You are on page 1of 10

Detalyadong Banghay-Aralin sa Filipino 3

I. Mga Layunin

Sa loob ng 55 minutong aralin sa Filipino, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nagagamit ang iba’t-ibang bahagi ng aklat sa pagkalap ng impormasyon.

b. Natutukoy ang mga bahagi ng aklat at ang kahalagahan ng bawat isa (F1EP-III-3.2;3.3;3.4)

II. Paksang Aralin

 Paksa: Mga Bahagi ng Aklat


 Sanggunian: PRODED.Filipino.Mga Bahagi ng Aklat.12-A.1997.p.3-8,
 Kagamitan: Power point presentation, aklat, tsarts, puzzle, jumbled letters, larawan, Aklat

III. Pamamaraan:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Paunang Gawain
 Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa panalangin.

(Magtatawag ang guro ng isang mag aaral


upang pangunahan ang panalangin)

Panginoon, maraming salamat po sa araw na


ito na ipinagkaloob niyo sa amin, nawa’y
gabayan mo po kami sa mga gawain na aming
gagawin sa araw na ito. Sana po gabayan niyo
rin ang aming guro na siyang magtuturo sa
amin. Amen.
 Pagbati
Magandang-araw mga bata!
Magandang-araw Ginang Jisamine!
 Pagsasaayos ng silid aralan
Pagtsek ng liban at hindi liban

Bago kayo umupo pakipulot ang mga kalat


na nasa ilalim ng inyong mga lamesa at
paki-ayos ang inyong mga upuan.

(Magpupulot ng mga kalat ang mga mag-


aaralat aayusin ang mga upuan)
Maari na kayong maupo.

Mayroon bang lumiban sa klase ngayong


araw?
Wala po Gng. Jisamine.
B. Panlinang na Gawain
 Pagganyak:
Sino-sino ang kasapi ng iyong pamilya? Ano ang
tungkulin ng bawat isa? Tulad ng isang pamilya,
ang aklat ay may kaniya ring bahagi. Ang bawat
isa ay may ginagampanang tungkulin, tulad mo
sa iyong pamilya. Alamin natin sa tulang
babasahin ang mga bahagi ng aklat at ang
ginagampanan ng bawat isa.
Basahin natin ang tula.
Mga Bahagi ng Aklat
Ni RCJ
Bahaging pabalat
Laman ay ngalan ng aklat
Ang paunang salita
Mula sa may-akda.
Ang talahulugan
Nagbibigay ng kahulugan
Talaan ng nilalaman
Pagkasunod-sunod naman.
Kung nais makita ang kabuuan
Sumangguni sa katawan
At sa karapatang-ari naman
Malalaman limbag kung saan at kalian.
Mga Bahagi ng Aklat
Ni RCJ
Bahaging pabalat
Laman ay ngalan ng aklat
Ang paunang salita
Mula sa may-akda.
Ang talahulugan
Nagbibigay ng kahulugan
Talaan ng nilalaman
Pagkasunod-sunod naman.
Kung nais makita ang kabuuan
Sumangguni sa katawan
At sa karapatang-ari naman
Malalaman limbag kung saan at kalian.

Tungkol saan ang tula na ating binasa?


(Magtatawag ng isang mag-aaral ang
guro.)
Tungkol sa mga bahagi ng aklat at ang mga
gamit nito.
Magaling!
 Pagsasanay
Salungguhitan ang mga bahagi ng aklat.

Editoryal Pabalat ng aklat

Pahinang pang-isports (Inaasahang Sagot)


1. Pabalat ng aklat
Katawan ng aklat Talaan ng nilalaman 2.Talaan ng nilalaman
3. Katawan ng aklat
Glosari pang-ulong tudling 4. Glosari
5. Karapatang-ari
Karapatang-ari

C. Paglalahad
Ang ating aralin sa araw na ito ay tungkol sa
mga bahagi ng aklat.
Kumuha ng isang aklat at habang
binabanggit ang mga bahagi ay hanapin
kung saan ito makikita sa aklat.

