You are on page 1of 7

Grade 3

ESP

Keith Winslet C. Vitasa


I. LAYUNIN

A. Pamagat ng Aralin: Pagpapadama ng malasakit sa kapwa na may karamdaman

B. Mga Pinakamahalagang Kasanayang Pagkatuto (MELC):

Nakapagpapadama ng malasakit sa kapwa na may karamdaman sa pamamagitan ng mga


simpleng gawain;

- pagtulong at pag-aalaga, pagdalaw, pag-aliw at pagdadala ng pagkain o anumang


bagay na kailangan.
II. NILALAMAN
Mga simpleng gawaing nagpapadama ng malasakit sa may karamdaman
III. KAGAMITANG GURO
A. Sanggunian
1. Curriculum Guide
2. Google
3. Larawan
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral
Itaas ang isang kamay kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagtupad sa
pamantayan tuntunin ng mag-anak at dalawang kamay kung hindi.
1. Tuwing sabado ay toka ni Juan ang paghuhugas ng pinggan ngunit nagkunwari siyang
sumakit ang kaniyang tiyan para hindi makapaghugas.
2. Hindi nagdadabog ang kapatid kong si Gail kapag inuutusan ng aking mga magulang.
3. Ginagawa ko kaagad ang aking takdang aralin bago pumasok sa paaralan.
4. Tumatakas si Pedro sa paglilinis ng aming silid-aralan kapag uwian na.
5. Hindi nakikipag-usap si Arie sa mga taong hindi niya kakilala gaya ng bilin ng kaniyang
mga magulang at kapatid.
B. Paghahabi ng Layunin
Suriin ang larawan at sagutin ang sumusunod na katanungan.
1. Ano ang nakikita niyo sa larawan?
2. Kayo ba ay naranasan na magkasakit?
3. Ano ang mga paraan na ginagawa sa inyo upang mawala ang inyong sakit?
C. Pag-uugnay ng mg Halimbawa sa Bagong Aralin
Mga halimbawa ng mga simpleng gawain na nagpapakita ng malasakit sa may
karamdaman.

3. 4.
5.

D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglahad ng Bagong Kasanayan 1


Basahin ang teksto at sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Ang magkaibigang Ana at Rosa ay nagkasundo na maglalaro pagkatapos ng kanilang klase.
Pagdating ni Ana sa bahay ay agad itong nagpaalam sa kanyang nanay, ngunit hindi siya
pinayagan na maglaro sapagkat may sakit ang kanyang bunsong kapatid. Ibig mang maglaro ni
Ana sa labas, sinunod niya ang bilin ng kaniyang nanay upang ito ay matulungan sa mga
gawaing bahay. Si Ana rin ay tumulong sa pag-aalaga sa kanyang busong kapatid na maysakit.
1. Ano ang masasabi mo sa ginawa ni Ana? Sumasang-ayon ka ba sa kaniyang naging desisyon?
Ipaliwanag ___________________________________________________________________
2. Sa iyong palagay, ano ang mararamdaman ng nanay ni Ana sa kaniyang naging desisyon?
_____________________________________________________________________
3. Ano ang magiging bunga ng pagtulong sa maysakit at sa pagsunod sa magulang?
_____________________________________________________________________
4. Kung ikaw si Ana gagawin mo rin baa ng kaniyang ginawa? Bakit?
_____________________________________________________________________
E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan 2
Bumuo ng dalawang grupo. Gamit ang Graphic Organizer magbigay ng limang (5) paraan ng
pagtulong o pag-alaga sa may karamdaman. Isulat ang iyong sagot sa kahon.
Mga paraan sa
pagtulong o pag-aalaga
sa may mga
karamdaman

F. Paglinang sa Kasanayan
Basahin ang bawat sitwasyon. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Masakit ang ngipin ng iyong nakababatang kapatid. Oras na ng pananghalian at hindi


pa umuuwi ang inyong nanay. Ano ang gagawin mo?
a. Hindi ko siya papansinin
b. Patutulugin ko na lang ang aking kapatid
c. Hihintayin ko ang nanay hanggang makauwi
d. Bibigyan ko muna siya ng pagkaing malambot upang hindi siya mahirapang kumain

