapaniwala ang mga ito sa
malaking rebelasyon na nalaman.

Author: John Rey C. Clarion


School/Station: DREESMNHS
Division: Dinagat Islands
Email Address: johnrey.clarion@deped.gov.ph
Kahaponan ay masayang kumakain ang pamilya sa hapagkainan ngunit
mapapansin sa mukha ni Agatha ang pagkabalisa at walang ganang tinitingnan ang
pagkain sa plato. “Anak may problema ba?” tanong ng ina. “Bakit po paulit-ulit na
lang ‘yung ulam natin, wala na bang iba?” tugon ni Agatha. “Anak, maliit lang kita
ng inyong ama sa pagtatrabaho.” Sagot ng Ina. “Pagpasensiyahan niyo na mga anak
at ‘yan lang ang nakayanan ko, sa susunod ipagbibili at ipagluluto ko kayo ng
masarap na pagkain.” Tugon ng ama. “Masarap naman po ang gulay at tuyo Itay”
sabat ni Annie. “Baka naman walang pera at pambili ng pagkain kasi may
inaalagaang iba?” napalakas na sabi ni Agatha. “Magdahan-dahan ka sa mga
sinasabi mo Agatha, magulang natin ang kausap mo” suway ni Andrea. “Tse… wala
na akong ganang kumain” umalis sa hapagkainan si Agatha at pumasok sa kuwarto.
Naiwang tahimik at gulat ang mag-asawa sa ipinakitang ugali ng anak.
Lumipas ang mga araw at ganoon pa rin ang inaasal ni Agatha, hindi
mautusan at hindi makausap ng maayos. Kinabukasan inutusan ng ina si Agatha
na bumili ng gulay sa palengke ngunit nagkibit-balikat lamang ito, kaya ang ina na
lang ang namili ng gulay. Habang nakikipagtawaran sa tindera ng gulay nahagip ng
kanyang mata ang asawa na may kasamang babae, hinabol nito ang asawa
papalabas ng palengke ngunit hindi nito nadat-an ang asawa dahil nakasakay na
ang mga ito ng sasakyan.
Matamlay na umuwi ang may-bahay. Habang naghihiwa ng gulay iniisip nito
ang nakita at mga tsismis na kumakalat sa kanilang bayan, “Ang asawa niyan may
kinakasamang babae” bulong ng kapitbahay. “Totoo ‘yan, nakita ko si Lucas na may
kasamang maganda at mas bata pa sa kanya” dagdag pa ng isa.
“Kung dati, hindi ko pinaniniwalaan ang tsismis ng mga kapitbahay dahil
mahal kita Lucas, pero ngayon kitang-kita ng dalawa kong mata na may kinakasama
kang ibang babae.” Saad nito sa sarili. Nakapagdesisyon ang Ina na ilagay sa maleta
ang lahat ng gamit ng asawa. Pagkatungtung ng asawa sa pintuan ng bahay ay bigla
na lamang inihagis ng babae ang maleta at iba pang gamit nito. “Anong ibig sabihin
nito mahal” tanong ni Lucas. “Anong mahal? Lumayas ka, sumama ka sa kabit mo!”
galit na sabi nito. “Mahal, pakinggan mo muna akong magpaliwanag” tugon ng
asawa. “Ano pa ang idadahilan mo? Kitang-kita ko na may kasama kang babae
kanina sa palengke.” Pasigaw na sabi ng asawa. Narinig ng mga anak ang pag-aaway
ng kanilang magulang. “Nay, Tay! Tama na po, pag-usapan po natin ito ng maayos.”
Umiiyak na sabi ni Annie ang bunsong anak. “Paano na po kami Nay kung aalis si
Tatay?” humahagulgol na sabi nito.
“Saan niyo ba kasi nasagap ang balitang iyan na may kinakasama akong
ibang babae, kayo lang ng mga anak ko ang babae sa buhay ko, wala ng iba!” Maiyak-
iyak na sabi ni Lucas. “Iyan ang tsismis dito sa atin Lucas, ipinagwalang bahala ko
lang noong una kasi mahal kita at may tiwala ako sa iyo pero ngayon kitang-kita ko
na totoo pala ang lahat ng iyon.” sagot ni Marta! Sinabi ni Marta na ang nagpakalat
pala ng tsismis ay si Aling Loring ang kapitbahay nila.
Pinuntahan ng mag-asawa ang bahay ni ALing Loring at kinompronta ito.
“Aling Loring, bakit niyo naman po ipinagkakalat na may ibang babae akong
kinakasama?” tanong ng lalaki.
“Hindi ba’t totoo naman na may kasama kang babae, maganda at mas bata
pa sa asawa mo!” pagmamalaking sabi ni Aling Loring.

