You are on page 1of 12

3

Edukasyon
sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan - Modyul 4
Pagpapanatili ng Ligtas na Pamayanan
Sa Pamamagitan ng Pagiging Handa sa
Sakuna o Kalamidad
3. _______________________

4. _______________________

_______________________
5.

Balikan

Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang patlang kung nagsasaad ng


pagsunod sa alituntunin na may kinalaman sa kaligtasan
at ekis (X) kung hindi.

________1. Tumatawid sa tamang tawiran.


________2. Hindi pinapansin ang babalang bawal tumawid.
________3. Bumababa sa tamang babaan ng sasakyan.
________4. Tumitingin sa kanan at kaliwa bago tumawid ng
kalsada.
________5. Kung saan-saan nakatingin habang naglalakad.

2
Tuklasin

Panuto: Basahin ang maikling kwento at sagutin ang mga tanong.

Laging Handa

Isang umaga, napanuod ni Yeng sa telebisyon ang


babalang may malakas na bagyong paparating sa kanilang
lugar. Naalala niya ang sinabi ng kaniyang guro na maging
handa sa anumang sakuna o kalamidad. Agad niyang kinuha
ang kaniyang emergency bag upang ilagay ang gamot,
pagkain, tubig, damit, pito, baterya at flashlight na magagamit
ng kaniyang pamilya sa paparating na bagyo. Pagkatapos
niyang ilagay ang mga gamit ay napangiti siya at naisip na ang
mga gamit na ito ay lubhang makakatulong sa kaniyang
pamilya.

3
Sagutin ang mga tanong.

1. Ano-ano ang dapat ilagay ni Yeng sa loob ng kaniyang


emergency bag?
_______________________________________________________
2. Makakatulong ba ito sa oras ng pangangailangan?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
_______________________________________________________
3. Kung ikaw si Yeng maghahanda ka rin ba sa oras ng
kalamidad? Paano mo ito mapaghahandaan?
_______________________________________________________

Suriin

Marami na tayong karanasan sa


mga sakuna o kalamidad. Ang pagiging
handa ay makakatulong sa atin upang
tayo ay makaiwas at makaligtas sa iba’t
ibang uri ng kapahamakan. Kailangan
maging mapagmatyag sa mga
nangyayari sa ating lipunan lalo na sa
ating kalikasan.

Ang pagiging handa sa panahon ng sakuna o kalamidad


ay makakatulong ng malaki para sa ligtas na pamumuhay.

May mga sakuna o kalamidad kagaya ng bagyo, baha,


sunog, lindol at landslide na hindi natin inaasahang mangyayari
kaya binibigyan ng importansiya ng National Disaster Risk
Reduction and Management Council (NDRRMC) ang
kahalagahan ng paghahanda ng mga pamilya sa oras ng
sakuna o kalamidad.

4
Narito ang ilan sa mga paraan ng paghahanda na
kailangang gawin sa panahon ng sakuna:

1. Magdasal na gabayan at protektahan sa panahon ng


sakuna o kalamidad.
2. Maging alerto sa lahat ng oras.
3. Makinig at manuod ng balita.
4. Manatiling kalmado sa kabila ng sitwasyong nararanasan.
5. Ihanda ang emergency bag na may lamang gamot,
pagkain, tubig, damit, pito, baterya at flashlight.

5
Pagtataya 1
Panuto: Isulat sa kahon ang masayang mukha kung ang
pangungusap ay tama at malungkot na mukha
kung mali.

1. Magdasal na gabayan sa panahon ng kalamidad.


2. Lumabas ng bahay kahit na malakas ang ulan.
3. May nakahandang emergency bag.
4. Pangunahan ng takot.
5. Alam ang lugar na dapat puntahan kapag may lindol.

Pamatnubay na Gawain 2
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag sa loob ng
kahon. Bilugan ang thumbs up kung ikaw ay
sumasang-ayon at thumbs down kung hindi.

