You are on page 1of 9

GRADE 1 School: San Francisco Elementary School Grade Level: One

DAILY Teacher: Angela Carmela G. Tomas Learning Area: Filipino


LESSON Teaching Date January 23, 2023
PLAN Quarter: 2nd
and Time: 2:00 – 3:00 pm

I. Layunin
A. Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan
Pangnilalaman
B. Pamantayan Sa F1PS-II-1 Naipapahayag ang sariling ideya/damdamin o
Pagganap Reaksiyon tungkol sa napakinggan sa kuwento
C. Mga Kasanayan Sa F1pn-IIf-8
Pagkatuto: Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa napakinggang kwento sa tulong ng larawan at
Isulat ang code ng bawat pamatnubay na tanong
kasanayan
II. Nilalaman Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento
Pagpapahalaga: Pagpapakita ng pagmamahal at pagmamalasakit sa mga kasapi ng pamilya

Kagamitang Panturo
A. Sanggunian K-12 Most Essential Learning Competencies Pahina 18
1. Mga Pahina Sa Quarter 2 Module, Pahina 32-36
Gabay Ng Guro
2. Mga Pahina Sa Pivot 4A Learner’s Material Pahina 32 – 36
Kagamitang
Pangmag-Aaral
3. Mga Pahina Sa Bumasa At Sumulat Pahina 138 – 139
Textbook
4. Karagdagang
Kagamitan Mula Sa
Portal Ng Learning
Resources
B. Iba Pang Kagamitang Kuwento “Ang Dagang Mahilig Sa Keso”, Powerpoint Presentation, mga larawan
Panturo
III. Pamamaraan Gawaing Pangguro Gawaing Pang mag-aaral
A. Balik-aral sa Awitin ang “Alfabetong Filipino”
nakaraang aralin at/o
pagsisimula ng Balikan Natin!
bagong aralin. Gamit ang mga larawan. Pantigin ang sumusunod
na mga salita. Kilalanin ang tunog sa bawat pantig
sa pamamagitan ng pagsulat nito. Ibigay din ang
bílang ng pantig.

1. Pagpapantig : Pagpapantig : da + ga
Bilang ng Pantig: Bilang ng Pantig: 2

2. Pagpapantig:
Pagpapantig : pa + mil + ya
Bilang ng Pantig:
Bilang ng Pantig: 3

3. Pagpapantig:
Bilang ng Pantig: Pagpapantig : ke + so
Bilang ng Pantig: 2
Pagpapantig : la + ru + an
4. Pagpapantig: Bilang ng Pantig: 3
Bilang ng Pantig:

Mga bata, ano – ano ang inyong mga paboritong


pagkain, lugar, gawain, kulay o laruan?
B. Paghahabi ng Ngayon naman ay basahin natin ang sumusunod na
layunin ng aralin. mg salita upang mas madali nating maintindihan
ang kwentong ating papakinggan

(Tatawag ng isang bata sa bawat pangkat)

Paghahawan ng balakid
Bubuwit – maliit
Pabrika – pagawaan ng mga bagay o
pagkain
Maginhawa – madali o magaan o masarap
ang pamumuhay
Pulmonya – sakit sa baga na nagdudulot ng
ubo, pananakit ng dibdib, lagnat, at
kapos na paghinga
Integration (MTB, Araling Panlipunan at ESP )
C. Pag-uugnay ng mga a. Pagpapakita ng larawan ng pamilya sa mga bata.
halimbawa sa bagong
aralin.

1. Sino ang mga nasa larawan?


2. Ano-ano ang kanilang mga tungkulin? Pamilya
Si Nanay ay nag-aalaga sa mga anak
Si Tatay ay nagtatrabaho
Ang mga anak ay nag-aaral at
tumutulong sa gawain
3. Bakit kailangan magtrabaho ng ama o Upang may makain ang pamilya at
magulang? maging maginhawa ang buhay

4. Kapag may nagkakasakit sa inyong (Posibleng sagot)


pamilya, ano ang inyong ginagawa? Inaalagaan upang gumaling

Magaling!

Subukan naman nating buuin ang larawan upang


malaman natin kung tungkol saan kwentong
ating papakinggan

D. Pagtalakay ng Ang Dagang Mahilig sa Keso


bagong konsepto at Halaw sa Kuwento ni Ofelia Concepcion
paglalahad ng Inilathala ng: The Bedtime Stories in Full Color
bagong kasanayan #1
Si Bubuwit ay isang makulit na daga. Mahilig
siyang kumain ng keso. Ang kaniyang tatay ay
nagtatrabaho sa pabrika ng keso kaya laging may
baong keso si Bubuwit sa paaralan. Mahal na mahal
si Bubuwit ng kaniyang mga magulang. Maginhawa
ang buhay ni Bubuwit. Lahat ng kanilang
pangunahing pangangailangan
ay natutugunan.