Author: John Rey C. Clarion


School/Station: DREESMNHS
Division: Dinagat Islands
Email Address: johnrey.clarion@deped.gov.ph
“Paano niyo po nasabi ang mga iyan Aling Loring, gayong hindi mo naman
alam ang totoong pangyayari?” tanong ni Lucas
“Nakita ko kayong magkayap noong isang araw, sabihin mong hindi totoo
‘yung nakita ko?” sagot ni Aling Loring.
“Aling Loring mali po ang inaakala niyo po, kung gusto niyo pong malaman
ang totoo tatawagan ko ang babaeng sinasabi mong kinakasama ko, kahit hindi pa
ngayon ang takdang panahon.” Tugon ng lalaki.
Agad-agad na tinawagan ni Lucas ang babaeng tinutukoy na kinakasama niya
raw. Sumagot naman ang babae at dali-daling pumunta sa kinaroroonan nila.
Dumating ang babae at laking gulat ni Marta sa nakita, agad-agad niya itong
niyakap, kitang-kita sa mukha nito ang kagalakan.
“Lina, matagal na kitang hinahanap pero hindi kita makita’t matagpuan,
salamat sa Diyos at nakita na kita.” Marta.
“Ate…” ang tanging nasambit ng babae habang umiiyak.
Gulat at natahimik ang kanina pang bibig na nakabukas. Natamimi si Aling
Loring sa nakita. Gulat na gulat din ang magkapatid sa natunghayan. Kayakap na
ng kanilang ina ang kapatid nitong matagal matagal na nilang hinahanap.
“Hindi ko sinabi sa iyo na nahanap ko na ang iyong kapatid dahil gusto sana
kitang surprisahin bukas sa kaarawan mo.” Sambit ng asawa.
“Salamat Lucas mahal ko, patawad rin dahil hindi kita pinakinggan at
naniwala kaagad ako sa mga tsismis.” Tugon nito habang nakayakap sa asawa.
“Mahal kita Marta kahit ano pa ang mangyari at isipin ng ibang tao.” Sabi ng
asawa nito.
“Paumanhin sa maling balita na ipinagkalat ko tungkol sa inyo” sabat ni ALing
Loring. “Patawarin niyo ako dahil nadala lang ako ng inggit.” Dagdag nito.
Pinatawad ng mag-asawa si Aling Loring dahil alam ng mga ito ang masakit
na pinagdaan ng matanda, iniwan ng asawa at namuhay ng mag-isa. Sa halip na
magalit ay inalok nila ang matanda na samahan sila sa hapunan.
Simula ng mga panahong iyon ang pamilyang binuo ng pagmamahalan na
winasak ng kasinungalin ay nabuong muli, bumalik ang kasiyahan sa loob ng
tahanan, maging si Agatha na dating mabuti na naging masama ngayon ay naging
mabuti na ulit. Naging aral ang mga pangyayari iyon sa buhay ng pamilyang Rosas
na lalong nagpatatag sa kanilang relasyon.

Gabay na taong:
1. Anong uri ng tunggalian ang nangyari sa akda?
2. Paano binigyan ng resolusyon ng tauhan ang krisis na nangyayari sa
kuwento?
3. Kung ikaw ang Agatha, ano ang gagawin mo?
4. Ano ang paksa ng kuwento?
5. Ano ang aral na mapupulot sa kuwento?

