You are on page 1of 20

2

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Mga Salitang Panghalip Panao
(Ako, Ikaw, Siya, Tayo, Kayo, Sila)
Filipino – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Mga Salitang Panghalip Panao (Ako, Ikaw, Siya, Tayo,
Kayo, Sila)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Grace L. Sotto
Editor: Carolyn R. Reyes, Donna S. Villanueva
Tagasuri: Marie Ann C. Ligsay, PhD, Mila D. Calma
Tagaguhit: Freda D. Salavaria
Tagalapat: Jenina Elaine T. Naguit
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio, EdD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Nestor P. Nuesca, EdD
Milagros M. Peñaflor, PhD
Edgar E. Garcia
Romeo M. Layug

Inilimbag sa Pilipinas ng Republika ng Pilipinas- Rehiyon III

Office Address: Diosdado Macapagal Government Center,


Maimpis, City of San Fernando, Pampanga
Telefax: (045) 598-8580
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
2

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Mga Salitang Panghalip Panao
(Ako, Ikaw, Siya, Tayo, Kayo, Sila)
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula
sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa
sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Kumusta ka kaibigan? Maligayang pagdating sa


unang modyul ng ikatlong markahan. Para sa ating
pagsisimula siguraduhin mong kasama mo ang iyong
magulang/guro o sino man na gagabay sa iyo. Tayo na
kaibigan! Atin nang simulan ang ating talakayan.
Matapos ang modyul na ito, inaasahang matututuhan
mo kung paano:

1. nagagamit ang mga salitang pamalit sa ngalan ng


tao (ako, ikaw, siya, tayo, kayo, sila)

a. natutukoy ang salitang pamalit na ginamit sa


pangungusap ng; at
b. nagagamit ang mga salitang pamalit sa
pangungusap.

ii
Subukin
Gawain ng magulang/guro: (Gabayan ang bata sa pagsagot)

Panuto: Piliin mo ang salita na maaring ipalit sa ngalan ng


tao na may salungguhit sa bawat bilang. Isulat mo
ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Si Nena at Totoy ay laging naghuhugas ng kanilang
mga kamay.

a. Sila b. Ako c. Kayo d. Tayo

2. Si Kuya Orlan, Ate Mila at Ako ay nakikinig ng balita


tuwing umaga.

a. Tayo b. Kami c. Ako d. Sila

3. Ikaw at ang iyong kapatid ba ay kumakain ng gulay?

a. Sila b. Tayo c. Kayo d. Ako

4. Si Ate ay isang magaling na nars.

a. Tayo b. Siya c. Kayo d. Ako

5. Ako, Ikaw at ang mga tao ay kailangang manatili sa


ating mga tahanan.

a. Tayo b. Siya c. Kayo d. Ako

1
Aralin Mga Salitang Pamalit

1 sa Ngalan ng Tao (Ako, Ikaw, Siya,


Tayo, Kayo, Sila)

Magandang buhay! Tara na at ating lakbayin ang


mundo ng mga Panghalip Panao. Pamilyar ba sa iyo ang
mga salitang Ako, Ikaw, Siya, Sila, Tayo, at Kayo? Nagamit
mo na ba ang mga salitang ito? Alam mo ba ang tawag
sa kanila? Kung Oo ang iyong sagot, Magaling! Ngunit
kung Hindi naman ay atin itong pag-aaralan.

Sa araling ito, lalo mo pang matututuhan ang tamang


paggamit ng mga salitang nabanggit at kung paano mo
sila gagamitin sa pang araw-araw mong buhay. Handa ka
na bang matutuhan ang mga ito? Halika na’t ituloy natin
ang ating pagbasa.

2
Balikan
Gawain ng magulang/guro:
(Gabayan ang bata sa pagsagot)
Panuto: Piliin mo ang wastong panghalip panao para sa
bawat pangungusap. Gamitin mo ang larawan
bilang batayan ng taong nagsasalita. Isulat mo
ang iyong sagot sa iyong sagutang papel

1.

(Ako, Ikaw, Siya) ang iyong


bagong kapitbahay.

2. (Sila, Siya, Kami) ang aming


guro sa Filipino.

3. (Siya, Kayo, Ikaw) ang


masipag at matulunging
Kapitan ng aming
barangay.

