You are on page 1of 38

Department of Education

Schools City Division

Cabanatuan City

LEARNER’S
MATERIAL
(Edukasyon sa Pagpapakatao)
GRADE 5

(Quarter 4)
Department of Education
Schools City Division
Cabanatuan City

LEARNER’S MATERIAL
(EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO)
GRADE 5
(Quarter 4)

Author/Developer:

Charo F. Santos
Master Teacher I/Sapang ES

Lodyvina G. Angeles
Teacher III/ Caalibangbangan EIS

Jinky T. Santos
Teacher III/ Mayapyap ES

Mercy J. Balagtas
Master Teacher II/ Valdefuente ES

Quality Assurance:

Norma V. Ison, Ph.D.

EPS-I ESP

Ever M. Samson
EPS-I LRMDS

Priscilla D. Sanchez, Ph.D.

Chief ES, Curriculum Implementation Division
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Aralin 30 Pagtulong sa Kapwa, Isasagawa Ko!!!

Layunin: Nakapagpapakita nang tunay na pagmamahal sa kapwa

tulad ng pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapwa at sa
kinabibilangang pamayanan.

EsP5PD-IVa-d- 14

Paksa/Pagpapahalaga: Pananalig at Pagmamahal sa Diyos; Paninindigan sa

Kabutihan

Kagamitan: larawan, video clips, computer

Integrasyon: ICT, Araling Panlipunan, Filipino

Pamamaraan:

Unang Araw:

ALAMIN NATIN

Sisimulan ang aralin sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga larawan mga

kalamidad at mga biktima nito.

____________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ---------

Ganyakin ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng

pagtatanong na nauukol sa larawan.

1. Tungkol saan ang mga larawan?

2. Anu anong kalamidad ang nakita ninyo sa larawan?
3. Naranasan na ba ninyo ang ganitong uri ng kalamidad sa
inyong lugar?
4. Sino- sino ang mga biktima ng ganitong uri ng kalamidad?
5. Ano ang dulot nito sa mamamayan?
6. Paano natin ito hinaharap?
7. Paano ninyo tinutulungan ang mga biktima ng kalamidad
na ito?
8. Sa papaanong paraan ninyo naipakita ang pagmamahal sa
inyong kapwa lalo na sa mga nangangailangan?

____________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ---------

ISAGAWA NATIN

Pangalawang Araw:

Pag-aralan ang larawan at suriin kung

paano kayo makatutulong sa mga biktima
ng kalamidad.

Biktima ng Landslides Biktima ng Bagyo

Biktima ng Lindol Biktima ng Sunog

____________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ---------

Ating Suriin:

Paano ninyo maipakikita ang iyong tunay na pagmamahal sa

kapwa lalo na sa mga sa mga nasa na larawan ng mga biktima ng
kalamidad?

1. Biktima ng Landslides
2. Biktima ng Bagyo
3. Biktima ng Lindol
4. Biktima ng Sunog

____________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Aralin 30.2 Pakikiisa sa Panalangin

Layunin: Nakapagpapakita nang tunay na pagmamahal sa

kapwa tulad ng pakikiisa sa pagdarasal para sa
kabutihan ng lahat.

Paksa/ Pagpapahalaga : Pananalig at Pagmamahal sa Diyos ( Faith)

Mga Kagamitan: larawan , kwaderno, talaang papel, sagutang

papel, tseklis

Integrasyon : Araling Panlipunan, Filipino

Pamamaraan:

Alamin Natin:

Unang Araw

Sisimulan ang aralin sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salita

na kailangang buuin ng mga bata .

1. hmsniaba - __________________________________

2. arpgasalad - __________________________________

3.aikapikias - __________________________________

4.tasapmaasal - __________________________________

5. annonigoP - __________________________________

Narito ang mga gabay na pangungusap upang mabuo ang mga salita:

1. Bahay dalanginan
2. Isang uri ng pasasalamat ng mga tao sa Poong Lumikha sa lahat
ng mga biyayang pinagkakaloob niya.
3. Ito ay pagpapakita na ikaw ay kaisa ng sambayanang Pilipino.
4. Ito ay pagpapahayag ng papuri sa Panginoon
5. Dakilang lumikha at tagapagligtas

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Pagkatapos mabuo ang mga pangalan, magkakaroon ng talakayan

sa mga larawan na ipapakita ng guro.