Author: John Rey C. Clarion


School/Station: DREESMNHS
Division: Dinagat Islands
Email Address: johnrey.clarion@deped.gov.ph
Tunggalian sa Kuwento
Isa sa mga sangkap ng maikling kuwento ay ang tunggalian na humuhubog
sa pagkatao ng tauhan at siyang nagtutulak sa mga pangyayari sa kuwento. Ang
maikling kuwento ay may iisang tunggalian lamang, sa nobela ay maaaring higit sa
isa ang tunggalian na maaaring panloob (tao laban sa sarili) o panlabas (Tao laban
sa tao, tao laban sa kalikasan, tao laban sa lipunan, at tao laban sa tadhana)
Tunggalian – ito ay maiuugnay sa konsepto ng conflict sa ingles. Ang tunggalian ay
isang labanan o alitan sa pagitan ng dalawang magkasalungat na
pwersa. Ito ay pangunahing element ng isang katha sapagkat ito ang
nagpakikilos sa kaganapan ng isang likhang salaysay. Ito rin ay
nangyayari sa kalagitnaan ng kuwento at binibigyan ng resolusyon ang
mga krisis na nagyayari sa pagtatapos ng kuwento.

Uri ng Tunggalian
1. Tao laban sa Tao
Tunggalian ng isang karakter laban sa isa pang karakter, kung saan
ipinapakita na ang kasiphayuan ng isang tao ay dulot ng kanyang kapuwa,
nakasandig sa katotohanang ang tao ay nabubuhay na kasama ang kanyang
kapuwa na maaaring magbigay sa kanya ng tagumpay o kaya naman ay kasawian.
Labanan ng klasikong bida laban sa kontrabida o mabuting tao laban sa masamang
tao.

2. Tao laban sa Sarili


Ito ang tunggaliang ang kaaway ng pangunahing tauhan ay ang kanyang
sarili. Sa tunggalian ding ito ipinapakita ng manunulat ang maigting na paglalabang
pangkatauhan ng pangunahing tauhan. Nilalabanan ng tao ang kanyang sarili.
Halimbawa sa tunggaliang tao laban sa sarili ay ang mga sumusunod:
- Pagkakaroon ng tunggalian sa pagkatao (identity crisis)
- Pagkakaroon ng tunggaliang ng konsensiya (Guilt feeling)
- Tunggaliang nilalabanan ang isang gawain o trabaho.

PAUNANG PAGTATAYA:
A. Panuto: Lagyan ng MK kung ang pangyayari ay makatotohanan o may kinalaman
sa teksto at DM kung ito ay hindi makatotohanan. Isulat ang sagot bago
ang bilang.

________ 1. Ang kuwentong “Patawad Nasaktan Lang” ay isang orihinal na panulat.


________ 2. Ang akda ay nagsimula sa paglalarawan ng mga tauhan.
________ 3. Ang paksa ng akda ay napatutungkol sa pagtitiwala at wagas na
pagmamahal.
________ 4. Ang akda ay may kaugnayan sa totoong buhay.
________ 5. Ang nagpasimula ng tsismis ay ang kanilang kapitbahay.

Author: John Rey C. Clarion


School/Station: DREESMNHS
Division: Dinagat Islands
Email Address: johnrey.clarion@deped.gov.ph
B. Panuto: Pagtapatin ang Hanay A at Hanay B. Isulat ang sagot sa patlang bago
ang bilang.

Hanay A Hanay B

_____ 6. labanan ng isang tauhan sa iba pang tauhan


_____ 7. tunggalian ng tao sa konsensiya A. Lina
_____ 8. elemento ng akda na nagpapatakbo sa B. Loring
daloy ng kuwento C. tunggalian
_____ 9. Siya ang babaeng nagpakalat ng D. tao laban sa tao
maling balita. E. tao laban sa sarili
_____ 10. Siya ang nawawalang kapatid ni Marta F. Agatha

GAWAIN 1: Sa Totoo Lang!