Balikan natin ang ating binasang tula. Ano-


anong bahagi ng aklat ang nabanggit sa
tula?
Magbigay ng isa at ibigay ang gamit nito na
nakasulat din sa tula.
(Magtatawag ng isang mag-aaral ang
guro.)
Pabalat
Laman ay ngalan ng aklat.
Magaling!
Ang Pabalat ng aklat ang nagpapakita ng
pamagat ng aklat, may-akda, at gumuhit ng
mga larawan.
Hanapin ito sa inyong aklat.
(Ipapakita ng mag-aaral)
Ano pa?
(Magtatawag ng isang mag-aaral ang
guro.)
Talahulugan
Nagbibigay ng kahulugan.
Magaling!
Ang talahulugan o Glosari ang nagsasaad ng
kahulugan ng mga mahihirap na salitang
ginamit sa libro.
Hanapin ito sa inyong aklat.

Magbigay pa ng isa?
(Magtatawag ng isang mag-aaral ang (Ipapakita ng mag-aaral)
guro.)

Salamat. Talaan ng nilalaman


Talaan ng nilalaman naman ang Pagkasunod-sunod naman
nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng
mga paksa, aralin, at pahina kung saan ito
mababasa.
Saan ito makikita sa inyong aklat?

Mahusay!
Ano pa po ang bahagi ng aklat? (Ipapakita ng mag-aaral)

(Magtatawag ng isang mag-aaral ang


guro.)

Katawan ng? Kung nais makita ang nilalaman


sumangguni sa katawan.
Magaling!
Dito makikita ang nilalaman ng aklat. aklat
Meron pa ba?
(Magtatawag ng isang mag-aaral ang
guro.)

Magaling! Sa karapatang-ari naman


Dito malalaman kung saan at kalian Malalaman limbag kung saan at kailan.
nilimbag ang aklat at nakasaad dito ang
tanging karapatan sa awtor o ang
pagmamay-ari ng sumulat ng aklat at
palimbagan sa nilalaman ng aklat.

Hanapin nga ito sa inyong aklat.

Napakahusay!
Palakpakan ang mga sarili. (Ipapakita ng mag-aaral)

May maidadag pa ba kayo na bahagi ng


aklat na hindi naisabi sa tula?

Ano iyon?
Opo.
Magaling ipakita nga kung saan ito makikita
sa libro at kung ano ang gamit nito? Indeks po.

(Ipapakita ng mag-aaral)
Dito nakasulat ang pangalan, mga paksa na
Napakahusay! nakaayos nang paalpabeto, at ang pahina kung
 Pagpapalawak ng kaalaman saan ito matatagpuan sa aklat.
Pangkatang Gawain.
Pangkatin sa apat ang klase. Bawat grupo ay
may iba-ibang gawain. Isang myembro ng
bawat grupo ang magpi-presenta sa harapin
ng kanilang sagot.
Bago yan basahin muna natin ang dapat
isaalang-alang para makakuha ng mataas na
puntos.

50%- Kawastohan ng sagot


25%- Nagtutulungan
25%- Tahimik

Pangkat 1

Pangkat 1. Buuhin natin.

Buuhin ang picture puzzle at tukuyin kung


anong bahagi ng aklat ito.
Anong impormasyon ang makikita sa bahagi ng
Pangkat 2
aklat ito?

Pangkat 2: Ayusin Natin


Ayusin ang mga letra upang mabuo ang salita,
gamitin ang kahulugan bilang inyong clue.

P A L A T A B - nagpapakita ng pamagat ng
aklat , may-akda at gumuhit ng mga larawan.

A T A K N A W - Nilalaman ng aklat.
K G A A R A A P T N – I R A -Dito nakalimbag
ang pagmamay-ari ng kompanyang naglilimbag
nito.

I A O G R S L - Nagsasaad ng kahulugan ng
mga mahihirap na salitang ginamit .

I N S K E D - Nakasulat ditto ang panggalan,


mga paksa na nakaayos nang paalpabeto, at
ang pahina kung saan ito matatagpuan sa
Pangkat 3 aklat.