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Aanyayahan ang mga bata na sumagot sa mga katanungan batay sa mga

larawan na nilahad ng guro:

1. Ano ang isinasaad ng mga larawan?

2. Ano ang ipinapakita ng mga tao sa mga larawan?
3. Sa paanong paraan tayo nakapagpapasalamat sa Diyos?
4. Paano natin ipinapakita na tayo ay nakikiisa sa ating kapwa?
5. Bakit kailangan tayong magdasal?
6. Bilang isang mag-aaral na nasa ika-limang baitang, ano sa palagay mo
ang tamang pamamaraan ng pagdarasal? Ito ba ay dapat lamang vna sa
simbahan ginagawa? Ipaliwanag ang sagot.

Isagawa Natin

Ikalawang Araw

Pangkatang Gawain:

Pumili ng lider at sundin ang panuto sa bawat pangkat .

 Pangkat 1- Sumulat ng isang panalangin para sa pamilya

upang lalong mapalalim ang ugnayan sa Diyos ng bawat
miyembro at upang lalo silang bigkisin ng pagmamahal at
pananampalataya sa Diyos.

 Pangkat 2 - Lumikha ng isang panalangin para sa paaralan

upang magkaroon ng mas malalim na samahan ang principal,
mga guro, mag-aaral at mga magulang upang ang kanilang
paaralan ay magsilbing pangalawang tahanan.

 Pangkat 3- Gumawa ng panalangin para sa inang simbahan

upang lalong magkabuklod- buklod ang mga mamamayang
Pilipino at upang bigkisin ang kanilang samahan na ang
nakasentro ay ang Panginoong Diyos.

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

 Pangkat 4- Bumuo ng isang panalangin para sa lungsod ng

Cabanatuan upang mapanatiling nagkakaisa ang lahat ng
mamamayan at mapanatili ang pagmamahal at
pananampalataya sa Diyos.

 Pangkat 5- Sumulat ng isang panalangin para sa bansa upang

lalong mapagtibay ang samahan at magkaisa sa pagdarasal para
sa kautihan ng lahat.

Tatawagin ang mga mag-aaral upang basahin ang panalangin

kanilang ginawa. Aanyayahan ang mga bata na pkinggang
mabuti ang mga panalangin sinulat ng kanilang mga kamag-
aaral. Sasabayan ito ng mahinang musika upang lalong matimo
ang panalanging kanilang maririnig.

Isapuso Natin

Ikatlong Araw

Gumuhit ng puso sa kahon kung ang mga sumusunod na

pangungusap ay palagian mong ginagawa at gumuhit ng bilog
kung paminsan minsan.

Palagian Paminsan
minsan
1.Ipinapakita ko ang aking pakikiisa sa
pananalangin sa pamamagitan ng pagdalo sa
simbahan sa oras ng panalangin.
2.Ipinagdadasal ko ang aking mga kapwa lalo
na ang mga nabiktima ng kalamidad at may
mga karamdaman.
3.Ang Panginoon ang nagbibigay ng buhay kaya

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

ako ay nagpapasalamat sa kanya .

4. Nagdadasal lamang ako sa oras na aking
magustuhan.
5 .Sarili ko lamang ang aking pinapanalangin.
6. Nagsisimba ako tuwing Linggo dahil ito ang
pinakamataas na uri ng panalangin.
7.Inaalala ko ang aking kapwa sa pamamagitan
ng panalangin.
8.

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Aralin 30.3 Kapwa Ko, Kakalingain Ko!

Layunin: Nakapagpapakita nang tunay na pagmamahal sa

kapwa tulad ng:
30.3 pagkalinga at pagtulong sa kapwa

Paksa/Pagpapahalaga: Pananalig at Pagmamahal sa Diyos (Faith)

Pag-asa (Hope)

Ispiritwalidad (Spitituality)

Mga Kagamitan: larawan, talaang papel/sagutang papel, sentence

strips

Integrasyon: Filipino, ICT

Pamamaraan:

1. Pangkatin ang mga bata sa apat. Magkaroon ng Marshmallow Relay.

Bawat pangkat ay mayroong limang miyembro, pipili sila ng mga
pangungusap na nakasulat sa sentence strips na nagpapakita ng
pagkalinga at pagtulong sa kapwa at ilalagay sa pocket chart. Ang
pangkat na nauna at tama ang sago tang panalo.

Nagbahagi ng damit ang pamilyang

Santos sa mga nasalanta ng bagyo.

Pinatuloy ni G. Reyes sa kanilang

tahanan ang kapitbahay na nasunugan.

Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Hindi pinansin ni Carla ang

matandang nanghihingi ng tulong.

Nagbigay ng mga gamot si Gng.

Marquez sa mga taong may sakit.

Binibisita ni Mercy ang mga batang

nasa bahay-ampunan tuwing sasapit
ang kanyang kaarawan.

