You are on page 1of 12

Filipino 1

Kasanayan: Nagagamit ang mga


salitang pamalit sa ngalan ng tao
(ako, ikaw, siya, tayo, kayo, sila)
Code: FIWG-IIg-i-3
Ang panghalip ay salitang panghalili o
pamalit sa ngalan ng tao. Ito ay tinatawag na
panghalip panao.
Mga Salitang Pamalit sa Ngalan ng Tao
1. Ako ay ginagamit kapag ang tinutukoy ng
nagsasalita ay ang kaniyang sarili. Halimbawa:
Ako ay may malaking lobo.
2. Ikaw ang ginagamit kapag ang kausap ang
tinutukoy ng nagsasalita.
Halimbawa: Ako ay may lobo. (sa sarili) Ikaw ay
may bola. (sa kausap ng taong nagsasalita)
3. Siya naman kapag ibang tao ang tinutukoy
ng nagsasalita.
Halimbawa: Siya ay may aso.
4. Kami at Tayo ay ginagamit bilang pamalit
sa ngalan ng nagsasalita, kayo sa kinakausap
(dalawa o higit pa ang tinutukoy), at sila sa
pinag-uusapan Halimbawa: Tayo ay maglalaro
mamaya. (kasama ang taong nagsasalita)
Sila ay maglalaro mamaya.
Gawain 1
PANUTO: Basahin at unawain ang bawat
pangungusap. Piliin ang mga salitang ginamit na
pamalit sa ngalan ng tao. Isulat sa sagutang papel
ang tamang sagot.

1. Ako ay nagsasagot ng modyul.


2. Kumain tayo ng masustansiyang pagkain.
3. Kami ay naglilinis sa paligid ng bahay.
4. Nagtutupi siya ng mga damit.
5. Nangongolekta sila ng mga basura.
Gawain 2
PANUTO: Basahin at unawain ang bawat
pangungusap. Tukuyin ang angkop na
salitang pamalit sa ngalan ng tao. Isulat sa
sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

1. Nena ang tawag sa akin. ______ay


mabait na bata.
A. Ako B. Kami C. Sila
2. Mahal ako nina nanay at tatay. _____
ay mahal ko rin.
A. Ako B. Kami C. Sila

3. Nagluto si Rene ng ulam. ____ ay


masarap magluto.
A. Ako B. Ikaw C. Siya
4. “Kokoy, Masayahin kang bata. Ako
naman ay palatawa. _____ ay magkasundo.
A. Ako B. Ikaw C. Tayo

5. Carlo mahusay kang umawit. ______ ay


aking idolo.
A. Ako B. Ikaw C. Kami
Gawain 3
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti
ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang
papel ang letra ng tamang sagot.
1. Si Nena ay anim na taong gulang ganoon
din si Ana. ______ ay magkasing-edad.
A. ako B. ikaw C. Sila
2. “Salamat anak at nakikinig ka sa akin.
_____ay masunuring bata.” Ang sabi ng
tatay. Anong pamalit sa ngalan ng tao ang
angkop na gamitin?
A. Ako B. Ikaw C. Siya
3. Tama ang itinuro ni nanay. _____ ay
magaling magturo. Anong pamalit sa
ngalan ng tao ang angkop na gamitin?
A. Ako B. Ikaw C. Siya
4. Taimtim ______ng nagdarasal. Ito ang
gawain namin bago matulog sa gabi.
A. Ako B. Ikaw C. kami

5. Inaalagaan ako ng aking mga kapatid.


____ay mapagmahal.
A. Ako B. Ikaw C. Sila
Gawain 4
PANUTO: Gamitin ang mga panghalip na
natutunan sa pangungusap. Gumawa ng
dalawang pangungusap sa bawat
panghalip. Gawin ito sa sagutang papel.

Ako Ikaw Siya Sila Tayo

You might also like