You are on page 1of 4

Distance Education

Instructional Module
Pangalan: ________________________________________________
Baitang at Seksyon: ________________________________________________

Subject Information
Subject Title : Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Teacher/s : Mrs. Rowena B. Magquilat
Contact Details : 09957644051/09519765712
Consultation Schedule : Monday thru Thursday, 2:00-3:00pm
Helplines : Guidance: (034) 345 – 2149

Ikatlong Markahan
Module 1
Sa ngalan ng Ama, Anak at ng Espiritu Santo

Sa ngalan ng Ama, Anak at ng Espiritu Santo


Ama namin sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo, sundin ang loob mo
dito sa lupa para lang sa amin. Bigyan mo po kami ng aming kakanin sa araw-araw. At patawarin mo kami sa
aming mga sala para lang pagpapatawad namin sa nagkasala sa amin. Huwag mo po kami ipahintulot sa
tukso at iadya mo po kami sa lahat ng masasama. Amen.

Aralin 1
I.Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan nang pagpapakita ng mga natatanging kaugaliang
Pilipino, pagkakaroon ng disiplina para sa kabutihan ng lahat, komitment at pagkakaisa bilang
tagapangalaga ng kapaligiran.
II.Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ang inaasahang hakbang, kilos at pahayag na may paggalang at malasakit para sa
kapakanan at kabutihan ng pamilya at kapwa.
III. Pamantayan sa Pagpakatuto
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. nakikisama sa kapwa Pilipino.
b. tumutulong/lumalahok sa bayanihan at palusong
c. magiliw na pagtanggap ng mga panauhin
IV. Nilalaman
Paksa: Paggalang sa mga katutubo at Dayuhan, Dapat Maunawaan!
Sanggunian: Kintal Edukasyon Sa Pagpapakatao
Pahina: 124-133
Awtor: Gerwin D. Viloria
Leah De Guzman Gervacio
Maricel A. Dela Cruz
Jeanette Karen M. Espejo
V. Pagpapakilala sa paksa
“Ang pakikipagtulungan sa kapwa ay isang magandang
kaugalian ng isang mamamayang Pilipino na dapat ikarangal ng
lahat”
VI. Interaksyon
 Gawain # 1
A. Panuto: Pagmasdan ang mga larawan.

1
Ano ang inyong masasabi sa mga ito?

Bilang isang mamamayang Pilipino naisasagawa niyo ba ang mga ito?

Ano ang tawag natin sa mga ito?

B. Isulat sa hugis bilog ang sa tingin mong kahalagahan ng kaugaliang ito ng mga Pilipino.

Pagsulong/
pagbabayan
ihan

Paksa: a. Makabubuti ba ang pagkakaroon ng malaking pamilya?


b. Paninirahan sa siyudad at probinsiya, saan mas maganda?
c. Pagkakaroon ng cellphone ng isang batang tulad mo sa murang edad.

Opinyong Ko!

 Gawain # 2
A. Panuto: Basahin at unawain.
Natatanging Kaugaliang Pilipino
Ni L. Gervacio
May isang pamilya na nakatira sa tabing ilog. Medyo malayo ang mga kapitbahay nila sa kanilang lugar.
Kaya naman kailangan muna nilang tumawid ng tulay bago makarating sa kanilang mga kabarangay. Ang
pamilyang ito ay makikitaan mo ng pagtutulungan sa isa’t isa. Bagaman mahirap lamang ang pamilya Santos
sila ay masaya. Pagsasaka ang ikinabubuhay ng mag-anak at pagtatanim ng gulay sa kanilang mga bakuran.
Kilala si Mang Carlos sa barangay sapagkat siya ay palakaibigan at palaging tumutulong sa mga
nangangailangan. Kaya naman masasabi kong siya ay mayaman sa kaibigan.

Isang araw, dinapuan siya ng malubhang sakit kung saan ay hindi na siya makatayo at makagawa ng
mga nais niyang gawin. Lalong lalo na ang pag-asikaso sa kanyang bukirin. Nabalitaan ng barangay at ng
kanyang mga kaibigan ang nangyari sa kanya. Binisita siya ng kaniyang mga kaibigan at pinalalakas nila ang
kanyang loob hanggang siya ay gumaling. “Huwag kang mag-alala Mang Carlos kami muna ang bahala sa iyong
bukirin, kami muna ang mamamahala rito. Ang gawin mo ay magpalakas ka, magpagaling para magawa natin

2
ulit ang pagtulong sa iba nating kasamahan. “Tumango at napangiti si Mang Carlos sa mga sinabi ng kanyang
mga kabarangay at kaibigan.
Ang mga kaibigan at kabarangay nga nagtulong tulong para matamnan ang bukirin ni Mang Carlos,
gumawa rin sila ng matibay na tulay para sa pamilya ni Mang Carlos dahil ito’y marupok na. Lubos ang
pasasalamat ng Pamilya Santos sa mga taong tumulong sa kanila. Tunay ngang ipinakita at ipinadama nila ang
pagbabayanihan at pagtulong sa isa’t isa. Simbolo at tatak ng isang tunay na Pinoy.

B. Sagotin ang mga tanong:

1. Ilarawan mo ang pamilya Santos sa kuwento.

2. Ano ang nangyari kay Mang Carlos?

3. Anong mga katangian at kaugaliang Pilipino ang ipinakita sa kuwento?

4. Ano ang ginawa ng kanyang mga kaibigan at kabarangay para siya ay tulungan?

5. Masasabi mo ba na may pagbabayanihan sa ginawa ng kanyang mga kaibigan at kabarangay?

6. Natutuwa k aba sa kuwentong iyong binasa? Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang
pagtulong sa kapwa? Ipaliwanag.

 Gawain # 3
A. Panuto: Bilugan ang mga salitang nagpapakita ng kaugaliang Pilipino na natutunan natin sa ating
mga ninuno.

Pagbabayanihan pagiging maramot pagiging masayahin

Magiliw na pagtanggap ng bisita pagmamahal sa pamilya

Humuhingi ng kapalit sa nagawang mabuti nagbibilang ng naibigay

B. Tandaan at Isaisip

May mga kaugaliang Pilipino na ipinagmamalaki nating tunay. Ang likas na pagiging
matulungin at pagbabayanihan sa oras ng pangangailangan. Ang pagiging magiliw sa
pagtanggap ng panauhin. Ang pagiging masayahin at ang lubos na pagmamahal sa
pamilya. Ang tamang disiplina na natutuhan natin sa ating magulang at sa paaralan.
3
Ang pagiging mabuting anak, kaibigan at kapatid. Ang lahat ng ito ay Malaki ang
maitutulong para sa pag-unlad ng ating bansa

 Gawain # 4
A. Panuto: Ibigay ang iyong sagot sa mga tanong sa ibaba.

Sitwasyon
1. Pagdating ng mga panauhin na galling pa sa malayong lugar

Kaugaliang Pilipino na ating ginagawa:

Sitwasyon
2. Marami sa kabilang barangay ang nasunugan at nangangailangan ng pagkain at damit na
maisusuot.
Kaugaliang Pilipino na aating ginagawa:

 Gawain # 5 – Paalala

o Huwag kalimutang ipasa sa nakatakdang panahon. Panatilihing malinis at madaling maintindihan


ang mga sagot lalo na ang iyong sulat kamay.
Keep safe always, God bless you!

VII: Pangwakas na Panalangin

Let us pray meditative silence.

Pause and be quite for a while. Thank God in silence for all His
Creations.

Tell God how happy you are for He created everything that
surrounds us. Thank God also for creating you.

You might also like