You are on page 1of 6

School: San Antonio Elementary School Grade Level: Grade 3

Teacher: Ms. Cristine G. Sim Learning Area: Edukasyon sa Pagpapakatao


Teaching Date/Time: 10:00112:00am April 30, Quarter: 3rd(Week 8)
2021
I. Layunin:
Knowledge: Nakikilala ang mga halimbawa ng kalamidad o sakuna.
Skill: Naibibigay ang mga halimbawa ng pagmamalasakit sa kapwa tuwing may
sakunao kalamidad.
Attitude: Naiisa-isa ang mga paangunahing kagamitan sa paghahanda tuwing may
sakuna.

II. Paksang – aralin

Paksa: Laging Handa sa Sakuna o Kalamidad


Sanggunian: MELC (week 8)
Code: EsP3PPP-llli-18
Kagamitan: larawan, pangkulay, manila paper/cartolina, videoclip, real objects
Pagpapahalaga: Mahalagang malaman ng mga bata ang pangangailangan tuwing may
sakuna.
Integrasyon: MAPEH, Science, Filipino

III. Pamamaraan:
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Pagganyak
Pagsayaw ng “ Animal Dance “

2. Balik-aral
Pagpapakita ng mga larawan. Suriin kung ito ay TAMA o MALI ang
ipinapakita ng larawan.

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Pagganyak
HULAAN AT HANAPIN MO AKO ( Pangkatang Gawain )
Panuto: Hahatiin ang klase sa dalawang grupo. Ang isang grupo ay huhulaan
ang nasa larawan at isusulat kung ano ito. Pagkatapos ay hahanapin
naman at bibilugan ang mga salitang mabubuo sa “ word puzzle “ ng
isang grupo na ibibigay ng guro.
2. Paglalahad
 Ipapakita o ipanonood ng guroang isang videoclip.

 Pagkatapos ng videoclip magtatanong ang guro tungkol sa napanood.


1. Tungkol saan ang napanood sa video?
2. Magbigay ng halimbawa ng kalamidad.
3. Ano ang gagawin nating tuwing may kalamidad?
4. Paano kaya natin mapaghahandaan ang pagdating mga sakuna o kalamidad?
5. Ano ang mga kagamitang dapat nating ihanda tuwing may sakuna o kalamidad?

3. Pagtatalakay

 Role Playing ( buong klase )


Panuto: Magsasagawa ng maikling dula-dulaan ang buong klase.
Sitwasyon: May padating na bagyo sa inyong lugar. Ano ang dapat
ninyong gawin? Tatayong nanay ang guro at mga anak ang
mga estudyante.
Nanay: Oh mga anak may paparating na bagyo dito saten. Lahat kayo
ay inaatasan ko na ihanda ang mga gamit oh kailangan natin
sa pagdaan ng bagyo. At ilagay ang mga ito sa emergency box.
Mga Anak: Opo Nanay. ( hahanapin ng mga estudyante ang mga kagamitan
para sa paghahanda sa pagdating ng bagyo ( real objects ) sa
loob ng silid-aralan. At ipapakita ito sa harap ng klase ).

Tubig Pagkain Radyo

Flashlight ID Pito Hygiene Kit


5 3 1
Importanteng First Aid Kit Kumot Damit
Nialaman 4 o 5 tamang sagot. 2 o 3 tamang sagot. 1 ang tamang
Dokumento
sagot
Kooperasyon Leader, assistant leader Leader, assistant Leader lamang
at mga myembro ay leader at ilang ang nakilahok.
nakikilahok. myembro lang ang
nakikilahok.
Kalinisan Maayos at malinis ang Maayos ngunit may Kailangan ng
pagkaakagawa. kaunting bura ang kaaayusan at
Lighter/Porporo Multi-Purpose Knifepagkakagawa. kalinisan sa
Lubid
gawain.

Bota Raincoat

4. Gawain
A. Malayang gawain
Panuto: Ilagay sa patlang bago ang bilang ng masayang mukha kung wasto
ang isinasaad ng pangungusap at malungkot na mukha kung hindi wasto.