3
4.
(Ikaw, Tayo, Sila) ba ang
gumawa ng iyong
saranggola?

(Ikaw, Sila, Kayo) ang mga


5. nag-aalaga sa mga taong
may sakit.

Mga Tala para sa Guro

Basahin ang diyalogo at mga pangungusap sa


mga susunod na gawain. Ipagawa ang mga
pagsasanay sa mag-aaral.

4
Tuklasin

Gawain ng magulang/guro:
(Basahin ang mga pangungusap at ipagawa ang
mga pagsasanay sa mag-aaral.)
Panuto: Punan mo ng wastong Panghalip panao ang
bawat patlang upang mabuo ang pangungusap.
Piliin mo ang angkop na panghalip panao sa loob
ng panaklong. Isulat mo ang letra ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.

1. Matalinong bata si Franco.


________ (Ako, Siya, Tayo) ay masipag mag-aral.

2. Tumutulong sa gawaing bahay sina Marie at Nariz.


________ (Ako, Kami, Sila) ay matulungin.

3. Ako at ang aking mga kapatid ay kumakain ng


masusustansyang pagkain.
________ (Tayo, Kami, Ikaw) ay malulusog.

4. Ikaw at ako ang katulong ni nanay sa mga gawain.


________ (Sila, Kami, Tayo) ay masipag.

5. Si Lorine ay masiyahing bata.


________ (Siya, Sila, Tayo) ay lagi tumatawa.

5
Suriin

Gawain ng magulang/guro:
(Basahin ang mga pangungusap at ipagawa ang
mga pagsasanay sa mag-aaral.)
Panuto: Piliin mo ang wastong panghalip panao para sa
bawat pangungusap. Isulat mo ang letra ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. ________ (nagsasalita) ay mapagmahal sa aking mga
magulang.

a. Ako
b. Sila
c. Tayo
d. Siya

2. Umalis (si ate) ________ kaninang umaga para bumili


ng ulam.

a. siya
b. kayo
c. tayo
d. sila

3. (Ikaw at ako) ________ ay dapat sumunod sa mga


ipinagbabawal gawin ng ating pamahalaan.

a. Ikaw
b. Sila
c. Tayo
d. Kayo

6
4. Gabi-gabi ________ (ako at ang aking pamilya) ay
sama-samang nanonood ng balita.

a. ako
b. sila
c. kami
d. tayo

5. (ang aking nanay) ________ ay masarap magluto.

a. Ikaw
b. Kayo
c. Sila
d. Siya

Pagyamanin
Gawain ng magulang/guro:
(Gabayan ang bata sa pagsagot)
Panuto: Punan mo ng wastong Panghalip panao ang
patlang ayon sa ipinapakita sa larawan. (Ako, Tayo,
Ikaw, Kayo, Siya Sila). Isulat mo ang iyong sagot sa
iyong sagutang papel.

1.

7
2.

3.

4.

8
5.

Isaisip

Kumusta ang iyong paglalakbay kaibigan? Natutuwa


ako at nakaabot ka sa bahaging ito. Alam kong kayang-
kaya mo pa kaya’t magpatuloy tayo.
Mahalagang malaman natin ang mga salitang
maaaring ipalit sa ngalan ng tao.
Ang mga salitang ginagamit bilang pamalit sa ngalan
ng tao ay tinatawag na Panghalip na Panao.
Ang Ako ay panghalip panao na ginagamit na
pamalit sa ngalan ng taong na nagsasalita. Habang ang
Tayo ay ipinapalit kapag kasama ang taong nagsasalita
at ngalan ng kausap.
Ang Ikaw ay panghalip panao na ginagamit bilang
pamalit sa ngalan ng taong kinakausap. At ang panghalip
na Kayo ay ginagamit bilang pamalit sa ngalan ng taong
kinakausap na higit sa dalawa.

9
Ang Siya ay ipinapalit para sa ngalan ng isang taong
pinag-uusapan. Habang ang Sila naman ay ipinapalit sa
ngalan ng mga taong pinag-uusapan.

