You are on page 1of 5

Detalyadong Banghay-Aralin

Filipino 2
I. Mga Layunin
Sa loob ng 45 minutong aralin sa Filipino, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Matukoy ang mga bahagi ng aklat.
b. Malaman ang kahalagahan ng bawat bahagi ng aklat.
c. Matutunan ang wastong paggamit ng aklat sa pagkalap ng impormasyon.
II. Paksang Aralin
a. Paksa: Mga Bahagi ng Aklat
b. Sanggunian: Pluma 2, Emily V. Marasigan, Mga Bahagi ng Aklat. .p.95-97
c. Kagamitan: Visual aids, aklat, larawan
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Studyante
A. Paunang Gawain
 Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa panalangin. Binasa ang Surah-Fatihah

(Magtatawag ang guro ng isang mag aaral


upang pangunahan ang panalangin)

 Pagbati
Magandang-araw po!
Magandang-araw mga bata!

Ako nga pala si Teacher Farhanie Hadji Ali,


pero maari nyo akong tawaging Teacher
Hany.

 Pagsasaayos ng silid aralan at pagtsek ng


liban at hindi liban
Bago kayo umupo pakipulot ang mga
(Magpupulot ng mga kalat ang mga
kalatna nasa ilalim ng inyong mga lamesa at
magaaralat
paki-ayos ang inyong mga upuan.
aayusin ang mga upuan)
Maari na kayong maupo.

Mayroon bang lumiban sa klase ngayong


araw?
Wala po, Teacher Hany.
B. Panlinang na Gawain
 Pagganyak:
Sino-sino ang kasapi ng iyong pamilya?
Ano ang tungkulin ng bawat isa? Tulad ng
isang pamilya, ang aklat ay may kaniya ring
bahagi. Ang bawat isa ay may
ginagampanang tungkulin, tulad mo sa
iyong pamilya. Alamin natin sa tulang
babasahin ang mga bahagi ng aklat at ang
ginagampanan ng bawat isa.
Basahin natin ang tula.

Mga Bahagi ng Aklat


Ni RCJ
Bahaging pabalat
Laman ay ngalan ng aklat
Ang paunang salita
Mula sa may-akda.
Ang talahulugan
Nagbibigay ng kahulugan
Talaan ng nilalaman
Pagkasunod-sunod naman.
Kung nais makita ang kabuuan
Sumangguni sa katawan
At sa karapatang-ari naman
Malalaman limbag kung saan at kalian.

Tungkol saan ang tula na ating binasa? Tungkol sa mga bahagi ng aklat at ang mga
(Magtatawag ng isang mag-aaral ang gamit nito.

guro.)
Magaling!
C. Paglalahad

Ang ating aralin sa araw na ito ay tungkol sa


mga bahagi ng aklat.

Balikan natin ang ating binasang tula. Ano


anong bahagi ng aklat ang nabanggit sa
tula?

Magbigay ng isa. Pabalat!

(Magtatawag ng isang mag-aaral ang


guro.)
Magaling!

1. Pabalat- Ito ang takip ng aklat. Makikita


dito ang pamagat ng aklat at ang pangalan
ng awtor ng aklat. Karapatang-sipi
Ano pa?
(Magtatawag ng isang mag-aaral ang
guro.)
Magaling!
2. Karapatang-sipi- makikita sa bahaging ito
kung sino ang nagpalimbag ng aklat,
palimbagan, at kung kalian ito ipinalimbag.

Paunang Salita
Ano pa?
3. Paunang salita- ito nakalagay ang
mensahe ng awtor para sa mambabasa para
sa higit na maayos na paggamit o pagbasa sa
aklat.

4. Talaan ng mga nilalaman- makikita rito


lahat ng paksang tinatalakay sa aklat at kung
saang pahina ng aklat matatagpuan ang mga
ito.

Nilalaman ng Aklat!
Magbigay ng isa pang bahagi ng aklat.

Tama!
5. Nilalaman ng aklat- Ito ang Karapatang-ari naman
pinakamahaba at pinakamahalagang bahagi
sapagkat ditto mababasa ang
impormasyong taglay ng aklat.
6. Bibliyograpiya o Talasanggunian- Ito ay
listahan ng mga ginamit na sangguniang
aklat, pahayagan, magasin, at iba pa na
nakaayos nang paalpabeto. Makikita sa
hulihang.
Glosari!

Ano pa?
(Magtatawag ng isang mag-aaral ang
guro.)

Mahusay!

7. Glosari o talatinigan- Nakatala rito ang


mga kahulugan ng mahihirap na salitang
ginamit sa aklat.

Napakahusay!
.
Palakpakan ang mga sarili.

.
 Pagpapalawak ng kaalaman
Kilalanin Natin: Kilalanin ang mga bahagi
ng aklat gamit ang larawan.
(Magpapakita ng mga larawan ang guro at
sasagutan ng mga estudyante kung anong
bahagi ng aklat ito)
IV. Pagtataya
Kumuha ng isang buong pirasong papel at sagutan ang mga sumusunod na tanong.
Basahin ang bawat sitwasyon. Anong bahagi ng aklat ang gagamitin mo sa mga sumusunod
na sitwasyon. Piliin ang tamang sagot sa kahon at isulat sa patlang.

Pabalat Talaan ng Nilalaman Glosari


Karapatang-Sipi Nilalaman ng Aklat
_________1. Nais ni Nilo magbasa ng kwento. Anong bahagi ng aklat ang gagamitin upang
mapadali niyang matukoy kung anong pahina ito.
_________2. Saang bahagi ng aklat kalimitang makikita ang ngalan ng aklat.
_________3. Nais mong malaman ang kahulugan ng salitang maganda, saang bahagi ng aklat
ka pupunta?
_________4. “ Bahagi ako ng aklat, kung saan laman ko ang kabuuan”. Anong bahagi ako?
_________5. “Bahagi ako ng aklat, dito malalaman kung saan at kalian ako nilimbag” Ano
ako?

V. Takdang-Aralin.
Pagtambalin ang kahulugan ng mga salita sa Hanay A at Hanay B. Isulat ang sagot sa
patlang.

Hanay A Hanay B
Bahagi ng Aklat Gamit ng Bahagi ng Aklat
__1. Pabalat a. Tumutukoy kung saan at kailan nilimbag ang aklat.
__2. Talahulugan b. Dito makikita ang pamagat ng aklat.
__3. Karapatang-Ari c. Ito ang naglalaman ng kabuuan ng aklat.
__4. Nilalaman d. Matatagpuan ditto ang mga mahahalagang salitan
ginamit sa aklat at ang kahulugan nito.
__5. Katawan e. Bahagi ng aklat kung saan nakatala ang mga pahina
ng aralin, pamagat ng kwentong kalimitang nahahati sa
bawat yunit o yugto upang madaling mahango ito.

You might also like