You are on page 1of 4

John Alfred A.

Regala Filipino 10

Grade 10- Rizal Ma’am Marjorie L. Garcia

Assignment

Alamat
1. Alamat ng Saging
Akda ni: Si Boots S. Agbayani-Pastor ay nag-aral ng Fine Arts ngunit naging manunulat bago siya nakapagtapos.
Ang kanyang mga artikulo at maikling kwento ay lumabas sa iba't ibang pambansang publikasyon. Sumulat din siya ng
mga script para sa mga audiovisual presentation, telebisyon, at pelikula. Isinulat niya ang script ng Kàleldo (Summer Heat,
2006), bukod sa iba pang mga pelikulang umani ng mga parangal sa mga dayuhang festival ng pelikula. Gumagawa siya
ng freelance na trabaho sa pagsasalin at pag-subtitle ng mga pelikulang Filipino. Siya ay ipinanganak at nakatira sa Cubao,
Quezon City.

Noong unang panahon, may magkasintahang nag iibigan ng labis. Sila ay sina Aging at
Juana. Bagamat hindi sang ayon ang mga magulang ni Juana ay pinagpatuloy pa din nya ang pag iibigan nila
ni Aging.Isang araw, noong galing sa bukid ang ama ni Juana, natanawan nya si Aging sa kanilang bukas na
bintana. Sa galit ng ama ni Juana ay hinugot nito ang tabak at tinaga ang braso ni Aging. Naputol ito.Agad na
tumakbo si Aging papapalayo, hinabol sya ng umiiyak na si Juana. Nang hindi na maabutan si Aging, ay nakita
nya ang naputol nitong braso at agad na inilibing.Lumipas ang mga araw, nagulat na lamang ang ama ni Juana
nang matagpuaan nito sa bakuran ang isang misteryosong halaman. Itoy kulay luntian na may mahaba at
malalapad na dahon. Kulay dilaw ang bunga nito na tila hugis ng kamay at mga daliri ng tao."Juana, Juana
pumanaog ka"Pagkakita sa puno ay naalala ni Juana ang brasong ibinaon sa lupa kung saan mismo ito
tumubo."Ang halamang iyan ay si Aging!" saad ni Juana.Mula noon, ang punong iyon ay tinawag na "Aging" at
kalaunay naging "Saging"

Aral:
 Ang pagiging matapobre ay walang mabuting maidudulot kanino man. Kung ang iyong anak ay umibig man sa
dukha, maaring ito ay may dahilan. Kausapin ng masinsinan ang anak dahil wala namang bagay na hindi
nakukuha sa mabuting usapan.

2.Alamat ng Ampalaya
Akda ni: Sumulat si Augie Rivera ng higit sa 15 kuwento para sa mga bata at paulit-ulit na nakakuha ng pagkilala
mula sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. Isa siya sa mga founding member ng KUTING (Kuwentista ng mga
Tsikiting), isang grupo ng mga Pilipinong manunulat ng mga kwentong pambata.

Noong unang panahon, sa bayan ng mga gulay, ang lahat ay may kanya kanyang
katangian.Ang kalabasa ay may kakaibang tamis, ang kamatis ay may asim at makinis na kutis, ang luya ay may
kakaibang anghang, ang labanos ay may sobrang kaputian, ang talong ay may lilang kulay, ang mustasa ay
luntian.Ngunit may isang gulay na may kakaibang anyo. Ito ay si ampalaya. Siya ay may maputla at may lasang
di maipaliwanag.Araw araw, walang ginawa si ampalaya kundi ikumpara ang sarili sa ibang gulay.Isang araw,
nagplano si ampalaya na kuhanin ang taglay na katangian ng ibang gulay. Nang sumapit ang gabi,
naisakatuparan nya ang balak. Isinuot nya ang taglay na katangian ng lahat ng gulay.Tuwang tuwa si ampalaya
sakapagkat ang dating di pinapansin ay pinag kakaguluhan na ngayon.Ngunit walang lihim na di
mabubunyag,napagkasunduan ng lahat ng gulay na sundan ang kakaibang gulay.

Dito nila nalaman na ang magandang gulay ay walang iba kundi si ampalaya. nagalit ang lahat at si ampalaya
ay iniharap sa diwata ng lupain.Bilang parusa, ang balat ni ampalaya ay kumulubot at ang lasa sa loob ng
kanyang katawan ay naging mapait na dulot ng pag hahalo halo ng lasa ng ibang gulay.

Aral:

 Walang mabuting naidudulot ang inggit.


 Nilikha tayo ng Diyos ng may iba’t-ibang katangian kaya maging kuntento tayo at iwasang ikumpara ang
sarili sa iba.
Pabula
1. Si Langgam at si Tipaklong
Akda ni: Si Virgilio S. Almario, na mas kilala sa kanyang panulat na pangalan, Rio Alma, ay isang Pilipinong artista,
makata, kritiko, tagasalin, editor, guro, at tagapamahala ng kultura. Siya ay isang Pambansang Alagad ng Sining ng
Pilipinas.