2. Nadatnan mong nakahiga ang iyong nanay pagkauwi mo mula sa paaralan. Masama
ang kaniyang pakiramdam. Ano ang gagawin mo upang maipakita ang pagtulong at pagaalaga
sa iyong nanay na may sakit?

a. Hihintayin ko ang pagdating ng tatay


b. Magpapatulong sa nakatatandang kapatid sa pagluto ng sopas upang may makain si
nanay
c. Paiinumin ko siya ng kahit na anong gamot upang siya ay gumaling
d. Lahat ng nabanggit
3. May benda ang sugatang binti ng iyong kamag-aral na katabi mo sa upuan dahil sa
aksidente. Nakasaklay pa siya pagpasok sa inyong silid-aralan. Paano mo maipakikita ang
pagmamalasakit sa kaniya?
a. Hindi ko siya papansinin
b. Aayain ko siyang maglaro sa labas
c. Aakayin siya at hindi na gagamitin ang saklay
d. Hindi ako maglilikot upang hindi ko masagi ang kaniyang binti
4. Sumasakit ang likod ng iyong lolo. Tinawag ka niya upang magpatulong na bumangon
sa higaan ngunit hindi mo kaya dahil sa iyong kaliitan. Ano ang dapat mong gawin?
a. Hindi ko siya papansinin
b. Hihintayin kong makauwi ang tatay
c. Magdadahilang masakit ang katawan ko
d. Manghihingi ako ng tulong sa aking mga nakatatandang kapatid
5. Sa inyong tahanan, nakita mo sa inyong silid na giniginaw ang iyong kapatid dahil sa
mataas ang kanyang lagnat. Ano ang iyong gagawin?

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang araw-araw na Buhay

Basahin ang mga sitwasyon sa unang kolum ng talahanayan sa susunod na pahina. Sa


ikalawang kolum naman ay maglagay ng bituin ( ) kung gaano mo kadalas ginagawa ang
pagtulong o pag-aalaga sa mga may karamdaman. Gawing basehan ang nasa ibaba. Gawin ito
sa iyong sagutang papel.
Limang (5) bituin - para sa palagi mong ginagawa
Apat (4) na bituin - para sa madalas mong ginagawa
Tatlong (3) bituin - para sa minsan mong ginagawa
Dalawang (2) bituin - para sa bihira mong ginagawa
Isang (1) bituin - para sa hindi mo ginagawa
Sitwasyon Gaano Kadalas
1. Tinutulungan ang ate sa gawaing bahay upang
nakapagpahinga si nanay, lalo na kapag ito ay may sakit.
2. Inuunawa ko ang aking kaklase kapag masakit ang kaniyang
ulo.
3. Umiiwas ako na mag-ingay habang natutulog ang aking lolo.
4. Inihahanda ko ang gamot na iinumin ni lola.
5. Inaakay ko ang aking bunsong kapatid na may sakit.

H. Paglalahat ng Aralin
1. Ano-ano nga muli ang mga halimbawa ng mga simpleng gawain na nagpapakita ng
malasakit sa may karamdaman.
2. Bakit mahalaga tumulong sa may karamdaman?
I. Pagtataya ng Aralin
Isulat ang salitang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapakita ng malasakit sa kapuwa
at MALI kung hindi.
__________1. Inaalagaan ni Redd ang nakababata niyang kapatid na may sakit habang ang
nanay niya ay gumagawa sa nang gawaing bahay.
__________2. Sinamahan ni Pedro ang kaklaseng may mataas na lagnat papunta sa klinik.
__________3. Hinahayan ni Ana ang kanyang ina sa mga gawaing bahay kahit na ito ay may
sakit.
__________4. Tumutulong si Tina sa kanilang kapitbahay sa paghahanda ng mga gamit na
dadalahin sa ospital dahil wala itong ibang kamag-anak.
__________5. Pinapainom ng gamot ang kapatid at magulang na may sakit.

J. Karagdagang Gawain Para sa Takdang Aralin


Gumuhit o gumupit ng isang larawan na nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa na
may karamdaman.

You might also like