Isagawa
Gawain ng magulang/guro:
(Gabayan ang bata sa pagsagot)
Panuto: Palitan mo ng wastong Panghalip panao ang
pangngalang ginamit sa pangungusap. Isulat ang letra
ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Si Susan ay matulungin sa kapwa.

a. Kami b. Siya c. Tayo d. Sila

2. Ikaw, Ako, at si Peter ay magsisimba sa darating na


Linggo.

a. Tayo b. Sila c. Kayo d. Sila

3. Ako at ang aking mga kapatid ay dadalaw sa aming


lolo at lola bukas.

a. Sila b. Siya c. Tayo d. Kami

4. Sina Angel at Angela ay magkapatid.

a. Kami b. Siya c. Tayo d. Sila

10
5. Inutusan si Ely ng kaniyang nanay kaninang umaga
upang bumili ng suka.

a. Tayo b. Kami c. Siya d. Sila

Tayahin
Gawain ng magulang/guro:
(Gabayan ang bata sa pagsagot)
Panuto: Isulat mo sa iyong sagutang papel ang panghalip
panao na ginamit sa bawat pangungusap.

1. Kami ay sama-samang kumakain tuwing hapunan.

2. Ako ay laging nagmamano sa mga nakatatanda sa


akin.

3. Tayo ang naatasang maglinis ng ating silid-aralan.

4. Sila ang mga kaibigan ng aking kapatid.

5. Umiinom ako ng walong baso ng tubig araw-araw.

11
Karagdagang Gawain
Gawain ng magulang/guro:
(Gabayan ang bata sa pagsagot)
Panuto: Palitan mo ng wastong panghalip panao ang
mga salitang na sa loob ng panaklong. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.

1. Naliligo na (sina Ate at Bunso) ________.

2. (Si Ate at si Nanay) ________ ay maagang umalis para


pumunta sa kabilang bayan.

3. (Ikaw, Ako, at si Kuya) ________ ang inutusan ni nanay


na umigib ng tubig sa balon.

4. (Tumutukoy sa sarili) ________ na ang maghuhugas ng


plato ngayong gabi.

5. (Si Mang Ruben at Tiyo Rudy) ________ ang kumuha


ng bigas sa sako.

12
13
Subukin Balikan Tuklasin Suriin:
1. a 1. ako 1. siya 1. a
2. b 2. siya 2. sila 2. a
3. c 3. siya 3. kami 3. c
4. b 4. ikaw 4. tayo 4. c
5. a 5. sila 5. siya 5. d
Pagyamanin
Isagawa Tayahin Karagdagang Gawain:
1. ikaw
1. b 1. kami 1. sila
2. sila 2. a 2. ako 2. sila
3. kami 3. d
3. tayo 3. tayo
4. d
4. ako 4. sila
5. c 4. ako
5. ako 5. ako 5. sila
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Garcia, Nilda, Jackelyn Aligante, Melany Ola, Aida Cruz, Erlinda


Castro, Virginia Cruz, Matilde Padalla, Galcoso Alburo, and
Estela Cruz. 2013. Ang Bagong Batang Pinoy Filipino 2
(Kagamitan Ng Mag-Aaral). 1st ed. Meralco Avenue, Pasig
City: Rex Book Store, Inc.

Garcia, Nilda, Jackelyn Aligante, Melany Ola, Aida Cruz, Erlinda


Castro, Virginia Cruz, Matilde Padalla, Galcoso Alburo, and
Estela Cruz. 2013. Ang Bagong Batang Pinoy Filipino 2
(Teacher’s Guide). 1st ed. Meralco Avenue, Pasig City: Rex
Book Store, Inc.

Liwanag, Lydia. 2011. Landas Sa Wika At Pagbasa. 1st ed. Visayas


Avenue Quezon City: EduResources Publishing, Inc.

Salvatus, Grace, Babylen Soner, Nida Santos, and Rianne Tiñana.


2013. Mother Tongue-Based Multilingual Education 2
(Kagamitan Ng Mag-Aaral). 1st ed. Meralco Avenue, Pasig
City: MGO Enterprises.

Updates, N., Materials, T., Articles, R. and Contributor, B., 2020. Most
Essential Learning Competencies (MELC) KG To Grade 12 SY
2020-2021. [online] DepEd Click. Available at:
<https://www.deped-click.com/2020/05/most-essential
learning-competencies.html>

14
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like