Maganda ang panahon. Mainit ang sikat ng araw. Maaga pa lamang ay gising na gising na si Langgam. Nagluto siya at
kumain. Ilang sandali pa, lumakad na siya. Gaya ng dati, naghanap siya ng pagkain. Isang butil ng bigas ang nakita niya.
Pinasan niya ito at dinala sa kanyang bahay. Nakita siya ni Tipaklong. 

"Magandang umaga kaibigang Langgam," bati ni Tipaklong. "Kay bigat ng iyong dala. Bakit ba wala kanang ginawa kundi
maghanap at mag-ipon ng pagkain?"

"Oo nga, nag-iipon ako ng pagkain habang maganda ang panahon," sagot ni Langgam.

"Tumulad ka sa akin, kaibigang Langgam," wika ni Tipaklong. "Habang maganda ang panahon, tayo ay magsaya. Halika,
tayo ay lumukso. Tayo ay kumanta."

"Ikaw na lang kaibigang Tipaklong," sagot ni Langgam. "Gaya ng sinabi ko sa iyo, habang maganda ang panahon ako ay
naghahanap ng pagkain. Ito'y aking iipunin para ako ay may makain pag sumama ang panahon."

Lumipas pa ang maraming araw, dumating na ang tag-ulan. Ulan sa umaga, ulan sa hapon at sa gabi umuulan pa rin. At
dumating ang panahong kumidlat, kumulog at lumakas ang hangin kasabay ang pagbuhos ngmalakas na ulan. Ginaw na
ginaw at gutom na gutom ang kaawa-awang Tipaklong. Naalala niyang puntahanang kaibigang si Langgam. Paglipas ng
bagyo, pinilit ni Tipaklong na marating ang bahay ni Langgam. Bahagya na siyang makalukso. Wala na ang dating sigla ng
masayahing si Tipaklong.

"Tok! Tok! Tok!" 

Nang buksan ni Langgam ang pinto nagulat siya."Aba! Ang aking kaibigan," wika ni Langgam. "Tuloy ka Tipaklong."

Binigyan ni Langgam ng tuyong damit si Tipaklong. Mabilis na naghanda siya ng pagkain. Ilan pang sandali at
magkasalong kumain ng mainit na pagkain ang magkaibigan.

"Salamat, kaibigang Langgam," wika ni Tipaklong. "Ngayon ako naniniwala sa iyo. Kailangan nga palang mag-ipon habang
maganda ang panahon at nang may makain pagdating ng tag-gutom."

Mula noon, nagbago si Tipaklong. Pagdating ng tag-init at habang maganda ang panahon ay kasama nasiya ng kanyang
kaibigang si Langgam. Natuto siyang gumawa at higit sa lahat natuto siyang mag-impok.

ARAL:
 Mag-impok habang maganda ang sitwasyon upang maging handa sa anumang suliranin sa hinaharap. 

2.Si Pagong at si Matsing


Akda ni: Orihinal na isinulat at inilarawan ni Dr. Jose P. Rizal, ang klasikong kuwentong ito ay unang inilimbag noong
Hulyo 1889 sa Trubner's Oriental Record. Mula noon, naipasa na ito sa ilang henerasyon. Napakaraming aral ang
mapupulot sa kwentong pambata na ito!

Isang araw, may dalawang magkaibigang sina Matsing at Pagong.


Alam ni Pagong na tuso at mapagbiro ang kanyang kaibigang si Matsing. Subalit, si Pagong naman ay mabait
at matulungin.
Isang araw, may nakita silang puno ng saging at naisipan nilang hatiin ang bunga nito. Kaya naman, pinutol
nila sa dalawa ang puno.

Kinuha ni matsing ang itaas na parte ng puno kasama ang sobrang daming bunga ng saging. Pero, si Pagong
naman ay naiwan ng ugat. Hindi rumeklamo si pagong dahil likas siyang mapagpasensya.
Inuwi niya ang kanyang puno, tinanim, at di naglaon ay nabuhay ang kanyang puno at namunga rin ng saging.
Ngunit, si matsing naman ay muling nagutom at wala nang makain. Pero, hindi rin makukuha ni pagong ang
bunga dahil masyadon mataas.
Sinabihan naman ni matsing si pagong na tutulungan raw siyang kunin ang saging. Ngunit, nung nasa itaas na
ito, hindi niya binigyan ang kanyang kaibigan at nang asar pa.
Gustong turuan ni Pagong si Matsing ng leksyon at nilagyan nito ng mga tusok ang ilalim ng puno. Pagkababa
ng Matsing, na tinik ito at nagalit kay Pagong.
Kinuha ni Matsing si Pagong at pinagalitan. Pagkatapos, tinanong niya ito kung saan niya gustong itapon, sa
lusong o sa ilog. Sinabihan siya ni Pagong na gusto niyang bayuhin sa Lusong.
Dahil sa galit, akala ni Matsing gusto talaga ni Pagong sa lusong kaya naman na pagisipan niyang i bato na
lang ito sa ilog. Subalit, matapos siyang ibato ni Matsing, nag pasalamat si Pagong dahil pangalawang bahay
niya ang ilog.

