You are on page 1of 3

SEMI-DETAILED LESSON PLAN IN PHYSICAL EDUCATION

Banghay Aralin sa Physical Education III

I – LAYUNIN

Sa pagtatapos ng isang interactive na talakayan sa ODL, ang mga mag-aaral ay


inaasahang:

a) Nasasabi ang pagkakaiba ng ribbon, hoop, at bola sa pamamagitan ng pag puna ng mga
patlang.
b) Nagpapakita ng kasanayan sa paggalaw sa tugon sa tunog kilos at galaw gamit ang
ribbon, hoop, at bola.
c) Naibabahagi ng mag-aaral ang kahalagahan ng pang-isang kilos o galaw gamit ang
ribbon, hoop, at bola sa kanilang buhay.

II – PAKSANG ARALIN
Paksa                   :           Pang-isahang kilos o galawa gamit ang ribbon, hoop, at bola.

Sanggunian          :           Music, Art, Physical Education and Health 3.(Tagalog)DepEd.


Falculita, Rogelio F. et.al.2013. pp. 356-357

Kagamitan           :           mga larawan, video sa mga himnastiko, bola, hula hoop, ribbon,
PowerPoint Presentation

III – PAMAMARAAN
A.    Panimulang Gawain
Pagbabalik aral

-   May ipapakitang larawan at tatanungin patungkol sa nakaraang leksyon.

B. Panlinang na Gawain      

1. Pagganyak

-   Magbibigay ang guro ng nagkagulong salita patungkol sa leksyon.      


- Itanong sa klase kung alam nila ang kagamitan na ribbon, hoop, at bola
-   Sinu-sino ang mahilig sumayaw gamit ang mga ito?
-   Mahalaga ba ang mga ito para matuklas natin ang kakayahan gamit ang mga ito?

2. Paglalahad

a. Ang guro ay magbibigay ng larawan sa mga himnastiko na ginagamit ang mga ito:
3. Pagtatalakay

a. Itatanong: Gusto niyo bang sumayaw gamit ang ribbon, hoop, at bola?
b. Ang guro ay magbibigay ng kahulugan sa mga kagamitan at ipapakita ng guro paano ang
tamang kilos nito.

4. Kaisipan

a. Ang mag-aaral ay isasagawa ang mga kilos o galaw gamit ang ribbon, hoop, at bola at
sasagutan ang mga tanong.
b. Ang mga tanong:

1. Naisyahan ka ba sa gawain?
2. Nakakatulong ba ang ribbon, hoop at ball upang maisagawa ang kakayahang pang-
isahan? Paano?
3. Anu-anong mga kilos ang iyong ginagawa? (ribbon, hoop, at bola)
4. Ano ang sinusukat ng gawaing ito sa iyo bilang mag-aaral sa ikatlong baitang? Bakit?
5. Nais mo ba itong isagawa kasama ang iba pang kasapi ng iyong pamilya? Bakit?

5. Paglalapat

a. Ang mag-aaral ay bubuuin ang kaisipan at pipili sila ng sagot sa kahon upang
makumpleto ang pangungusap.

IV - PAGTATAYA

a. Ang guro ay magbibigay ng pagsasanay na tama o mali


b. Ang mga pangungusap:
1. Ang bola ay mahalagang kagamitan sa ritmikong himnastiko.
2. Mahirap isagawa ang paggamit ng bola sa himnastiko
3. Maaring gamitin ang malaking bola kahit maliit ang bata.
4. Isinasaalang-alang ang hitsura ng bata sa pagsasagawa ng himastiko gamit ang bola.
5. Makakatulong ang bola para sa himnastikong gawain.

V – TAKDANG ARALIN
a. Gumawa ng inyong sariling sayaw at pumili ng musika upang sumabay sa inyong kilos o
galaw. Ivideo ang iyong sarili, ang video ay hanggang 3-5 minuto lamang. Sa tulong ng
iyong magulang ipaipasa ang iyong video sa ating Facebook GC nakapangalan (Physical
Education III Maaasahan)

You might also like