You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SANTO NINO ELEMENTARY SCHOOL
Lumban
FIRST QUARTER
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4
Summative Test No. 3

Name: ______________________________________ Grade 4-_________________


I. Sagutin ang sumusunod na mga tanong gamit ang dalawang pangungusap. Isulat ang
iyong sagot sa patlang.
(2points each)
Ano ang dapat mong gawin kung...
1. mainit ang sikat ng araw, subalit oras na ng pagpila para sa seremonya sa Watawat ng Pilipinas
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
2. kaunti na lamang ang ulam na paghahatian ninyo ng iyong mga kapatid, subalit gusto mo pang
kumain
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
3. nabasa ng ulan ang kama mo kaya kinakailangan kang maglatag at humiga sa sahig
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
4. inutusan ka ng nanay mo upang bumili ng tinapay sa panaderya. Pagdating mo roon, ay napansin
mo ang napakahabang pila
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
5. naglalaro kayo ng kapatid mo ng habalun nang biglang natabig ng kapatid mo ang mamahaling
plorera ng inyong ina
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
II. Basahin, suriin at unawain ang kuwento ni Willy tungkol sa kaniyang pag-aaral. Sagutin
ang mga tanong nang may katapatan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago
ang bilang.

“Ako ay isang mag-aaral sa ikaapat na baitang sa Paaralang Maunlad sa lalawigan ng


Aurora. Pangarap ko ang makapagtapos sa aking pag-aaral kaya titiisin ko ang mga
paghihirap na dapat kong harapin. Hindi ko iniisip kung ang mga bagay bagay na dapat
kong gawin ay mangangahulugan ito ng ibayong paghihirap.”

“Ang aming lalawigan ay palaging dinadalaw ng malalakas na bagyo. Madalas


kaming tamaan ng mga ulan at hangin. Tinitiis namin ang paglakad sa mapuputik na
daan kung tag-ulan at ang paglangoy sa baha kung tumataas ang tubig sa ilog kahit ito ay
mapanganib”
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SANTO NINO ELEMENTARY SCHOOL
Lumban
“Ang aming tahanan ay nasa kabila ng isang tulay. Isang araw, sa hindi inaasahang
pangyayari, ang tulay ay nasira ng bagyo. Hindi kaagad naisagawa ang pagsasaayos sa
tulay na ito sapagkat marami pang higit na kailangang unahin sa mga naapektuhan ng
bagyo.

“Dahil dito, araw-araw akong naglalakad paikot sa kabilang baryo makarating


lamang sa paaralan. Hindi ako lumiliban sa klase kahit basa na ang aking sapatos sa
pagtahak sa daang may baha o putik. Ang palagi kong iniisip ay ang pangarap kong
makapagtapos ng pag-aaral.”

“Isang araw, napansin ng aking guro na tila ba pagod na pagod ako at pawisan nang
dumating sa paaralan. Nalaman niya na nasira ang tulay na malapit sa amin. Kaagad
gumawa ng sulat ang aking guro upang maipakiusap sa kinauukulan ang agarang
pagkukumpuni ng tulay.”

“Hindi nagtagal, nagawa na ang sirang tulay at muli itong nagamit ng mga
naninirahan sa aming lugar. Malaking pasasalamat ng aking mga kapitbahay sa
naisagawang pag-aayos ng tulay.”

__________ 1. Batay sa kwento, paano ipinakita ni Willy na siya ay isang batang


mapagtiis?
a. Tinitiis ang paglakad sa mapuputik na daan lalo na kung tag-ulan at ang paglangoy sa
baha kung
tumataas ang tubig sa ilog kahit ito ay mapanganib at
hindi dapat gawin o tularan.
b. Tinitiis ang kakarampot na pera niyang baon para lamang makapasok siya sa paaralan.
c. Tinitiis niya ang kanyang lumang sapatos at damit makapasok lamang siya sa paaralan.
d. Tinitiis niya ang pag aalipusta sa kanya ng kaniyang mga kamag-aral maabot lamang
niya ang kaniyang
pangarap sa buhay.

__________ 2. Ano ang pangarap ni Willy?


a. Pangarap niya maging isang guro.
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 11
b. Pangarap niya ang magkaroon ng magandang bahay.
c. Pangarap niyang yumaman.
d. Pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral.

__________ 3. Ano ang napansin ng kanyang guro isang araw?


a. Napansin ng guro na siya ay malungkot nang
dumating sa paaralan.
b. Napansin ng guro na siya ay pagod na pagod at
pawisan nang dumating sa paaralan.
c. Napansin ng guro na siya ay pagod na pagod at
malungkot nang dumating sa paaralan.
d. Napansin ng guro na siya ay pawisan at hinihingal
nang dumating sa paaralan.

__________ 4. Ano ang natuklasan ng guro ni Willy?


a. Natuklasan niyang nawasak ang bahay nila Willy.
b. Natuklasan niyang nasira ang tulay malapit kina Willy. c. Natuklasan niyang nawasak
ang kanilang sinasakyan.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SANTO NINO ELEMENTARY SCHOOL
Lumban
d. Natuklasan niyang nasira ang sapatos ni Willy.

__________ 5. Ano ang naging daan upang maipagawa ang tulay sa lugar nina Willy?
a. Kinausap ng guro ang mga opisyales ng kanilang
Barangay.
b. Nagkaroon ng fund raising sa kanilang paaralan.
c. Humingi ng tulong sa mga magulang na nasa abroad
d. Gumawa ang guro ng isang sulat upang maipakiusap
sa kinauukulan.

You might also like