You are on page 1of 2

WORKSHEET SA EsP 5 Quarter 1, Week 5

PANGALAN ___________________________________________________ PETSA ________________________________________________


BAITANG AT SEKSYON ________________________________________ LAGDA NG MAGULANG________________________________
Unang Araw
I. Basahin at suriin ang mga pahayag. Isulat ang Oo kung ginagawa mo at Hindi kung hindi mo ginagawa.
____ 1. Nakikipagkaibigan sa masamang barkada.
____ 2. Nagdadahilan kung bakit nahuhuli o lumiliban.
____ 3. Nagsasabi kapag masama ang loob sa kaibigan.
____ 4. Nangongopya sa oras ng pagsusulit dahil hindi nakapag- aral
____ 5. Dinaragdagan ang presyo ng pambili ng gamit sa paaralan.
Ikalawang Araw
II. Piliin ang gawain na nagpapakita ng pagiging makatotohanan sa sarili, pamilya, paaralan at pamayanang kinabibilangan. Isulat sa
sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
____1. May nagpuntang bata sa inyong bahay. Kukunin niya ang kaniyang laruan na nahulog sa inyong
bakuran. Bago pa man pumunta sa inyo ang bata, nakita mo na ang hinahanap niyang laruan. Kinuha mo ito.
A. Itatanggi mong nasa iyo ang laruan
B. Ibabalik sa may-ari ang laruang nakuha sa bakuran C. Papaalisin ang bata
____2. Inutusan ka ng iyong nanay na bumili sa tindahan. Sobra ang perang pambili na naibigay sa iyo.
A. Ibabalik ang sobrang pera
B. Ibibili ng kendi ang sobrang pera C. Itatago ang sobrang pera
____3. Nakita mo ang iyong matalik na kaibigan na kinuha ang bolpen ng iyong kamag-aral.
A. Sasabihin sa kaibigan na ibalik ang bolpen
B. Hindi kikibo at babalewalain ang mga nangyari C. Papauwiin na ang kaibigan
____4. Inihabilin sa iyo ng inyong guro na bilangin mo ang mga test tubes na ginamit ninyo sa eksperimento
pagkatapos ng klase. Nabilang mo na at ibabalik na sana nang napatid ka at nabitawan ang mga test
tubes na hawak at ito ay nabasag.
A. Magkunwari na walang alam sa nangyari
B. Ipagtatapat sa guro ang nangyari at sasabihin kung ilan ang nabasag
C. Aalis na lamang bigla sa silid-aralan
____5. Niyaya ka ng matalik mong kaibigan na dumaan muna kayo sa palaruan bago pumasok sa paaralan.
Sa kapipilit ay sumama ka sa kaniya dahilan para mahuli kayo sa klase.Tinanong kayo ng inyong guro kung bakit ngayon
lang kayo dumating.
A. Sasabihin sa guro na inutusan ng iba pang guro kung kaya nahuli sa klase
B. Hindi na lamang kikibo.
C. Ipagtatapat sa guro ang ginawa, hihingi ng tawad at mangangakong hindi na uulit
Ikatlong Araw
III. Basahin ang sumusunod na tanong. Isulat ang Oo o Hindi batay sa iyong sagot sa sumusunod na sitwasyon.
Gawin ito sa sagutang papel.
____ 1. Pinakikinggan mo ba ang payo ng iyong mga magulang na mag-aral nang mabuti at huwag lumiban
sa klase?
____ 2. Ipinipilit mo ba ang iyong gusto kahit alam mong hindi kayang bilhin ng magulang mo?
____ 3. Malugod mo bang tinatanggap ang isang pasya para sa kabutihan ng lahat nang may katatagan ng loob?
____ 4. Pinakikinggan mo ba ang puna o payo ng mga nakatatanda nang may katatagan ng loob?
____ 5. Nagrereklamo ka ba kung hindi inaaprubahan ng lider ang iyong opinyon?
Ika-apat na Araw
IV. Alalahanin mo ang iyong mga naging kasalanan sa magulang, guro, o kaibigan na ipinagtapat mo at inihingi mo
ng tawad. Ipahayag ang iyong pagtatapat sa pamamagitan ng isang liham. Bigyang-diin ang mga natutuhan sa
karanasang ito. Gamiting gabay ang halimbawa sa ibaba na magsisilbing balangkas ng iyong sulat.
Mahal kong ________________,
Taos puso po akong humihingi ng tawad sa mga kasalanang nagawa ko sa inyo, gaya ng ____________
________________________________________________________________________.
Umasa po kayo na gagawan ko ng paraan na hindi na ito maulit pa. Muli, ang akin pong paumanhin.
Ikalimang Araw
V. Iguhit sa iyong sagutang papel ang graphic organizer. Batay sa pinag-aralang paksa, magbigay ng apat na salita o
pahayag na maiuugnay sa salitang KATAPATAN. Bumuo ng isang pangungusap na magpapaliwanag sa
kaugnayan ng bawat salita/ pahayag na naitala. Isulat ang inyong mga sagot sa kahon.

