You are on page 1of 4

Asignatura Music Baitang 4

W2 Markahan 4 Petsa MAY 8, 2023


I. PAMAGAT NG ARALIN Ostinato at Descant
II. MGA PINAKAMAHALAGANG
Natutukoy sa pamamagitan ng pakikinig at pagtingin ang ostinato o
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
descant sa musical sample.
(MELCs)
III. PANGUNAHING NILALAMAN Tekstura
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
A. Panimula (Mungkahing Oras: 5 minuto)
Nalaman mo na sa nagdaang aralin na ang isang awitin o tugtugin ay maaaring mabilis o mabagal.
Ngayon naman ay matututuhan mo ang isa pang elemento ng musika na nakadadagdag ng ganda sa isang
komposisyon o awitin.
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na matutukoy mo sa pamamagitan ng pakikinig at pagtingin ang
ostinato o descant sa isang musical sample.
Ang texture sa musika ay nailalarawan sa pamamagitan ng kapal o nipis ng mga tunog na maririnig. Kapag
naririnig mo ang isa awitin na may ganitong katangian gumaganda lalo ito. May dalawang paraan upang
mapaganda o maging kaaya-aya ang isang awitin:
1. Ostinato - ito ay ang paulit - ulit na mga rhythmic pattern o himig na ginagamit bilang pansaliw sa mga
awitin. May dalawang uri ito;
A. Rhythmic ostinato ay binubuo ng rhythm lamang. Ito ay hindi aawitin kundi gagamitan ng mga
pattern ng tunog na nalilikha ng katawan gaya ng pagpalakpak ng kamay, pagpadyak ng paa
(stomp, stomp, clap) at iba pa. Ang isang halimbawa na ginamitan ng ganitong ostinato ay ang
popular na awiting pinasikat ng Queens na “We Will Rock You”.

B. Melodic ostinato naman ay binubuo ng rhythm at melody, maikli at mahabang tunog na may
tono. Maari itong kumbinasyon ng mababa at mataas na tono. Nasa ibaba ang ilang halimbawa
ng mga nota na maaari lagyan ng tono upang makabuo ng melodic ostinato.

Ta Ta Ta Ta

2. Descant - ito ay isang himig na inaawit kasabay sa itaas ng melody ngunit kaiba sa pangunahing melody.
Ito rin ay nagdadagdag sa texture ng awitin. Tingnan mong mabuti ang iskor ng awitin sa ibaba na may
descant.

Descant

Maria Elena D. Digo, et. al. Musika at Sining 4 Kagamitan ng Mag-aaral. QuezonCity: Book Media Press, Inc. 2015
B. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 10 minuto)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.
1. Aling elemento ng musika ang tumutukoy sa kapal o nipis na tunog ng isang awitin?
2. Sa paanong paraan mapapaganda o magiging kaaya-aya ang isang awitin? Paghambingin ang mga ito.
3. Ano ang dalawang uri ng ostinato at paano sila nagkakaiba?
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
4. Sa iskor nga awiting “Liza Jane”, paano ito nilapatan ng descant?
5. Base sa iyong nabasang impormasyon tungkol as ostinato at descant, alin sa dalawa ang madaling ilapat sa
isang awitin? Bakit?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Sa tulong ng iyong kasama sa bahay, gawin ang ostinato patterns ng mga awiting
“Rain, rain, go away” na may dalawahang kumpas at “Leron, Leron Sinta” na may tatluhang kumpas.
Sundin ang mga nakalarawang bahagi ng katawan na pakikilusin.

Rain, Rain, Go Away Leron, Leron Sinta

https://www.youtube.com/watch?v=ZF5y2HAI8wg https://www.youtube.com/watch?v=ZF5y2HAI8wg

Gawain Sa Pagkatuto Bilang 3: Pag-aralang mabuti ang iskor ng awitin sa ibaba. Tukuyin at isulat sa iyong
sagutang papel ang phrase na nilapatan ng descant.