Isang araw, natanggal sa trabaho ang ama ni


Bubuwit. Dahil sa hirap na makahanap ng bagong
trabaho ito ay nagkapulmonya.

Lahat ng kanilang naipon ay pinambayad at ibinili


ng gamot hanggang sa wala na silang makain. Hindi
nawalan ng pag-asa ang nanay ni Bubuwit. Siya
muna ang naghanapbuhay para sa kanilang pamilya,
habang si Bubuwit ay nag-aaral nang mabuti at
tumutulong din sa mga gawaing bahay.

Makalipas ang ilang buwan ay gumaling ang tatay


ni Bubuwit. Siya ay muling nagkaroon ng maayos
na hanapbuhay. Naging maayos ang buhay ng
pamilya ni Bubuwit. Pinatunayan nila na anumang
problema ay makakayang lampasan ng isang
pamilya kung sama-sama at magtutulungan ang
mag-anak.
E. Pagtalakay ng Mga gabay na tanong:
bagong konsepto at 1. Ano ang pamagat ng kuwento? Ang pamagat ng kwento ay ang
pagalalahad ng Dagang Mahilig sa Keso
bagong kasanayan #2 2. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento? Si Bubuwit at sina Nanay at Tatay

3. Ano ang paborito ni Bubuwit? Paborito ni Bubuwit ang keso

4. Saan nagtatrabaho ang kanyang tatay? Sa pabrika nagtatrabaho ang kanyang


tatay.
5. Anong klase ng pamumuhay ang meron
sila? Sila ay may maginhawang
pamumuhay
6. Ano ang nangyari sa tatay ni Bubuwit?
Natanggal sa trabaho ang tatay ni
7. Bakit wala ng makain ang kanilang Bubuwit
pamilya?
Wala na silang makain dahil
8. Nakakakain pa kaya si Bubuwit ng ipinambili ng gamot ng tatay
maraming keso?
Hindi na po.
9. Ano ang ginawa ng nanay ni Bubuwit?

10. Paano nakatulong si Bubuwit sa kanilang Ang nanay niya muna ang
pamilya? naghahanapbuhay.

Nakatulong si Bubuwit sa
pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti
11. Kung ikaw si Bubuwit, ano ang iyong at pagtulong sa gawaing bahay
gagawin?
(Maaring maging iba iba ang sagot ng
12. Ano ang masasabi mo kay Bubuwit? mga mag-aaral)

(Maaring maging iba iba ang sagot ng


13. Ano ang mensahe ng kwento? mga mag-aaral)
Anumang problema ay makakayang
lampasan ng isang pamilya kung
sama-sama at magtutulungan ang
14. Anong bahagi ng kwento ang naibigan mo? mag-anak.
Bakit?
(Maaring maging iba iba ang sagot ng
15. Anong aral ang iyong natutunan? mga mag-aaral)

(Maaring maging iba iba ang sagot ng


16. Ano ang mahahalagang pangyayari ang
naganap sa kwento?
(Hayaang ipahayag ng mga bata ang
kanilang sagot sa tulong ng film strip)

mga mag-aaral)

Magaling!

F. Paglinang sa Pangkat 1
kabihasaan (tungo sa Panuto: Alalahanin ang kwentong Si Pagong at
formative Si Matsing. Pagsunud-sunurin ang
assessment) mga pangyayari sa kuwento gamit
ang mga larawan.
Pangkat 2
Panuto: Basahin ang kwentong “Si Pagong at
Matsing” at ayusin ang
pagkakasunod-sunod ng pangyayari
gamit ang bilang 1-5.
_____a. Nakakita nang puno ng saging sina
Pagong at Matsing.
_____ b. Nangako si Matsing na tutulungan si
Pagong na makakuha ng saging ngunit
kinain niya lahat ito.
_____ c. Gustong turuan ni Pagong si Matsing
ng leksyon kaya nilagyan nito ng mga
tusok ang ilalim ng puno.
_____ d. Pinaghatian nila ito ngunit, nalanta ang
kay Matsing
_____ e. Pagkababa ng Matsing, na tinik ito at
nagalit kaya itinapon niya si Pagong sa
ilog ngunit nag pasalamat si Pagong
dahil pangalawang bahay niya ang
ilog.
Pangkat 3
Panuto: Alalahanin ang kwentong Ang Daga at
Ang Leon. Pagsunud-sunurin ang
mga pangyayari sa kuwento gamit
ang mga larawan.
Pangkat 4
Panuto: Basahin ang kwentong “Ang Daga at
Ang Leon” at ayusin ang
pagkakasunod-sunod ng pangyayari
gamit ang bilang 1-5.
_____a. Minsan, habang naglalakad sa gubat si
Leon, hindi niya napansin ang isang
bitag at napunta sa loob ng isang
lambat.
_____ b. Isang araw, natutulog ang mabagsik
na leon
_____ c. Mabilis na tinulungan ng daga ang
leon na makawala sa lambat.
_____ d. Isang daga ang nakatuwaang maglaro
sa ibabaw nito.
_____ e. Dinakma ng Leon ang Daga at
hinawakan sa buntot na wari balak
siyang isubo at kainin. Natakot at
nagmakaawa ang daga kaya
pinakawalan niya ito.
G. Paglalapat ng aralin Panuto: Ayusin ang larawan ayon sa wastong
sa pang-araw-araw pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
na buhay Isulat sa tabi ng larawan ang una,
pangalawa, pagkatapos at huli.
Opo, kayang kaya.

