You are on page 1of 24

2

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Ugnayang Sanhi at Bunga
ng mga Pangyayari
Filipino – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Ugnayang Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Freda D. Salavaria
Editor: Carolyn R. Reyes, Donna S. Villanueva
Tagasuri: Marie Ann C. Ligsay PhD, Mila D. Calma
Tagaguhit: Freda D. Salavaria
Tagalapat: Bryan Jake C. Mangune
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio EdD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Milagros M. Peñaflor PhD
Edgar E. Garcia
Romeo M. Layug

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon - Rehiyon III

Office Address: Diosdado Macapagal Government Center,


Maimpis, City of San Fernando, Pampanga
Telefax: (045) 598-8580
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
2

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Ugnayang Sanhi at Bunga
ng mga Pangyayari
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula
sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa
sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin
Kumusta ka kaibigan? Maligayang pagdating sa
ikalawang modyul ng ikatlong markahan. Para sa ating
pagsisimula siguraduhin mong kasama mo ang iyong
magulang/guro o sino man na gagabay sa iyo. Tayo na
kaibigan! Atin nang simulan ang ating talakayan.
Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang
matutuhan mo kung paano makapag-uugnay ng sanhi at
bunga ng mga pangyayari sa binasang talata; teksto.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang


matututuhan mo kung paano:
Nakapag-uugnay ng sanhi at bunga ng mga pangyayari
sa binasang talata; teksto. (F2PB-IIIg-6)
a. natutukoy ang sanhi at bunga;
b. nakikilala ang sanhi at bunga sa mga pangyayari; at
c. nakagagawa ng mga gawaing nagpapakita ng
sanhi at bunga.

1
Subukin
Gawain ng magulang/guro:
(Gabayan ang bata sa pagsagot)
Panuto: Paghambingin mo ang larawang nasa Hanay A at
ang salitang pareho ang kahulugan sa Hanay B.
Isulat mo ang letra ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.
Hanay A Hanay B

1.
a. pagtatanim ng
halaman

2. b. paggamit ng lambat
sa pangingisda

3. c. pagtatapon ng basura
sa kanal

2
4. d. labis na pag-apaw
ng tubig

5. e. labis na pagpuputol
ng mga puno

3
Aralin Pag-uugnay ng Sanhi at Bunga

1 ng mga Pangyayari sa Binasang


Talata o Teksto
Gawain ng magulang/guro:
(Gabayan ang bata sa pagbabasa ng kuwento)

Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong.

Kalikasan ating Ingatan


ni Freda D. Salavaria

Ang kalikasan ay isa sa pinakamagandang nilikha ng


ating Diyos para sa sangkatauhan. Marami tayong
maituturing na likas na yaman na ating
napakikinabangan. Ngunit sadyang may ilang mga taong
hindi nakukuntento sa mga bagay na mayroon sila.

4
Ang labis na pagpuputol ng mga puno o ilegal na
pagtotroso ay isa sa halimbawa ng pagmamalabis sa
kalikasan. Isinisisi sa mga ilegal na mantotroso ang
paghagupit ng mga sakuna na nangyayari sa iba’t ibang
bahagi ng ating bansa. Ang biglaang pagbaha sa pulo ng
Samar at Leyte na ikinamatay ng libo-libong mamamayan
noong Nobyembre, taong 2013.

Ang paggamit ng dinamita sa pangingisda ay nakasisira


rin sa ating kalikasan. Nasisira ang mga bahay ng mga isda
tulad ng mga corals at coral reefs. Nagdudulot din ito ng
pagkamatay ng mga itlog at maliliit na isda.

5
Marami ring naaapektuhan ang mga mangingisda na
tanging lambat lamang ang ginagamit sa pangingisda.
Halos wala na silang mahuli dahil dito.

Ang pagtatanim ng mga halaman at mga puno ay


makatutulong upang maibalik ang kagandahan ng ating
kalikasan. Sa pamamagitan din ng pagtatanim,
mapapalitan ang mga punong pinutol, dadami na muli
ang mga ligaw na hayop at babalik sa dating ganda ng
ang ating kagubatan.