Pahayag Reaksyon

1. May nakaimbak na tubig.

2. Pangunahan ng takot sa panahon ng


kalamidad.

3. May nakahandang kandila.

4. Hayaan na lang ang mga gamit na


maaring mabasa.

5. Huwag makinig o manuod ng balita.

7
Isaisip

Panuto: Punan ang patlang ng wastong sagot. Pumili sa mga


salitang nasa loob ng kahon.

landslide bagyo kalamidad


NDRRMC ligtas

Ang pagiging handa sa panahon ng sakuna o _____________


ay makakatulong ng malaki para sa ___________ na pamumuhay.

May mga sakuna o kalamidad kagaya ng __________, baha,


sunog, lindol at ________________ na hindi natin inaasahang
mangyayari kaya binibigyan ng importansiya ng ______________
ang kahalagahan ng paghahanda ng mga pamilya sa oras ng
sakuna o kalamidad.

Isagawa
Panuto: Iguhit sa loob ng kahon ang mga bagay na ilalagay mo
sa loob ng emergency bag na magagamit sa panahon
ng sakuna o kalamidad. Kulayan ito.

11
Pamantayan sa Pagguhit

Iskor Pahayag
5 Naiguhit ang limang bagay na magagamit
sa panahon ng sakuna o kalamidad.
4 Naiguhit ang apat bagay na magagamit sa
panahon ng sakuna o kalamidad.
3 Naiguhit ang tatlong bagay na magagamit
sa panahon ng sakuna o kalamidad.
2 Naiguhit ang dalawang bagay na
magagamit sa panahon ng sakuna o
kalamidad.
1 Naiguhit ang isang bagay na magagamit sa
panahon ng sakuna o kalamidad.

Tayahin
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at bilugan ang letra ng
tamang sagot.

1. Nabalitaan mong malaki ang pagkakataon na bumaha sa


inyong lugar. Ano ang dapat mong gawin?
a. Itaas ang gamit na maaaring mabasa.
b. Huwag pansinin ang balitang nalaman.
c. Lumusong sa baha.
d. wala sa nabanggit

2. Napanuod mong may bagyong paparating sa ating bansa.


Ano ang dapat mong gawin?
a. Lumabas ng bahay.
b. Maligo sa ulan.
c. Ihanda ang emergency bag.
d. a at b

12
3. Ano ang dapat mong gawin kung naramdaman mong
lumilindol?
a. Pangunahan ng takot.
b. Magtago sa ilalim ng matibay na lamesa at takpan ng
kamay ang ulo.
c. Umiyak na lamang.
d. lahat ng nabanggit

4. Nakita mong nasusunog ang inyong kusina. Ano ang dapat


mong gawin?
a. Magmadaling lumabas ng bahay at humingi ng tulong.
b. Huwag pansinin ang sunog.
c. Panuorin ang nasusunog na kusina.
d. b at c

5. Ano ang gagawin mo kung nagkaroon ng landslide sa inyong


lugar.?
a. Lumapit sa lugar kung saan nagkaroon ng landslide.
b. Lumayo sa lugar kung saan nagkaroon ng landslide.
c. Panuorin ang landslide.
d. wala sa nabanggit

13
Karagdagang Gawain

Panuto: Lagyan ng tsek ang hanay na naglalahad kung gaano


ka kahanda sa panahon ng sakuna o kalamidad.

Mga Pamamaraan Laging Handa Hindi


Handa Handa
1. May emergency bag na
magagamit sa oras ng
pangangailangan.
2. Madali kong makukuha ang
gamit na kailangan ko kagaya
ng flashlight.
3. Alam ko ang lugar na
pupuntahan kapag may lindol.
4. Alam ko kung saan ang fire
exit ng lugar na aking
pupuntahan.
5. Palagi akong nakatutok sa
balita.

14
Susi sa Pagwawasto

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat sa:

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email Address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

17

You might also like