Kaya po bang gawin?


H. Paglalahat ng aralin Ano ang dapat tandaan sa pakikinig sa kwento? Tandaan ang mahahalagang
pangyayari
Paano napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa
kwento? Ito ay ginagamitan ng mga salita tulad
ng una, pangalawa, sunod, pagkatapos
at huli.
Mahusay!

Tandaan:
Sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa
kwentong napakinggan, dapat tandaan ang
mahahalagang pangyayari upang
mapagsusunodsunod ito sa pamamagitan ng
paggamit ng mga salitáng pang-ugnay tulad ng una,
pangalawa, sunod, pagkatapos, at huli.

I. Pagtataya ng aralin Panuto: Makinig sa kuwentong babasáhin at sagutin


ang mga sumusunod na tanong. Isulat
ang letra ng tamang sagot sa inyong
kwaderno.

Ang Karera ni Pagong at Kuneho

Isang Linggo ng umaga, sina Pagong at Kuneho ay


nagkita. “Kaibigang Pagong, ano kaya kung
magkarera tayo?” wika ni Kuneho. “O sige, “ tugon
ni Pagong.

“Hanggang saan ang ating tatakbuhin?” tanong ni


Pagong. “Hanggang sa punong iyon sa tabi ng
bundok. O, hala handa, takbo!” ang tugon ni
kuneho. Mabilis ang
takbo ni Kuneho. Naging malayo ang agwat niya
kay Pagong. Mabagal tumakbo si Pagong,
“matutulog muna
ako,” wika ni Kuneho.

“Ay! Nahimbing ako! Nasaan na kaya si Pagong!


Aba! Hayun na siya. Sayang! Kung di ako
nakatulog, ako sana ang panalo.” Kahit na mabagal
kung matiyaga, matatapos din ang iyong ginagawa.

1. Ano ang pamagat ng kwento?


A. “Ang Daga at Ang Leon”
B. “Ang Karera ni Pagong at Matsing”
C. “Ang Karera ni Pagong at Kuneho” C

2. Sino ang mga tauhan?


A. Pagong at Leon
B. Pagong at Kuneho
C. Pagong B

3. Alin ang unang nangyari sa kuwento?


A. “Kaibigang Pagong, ano kaya kung
magkarera tayo?” wika ni Kuneho.
B. “Hanggang saan ang ating tatakbuhin?” C.
tanong ni Pagong.
C. Isang Linggo ng umaga, sina Pagong at
Kuneho ay nagkita.

4. Alin ang gitnang pangyayari sa kuwento?


A. Isang Linggo ng umaga, sina Pagong at
Kuneho ay nagkita.
B. Mabilis ang takbo ni Kuneho. Naging malayo B
ang agwat niya kay Pagong.
C. Kahit na mabagal kung matiyaga, matatapos
din ang iyong ginagawa.

5. Alin ang huling nangyari sa kuwento?


A. Mabagal tumakbo si Pagong, “matutulog
muna ako,” wika ni Kuneho.
B. Mabilis ang takbo ni Kuneho. Naging malayo
ang agwat niya kay Pagong. C
C. Kahit na mabagal kung matiyaga, matatapos
din ang iyong ginagawa.

J. Karagdagang gawain Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari upang


para sa takdang makabuo ng malinaw na kuwento. Lagyan ng bílang
aralin at remediation 1–5 ang patlang. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.

____ 1. Namasyal ang magkakaibigan sa parke.


____ 2. Natutuhan nila na mahalaga ang pagsunod
sa mga babala.
____ 3. May nakita siláng karatula na “Bawal
Magbisikleta”.
____ 4. May batang hindi sumunod sa babala.
____ 5. Hinuli ng pulis ang batang hindi sumunod
sa babala
Inihanda ni:

ANGELA CARMELA G. TOMAS


CLASS ADVISER

Inobserbahan ni:

NANCY ANNIE B. DELA PAZ


PRINCIPAL III

You might also like