You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN

SA
MATEMATIKA 1
I. LAYUNIN

 Nakikilala ang kalahati at sangkapat ng isang buo.


 Naisasagawa ang pagpapangkat ng isang buo.
 Naipapamalas ang kaalaman at kakayahan sa pagpapangkat ng isang buo.

II. PAKSANG ARALIN

 Pagkilala ng Kalahati (1/2) at Sangkapat (1/4)


 Sanggunian: Kagamitan ng mag-aaral p. 182-188, Pivot Learners’ Material Math pg.15-
18, M1NS-IIIa-48
 Kagamitan: larawan, tsart, powerpoint presentation, aklat sa Mathematics
 Integrasyon: EsP, MAPEH
 Online Resources: https://youtu.be/k3_OZYJtvw

III. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagsasanay
Panuto: Tingnan ang mga larawan? Anong larawan ang nagpapakita ng buo?

3. Balik-aral
Pagtapatin ang pangkat ng bagay na nasa Hanay A sa equivalent expression na
nasa Hanay B.

Hanay A Hanay B

2
na pangkat ng 2

6 na pangkat ng 4

3 na pangkat ng 2

WWWW WWWW
WWWW WWWW
WWWW WWWW

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak
Pampasiglang tanong. Ano ang paborito mong meryenda?
Basahin ang kwento.
Siya si Lena. Gumawa siya ng 2 pizza para sa meryenda
nilang magkakaibigan. Upang mabigyan ang kanyang mga
kaibigan, hinati niya ang unang pizza sa dalawang pantay na
bahagi at ang pangalawang pizza ay hinati sa apat na pantay na
bahagi. Masaya nilang pinagsaluhan ang hinati na pizza na ginawa
ni Lena.
Pagsagot sa tanong:

 Sino ang gumawa ng pizza?


 Ilan ang pizza ang kanyang ginawa?
 Ano ang dahilan ni Lena kung bakit siya gumawa ng pizza?
 Anong uri ng kaibigan si Lena? Kung ikaw si Lena, tutularan mo rin ang ginawa
niya? Bakit?
 Ilang bahagi ang hinati sa unang pizza? Ilan namang bahagi ang hinati sa
pangalawang pizza?

2. Paglalahad
Pagtalakay sa aralin.

Kalahati ang tawag sa isang bahagi ng bagay na hinati sa dalawang pantay. Ito ay
maaaring tawagin sa simbolong ito (one half).

Sangkapat ang tawag sa isang bahagi ng bagay na hinati sa apat na pantay. Ito
ay maaaring tawagin sa simbolong ito (one
fourth).

3. Pagpapalalim

A. Paagsagot sa mga tanong.


1. Ano ang tawag sa isang bahagi ng bagay na hinati sa dalawang pantay?
2. Ano ang tawag sa isang bahagi ng bagay na hinati sa apat na pantay?

B. Itaas ang plaskard ng kung ang larawan ay nagpapakita ng kalahati at itaas


ang palskard ng kung ang larawan ay nagpapakita ng sangkapat.

4. Paglalahat
1. Ano ang napag-aralan natin ngayon?
2. Ano ang tawag sa isang bahagi ng bagay na hinati sa dalawang pantay?
3. Ano ang tawag sa isang bahagi ng bagay na hinati sa apat na pantay?
4. Paano natin makukuha ang kalahati ng isang buo?
5. Paano natin makukuha ang sangkapat sa isang buo?

5.Paglalapat

 Kung ikaw ay mayroon keyk at nais mo itong ibahagi sa tatlo mong kaibigan,
paano mo hahatiin na may matitira sa iyo?
 Kung ikaw ay may pandalawang laki ng pizza, paano mo ito hahatiin sa
magkaparehong laki upang maibahagi sa isa mong kapatid?

IV. PAGTATAYA

Panuto: Pagmasdang mabuti ang larawan. Isulat ang kung ito ay


nagpapakita ng kalahati at isulat ang kung ito
nagpapakita ng sangkapat.

1.______ 4.____

2.____
5._____

3._____

V. Takdang Aralin
Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng kalahati at sangkapat .

Prepared by:

Leobe Grace M. Apostol


Subject Teacher

You might also like