You are on page 1of 3

LUNES Mayo 24, 2021

MATHEMATICS

I. Layunin
Sa loob ng 50-minuto, ang mga mag -aaral ay inaasahang:
1. Nalulutas ang (one-step word problems) suliranin gamit ang pagsasalin ng sukat at oras.
2. Nakakapaglahad ng kompletong sagot
3. Nasasabi ang kahalagahan ng pag – aaral.

II. Paksang-Aralin
A. Kasanayan:
Mga Suliranin Gamit ang Pagsasalin ng Sukat ng Oras

B. Sanggunian:
Mathematics Kagamitan ng Mag-aaral p.294 - 298
MELCS p. 209

C. Kagamitan:
Powerpoint presentation, mga larawan

D. Pagpapahalaga
Kahalagahan ng pag - aaral

III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
Ipakita ang simbolo ng tamang oras na nararapat gamitin para sa mga sumusunod na sitwasyon.
Hal.
1. Pagligo 30
30 segundo minuto

1 araw
2. Panonood ng palabas 1 oras
sa telebisyon

3. Pagsasaing ng bigas 30 minuto 3 oras

4. Pagtulog 30 minuto
3 oras

5. Paggawa ng 2 oras
takdang - aralin
2 linggo

2. Balik-aral
Isulat ang katumbas na segundo, minuto, oras o araw ayon sa nakasaad na yunit. Piliin ang letra ng
tamang sagot.
1. 3 minuto = ____ segundo
A. 120 B. 150 C. 180
2. 4 araw = _____ linggo
A. 2 B. 3 C. 4
3. 48 oras = ____ araw
A. 3 B. 2 C. 1
4. 3 linggo = _____ araw
A. 7 B. 14 C. 21
5. 2 buwan = _____ araw
A. 60 B. 50 C. 40

3. Pagganyak
Magpakita ng larawan ng batang nag – aaral.
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad / Pagmomodelo

Si Donna ay gumagawa ng takdang-aralin niya sa Matematika sa ganap na ika- 1:30 p.m. at natapos niya ito
sa ganap na 2:50 p.m. Ilang oras siya gumawa ng kanyang takdang aralin?

1. Ano ang tinatanong o hinahanap sa suliranin?


2. Ano – anong mga datos o given ang nabanggit sa suliranin?
3. Anong operation ang dapat gamitin?
4. Ano ang number sentence o pangungusap na pamilang?
5. Ano ang sagot?

Isa pang halimbawa:

Si Joshua ay 9 na taong gulang. Ilang buwan ang katumbas ng kaniyang edad?

1. Ano ang tinatanong o hinahanap sa suliranin?


2. Ano – anong mga datos o given ang nabanggit sa suliranin?
3. Anong operation ang dapat gamitin?
4. Ano ang number sentence o pangungusap na pamilang?
5. Ano ang sagot?

2. Ginabayang Pagsasanay
Panuto: Basahin, unawain at sagutin ang suliranin (word problem).Isulat ang letra ng tamang sagot.

____ 1. Si Rain ay gumugugol ng 180 minuto sa kanyang pag-aaral. Ilang oras siyang
nag-aaral? Ano ang tinatanong sa suliranin?
A. bilang ng araw ng kanyang pag – aral
B. bilang ng oras ng kanyang pag – aral
C. bilang ng minuto ng kanyang pag – aral
D. bilang ng buwan ng kanyang pag – aral
_____2. Nagtrabaho si G. Rayos sa ibang bansa sa loob ng 3 taon. Ilang buwan siyang
nangibang bansa? Ano – anong mga datos o given ang nabanggit sa
suliranin?
A. 2 taon ; ilang buwan
B. Ilang taon ; 2 buwan
C. 3 taon ; ilang buwan
D. ilang taon ; 3 buwan
_____3. Nagsimulang mag-ensayo ng sayaw si Berlin sa ganap na ika-8:45 ng umaga at
natapos siya sa ganap na 10:45 ng umaga. Ilang oras siyang nag-ensayo?
Anong operation ang dapat gamitin?

A. pagdaragdag (+)
B. pagbabawas (-)
C. pagpaparami (X)
D. paghahatihati (÷)

_____ 4. Ang aking lola ay 89 na taong gulang na. Ilang buwan ang katumbas ng
kanyang edad? Ano ang pamilang na pangungusap o number sentence?

A. 89 X 12 = N
B. 89 ÷ 12 = N
C. 89 – 12 = N
D. 89 + 12 = N
______ 5. Ang bus papuntang Cavite ay naglalakbay ng 3 oras mula dito sa
Maynila. Ilang minuto ang katumbas nito? Ano ang tamang sagot sa
suliraning ito?

A. 120 C. 240
B. 180 D. 300
3. Paglalahat
Ano – ano ang mga hakbang sa paglutas ng suliranin?

IV. Pagtataya
Basahin at unawain ang mga sumusunod na suliranin. Sagutin ang mga tanong sa ibaba nito.

Gumawa ng banana cake si Aileen sa loob ng 40 minuto. Ilang segundo niya ito niluto?

1. Ano ang itinatanong/hinahanap?


2. Ano ang mga datos na nasa suliranin?
3. Ano ang operasyong gagamitin?
4. Ano ang pamilang na pangungusap?
5. Ano ang sagot?

V. Takdang – Aralin
Sagutan ang Worksheets sa Google Classroom.

You might also like