Panuto: Magtala ng mga makatotohanan pangyayari na naganap sa akdang nabasa
na maaari ding mangyari sa tunay na buhay. Isulat ang sagot sa loob ng
kahon.

Author: John Rey C. Clarion


School/Station: DREESMNHS
Division: Dinagat Islands
Email Address: johnrey.clarion@deped.gov.ph
GAWAIN 2: Nagbago na Ako!
Panuto: Ilarawan ang mga tauhan sa akda at isulat kung anong pangyayari ang
nagpabago sa kanilang pag-uugali.

Marta Lucas

Andrea Agatha

Annie Lina

Aling Loring

GAWAIN 3: Paghambingin Mo!


Panuto: Magtala ng mga pangyayaring nagpapakita ng tunggalian sa anumang
programang napanood sa telebisyon o napakinggan sa radyo isulat ito sa
unang hanay at ihambing ito sa kasalukuyang tunggalian na nangyayari
sa inyong komunidad o sa loob ng tahanan (isulat sa pangalawang hanay)
tukuyin din kung anong uri ng tunggalian ang ipinapakita sa pangyayari.

Tunggalian sa Telebisyon o Tunggalian sa komunidad o sa Uri Ng


Radyo loob ng tahanan Tunggalian

Author: John Rey C. Clarion


School/Station: DREESMNHS
Division: Dinagat Islands
Email Address: johnrey.clarion@deped.gov.ph
GAWAIN 4: Suri-Salita!
Panuto: Suriin ang mga salitang nakahanay sa kahon, isulat ang pinagmulan at
kahulugan ng mga ito.

Gabay sa pagsagot:

Salitang Filipino Pinagmulan ng Katumbas na Kahulugan ng


Salita Salita Salita
tseke kastila cheque Perang papel
puwede kastila puede maaari

Salitang Filipino Pinagmulan ng Katumbas na Kahulugan ng


Salita Salita Salita
1. Rehas Reja

2. Banyo Baño

3. Ate Á-Chí

4. Nars Nurse

5. Plastik Plastic

GAWAIN 5: Pagsunurin Mo!


Panuto: Pagsunod-sunirin ang pangyayaring may tunggalian sa akdang binasa.
Isulat ang A kung ito ang pinakauna at E naman kung pinakahuli sa loob
ng kahon.

1. Pinuntahan ng mag-asawa ang bahay ni ALing Loring at kinompronta ito.


2. Isang araw habang nagkakasiyahan ang pamilyang Rosas ay napadaan sa
kanilang bakuran si Aling Loring at narinig nito ang halakhakan ng
pamilya, sa halip na matuwa ang matanda ay nairita at nainggit ito kaya
nakapag-isip ng masamang balak laban sa pamilya. Ipinagkalat nito na ang
haligi ng tahanan ng pamilyang Rosas ay may kinakasamang babae.
3. Dali-dali itong tumakbo habang kinakausap ang sarili kung sasabihin ba
nito sa mga kapatid ang kanyang nakita. Tinanong din nito ang sarili kung
totoo nga ba talaga ang tsismis tungkol sa kanilang ama.
4. Matamlay na umuwi ang may-bahay. Habang naghihiwa ng gulay iniisip
nito ang nakita at mga tsismis na kumakalat sa kanilang bayan, “Ang
asawa niyan may kinakasamang babae” bulong ng kapitbahay. “Totoo ‘yan,
nakita ko si Lucas na may kasamang maganda at mas bata pa sa kanya”
dagdag pa ng isa.
5. “Ano pa ang idadahilan mo? Kitang-kita ko na may kasama kang babae
kanina sa palengke.” Pasigaw na sabi ng asawa.