Maria Elena D. Digo, et. al. Musika at Sining 4 Kagamitan ng Mag-aaral. QuezonCity: Book Media Press, Inc. 2015

C. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras:10 minuto )


Gawain Sa Pagkatuto Bilang 4: Pagmasdang mabuti ang dalawang iskor ng awitin. Tukuyin kung aling titik ng
awitin ang may ostinato at descant. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

A B

https://musiciselementary.com/wp-content/uploads/2018/02/SAMS-NJ-Ostinati-Descants.pdf
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
Gawain Sa Pagkatuto Bilang 5: Sa tulong ng kasama sa bahay, magsaliksik ng tig-isang musical sample na may
ostinato at descant. Maari itong kopyahin sa bond paper o kaya ay i-print at isumite sa iyong guro.

D. Paglalapat (Mungkahing Oras: 10 minuto)


Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Sa tulong ng kasama sa bahay, umisip kung paano mapapaganda ang tunog ng
awiting “Twinkle, Twinkle, Little Star!”. Maaring pumili ng isang paraan sa ostinato o descant. I-video ang iyong
ginawa at ipadala sa messenger ng guro. Isaalang-alang ang Rubrik kung paano ka mamarkahan ng iyong guro.

https://www.researchgate.net/figure/Twinkle-Twinkle-Little-Star-a-popular-English-lullaby-with-lyrics-from-the_fig2_325877146

Rubrik

V. PAGTATAYA (Mungkahing Oras: 5 minuto)


(Ang mga Gawain sa Pagkatuto para sa Pagpapayaman, Pagpapahusay, o Pagtataya ay ibibigay sa ikatlo at
ikaanim na linggo)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Tingnan mabuti ang sumusunod na mga musical sample. Tukuyin kung ang mga
ito ay may ostinato o descant. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. 2.

3. 4.

1. https://musiciselementary.com/wp-content/uploads/2018/02/SAMS-NJ-Ostinati-Descants.pdf
2. Digo, Maria Elena D., et. al. Musika at Sining 4 Kagamitan ng Mag-aaral. QuezonCity: Book Media Press, Inc. 2015
3. https://musiciselementary.com/wp-content/uploads/2018/02/SAMS-NJ-Ostinati-Descants.pdf
4. https://teachingwithorff.com/never-sleep-late-anymore/screen-shot-2016-09-28-at-10-33-42-am/
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
VI. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 5 minuto)
Sa iyong kuwaderno, magsulat ng nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:

Nauunawaan ko na .
Nababatid ko na .
Kailangan kong higit pang matutuhan ang tungkol sa .
Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa
Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang
aralin.
✓ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang
aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa
ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP
Bilang 1 Bilang 3 Bilang 5 Bilang 7
Bilang 2 Bilang 4 Bilang 6 Bilang 8
VII. SANGGUNIAN Digo, Maria Elena D., et. al. Musika at Sining 4 Kagamitan ng Mag-aaral. Quezon
City: Book Media Press, Inc. 2015
Digo, Maria Elena D., et. al. Musika at Sining 4 Patnubay ng Gurol. Quezon, City:
Book Media Press, Inc. 2015
Valdecantos, Emelita C. Umawit at Gumuhit 4. Sta. Cruz Manila: Saint Mary’s
Publishing Corporation. 1999

Images:
https://www.youtube.com/watch?v=ZF5y2HAI8wg’
https://www.researchgate.net/figure/Twinkle-Twinkle-Little-Star-a-popular-English-
lullaby-with-lyrics-from-the_fig2_325877146
https://teachingwithorff.com/never-sleep-late-anymore/screen-shot-2016-09-28-at-10-
33-42-am/
https://courses.lumenlearning.com/suny-music-and-the-child/chapter/chapter-9-
music-and-the-older-child-3/
https://musiciselementary.com/wp-content/uploads/2018/02/SAMS-NJ-Ostinati-
Descants.pdf

You might also like