You are on page 1of 7

ARTS 3

Pangalan ng Bata: ________________ Baitang: _____________


Seksyon: ___________________________ Petsa: _______________

LEARNING ACTIVITY SHEET


Pagguhit ng Larawan ng Makasaysayang Bahay o Gusali Gamit ang
Foreground , Middle Ground at Background

Panimula (Susing Konsepto)

Sa pagguhit mahalaga ang iba’t ibang uri ng linya at hugis sa


pagbuo ng makabuluhang larawan. Ang foreground ay ang unang
bahagi ng larawan. Malapit ito sa tumitingin kaya ang mga bagay na
nakalagay dito ay mukhang malaki. Ang background naman ay ang
bahaging likuran ng isang larawan. Ang middle ground ay makikita sa
pagitan ng foreground at background ng tanawin o larawan.

Halimbawa ng larawan na nagpapakita ng foreground,


middle ground at background backgroundddn
d

Middle ground

Foreground
Ang mga malakaking puno, malalaking bahay na nasa
gawing harapan o unang bahagi ng larawan ay ang foreground . Malapit
ito sa tumitingin kaya naman malaki itong tingnan.
Ang mga puno at bahay na nasa middle ground o gawing gitna
ay mas maliit tingnan kaysa sa bahay o puno na nasa gawing harapan o
foreground.
Ang mga puno at bahay na nasa gawing malayo at maliliit
tingnan ay ang nasa tinatawag na background o gawing likuran ng
larawan.

Kasanayang Pampagkatuto o Kompetensi

Naiguguhit ang Larawan ng Probinsiya o Rehiyon na Mayroong


Makasaysayang Bahay o Gusali Gamit ang Foreground , Middle Ground
at Background (A3PR-I)

Gawain 1
Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel kung ang tinutukoy sa larawan
ay foreground, middle ground o back ground.

3. _______________

2. ________________

1. ________________

Gawain 2
Panuto: Kumuha ng isang buong papel at isulat ang iyong sagot sa
mga sumusunod na tanong.
1. Ano-ano ang mga bagay na nakikita mo sa larawang ito?
2. Ano ang bagay na pinaka malaking tingnan sa larawang ito?
3. Ano ang bagay na pinaka malapit sa taong nag-aararo?
4. Anong bagay sa larawang ito ana pinaka malayong tingnan?
5. Anong bagay sa larawang ito ang pinaka maliit tingnan?

Gawain 3
Panuto: Kumuha ng isang piraso ng bond paper, lapis at krayola.
Gawin ang mga sumusunod.

1. Gumuhit ka ng isang kubo.


2. Sa gawing gilid ng kubo ay gumuhit ka ng puno at mga halaman.
3. Sa gawing likod ng kubo ay gumuhit ka ng bundok , ulap at ibon.
4. Kulayan ang iyong iginuhit.
5. Sa gawing ibaba ng iyong bond paper ay isulat mo kung alin ang
foreground, middle ground at background ng larawan.
Mga Sanggunian:

Music Art Physical Education and Health Kagamitan ng Mag-aaral


pahina 137-139

Music Art Physical Education and Health


Teacher’s Guide page 147-148

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
1. Foreground
2. middle ground
3. back ground
Gawain 2
1. Ang taong nag-aararo, kalabaw, mga puno, bukirin o bukid, mga
damo, mga ibon, ulap at araw.
2. Ang puno, ang puno na nasa gawing harapan ng larawan.
3. Ang kalabaw at ang gamit sa pag-aaararo ang pinaka malapit sa taong
nag-aararo.
4. Pinaka malayong tingnan ang mga bahay at puno na nasa malayo
gayundin ang mga ibon
5. Pinaka maliit tingnan ang mga bahay at puno na nasa malayo
gayundin ang mga ibon.
Gawain 3
kubo – foreground
puno at halaman – middle ground
bundok – back ground

Inihanda ni:

RAQUEL R. ALAORIA
Guro III, KES

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. Please include


this in All Learning Activity Sheets.
ARTS 3

Pangalan ng Bata: _________________Baitang: _______________


Seksyon: ___________________________ Petsa: ________________

LEARNING ACTIVITY SHEET


Pagguhit ng Larawan ng Makasaysayang Bahay o Gusali Gamit ang
Foreground , Middle Ground at Background

Panimula (Susing Konsepto)

Makaguguhit tayo ng isang larawan ng makasaysayang bahay o gusali


gamit ang ibat ibang linya at hugis na may foreground, middle
ground , at background upang higit na maging maganda ang ating
iginuguhit na larawan.

You might also like