___________1. Dapat lagging handa sa anomang sakuna o kalamidad.


___________2. Makilahok sa “ Earthquake Drill “ na ginaganap sa paaralan.
___________3. Bibili ng pangunahing pangangailangan kapag may sakuna na.
___________4. Tumutulong sa mga nasalanta ng bagyo.
___________5. Dapat nasa isang lalagyan lamang ang mga pangunahing gamit na
kailangan tuwing may sakuna o kalamidad.

B. Pangkatang Gawain
 Pagbibigay ng panuto ng guro sa paggawa ng pangkatang gawain.
 Pagpupuntos gamit ang rubriks na ipapaskil ng guro.

15-Pinakamahusay 14-11 Magaling 10-6 Kailangan pa ng Pagsasanay


Pangkat 1 – Iguhit mo ako!

 Iguhit ang sagot sa bawat pangungusap.

1. Kailangan mo ang bagay na ito kapag ikaw ay hihingi ng tulong upang


marinig ka.

2. Kapag madilim ang paligid magagamit mo ito upang magkaroon ng


liwanag sa iyong kinaroroonan.

3. Magagamit mo ang mga ito kapag masama ang iyong pakiramdam o


hindi kaya’y kung ikaw ay nasugatan.

4. Pamatid ng uhaw upang hindi ka maubusan ng tubig sa katawan.

5. Ito ay pagkain na hindi na kailangang lutuin.

Pangkat 2 – Hanapin mo ako!


 Hanapin at idikit sa tapat ang mga larawan ng angkop na pangungusap sa bawat bilang.

Hanay A Hanay B

1. Malakas na ulan at hangin

2. Pagyanig ng lupa

3. Pagbagsak ng lupa mula sa


Kabundukan

4. Malakas na apoy

5. Pagtaas ng libel ng tubig

Pangkat 3- Isipin mo ako!


 Mag-isip o gumawa ng limang pangungusap tungkol sa kalamidad.

5. Paglalahat
 Itatanong sa mga bata ang mga sumusunod:
1. Ano ang kalamidad?
2. Magbigay ng mga halimbawa ng kalamidad.
3. Paano natin maiiwasan o mapaghahandaan ang padating na kalamidad.

 Pagpapanood ng videoclips tungkol sa paghahanda sa mga kalamidad.


( Video ng Department of Education DRRM Laging Handa Jingle )

IV. Pagtataya
Panuto: Basahin nang Mabuti ang bawat pahayag. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1. Anong tulong ang maaaring magawa ng iyong pamilya kung ang iyong kaibigan ay
nasunugan at walang pansamantalang matuluyan?

A. Hahaayaan ko lang na humanap sila ng ibang matutuluyan.


B. Patutuluyin ko muna sya sa aming bahay.
C. Sasabihin kong pumunta sa barangay.
D. Ituturo ko sya sa aming kapitbahay.

2. Alin sa mga larawan ang halimbawa ng kalamidad.

A. B. C. D.

3. Alin sa mga sumusunod na kagamitan ang kailangan tuwing may sakuna?

A. Sabon, kumot, at sipilyo C. Pagkain, gamut, at tubig


B. Sapatos, damit, at unan D. Bolpen, papel at salamin

4. Paano ka magiging handa sasakuna o kalamidad sa iyong lugar?

A. Makinig sa mga kapitbahay.


B. Manood sa telebisyon o making sa radio.
C. Magsearch sa facebook.
D. Magtanong sa kalaro.

5. Alin sa mga sumusunod na mga ang halimbawa ng pangunahing


pangangailangan kapag may sakuna o kalamidad?

A. First Aid kit, hygiene kit, flashlight


B. Upuan, alcohol, cellphone
C. Payong, kumot, make-up kit
D. Telebisyon, timba, candy

IV. Takdang Aralin


Gumuhit ng limang kagamitan para sa paghahanda sa kalamidad.

Prepared by:

MS. CRISTINE G. SIM


Teacher I

Checked by:
MAM VICTORIA S. LUMACANG
Principal III

MAM PEARLIE MAY A. BARQUILLA


Master Teacher II

You might also like