You are on page 1of 3

Banghay-Aralin sa Mother Tongue I

I. Layunin:
-Naibibigay ang kasalungat ng mga salita.
-Natutukoy ang mga salitang magkasalungat.
-Nasasabi ang kahulugan ng salitang magkasalungat.

II. Paksa: Salitang Magkasalungat


Sanggunian: MELC MTB 1- MT1VCD-IIIa-i-3.1
Teachers Guide pp. 48-49
Kagamitan: power point presentation, mga larawan

III. Pamamaraan:
A. Balik-Aral:
Hanapin sa hanay B ang salitang kasingkahulugan ng mga salita na nasa hanay
A. Isulat ang titik ng tamang sagot.
Hanay A Hanay B
_____1. maganda a. maliit
_____2. tahimik b. matayog
_____3. pandak c. marikit
_____4. mataas d. mahalimuyak
_____5. mabango e. payapa

B. Pagganyak: Ipakita ang larawan ni Miguel.


-Ano ang masasabi ninyo kay Miguel? Ilarawan nga siya.
-Bakit mahalaga ang pagiging malinis sa katawan?

C. Paglalahad:
Basahin ang mga sumusunod na pangungusap.
1. Laging marumi si Miguel. Pinaliligo siya ng kaniyang Nanay upang maging
malinis.
2. Tamad talagang maligo si Miguel. Masipag lamang siyang kumain at
maglaro.
3. Sakitin din si Miguel. Malusog sana siya kung laging naliligo.
4. At higit sa lahat mabaho si Miguel. Mabango sana siya kung lagi niyang lilinisin
ang katawan.

D. Pagtalakay:
Itanong: Ano ang kasalungat ng salitang marumi sa unang pangungusap?
Kasalungat ng tamad? Masakitin? Mabaho?

E. Kasanayang Pagpapayaman:
Panuto: Pabilisan sa pagbibigay ng salitang kasalungat o kabaligtaran ng salitang
sasabihin ng guro.
Halimbawa: puti mabango maliit
mataba malungkot magaspang
matigas madilim malambot
malinis kaibigan kaunti

F. Paglalahat: Ano ang ibig sabihin ng salitang magkasalungat?

G. Paglalapat:
Panuto: Ibigay ang kasalungat ng mga salitang may salungguhit sa
pangungusap. Piliin ang iyong sagot sa loob ng kahon.
umaga kaunti kaaway magiliw malungkot tahimik

a. Masayang tinanggap ni Ramuel ang regalo niya mula sa kaibigan.


b. Maraming bisita ang dumating upang batiin siya.
c. Binati siya ng kanyang mga kaibigan.
d. May mga nagsidatingan pang mga kaibigan kahit gabi na.
e. Buong maghapong maingay sa bahay nila dahil sa dami ng bisita.

IV. Pagtataya:
Piliin sa itaas ang kasalungat ng mga salita. Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang
bago ang bilang.
A. maliit
B. malamig
C. mayaman
D. tahimik
E. matigas

_____1. malambot
_____2. maingay
_____3. mahirap
_____4. mainit
_____5. malaki

V. Takdang-Aralin:
Ikahon ang pares ng salitang magkasalungat sa bawat pangungusap.
1. Mayaman ang hari samantalang pobre ang pulubi.
2. Maputi si Ana. Maitim naman si Rosa.
3. Mahal ang gulay. Mura lang ang isda.
4. Malamig ang sorbetes. Mainit ang kape.
5. Mahaba ang buhok ni Ann, maiksi ang kay Lea.

You might also like