Aral:
 Dapat, hindi mo minamaliit ang iyong kapwa. Bukod rito, dapat ring gumawa ka ng tama dahil balang
araw, babalik rin ito sa iyo.Kailangan mo ring mag-isip ng maagi para hindi ka maisahan ng mga taong
gusto gumawa ng masama sa inyo.

Kwentong Bayan

1.SI MARIANG MAPANGARAPIN


Akda ni: kwentong bayan

Magandang dalaga si Maria.  Masipag siya at masigla.  Masaya at matalino rin siya.  Ano pa't masasabing isa na
siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang pamangarapin.  Umaga o tanghali man ay nangangarap siya.
Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa malayo, waring nag-iisip at nangangarap nang gising.  Dahil
dito, nakilala siya sa tawag na Mariang Mapangarapin.  Hindi naman nagalit si Maria bagkos pa ngang
ikinatuwa pa yata niya ang bansag na ikinabit sa pangalan niya.

Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang dumalagang manok.  Tuwang-tuwa si Maria!
Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay sa kanya ng iisang manliligaw niya.  Nagpagawa siya sa kanyang
ama ng kulungan para sa mga manok niya.  Higit sa karaniwang pag-aalaga ang ginawa ni Maria.  Pinatuka
niya at pinaiinom ang mga ito sa umaga, sa tanghali at sa hapon.  Dinagdagan pa ito ng pagpapainom ng
gamot at pataba.  At pinangarap ni Maria ang pagdating ng araw na magkakaroon siya ng mga inahing manok
na magbibigay ng maraming itlog.

Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nag-itlog ang lahat na inahing manok na alaga
ni Maria.  Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga inahing manok araw-araw.  At kinuwenta ni Maria ang
bilang ng itlog na ibibigay ng labindalawang alagang manok sa loob ng pitong araw sa isang linggo.  Kitang-
kita ang saya ni Maria sa kanyang pangarap.

At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-araw.  Nabuo ito sa limang dosenang itlog.
At isang araw ng linggo ay pumunta sa bayan si Maria.  Sunong niya ang limang dosenang itlog.  Habang nasa
daan ay nangangarap nang gising si Maria.  Ipagbibili niyang lahat ang limang dosenang itlog.  Pagkatapos,
bibili siya ng magandang tela, ipapatahi niya ito ng magandang bistida at saka lumakad siya ng pakendeng-
kendeng.  Lalong pinaganda ni Maria ang paglakad nang pakendeng-kendeng at BOG!

Nahulog ang limang dosenang itlog!  Hindi nakapagsalita si Maria sa kabiglaan.  Saka siya umiyak nang
umiyak. Naguho ang kanyang pangarap kasabay ng pagbagsak ng limang dosenang itlog na kanyang sunung-
sunong.
Aral:
 Gawing makatotohanan ang layunin o adhika upang ito ay maisakatuparan.

2. Ang Langgam at Ang Tipaklong


Akda ni: Aesop ay isang Griyegong manunulat ng mga pabula (maiikling kuwentong tungkol sa mga hayop na
naglalaman ng leksiyong moral sa katapusan). Isa siyang lumpo, baldado, o pilay na manunulat na namuhay noong ika-5
daantaon BK. Dati siyang isang alipin na napalaya.

Mito
1.Biag ni Lam-Ang
Akda ni: Si Pedro Bukaneg  ay isang dakilang Pilipino na mula sa lupain ng mga Samtoy (bandang Ilocos). Itinuturing
siyang unang edukadong Ilokano, orador, musikero, leksikograpo at dalubwika. Siya ang itinuring na Ama ng Panitikang
Ilokano.

2.Ang Bakunawa at ang Pitong Buwan


Akda ni: Ang muling pagsasalaysay ni Damiana Eugenio ng mito sa kanyang tinipon na compilation na “Philippine
Folk Literature: The Myths“. Ito, gayunpaman, ay naisip mula sa isang naunang dokumentasyon ni Fernando Buyser, isang
makata, publisher, at pari sa Pilipinas.

Epiko
1.Ibalon
Akda ni: Si Fray Bernardino Melendreras (3 Set. 1815- 7 Okt. 1867) ay isang Franciscanong prayle mula sa lungsod
ng Gijon, Spain.

Sa edad na pitumpu (17), pumasok siya sa Orden ng Pransiskano. Pumasok siya sa ugali ng Pransiskano noong
Agosto 8, 1832 sa Kumbento ng San Jose de Salamanca. Sa paglalarawan sa kanya bilang isang Pransiskano,
ginamit niya ang pangalang "de la Santisima Trinidad". Noong Agosto 8, 1833, nanumpa siya sa isang
relihiyosong buhay. Makalipas ang anim na taon, o eksaktong Pebrero 11, 1839, nakarating siya sa Maynila, at
naisipan niyang pumayag sa misyon ng Pransiskano sa Pilipinas. Ipinagpatuloy niya ang kanyang teolohikong
pag-aaral sa Maynila at pagkatapos noon ay naordinahan siya bilang isang ganap na paring Pransiskano .

2.Bidasari
Akda ni: Writer: Contessa. Marlon Miguel is known for Contessa (2018), Asawa ko, karibal ko (2018) and The First
Nanny (2021).

You might also like