You are on page 1of 2

Alyssa Kate B.

Arroyo BS Pharmacy 2A Fil3b TTh 1-2:30 1448

Sa Nagong, isang magandang binata, mahinahon, magilas, malakas at higit sa lahat


maganda ang kalooban. Siya rin ay isang matulunging anak kung kaya nga siyay nagtatrabaho
para makatulong sa pag- iipon ng kanyang ina. Mula sa buong araw na pagtatrabaho, siya ay
umuwing pagod at matamlay ang katawan. Ngunit habang binabagtas niya ang daan pauwi ay
bigla siyang napahinto sa nakasalubong at bumilis ang tibok ng kanyang dibdib. Isang
malabathalang dilag ang kanyang nakasalubong. Isang Diyosa, marilag na Agat ang pangalan.
Sa una nilang pagkikita ay mayroon na silang naramdaman na kakaiba para sa isat isa. Tila bay
nag- uusap ang kanilang mga mata. Hindi nila alam kung ano ang gagawin. Ilang sandali pa ay
natauhan na ang dalawa at muling naglakad si Agat habang ang mga mata naman ni Nagong ay
nakatitig pa rin sa dilag. Titig na tagos sa puso hanggang sa kalamnan.

Mula sa pagtatagpo ng kanilang mata ay nagsimula na ang isang mahiwagang pag- iibigan.
Tila wala nang paglagyan ang kanilang umaapaw na kaligayahan. Tila walang katapusang
pagmamahalan.

Isang hapon, nalaman ng ama ni Agat ang tungkol kay Nagong. Pinagbuhatan siya ng kamay
ng kanyang ama. Biglang dumaloy ang luha sa mga mata ni Agat at tinanong ang anyang ama,
Ama, ang umibig ay kasalanan ba? Ako baga kay Nagong di na liligaya? Inalipusta ng kanyang
ama si Nagong at hindi man lang pinagbigyan ng pagkakataon ang binata na maipahayag ang
kanyang tapat na pag- ibig para kay Agat. At kinulong ng ama ang kanyang anak sa kanilang
tahanan at mahigpit nitong binantayan mula umaga, tangahali hanggang gabi.

Paghiwalayin man si Nagong at Agat ng pagkakataon, pilit pa ring uusbong ang kanilang
pagmamahal sa isat isa. Sabi nga nila, kung ang pag- ibig ay totong tapat, handang suungin ng
lahat ang anumang humarang sa kanilang pag- iibigan kahit itoy humantong pa sa kanilang
kamatayan.

Isang gabi ay nag- isip si Nagong ng mga hakbang upang mailigtas si Agat. Hangad na
tuparin ang kanyang mga balak, siya ay tumungo sa tahanan ni Agat. Sa kanyang landas,
nakasalubong niya ang ina ni Agat. Ibinalita ng ina na nawawala si Agat sa kanilang tahanan.
Kaya biglang naghanap si Nagong sa kanilang bayan. At humingi ng tulong sa kanyang mga
kaibigan upang mas madaling mahanap ang dilag.

Nabulabog ng dumadagundong na tinig ni Nagong ang mga hayop sa kagubatan. At sa ilog


kung saan sila nagkikita ay muli niyang natagpuan ang kanyang iniirog na si Agat. Hindi na sila
nag- aksaya ng panahon, muli nilang hinagkan ang isat isa. Mula doon ay nangibang bayan na
silang dalawa at nagsimula ng panibagong buhay.

Muli ay nagsama silang masaya. Hawak- kamay nilang hinarap ang lahat ng unos sa buhay
kahit gaano man ito kahirap.

Ngunit, sadya nga sigurong mapagbiro ang tadhana. Si Agat ay dinapuan ng isang matinding
sakit. Hindi naglaon, hindi na nalunasan pa ang kanyang sakit at tuluyan na siyang lumisan.
Ilang araw ring pinaglamayan ang kanyang katawan sa kanilang tahanan. At ang pangyayaring
ito ang nagdulot kay Nagong ng matinding kalungkutan.

Mula nang inilibing sa Agat ay wala na siyang ibang ginawa kung hindi ang bantayan ang
puntod ng kanyang abang minamahal. Hanggang dumating ang araw na napabayaan na niya
ang kaniyang sarili at nagkasakit. Hindi rin naglaon ay tuluyan na rin siyang namaalam at
inilibing ang kanyang katawan katabi ng puntod ni Agat.

Ang pook na kanilang pinaglibingan ay naging ilog pagdaan ng panahon. Ang nasabing ilog
ay simbolo ng dalawang pusong nagmahalan ng tapat at tunay. At ito ang pinagsimulan ng
TINAGONG- DAGAT.

1. Lahat bang nabanggit ng may-akda ay katotohanan?

Hindi naman lahat ng nabanggit ng may-akda sa alamat ay totoo. Sapagkat itoy nagbibigay
representasyon lamang sa maaaring pinagmulan ng Tinagong dagat sa Lambunao, Iloilo.

2. Alin ang totoo? Kapanipaniwala ba?

Ang masasabi kong totoo sa alamat na aking nabasa ay ang pagkaroon ng ilog sa kinallibingan
ng mag-irog. Hindi naman kasi ito imposibleng mangyari. Oo, kapanipaniwala ito dahil pwede naman
itong maipaliwanag gamit ang siyensya.

3. May mga patunay ba siya o katibayan?

Wala siyang matibay na katibayan na binanggit sa kwento.

4. Ano ba ang pinagdiriinan ng may-akda sa ating bansa?

Ang pinagdiriinan ng may-akda sa ating bansa ay ang pagbibigay ng pagpapaliwanag sa


pinagmulan ng isang lugar o bagay sa pamamagitan ng mga alamat kagaya nito. Nakasaad dito na
dahil sa totoo at tapat na pagmamahalan ng dalawang tao, may isang pangyayaring naganap na
maaaring makakapagpaliwanag ng kasaysayan nito, ngunit walang katibayan na makikita.

You might also like