You are on page 1of 4

Distance Education

Instructional Module
Pangalan: ________________________________________________
Baitang at Seksyon: ________________________________________________

Subject Information
Subject Title : Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Teacher/s : Mrs. Rowena B. Magquilat
Contact Details : 09957644051/09519765712
Consultation Schedule : Monday thru Thursday, 2:00-3:00pm
Helplines : Guidance: (034) 345 – 2149

Ikatlong Markahan
Module 4
Sa ngalan ng Ama, Anak at ng Espiritu Santo

Sa ngalan ng Ama, Anak at ng Espiritu Santo


Ama namin sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo, sundin ang loob mo
dito sa lupa para lang sa amin. Bigyan mo po kami ng aming kakanin sa araw-araw. At patawarin mo kami sa
aming mga sala para lang pagpapatawad namin sa nagkasala sa amin. Huwag mo po kami ipahintulot sa
tukso at iadya mo po kami sa lahat ng masasama. Amen.

Aralin 4
I.Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan nang pagpapakita ng mga natatanging kaugaliang
Pilipino, pagkakaroon ng disiplina para sa kabutihan ng lahat, komitment at pagkakaisa bilang
tagapangalaga ng kapaligiran.
II.Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa nang may disiplina sa sarili at pakikiisa asa anumang alintuntunin at batas na may
kinalaman sa bansa at global na kapakanan.
III. Pamantayan sa Pagpakatuto
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Nakakasunod ng may masusi at matalinong pagpapasiya para sa kaligtasan.
a. nakakasunod ng may masusi at matalinong pagpapasiya para sa kaligtasan.
Hal.
 Paalala para sa mga panoorin at babasahin
 Pagsunod sa mga alintuntunin tungkol sa pag-iingat sa sunog at paalala kung may
kalamidad
IV. Nilalaman
Paksa: Kaligtasan ng Bawat Isa Tunay na Mahalaga!
Sanggunian: Kintal Edukasyon Sa Pagpapakatao
Pahina: 202-207
Awtor: Gerwin D. Viloria
Leah De Guzman Gervacio
Maricel A. Dela Cruz
Jeanette Karen M. Espejo
V. Pagpapakilala sa paksa
“Ang pagsunod sa alituntunin ay dapat sundin, kaayusan at kaligtasan
ay matatamo natin”
VI. Interaksyon

1
 Gawain # 1
A. Panuto: pagmasdan ang mga larawan sa ibaba.

Tukuyin ang mga Larawan.


Paano kaya natin maiiwasan ang mga kalamidad na ito?

May alam ba kayo upang maiwasan ang pinsalang maaaring idulot nito sa atin?

 Gawain # 2
A. Panuto: Basahin at unawain.
Pagsunod para sa Kaligtasan
Ni L. Gervacio

Mahalagang matutunan ng bawat isa ang masusi at matalinong pagpapasiya patungkol sa gawaing
pangkaligtasan ng bawat isa sa atin. Sa pagkakataong tayo ay tayo ay nasa kalagitnaan ng kalamidad mahalaga

2
na matutunan natin ang sumunod sa paalala at mga dapat gawin upang masabi natin na tayo ay may
kahandaan sa pagdating ng kahit anong kalamidad. Narito ang mga paalala para sa ating kaligatasan:
Paalala kapag may Bagyo:
1. Manatiling mahinahon at maglagi sa loob ng tahanan.
2. Antabayanan ang ulat panahon sa telbisyon o radyo.
3. Kung ang inyong bahay ay nasa bahaing lugar, maghanda at lumikas kung kinakailangan.
4. Mag-imbak ng tubig pang-inom, gaas, baterya, gamot at gamit sa pang-agarang lunas.
5. Kung may baha na, patayin ang main switch ng kuryente, ipatingin muna ito sa lehitimong electrician.
6. Panatilihing bukas ang linya ng telepono para sa emergencies.

Paalala kapag may Sunog:


1. Huwag mataranta
2. Tumawag sa pinakamalapit na himpilan ng bumbero.
3. Ipagbigay alam agad sa mga kasambahay at mg aka[itbahay na may sunog.
4. Isara ang main swtich ng kuryente at LPG gas.
5. Lumikas at siguruhing lahat ay nakalabas na sa nasusunog na bahay o gusali.
6. Kung makapal na ang usok magbasa ng tuwalya at itakip sa ilong
7. Gumapang palabas ng bahay o gusali, upang di malanghap ang makapal na usok.
8. Gumamit ng fire extinguisher para maapula ang apoy

Paalala kung may Lindol


1. Alamin ang potential hazards sa inyong bahay o gusali at simulang kumpunihin.
2. Gumawa ng plano sa paghahanda para sa kalamidad.
3. Ihanda ang mga Disaster Supllies Kit.
4. Habang lumilindol protektahan ang sarili, gawin ang Duck, Cover and Hold.
5. Alamin kung may nasaktan o napinsala pagkatapos ng lindol.
6. Laging magplano sa paghahanda sa kalamidad.

 Gawain # 3

B. Sagotin ang mga tanong:

1. Saan patungkol ang iyong binasa?

2. Mahalaga ba na matutunan natin ang sumunod sa paalala para sa kaligtasan natin? Bakit?

3. Dapat ba tayong maging mapanuri sa mga balita, napapanood at nababasa? Bakit?

 Gawain # 4
A. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pangkaligtasang gawi. Isulat
naman ang MALI kung hindi.

1. Ihanda ang mga kagamitan at first aid kit bago dumating ang bagyo.
2. Ginawang swimming pool ang baha sa labas ng bahay.
3. Maging alerto sa nangyayari sa paligid.
4. Paglaruan ang posporo.
5. Magkaroon ng sapat na kaalaman na dapat gawin sa tuwing may kalamidad.

3
6. Sumali sa pagbibigay ng impormasyon patungkol sa mga paalala upang makaiwas sa sakuna o
kalmidad.
7. Natataranta kung ano ang dapat gawin
8. Maging handa at maging matalino sa pagpapasya.
9. Sumunod sa abiso ng barangay kung kailangan ng lumikas.
10. Magplano para sa kaligtasan.

B. Tandaan at Isaisip

Ang buhay ay isa lamang. Ito ay biyaya n gating panginoon. Kaya naman, nasa ating
mga kamay kung papaano natin ito iingatan. Maging mapagmatyag, mapanuri at
gamitin ang matalinong pagpapasya sa oras ng sakuna o kalamidad. May mga
paalalasa atin ang pamahalaan para makaiwas sa matinding pinsala ng kalamidad na
nangyayari sa ating bansa. Mahalagang bigyang-pansin ito at sundin para sa ating
kaligtasan.

 Gawain # 5 – Paalala

o Huwag kalimutang ipasa sa nakatakdang panahon. Panatilihing malinis at madaling maintindihan


ang mga sagot lalo na ang iyong sulat kamay.
Keep safe always, God bless you!

VII: Pangwakas na Panalangin

Let us pray meditative silence.

Pause and be quite for a while. Thank God in silence for all His
Creations.

Tell God how happy you are for He created everything that
surrounds us. Thank God also for creating you.

You might also like