You are on page 1of 5

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 1

Kwarter 4, Linggo 6

Pangalan: ___________________________________ Baitang_______________


Paaralan: ___________________________________ Iskor__________________

PANIMULA

Isang mapagpalang araw! Kumusta ka na?


Halika! Sasamahan kitang tumuklas ng bagong kaalaman.
Sa araling ito, ay matutuhan mong tukuyin ang mga simula ng
pangungusap, talata o kwento.

LAYUNIN

Sa gawaing ito, ikaw ay inaasahang natutukoy ang simula ng


pangungusap, talata o kwento.

SUBUKIN MO

Basahin ang talata.

Si Lira ay may mga alagang manok sa kanilang bakuran.


Dalawang tandang at dalawang inahin. Ang isang inahin ay may
pitong maliliksing sisiw. At ang isa naman ay may lima nang itlog. Araw-
araw niya itong pinatutuka ng palay at panaiinom ng tubig. Nawiwili si
Lira sa pag-aalaga ng mga manok sapagkat alam niyang nagbibigay
ito ng masustansiyang pagkain sa kaniyang pamilya.
Basahin ang simula ng bawat pangngusap.

1. Si Lira ay may alagang manok sa kanilang bakuran.


2. Dalawang tandang at dalawang inahin.
3. Araw-araw niya itong pinatutuka ng palay at pinaiimun ng tubig.
-2-

PAG-ARALAN MO
Kung babasahin mo ang pangngusap sa ibaba, saan ka magsisimula?
Ituro mo.
Sa isang malayong bayan, nakatira ang mga taong malakas ang
boses.
Basahin:
Sa isang malayong bayan, nakatira ang mga taong malakas ang
boses maliban sa isang batang babae.

Ang lahat ay nag-aalala. Ang lahat ay nagtaka. Bakit walang


boses ang isa sa kanila? Kaya’t katulong ang mga magulang
nagsimulang
. hanapin ng batang walang boses ang kaniyang
nawawalang tinig. Pero kahit saan, hindi ito matagpuan.

Isang araw, nagpasya ang batang walang boses na hanapin


mag-isa ang kaniyang tinig. Inakyat ang bundok, nilangoy ang mga
dagat, lumipad sa himpapawid, naglakad sa mahabang daan, ngunit
hindi pa rin natagpuan ang nawawalang boses.
Dahil sa pagod at lungkot na nadarama, napaupo na lamang siya
sa isang tabi. At, doon napansin niya ang isang lalaking abala sa
pagpipinta ng magagandang baga sa kapaligiran.
Ito na ang sagot sa kaniyang problema. Sa wakas nahanap na
niya ang sagot sa kaniyang matagal nang tanong.
Ang Papel at ang kaniyang pangkulay. Siya ngayon ang may
pinakamalakas na boses sa kaniyang bayan.
-3-
Sagutin.

1. Ano ang problema ng bida sa kwento?


2. Ano ang ginawa niya upang mahanap ito?
3. Paano siya nagkaroon ng pinakamalakas na boses?

Basahin ang may salungguhit. Ito ay isang pangngusap. Ang isang


talata o kuwento ay binubuo ng mga pangngusap tulad nito.
Pansinin ang nakakahon. Ito naman ay isang halimbawa ng talata.
Ito ay pinagsama-samang pangungusap.
Simulang basahin ang unahang salita sa pangungusap o talata.
Tingnan ang nakaitim na salita upamg mas maunawaan ito.

SAGUTIN MO Basahin ang simula ng bawat pangungusap:

1. Natakot si Nina sa pagkawala ng kaniyang boses.


2. Hinanap ni Nina ang kaniyang nawawawalang boses.
3. Natutuhan ni Nina na gumuhit ng magagandang bagay sa
kaniyang kapaligiran.
4. Natagpuan ni Nina ang kaniyang boses sa mga lapis at pangkulay.

Panuto:
A. Bilugan kung saan dapat magsimula sa pagbasa ng
pangungusap.
1. Tuwing umaga magkasabay na pumapasok sa paaralan si Anie at
Lisa.
2. Sa malayong lugar sila nakatira.
3. May dala dala silang baon na nilagang saging.

-4-

4. Masaya silang pumapasok kahit naglalakad lang.


5. Ang kanilang guro ay si Gng. Malco.

KARAGDAGANG GAWAIN:

Sumulat ng pangungusap na nagsasaad ng isang pangyayari sa


kuwentong pinakinggan “ Ang taong malakas ang boses”. Bilugan kung
saan dapat magsimula sa pagbasa nito

ISAISIP:

Sinisimulan ang pagbasa ng pangngusap, talata o kuwento sa


_____________.

SUSI SA PAGWAWASTO
Pre-test Sagutin Mo Karagdagang Gawain:
A.
1. Si 1. Natakot Depende sa sagot ng mga bata.
2. Dalawang 2. Hinanap
3. Araw-araw 3. Natutuhan
4. Natagpuan
B.
1. Tuwing
2. Sa
3. May
4. Masaya
Inihanda ni:

JONITH B. MALCO
Teacher III/ SIES

Sanggunian:
Bumasa at Sumulat Filipino
Kagamitan ng Mag-aaral pp. 145-148
Imperial, L. at Sta. Rosa L. (2020). Filipino 1, Kwarter 4- Modyul 6 : Bantas at Panuto. ROV-SLMs. Legazpi
City

RAO/033121/CID

You might also like