Itinaboy ni Leo ang mga batang

lansangan.

Kinalinga ni G. Reyes ang mga

nasalanta ng lindol.

2. Muling ipabanggit sa mga mag-aaral ang kanilang sagot na

nagpapakita nang tunay na pagmamahal sa kapwa.

3. Ipakita ang larawan sa mga bata. Ano ang nakita ninyo sa larawan?
Pag-usapan.

Larawan ng babaeng kumakalinga sa mga bata

Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

4. Basahin ang kwento.

Kapwa Ko, Kakalingain Ko!

Si Bb. Rosie ay 25 taon nang naninirahan sa isang bahay-

ampunan dito sa Lungsod ng Cabanatuan. Dahil sa pagmamahal sa
mga batang nangangailangan ng kalinga at pagmamalasakit,
nalimutan na niyang mag-asawa. Bagaman at mababa lang ang
sweldo, masaya siya sa paglilingkod sa mga batang nasa ampunan. Ni
minsan ay hindi niya inisip na pabigat ang mga batang kinalinga niya.
Tumatayo siyang nanay ng mga bata rito dahil karamihan sa kanila ay
napulot o iniwan ng mga magulang sa basurahan, mall, at kung
minsan, sa daan. Ang ibang batang kanyang inaaruga ay may
kapansanan at higit niya itong binibigyan ng panahon.

Maraming pagkakataon na binabalik-balikan siya ng mga

batang nakatagpo na ng mga adoptive parent. Hindi mapigil ang
kanyang luha sa kaligayahan sa tuwing may dumadalaw at
nagpapasalamat sa kanya.

Isang araw, laking gulat ni Rosie. Dumating si Salina Rice, ang

batang galing sa ampunan na kabilang na sa isang mabait at masayang
pamilya sa Europa. Kasama ni Salina ang kanyang mga adoptive parent.
Tapos na rin ng kolehiyo si Salina. Basahin ang naging usapan nina
Rosie at Salina.

Salina: Magandang umaga po, Nanay Rosie. Nagbalik po ako at

ang aking magulang.
Rosie: Naku, salamat naman, Salina, at naalala mo pa ako. Ang
ganda-ganda mo. At ayon sa sulat mo, isa ka na pala
ngayong mahusay na manunulat.
Salina: Opo, Nanay Rosie. Salamat at napakabait at mahal na
mahal ako ng aking mga adoptive parent. Sumama nga po
sila para makipag-sap kung paao ang gagawin naming
upang makatulong sa mga bata rito.

Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

G. Rice: Good morning, Rosie. Finally, we meet you. Salina has been
wanting to visit you before but due to her busy schedule, we
could not. We are happy to see you.
Rosie: I’m happy to see and meet you, Sir. Thank you for coming.
Salina: Nanay Rosie, magbibigay po kami ng mga bitamina para
sa mga bata. Sasamahan po naming ito ng mga gamot na
pambata para sa mga may sakit. Ipadadala po naming
ito taon-taon. Sa gayon, hindi nap o ninyo bibilhin ang
mga ito.
Rosie: Alam mo ba, Salina, isa ka sa mga dahilan kung bakit
hindi ko kayang iwan ang bahay-ampunan. Nakita ko sa
iyo ang bunga ng aking pagsasakrpisyo. Laking
pasasalamat ko sa Panginoon at may bahagi pa ang
bahay-ampunan sa iyong puso. Ipagdarasal ko na lagi ka
Niyang gabayan at bigyan pa ng maraming pagkakataon
na maging matagumpay sa buhay.
G. Rice: Thanks also, Rosie, for giving us this opportunity to help other
children. We thank God for giving us Salita. She is a loving
and intelligent child.

5. Basahin ang mga tanong at sagutin.

a. Ano ang mga katangian ni Bb. Rosie?

b. Bakit bumalik sina Salina sa bahay-ampunan?

c. Kung kayo si Bb. Rosie gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Bakit?
Si Salina Rice?

d. Dapat mo bang tularaan si Bb. Rosie? Bakit?

6. Alin sa mga nabanggit na kaisipan ang ipinamalas nina Salina at G.

Rice? Bakit mo ito nasabi? Patunayan. Isulat ang sagot sa talahanayan.

Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Mga Kaisipang Ipinamalas nina

Patunay
Salina at G. Rice

Gawain 1

Ipangkat ang mga bata sa apat. Bawat pangkat ay gagawa ng

sitwasyon na nagpapakita nang pagkalinga at pagtulong sa kapwa.

Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Pangkat I - dula-dulaan
Pangkat II - awit
Pangkat III - tula
Pangkat IV - yell

Gawain 2

Pag-aralan at gawin ang panuto.

Pag-aralan ang mga nakatalang gawain. Paano mo ito ipinamamalas?

Isulat ang sagot sa angkop na hanay.

Nadarama
Paano mo Mo sa
Ipinakikita Iyong
Ginagawa
Naglalaan ng oras sa mga kapus-
palad.
Hindi namimili ng taong
tutulungan
Agad tumutulong kung may
humihingi ng tulong
Nagbibigay ng tulong sa mga
samahang pangkawanggawa
Hindi umaasa ng kapalit mula sa
mga taong natulungan

Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Gawain 1

Basahin at gawin ang panuto.

Likas sa tao ang kabutihan. Sa kaibuturan ng kanyang puso,

naroron ang binhi ng pagmamahal sa kapwa at pagsasaalang-alang sa
kapakanan ng iba. Basahin ang mga sitwasyon at isulat kung ano ang
nararapat gawin.

a. Papunta kayo sa kamag-anak ninyo sa kabilang bayan. Sa isang

hituan ng bus, kahit wala nang upuan, pinasakay pa rin ng tsuper
ang isang babaeng buntis. Iaalok mo ba ang iyong upuan? Bakit?

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

b. Patawid sa kalsada ang isang matandang babae. Nakiusap ito sa

iyo. “Apo, maaari mob a akong alalayan sa pagtawid?” Naisip
mong baka masamang tao ang matanda at bat aka pa para
tumulong lalo na sa pagtawid. Ano ang gagawin mo? Bakit?

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

c. Para makiisa sa pandaigdigang panalangin para matapos na ang

digmaan sa pagitan ng dalawang malalaking bansa, ang punong-
guro ay nagplanong mag-alay ng panalangin tuwing ika-isa ng
hapon kasama ang lahat ng mag-aaral. Dadalo ka ba sa
panalangin? Bakit?

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

d. Nagpapabili ka sa tatay mo ng bagong medyas. Nagpapabili rin

ang iyong kapatid dahil talagang butas na ang karamihan sa
kanyang medyas. Magpaparaya k aba sa iyong kapatid? Bakit?

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

e. May paliga ng basketball sa inyong barangay. Kasama ka sa mga

pumasa sa pilian. Agad kayong nag-ensayo kinabukasan.
Natanggal ang swelas ng sapatos na goma ng kaibigan mong si
Josh. Luma na kasi ito at halos pudpod na. Nalungkot siya pero
napilitan siyang tumigil sa pag-eensayo. Siya ang pinakamagaling
na manlalaro. Ano ang gagawin mo?

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

Gawain 2

Paano mo maipakikita ang iyong pagmamahal sa kapwa?

Isulat ang sagot sa kahon.

Sitwasyon Paano Ipamamalas Ibubunga ng Ginawa

Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials

DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------

Aralin 31 PANANALIG AT PAGMAMAHAL SA DIYOS

Layunin: Nakapagpapakita ng iba,t-ibang paraan ng pasasalamat sa

Diyos.

Paksa / Pagpapahalaga: Espiritwalidad,Pagmamahal sa Diyos

Mga Kagamitan: larawan ng isang pamilya,bond paper,kuwaderno

Integrasyon: Filipino ( Pagbasa at Pagsulat )

Pamamaraan:

Alamin Natin – Unang Araw

1. Ihanda ang mga mag-aaral sa pamantayan sa pagbasa.

2. Ipabasa ang Panalangin ng “Pasalamatan: Mga Biyaya ng Panginoon”.

3. Ipakita ang mga larawang nagpapakita ng iba”t-ibang pasasalamat sa Diyos.

3. Ipasagot ang mga tanong.Hikayatin ang mga mag-aaral na magbigay ng ibat-

ibang sagot.Magkaroon ng talakayan sa sagot at sa mga larawang nakita.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------

Pasalamatan: Mga Biyaya ng Panginoon

Lahat ng maniningning at magaganda

Lahat ng mga,maliliit man o malalaki

Lahat ng kahanga-hanga at kamangha-mangha

Ito ay gawa ng Panginoon.

Bawat bulaklak na namumukadkad

Mga ibong umaawit na kaakit-akit ang kulay,
Pati mga pakpak na mabilis pumapagaspas
Gawa ito ng Panginoon.

Mga ilog na umaagos,mga dagat na puno ng buhay

Mga talon at lawa na dinarayo,t hinahangaan,
Mga halamang hitik ng makulay na bulaklak
Mula ito sa Panginoon.

