You are on page 1of 15

Welcome to Filipino 3 Class!

Mrs. Normelita D. Daquio


Guro
Pagsasama-sama ng mga Katinig at Patinig sa
Pagbuo ng Salitang Klaster
(3KP-IIIh-j-11)

Ang Layunin:
1. Nakapagsasama-sama ang mga katinig at patinig upang
makabuo ng salitang klaster
Pambungad na Kanta at Panalangin
Pagganyak
Alam mo ba kung ilang letra mayroon ang bagong
Alpabetong Filipino?
 Ang bagong Alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 na letra.
Pagtatalakay
 Ilan sa mga ito ang patinig? Ano-ano ang mga ito?
(5 patinig – A , E , I , O , U )

 Ilan naman ang mga katinig? Ano-ano ang


mga ito?
( 23 katinig – B,C,D,F,G,H,J,K,L,M,N,Ñ,
NG,P,Q,R,S,T,V,W,X,Y,Z )
Pagtatalakay
 Basahing mabuti ang isang maikling kuwento at sagutin ang
mga sumusunod na tanong.

Si Clarisa ay nag-iisang anak nina Aling Gloria at Mang Troy.


Pagtatanim ng prutas ang kanilang ikinabubuhay. Nasa ikatlong
baiting na si Clarisa. Masipag siyang mag-aaral kaya pagdating ng
pagtatapos ng klase ay makakatanggap siya ng medalya. Ibinili
siya ng kanyang nanay ng bagong blusa na kulay rosas. Isusuot
niya ito sa araw ng
parangal. Nakatanggap din siya ng bagong…
Pagtatalakay
…krayola at tsokolate na regalo ng kanyang nanay at tatay.
Tuwang-tuwa si Clarisa sa mga natatanggap niyang regalo kaya
mas pagbubutihan pa niya ang
kaniyang pag-aaral.
Mga Tanong:
1. Sino ang batang nasa ikatlong baitang?
2. Sino ang mga magulang ni Clarisa?
3. Ano ang kanilang ikinabubuhay?
4. Ano ang binili ng nanay ni Clarisa na isusuot niya sa araw ng
parangal?
Pagtatalakay
5. Ano-ano pa ang mga regalo na natanggap ni Clarisa?

 Bigkasin ang ilang mga salitang ginamit sa kuwento:


Clarisa prutas krayola
Mang Troy blusa tsokolate
Aling Gloria

 Ano ang napapansin ninyo sa dalawang


letrang may salungguhit?
Pagtatalakay
Ang dalawang letrang may salungguhit ay parehong
katinig.

 Paano ninyo ito binigkas?


Binibigkas ng magkasama ang dalawang katinig at patinig sa
isang pantig.

 Ano ang tawag sa mga salitang ito?


Ang mga salitang ito ay tinatawag na
salitang Klaster.
Pagtatalakay
 Suriing mabuti ang bawat salita.
1. Cla - ri – sa
Ito ay may 3 pantig at may kambal katinig na titik c- at –l
sa unang pantig.
2. pru – tas
Ito ay may 2 pantig at may kambal katinig na titik p- at –r
sa unang pantig.
3. tso – ko – la – te
Ito ay may 4 na pantig at may kambal
katinig na titik t- at –s sa unang
pantig.
Pagtatalakay
Sabihin ang mga salitang may kambal-katinig o klaster sa
bawat bilang.
1. palayok prinsipe palasyo palaka
2. tula tasa tsuper talong
3. brilyante bata buko bulaklak
4. guro gulong gansa gripo
5. kutsilyo kwarto kamay kuko
Paglalapat
Hanapin ang (8) walong salitang klaster sa loob
ng puzzle.
Paglalahat
 Ang kambal-katinig o klaster ay magkakabit na dalawang
magkaibang katinig at patinig sa isang pantig na salita. Ito ay
maaaring makita sa unahan, gitna o kaya sa hulihang
posisyon ng
salita.
Pagtataya
Salungguhitan ang buong salita na may kambal-
katinig o klaster sa bawat pangungusap.
1. Labis na naapektuhan ang mga tsuper ng dyip dahil sa
pandemya.
2. Ibinili ng bagong tsinelas si Carlo ng kanyang nanay.
3. Naglaro kami ng trumpo ng aking mga kaibigan.
4. Nabasag ko ang plato habang ako ay naghuhugas.
5. Binigyan ako ng aking kapatid ng magandang kwintas.
Takdang-Aralin
Isaayos ang mga letra sa bawat bilang upang
mabuo ang tamang salitang klaster.
1. ( l b s u a ) _______________ - pambabaeng kasuotan
2. ( a l o y a r k ) ______________ - ginagamit pangkulay sa
ginuhit na larawan
3. ( r u m t e p t a ) ___________________ - instrument na
tumutunog kapag hinihipan
4. ( a s p r n s i e ) ___________________ - tawag sa anak na
babae ng hari at reyna
5. ( t a s p r u ) ______________________ - pagkaing
nagpapalakas ng resistensiya

You might also like