6
Balikan
Gawain ng magulang/guro:
(Gabayan ang bata sa pagsagot)
Panuto: Basahin at sagutin mo ang mga sumusunod na
katanungan. Piliin mo ang letra ng tamang sagot
at isulat mo ang iyong sagot sa iyong sagutang
papel.
1. Ano ang pamagat ng kuwento?
a. Kalikasan ating Ingatan
b. Kalikasan Pangalagaan
c. Kalikasan ating Mahalin
2. Ano ang bunga ng pagkasira ng kalikasan?
a. pagpuputol ng mga puno
b. paggamit ng dinamita
c. pagkakaroon ng baha
3. Sino ba ang dapat sisihin sa mga sakunang nangyayari?
a. ang mga tao na labis na nagputol ng mga puno
b. ang mga tao na nagtanim ng mga puno
c. ang mga tao na naglilinis ng paligid
4. Ano-ano ang sanhi ng pagkasira ng kalikasan?
a. pagtatanim ng mga puno at mga halaman
b. labis na pagpuputol ng mga puno at paggamit
ng dinamita sa pangingisda
c. paggamit ng lambat sa pangingisda at
pagtatapon ng mga basura sa tamang
basurahan

7
5. Paano natin maiingatan ang ating kalikasan?
a. Magtapon ng basura sa kanal.
b. Putulin ang mga bulaklak sa bakuran.
c. Magtanim ng mga halaman sa bakuran.

Mga Tala para sa Guro

Ang sanhi ang pinagmumulan o dahilan ng


isang pangyayaring naganap kaya
nagkakaroon ng kasunod na pangyayari na
tinutukoy nating bunga o epekto.

Tuklasin
Kumusta ang iyong paglalakbay kaibigan? Natutuwa
ako at nakaabot ka sa bahaging ito. Alam kong kayang-
kaya mo pa kaya’t magpatuloy tayo.
Ang sanhi ay ang pagbibigay dahilan o paliwanag sa
mga pangyayari. Ang bunga ay ang epekto o
kinalabasan ng pangyayari.
Halimbawa:
Sanhi: Mukhang uulan nang malakas.
Bunga: Nagdala ng payong si Faye.

8
Sanhi Bunga

Sanhi: Nag-aral nang mabuti ng kaniyang aralin si


Fave.
Bunga: Nakakuha siya ng medalya.

Sanhi Bunga

Suriin
Gawain ng magulang/guro:
(Gabayan ang bata sa pagsagot)
A. Panuto: Piliin mo sa loob ng kahon ang sanhi ng mga
larawan. Isulat mo ang letra ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.

9
a. Nagugutom na siya.
b. Binigyan siya ng regalo.
c. Napagod siya sa paglalaro.

a. Kumain siya ng maraming kendi


b. Nabusog sa kinain
c. Uminom ng maraming tubig

10
B. Panuto: Piliin mo sa loob ng kahon ang bunga ng mga
larawan. Isulat mo ang letra ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.

a. Upang makagawa siya ng takdang-aralin


b. Upang maging malinis ang kanyang mga
kamay
c. Upang makapaglaro siya kaagad

a. makatutulong sa pagpigil ng baha


b. makatutulong sa iyong pag-aaral
c. makatutulong sa iyong paglaki

11
a. wala siyang kalaro
b. wala siyang kaibigan
c. mayroon siyang kaibigan

Pagyamanin
Gawain ng magulang/guro:
(Gabayan ang bata sa pagsagot)
A. Panuto: Tukuyin mo ang sanhi at bunga sa mga
sumusunod na sitwasyon. Isulat mo ang iyong sagot
sa iyong sagutang papel.
Halimbawa:
Nanalo siya sa paligsahan sa pag-awit sapagkat
nagsanay siyang mabuti.

Sanhi: Nagsanay siyang mabuti.


Bunga: Nanalo siya sa paligsahan.

12
1. Mataas ang nakuhang marka ni Mia sapagkat siya
ay nag-aral nang mabuti.

2. Tulong-tulong sila sa paglilinis ng mga kanal kaya hindi


binabaha ang kanilang bayan.

3. Nagwalis ng silid-aralan ang mga mag-aaral kaya


natuwa ang kanilang guro.

4. Malusog na bata si Ryzen dahil kumakain siya ng mga


masustansiyang pagkain.

5. Masayahing bata si Isaac kaya marami siyang


kaibigan.

B. Panuto: Iguhit mo sa sagutang papel ang kung


ang parirala ay sanhi at naman kung ito ay
bunga.

1. ______ Naglilinis ng bakuran si Faye


______ Nawala ang mga tirahan ng lamok

2. ______ Bumaha sa Bataan


______ Dahil sa malakas na ulan

3. ______ Nagtanim ng mga puno ang mamamayan


______ Nabawasan ang labis na pagbaha

13
4. ______ Kaya mabilis na mawala ang mga ibon
______ Nasira na ang kanilang tirahan sa kagubatan

5. _______ Binaha ang maraming bayan


_______ Dahil sa pagpuputol ng mga puno

Isaisip
Kaya pa ba kaibigan? Magaling, Alam kung kayang-
kaya mo ito. Alamin natin ang sumusunod.
Paano mo malalaman kung ang isang pangyayari ay
sanhi o bunga?
Ang sanhi ay sinasagot ang katanungang, “Bakit ito
nangyari?” at ang bunga ay sinasagot kung “Ano ang
naging epekto sa pangyayari?”
Ang unang tanong ay sumasagot sa sanhi at ang
ikalawang tanong naman ay sumasagot sa bunga.
Panuto: Punan ng sanhi at bunga ang patlang. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.
Mahalagang matukoy ang ______ ng pinagmumulan
o dahilan ng isang pangyayaring naganap kaya
nagkakaroon ng kasunod na pangyayari na tinutukoy
nating _______ o epekto.