Mga punong bigay ay malinis na hangin

Mga dahon,bulaklak at bungang masarap kainin
Lilim na malamig ssa palaruan
Gawa rin niya para sa atin.

Ang araw na nagbibigay-liwanag

Para sa araw-araw na mga gawain,
Ang kaakit-akit at kamangha-manghang takipsilim
Sa kanya lamang nagmumula.

Aming pinagsisihan,Dakilang Panginoon,

Pagsasawalang-halaga sa inyong mga biyaya,
Kaya naman dinaranas na mga baha,sunog at tagtuyot
Dahil sa pagmamalabis at kasakiman ng tao.

Bilang pasasalamat sa iyo,Panginoon,

Aming gawain ay agad babaguhin
Kaloob mong biyaya aming pagyayamanin
Sa ikabubuti ng nakararami at sangkatauhan.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------
Pag-aralan at sagutin.

1. Ano ang mga biyayang tinatanggap natin mula sa Panginoon?

2. Bakit mahalaga sa mga tao ang biyayang ito?Ilarawan ang kahalagahan n g mga

biyaya sa iyo at sa mga tao sa pamayanan.

Kahalagahan sa Iyo

Kahalagahan sa mga Tao sa Pamayanan

3. Bakit nagsisisi ang mga tao?Iguhit o idikit ang larawan kung bakit sila nagsisisi.

4. Paano ipakikita sa Diyos ang pagsisisi?

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------

5. Ano ang mga ginagawang paraan ng mga tao upang ipakita ang pagsisisi sa mga

maling gawa?

ISAGAWA NATIN -IK ALAWANG ARAW

Gawain 1

Tunghayan ang mga larawan.Bigyang pansin ang mga nagaganap sa larawan

Ano ang inyong magiging dayalogo kung ikaw ang isa sa mga taong nasa la-

rawan.Magtalakayan tungkol dito.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------

Gawain 2

Makilahok sa iyong pangkat.Tumulong upang magawa ang mga gawain ng iyong

pangkat.Maghanda para sa isang pagtatanghal o pagbabahagi gamit ang mga

larawang nasa Gawain 1.

Suriin ang pagtatanghal batay sa rubric na nasa ibaba

Pamantayan

Nilalaman Naipakita ang Naipakita ang Hindi naipakita

paggalang na paggalang na ang nararapat na
kinakailangang kailangang pagpapahalaga.
palabasin. palabasin ngunit
hindi sapat ang
ideya ng palabas.

Partisipasyon Lahat ng kasapi ay May isa o dalawa May tatlo o higit pa

nakilahok sa na kasapi ang na kasapi ang hindi
pagbuo ng hindi nakibahagi nakilahok sa
konsepto. sa pagbuo ng gawain ng pangkat.
pagtatanghal.

Kaangkupan Angkop ang Angkop ang Hindi angkop sa

ginaga- wa ng ginagawa ng sitwasyon ang
pangkat sa sit- pangkat sa ginawa ng pangkat.
wasyon at sitwasyon na
naaayonsa nakatalaga.
nakatalagang
gawin.

Pangkat 1 – Bumuo ng isang dula-dulaan sa larawan A.

Pangkat 2 - Gumawa ng isang tula mula sa larawan B.

Pangkat 3 – Gumawa ng isang awitin mula sa larawan C.

Pangkat 4 – Bumuo ng isang doxology mula sa larawan D.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------

Isapuso Natin – Ikatlong Araw

1.Basahin at sundin ang panuto.

Kasama ang piling mag-aaral,basahin ang

bawat saknong ng tula.Pag-aralan at isulat

mensahe o aral nito.

Saknong Aral o Mensahe sa mga Tao

2. Basahin at isulat ang pananaw at reaksyon sa pangungusap na sumusunod.

“ Ang Panginoon ang nagbibigay ng buhay at

ang pasasalamat sa kanya ay tunay na nararapat”

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------

Tandaan Natin

 Kilalanin ang mga biyayang kalaloob ng Panginoon

 Ipakita ang pasasalamat sa mga nilikha ng mga Panginoon

 Makiisa sa pagdarasal para magpasalamat sa mga biyaya ng

Panginoon at para sa kabutihan ng lahat.

Isabuhay Natin – Ikaapat na Araw

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ------------
Punan ng sagot ang graphic organizer tungkol sa mga paraan upang maipakita ang

Iba’t-ibang paraan ng pasasalamat sa Diyos.

Iba’t – ibang paraan ng pag

papakita ng

pasasalamat sa

Diyos

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials

You might also like