Pangkat 3: Kilalanin Natin


Kilalanin ang mga bahagi ng aklat gamit ang
larawan. Isulat ang bawat letra ng inyong sagot
sa kahon.
1.

2.

3.

4.
5. -

Pangkat 4

Pangkat 4: Tukuyin Natin


Tukuyin kung anong bahagi ng aklat ang nasa
larawan.

1. 2.

3. 4.

5.
 Paglalahat
Ano-ano ang mga bahagi ng aklat?
Anong impormasyon ang makikita sa bawat
bahagi nito?

Pabalat- nagpapakita ng pamagat ng aklat,


may-akda, at gumuhit ng mga larawan.

Katawan- Dito makikita ang nilalaman ng aklat


Talahulugan/Glosari- nagsasaad ng kahulugan
ng mga mahihirap na salitang ginamit sa libro.

Indeks- Dito malalaman kung saan at kalian


nilimbag ang aklat at nakasaad dito ang
tanging karapatan sa awtor o ang pagmamay-
ari ng sumulat ng aklat at palimbagan sa
nilalaman ng aklat.

Karapatang-ari- Dito malalaman kung saan at


kalian nilimbag ang aklat at nakasaad dito ang
tanging karapatan sa awtor o ang pagmamay-
ari ng sumulat ng aklat at palimbagan sa
nilalaman ng aklat.

Talaan ng Nilalaman- nagpapakita ng


pagkakasunod-sunod ng mga paksa, aralin, at
pahina kung saan ito mababasa.
 Pagpapahalaga
Ano ang maaaring gamit ng mga bahagi ng
aklat?

(Ang mga mag-aaral ay may iba’t-ibang


sagot.)
Magaling! Nagagamit sa pangangalap ng impormasyon.
Mahalaga ba na matukoy ang mga bahagi
ng aklat? Bakit?

Opo, sapagkat mas mapapadali ang paggamit


ng libro kung alam natin ang mga bahagi nito.
IV. Pagtataya

Kumuha ng isang buong pirasong papel at


sagutan ang mga sumusunod na tanong.

A. Pagtambalin ang kahulugan ng mga salita sa


Hanay A at Hanay B. Hanapin sa diksyonaryo ang
mga kahulugan.

Hanay A Hanay B

Bahagi ng Gamit ng Bahagi ng


Aklat Aklat

1. Pabalat a. Tumutukoy kung


saan at kailan
nilimbag ang aklat.

2.Talahulugan b. Dito makikita ang


pamagat ng aklat.

3. Karapatang- c. Ito ang naglalaman


Ari ng kabuuan ng aklat.
4. Talaan ng d. Matatagpuan dito
Nilalaman ang mga
mahahalagang
salitang ginamit sa
aklat at ang
kahulugan nito.

5. Katawan e. Bahagi ng aklat


kung saan nakatala
ang mga pahina ng
aralin, pamagat ng
kwentong kalimitang
nahahati sa bawat
yunit o yugto upang
madaling mahango
ito.

B. Basahin ang bawat sitwasyon. Anong bahagi ng


aklat ang gagamitin mo sa mga sumusunod na
sitwasyon. Piliin ang tamang sagot sa kahon.

1. Nais ni Nilo magbasa ng kwento. Anong bahagi ng


aklat ang gagamitin upang mapadali niyang
matukoy kung anong pahina ito.
2. Saang bahagi ng aklat kalimitang makikita ang
ngalan ng aklat.
3. Nais mong malaman ang kahulugan ng salitang
maganda, saang bahagi ng aklat ka pupunta?
4. “ Bahagi ako ng aklat, kung saan laman ko ang
kabuuan”. Anong bahagi ako?
5. “Bahagi ako ng aklat, ditto malalaman kung saan
at kalian ako nilimbag” Ano ako?

Pabalat Pahina Talaan ng Nilalaman

Karapatang-Ari Katawan ng Aklat

Talahulugan
V. Takdang-Aralin.

Gumawa ng dummy ng aklat gamit ang mga recycled na gamit sa bahay upang maipakita ang mga
bahagi nito. Isulat ang ngalan ng bawat bahagi ng aklat.

You might also like