14
Isagawa
Gawain ng magulang/guro:
(Gabayan ang bata sa pagsagot)
Panuto: Tukuyin mo ang bahagi ng pangungusap na may
salungguhit kung ito ay sanhi o bunga. Isulat ang
iyong sagot sa iyong sagutang papel.

1.Dahil sa labis na binaha ang


pagpuputol ng puno maraming bayan.

2. Malinis ang dagat kaya maraming


tao ang naliligo.

3. Nakaiwas sila sa dahil sinunod nila


sakuna ang babala sa kalsada.

15
4. Umiyak nang malakas dahil siya ay nadulas.
si Nico

5. Nangisda nang maaga upang makahuli


ang tatay ng maraming isda.

Tayahin

Gawain ng magulang/guro:
(Gabayan ang bata sa pagsagot)
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang S kung ang tinutukoy
ay sanhi at B kung bunga ang pangyayari.

1. ___ Mamamatay ang mga isda.


___ Madumi ang ilog.

2. ___ Baha na sa kalsada.


___ Walang tigil ang pag-ulan.
16
3. ___ Naligo sa ulan si Joel.
___ Nilagnat siya.

4. ___ Sumali siya sa paligsahan.


___ Magaling siyang gumuhit.

5. ___ Tinulungan ni Bea ang kaniyang lola.


___ Nagpasalamat ito sa kaniya.

Karagdagang Gawain
Gawain ng magulang/guro:
(Gabayan ang bata sa pagsagot)
Panuto: Piliin mo ang bilang ng pangungusap na
nagpapakita ng sanhi at bunga. Isulat mo ang
iyong sagot sa iyong sagutang papel.

Isang araw bago pumasok sa paaralan si Ivan,


(1) sinabihan siya ng kanyang ina na magdala ng payong
(2) sapagkat makulimlim ang kalangitan. (3) Sa kaniyang
pagmamadali, (4) nakalimutan niya ang bilin nito. (5) Biglang
bumuhos ang malakas na ulan kaya siya ay nagtatakbo at nabasa
ng ulan.
Sanhi Bunga

17
18
Subukin Balikan Suriin
1. c 1. A 1. b
2. C
2. a 3. A 2. a
4. B 3. b
3. b
5. c
4. e 4. a
5. d 5. c
Pagyamanin Isagawa Tayahin
A. 1. Sanhi: Siya ay nag-aral nang 1. Sanhi 1. B, S
mabuti
Bunga: Mataas ang nakuhang marka 2. Bunga 2. B,S
ni Mia 3. Sanhi 3. S, B
2. Sanhi: Tulong-tulong sila sa paglilinis ng 4. Bunga 4. B, S
mga kanal
Bunga: Hindi binabaha ang kanilang 5. Sanhi 5. S, B
bayan.
3. Sanhi: Nagwalis ng silid-aralan ang mga
mag-aaral
Bunga: natuwa ang kanilang guro.
Karagdagang Gawain
4. Sanhi:kumakain siya ng mga Sanhi Bunga
masustansiyang pagkain.
Bunga: Malusog na bata si Ryzen 2 1
3 4
5. Sanhi: Masayahing bata si Isaac
Bunga: Marami siyang kaibigan. 5
B. 1.bilog,puso
2. puso,bilog
3. puso,bilog
4. puso,bilog
5.bilog,puso
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
K To 12 Filipino Grade 2 Lm, Slideshare.Net, 2020,
https://www.slideshare.net/jedithagustin/k-to-12-filipino-
grade-2-lm.

Lesson 66 Uganayang Sanhi At Bunga. Google.Com. Accessed 29


January 2019.
https://www.google.com/search?q=halimbawa+ng+sanhi
+at+bunga+larawan.

Nilda S. D. Garcia et al., Ang Bagong Batang Pinoy Filipino 2, 1st


ed. (repr., Pasig City Philippines: Kagawaran ng
Edukasyon, 2013), 347-348.

Rey Valle, "Ano Ang Sanhi At Bunga? Depinisyon At Halimbawa",


Philippine News, 2020, https://philnews.ph/2020/02/26/ano-
ang-sanhi-at-bunga-depinisyon-at-halimbawa/.

Updates, News, Teaching Materials, Reading Articles, and Be


Contributor. 2020. "Most Essential Learning Competencies
(MELC) KG to Grade 12 SY 2020-2021". https://www.deped-
click.com/2020/05/most-essential-learning-
competencies.html.

19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like