Katapatan
n
l

Ferie T. Cruzada (EsP teacher)


WORKSHEET SA EsP 5 Quarter 1, Week 6
PANGALAN ____________________________________ PETSA ____________________________________________________
BAITANG AT SEKSYON __________________________ LAGDA NG MAGULANG_____________________________________
Unang Araw
I. Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Isulat ang Oo kung handa kang magpahayag ng katotohanan kahit na may nakaambang
panganib para sa iyo at Hindi kung ayaw mong ipagtapat ito. Gawin ito sa sagutang papel.
____1. Kasali ka sa Top Ten sa inyong klase. Gusto mong magtapat sa iyong guro na ang ulat na iyong
ibinigay sa kaniya ay kinopya mo lamang sa internet.
____2. Ipagtapat sa iyong mga magulang ang rason kung bakit ipinatawag ka ng punong guro dahil sa
pandaraya sa pagsusulit.
____3. Nakita mo ang iyong kaibigan na hindi sinasadyang nabasag ang plorera ng inyong guro.
____4. Nakita mo nang sadyang itinulak ng matalik mong kaibigan ang isa ninyong kamag-aral kaya ito
natumba sa pasilyo.
____5. Nakita mong nangongopya sa pagsusulit ang iyong katabi.
Ikalawang Araw
II. Isulat ang tsek (✔) kung ang pangungusap ay naglalahad ng wastong kaisipan at ekis ( ✖) naman kung hindi. Gawin ito sa inyong sagutang
papel.
____1. Ikaw ay may proyekto na dapat bayaran sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan. Agad mo
itong sinabi sa iyong Nanay pati ang eksaktong halaga ng naturang proyekto.
____2. Nakalimutan ni Noli na gawin ang kaniyang takdang aralin. Nang tawagin siya ng kaniyang guro, sinabi
niyang naiwan ito sa kanilang bahay.
____3. Si Ana ay tumakbo sa pagkapangulo sa Supreme Pupil Government ng kanyang paaralan. Sa araw
ng halalan ay may nakita siyang nakakalat na balota na gagamitin sa botohan. Kaagad niyang
ibinalik ang mga ito sa gurong taga-pangasiwa.
____4. Si Mang Aldo ay nangungupit ng mga kagamitan mula sa opisina na kaniyang pinagtatrabahuan at
agad niya itong ibinebenta sa labas sa mas mababang halaga.
____5. May malasakit sa mga gawain sa pabrika si Ruby, nakatingin man o hindi ang kaniyang amo sa
oras ng trabaho.
Ikatlong Araw
III. Sa sagutang papel, lagyan ng kaukulang tsek (✔) ang pinaniniwalaang pahayag.
MGA PAHAYAG TAMA MALI

1. Sinasabi ang katotohanan kahit na maparusahan.

2. Magsabi ng katotohanan kahit maraming magagalit.

3. Ang lakas ng aking loob at katatagan ay aking ginagamit sa pamamagitan ng


V pagtanggap ng mga mungkahi at paalala mula s aking kapwa.

4. Hindi ako nahihiyang ipakita na magaling ako sa anumang bagay kaya


ayokong pinipintasan ang aking mga ginagawa.

5. Nakauunawa ako na kapag itinatama ng mga tao ang aking nagawang mali,
mapabubuti at maipakikita ko ang aking natatanging kakayahan.
Ika-apat na Araw
IV. Isulat ang tsek (✔) kung ang pahayag ay tama at ekis (✖) naman kung mali. Isulat ito sa sagutang papel.
____1. Pag-amin sa nagawang kasalanan.
____2. Pasinungalingan ang mga inaakusang salaysay kahit na totoo.
____3. Pagkuha ng gamit ng iba.
____4. Pagsauli sa napulot na pera.
____5. Pagsabi ng katotohanan.
Ikalimang Araw
V. Sabihin kung sumasang-ayon ka o hindi sa mga pahayag sa ibaba. Isulat ang Oo o Hindi sa sagutang papel.
____1. Dapat aminin ang pagkakamali kahit alam mo na pagtatawanan ka ng ibang tao.
____2. Hindi dapat isinasauli ang bagay na hiniram mo.
____3. Tama lang na angkinin ang papuri sa isang proyektong mahusay na ginawa ng iba.
____4. Dapat na isauli sa “Lost and Found” ang bagay na napulot mo.
____5. Dapat na maghintay muna ng pabuya bago isauli ang isang mahalagang bagay na napulot mo.
____6. Hindi dapat inililihim sa mga magulang ang problemang kinakaharap.
____7. Dapat mag-aral ng mabuti bago dumating ang araw ng pagsusulit.
____8. Hindi tama na itago ang cellphone na napulot sa palaruan ng paaralan.
____9. Dapat isangguni sa guro ang hindi ninyo pagkakaunawaan ng iyong kamag-aral.
___ 10.Hindi tama ang mangopya sa iyong katabi sa oras ng pagsusulit.

Ferie T. Cruzada (EsP teacher)

You might also like