You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV – A CALABARZON
Division of Batangas
Nasugbu West District
BUCANA ELEMENTARY SCHOOL
Nasugbu

Detalyadong Banghay Aralin sa Mother Tongue


Baitang II

I. Layunin

a. Nagagamit ang mga salitang may daglat sa pagbuo ng pangungusap at maikling kuwento.
b. Nakikilala ang mga karaniwang salitang daglat at nagagamit ito sa pagbuo ng pangungusap,
maikling kwento.

II. Paksang Aralin

A. Paksa: Karaniwang Daglat ng Katawagan


B. Kwento: Tula: “Bungan g Pagsisikap”Akda nina: Rianne Pesigan-Tinana
Edgar Pestijo
C. Sanggunian: MTB MELC 2, MTB SLM P.35 MTB LM
D. Mga Kagamitan: Malaking libro, kahon, salita, tarpapel, powerpoint
E. 1. Integrative: Sining, Paggalang sa nakatataas
2. Contextualization: Manipulative
3. Collaborative: Jigsaw Method
III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

 Pagbati

Gawain ng Guro
Panimulang Gawain
Mga bata bago tayo magsimula sa ating aralin tayo muna ay aawit.
A. Gawain bago bumasa
Ipaawit ang awit sa tono ng “Where Is Thumbman?”
Binibini(2X)
Ginoo(2X)
Ginang(6X)
Kapitan(2X)

1. Pagganyak
Mga bata mayroon ako ngayong kasamang kaibigan. Gusto ba ninyo siyang
makilala?

Ang pangalan ng aking kaibigan ay si Chicky. Mamaya ay aalamin natin ang


kwentong baon niya. Pero bago iyon gusto muna niyang makipaglaro sa inyo.

Nais ng ating kaibigang si Chicky na tulungan natin siyang buuin ang dala-dala
niyang larawan .

Kukuha kayo ng piraso ng puzzle at ididikit ito sa pisara.

Mga bata matapos ang ating laro ano ang naramdaman ninyo?

Ano ang nabuo ninyong larawan?

Nakakakita na bakyo o nakakilala na ba kayo ng tulad nila?


2. Pagganyak na tanong

Mga bata,bago ko basahin ang kwento ng ating kaibigan na si Chicky ay mayroon


akong katanungan sa inyo.

Anu- ano ba ang inyong gustong malaman tungkol sa kwento niya?

Paano nila nakuha o nakamit ang tagumpay?


B. Gawain Habang Nagbabasa

Ngayon naman mga bata handa na ba kayong making sa tula ng ating kaibigang si
Chicky?
.

Ano –ano ang mga pamantayan sa


pakikinig ng kwento?

Gawain ng Guro

A. Sino-sino ang taong nabanggit sa tula?


B. Paano nila nakuha o nakamit ang tagumpay?

C. Pagtalakay

Ano ang ginawa natin sa mga magagalang na pantawag?


(Pinaikli)
Paano isinusulat ang mga pinaikling salita?
Anong bantas ang ginagamit sa hulihan ng mga ito?
Ano ang tawag sa mga salitang ito?
D. Paglalapat

Isulat ang wastong daglat ng mga katawagan sa bawat bilang.


1. Ginang Amelita de la Santa ______
2. Engineer Arnulfo Montiano ______
3.Senior Police Officer 1 Exequiel Lacorte______
4. Doctor Rosine de la Paz ______
5. Kagalanggalang Manuel Crisanto ____

E. Paglalahat

Ano ang tawag sa pinaikling magagalang na pantawag sa tao ? Kanino ginagamit ang mga
salitang may daglat? Saan ito inilalagay?

F. Paglalapat

Basahin nang wasto ang mga pangungusap at daglatin ang mga magagalang na pananalita .

1. Si Attorney Gonzales ay magaling sa pagtatanggol sa mga naaapi._________


2. Si Ginang. Rosal ay punog-guro sa isang paaralan._________
3. Si Binibining Din ay isang mabait na ate._______
4. Si G. Santos ay isang masipag na ama._______
5. Si Doktor Galleon ay manggagamot sa aming bayan ________

IV. Pagtataya

Isulat nang wasto ang salitang daglat.


1. Kapitan_______
2. Doktor_______
3. Engineer_____
4. Honorable_____
5. Ginang_____

A. Gawaing Bahay

Isulat ang letra ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.

1. Aling salita ang dinaglat nang wasto?


a. Gin. b. Binib. c. Gng.
2. Si Kagalanggalang Aniano Dela Cruz ay masipag na tao. Aling salita ang dapat daglatin?
a. masipag b. Kagalanggalang c. Aniano Dela Cruz
3. Siya ang taong maaari nating hingan ng tulong tungkol sa batas, aling salitang may daglat ang
angkop sa kanya?
a. Dr. b. Engr. c. Atty.
4. Siya ang masipag at mabuting maybahay ni G. Santos, sino siya?
a. Gng. Santos b. Bb. Santos c. Gin.Santos
5. Siya ang taong nagpapanatili ng katahimikan sa ating pamayanan?
a. SPO1. Carlos Laroza b. Atty. Carlos Laroza c. Engr. Carlos Laroza
Inihanda ni:

MA. ELIZABETH V. VILLALUNA


Teacher III
BUCANA ELEMENTARY SCHOOL

I
In every part of my lesson I see to it that all the basic principles of learning and teaching are evident such
as :
• Participation
• Repetition
• Relevance
• Transference
• Feedback

You might also like