Author: John Rey C. Clarion


School/Station: DREESMNHS
Division: Dinagat Islands
Email Address: johnrey.clarion@deped.gov.ph
REPLEKSYON:

Natuklasan ko…

1. _________________________________________
_________________________________________

3
bagay na
2. _________________________________________
nakita ko
_________________________________________
3. _________________________________________
_________________________________________
Natutunan ko ang…
interesadong
2 bagay na
natutunan ko
1. _________________________________________
_________________________________________
2. _________________________________________
_________________________________________
Kailangang matuto pa ako…

1 bagay na
nalilito ako 1. _________________________________________

PANAPOS NA PAGTATAYA:
A. Panuto: Isulat sa patlang ang T kung Tama at M kung mali ang ipinahahayag sa
pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____ 1. Ang tunggaliang mababasa sa akdang “Patawad Nagkamali Lang” ay tao


laban sa tao at tao laban sa sarili.
_____ 2. Pinagtaksilan ni Lucas ang asawang si Marta.
_____ 3. Ang pag-uugali ng tao ay nababago batay sa mga pangyayaring naranasan
nito.
_____ 4. Ang akdang binasa ay tumatalakay sa pagtitiwala at wagas na pagmamahal.
_____ 5. Ang tunggalian sa konsensiya ay isang halimbawa ng tao laban sa tao.

B. Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag at tukuyin kung anong uri ng
tunggalian ang lumilitaw sa pahayag. Isulat ang sagot sa patlang bago
ang bilang.

________ 6. “May nahulog na pera, kukunin ko ba?”


________ 7. “Wala akong sagot, mangongopya na lang siguro ako.”
________ 8. “Kung hindi dahil sa’yo, hindi magkakalamat ang aming pagkakaibigan.”
________ 9. “Ayako kong gumawa pa ng masama.”
________ 10. “Ikaw Juan ang may kasalan kung bakit ko ito nararanasan ngayon!”

Author: John Rey C. Clarion


School/Station: DREESMNHS
Division: Dinagat Islands
Email Address: johnrey.clarion@deped.gov.ph
Email Address: johnrey.clarion@deped.gov.ph
Division: Dinagat Islands
School/Station: DREESMNHS
Author: John Rey C. Clarion
Gawain 4
Pinagmulan - Kahulugan
1. Kastila – bakal na nakaharang sa
isang silid
2. Kastila – isang uri ng palikuran
3. Chinese – nakatatandang kapatid na
babae
4. Ingles – kadalasang kanang kamay ng
mga doctor, nag-aalaga sa mga
pasyenteng may sakit
5. Ingles – isang uri ng gamit na matagal
nabulok, at kalimitang lumulutang sa
tubig
PANAPOS NA PAGTATAYA Gawain 1 PAUNANG
1. T PAGTATAYA
Iba-iba ang sagot
2. M 1. MK
Gawain 2
3. T 2. MK
Iba-iba ang sagot
4. T 3. MK
Gawain 3
5. M 4. MK
Iba-iba ang sagot 5. MK
6. Tao laban sa Sarili
7. Tao laban sa Sarili Gawain 5 6. D
8. Tao laban sa Tao 1. E 7. E
2. A 8. C
9. Tao laban sa Sarili
3. B
10. Tao laban sa Tao 4. C 9. B
5. D 10.A
SUSI SA PAGWAWASTO:
https://www.panitikan.com.ph/tao-vs-sarili Accessed 03/12, 2021. 3:00pm
Accessed 03/12, 2021. 3:00pm
apat-na-uri-Tao-laban-sa-tao-Tao-laban-sa-sarili/
https://www.coursehero.com/file/prn9mi/4-Tunggalian-Ang-tunggalian-ay-may-
kahulugan/ Accessed 03/12, 2021. 2:58pm
https://philnews.ph/2020/10/17/ibat-ibang-uri-ng-tunggalian-halimbawa-at-
Philippines, Vibal Group Inc.
Peralta, R., et al. 2014, Panitikan ng Pilipinas, Meralco Avenue, Pasig City,
SANGGUNIAN:
Author: John Rey C. Clarion
School/Station: DREESMNHS
Division: Dinagat Islands
Email Address: johnrey.clarion@deped.gov.ph

You might also like