You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

I. LAYUNIN:
Pagkatapos ng aralin ang mga bata ay inaasahang;

a) Naisasagawa ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagiging masunurin,pagpapanatili ng


kaayusan, at kalinisan sa loob ng tahanan.

II. PAKSANG ARALIN


PAKSA: Pagpapaliwanag ng Pagpapanatili ng Kaayusan,Kapayapaan at Kalinisan sa loob ng
Tahanan at Paaralan
SANGGUNIAN: Matapat na Pilipino pp.170-174
KAGAMITANG PANTURO : laptop,powerpoint,larawan

III. PAMAMARAAN
A. BALIK- ARAL:

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


a) PANIMULANG GAWAIN

Panalangin
Tumayo at yumuko ang lahat at manalangin
( Ang mga bata ay taimtim na
mananalangin)

Panginoon maraming salamat sa


magandang araw na ito.Salamat po
sa lahat ng pagpapala at sa patuloy na
paggabay sa bawat isa sa
amin.Amen.

Pagbati
Magandang umaga mga bata Magandang umaga po aming guro.

Pagtala ng lumiban/ pagsasaayos ng silid-aralan


Yoan,ilan ang lumiban sa ating klase? Wala pong lumiban sa ating klase
titser.
( mga bata tingnan nga ninyo ang ilalim ng inyong
lamesa at pulitin ang mga kalat kung mayroon man at
ayusin ang inyong mga silya. ( ang mga mag-aaral ay pumupulot
ng kalat at aayusin ang silya)
Balik-aral

Magbigay ng halimbawa ng gawaing nagpapakita ng -Mag-aral ng mabuti.


pagsunod sa ating magulang? -tumulong sa gawaing bahay.
-huwag makikippag-away

B. PAGHAHABI NG LAYUNIN NG ARALIN


PAGGANYAK
Tingnan ang larawan,ano ang ginagawa nila?
Ang mga bata ay naglilinis.
Inaayos po nila ang mga gamit.
C.PAG-UUGNAY NG MGA HALIMBAWA
SA BAGONG ARALIN
Mga bata,alam ba ninyo kung bakit mahalaga
ang pagtutulungan sa tahanan at paaralan? Hindi po titser.

(Sige handa na ba kayong making,pero bago


yan,ano ano ang mga dapat tandaan o ipamalas
na kaugalian kapag tayo ay nakikinig. -Umupo po ng maayos Titser.
-Makinig po ng mabuti Titser.
-Huwag pong makipagkwentuhan titser.
-Unawain po ng mabuti ang kwento Titser.
Lahat ng gawain,pagtutulungan natin sa ibat
ibang gawain na dapat tulong- tulong ang mag-
anak sa paggawa ng mga ito.Isa na rito ang
paglilinis ng tahanan,pagtatapon ng basura,pag-
aalaga ng mga halaman,pagluluto,paglalaba at
pag-aalaga ng nakababatang kapatid.
Inaalagaan din natin ang may sakit at ang
mga matandang kasama sa buhay.Ang mga
anak ay tumutulong sa mga gawaing makakaya
nila.

Katanungan:
a.) Bakit kailangan magtulungan sa mga Titser,upang mapadali ang gawain.
gawain? Tumutulong sa mga gawain kaya nating gawin
b.) Paano kaya tayo makakatulong sa mga
gawain?

D.PAGTALAKAY NG BAGONG
KONSEPTO AT PAGLALAHAD NG
BAGONG KASANAYAN # 1
( Magpapakita ng larawan ang guro)

Nagtatanim ng mga halaman o puno.

1.
Nagdidilig ng halaman.
2.

Mga batang naglilinis ng kanilang tahanan.

3.

Mga taong naglilinis ng paligid.

4..

Mga batang namumulot ng mga basura sa


tabing ilog.
5.

Ang mga larawang iyan ay nagpapakita ng


kahalagahan pagtutulungan sa ating tahanan.
E.PAGTALAKAY NG BAGONG
KONSEPTO AT PAGLALAHAD NG
BAGONG KASANAYAN#2
Ano-ano ang mga kaugalian na maari mong
gawin upang mapanatiling maayos at malinis
ang tahahan? Tumulong po sa paggawa ng mga gawaing
kayang gawin.
PANGKAT 1.(PUZZLE)
Panuto:Buuin ang nawawalang bahagi
ng larawan.At pagkatapos gumawa ng
pangungusap sa ayon sa nasa larawan.
Ang bata ay nagdidilig ng halaman.
1.

Ang mga mamamayan at naglilinis ng paligid.


2.
Ang mga bata ay sama samang namumulot ng
3. basura sa tabing ilog.

Ang mga bata at naglilinis at nag aayos ng


4. gamit sa kanilang silid.

Ang mga bata ay nagtatanim ng halaman.


5.

PANGKAT 2(PUZZLE)
Panuto:Buuin ang nawawalang bahagi
ng larawan, at sagutin sa baba ang bawat
katanungan.

1).Ano ang dapat mong gawin kong -Tutulungan ko siya.


nakikita mong naglilinis ng bahay si
nanay?
-ipagbo bomba ko si Nanay o kaya tutulungan
2.) Kung naglalaba naman ang ko siya sa pag sasampay
nanay,ano ang maitutulong ninyo?
-Ipambibili ko ng gamut o kaya ako na po ang
3.)Ano ang gaghawin mo kung may
magpapakain ng mga hayop.
sakit ang iyong tatay.
Aalagaan ko po si tatay.

.
Magaling!

F.PAGLINANG SA KABIHASNAN
(TUNGO SA FORMATIVE ASSESSMENT)

Panuto:Iguhit ang mukhang masaya tama


ang pangungusap at malungkot na mukha
kung mali.

____1.Binunot ni Nora ang mga halaman ni 1.


nanay.
____2.Tumutulong si Nilo sa pagpapakain ng 2.
mga manok.
____3.Inaalagaan ni ate si bunso. 3.

____4.Kinukumpuni ni tatay ang sira sa bakod. 4.

____5.Pinapainom ni nanay ng gamut si ate. 5.

G.PAGLALAPAT NG ARALIN SA PANG


ARAW ARAW NA BUHAY

Araw ng Sabado naglilinis ang iyong ama at ina


sa inyong bahay,Ano ang ggawin mo? Tutulungan ko po si nanay sa pagwawalis ng
bakuran.
Magdidilig po ng mga halaman.

,H.PAGLALAHAT NG ARALIN

Bakit kailangan ang kalinisan at kaayusan sa upang makaiwas tayo sa ano mang sakuna at
ating tahanan karamadaman.

I.PAGTATAYA NG ARALIN
Sagutin natin:
Panuto: Lagyan ng √ ang mga gawaing
nagsasabi ng katutohanan at ekis X ang hindi.
__1. Pagtatapon ng basura sa tamang lugar. 1./

__2. Nanunuod ng tv habang nagluluto si nanay. 2.x

__3. Paggamit ng mga lason o kemikal sa 3./


pangingisda.
__4. Pagdidilig ng mga halaman. 4./

5./
__5. Palaging tumutulong sa gawain ni tatay.

IV. TAKDANG ARALIN

Gumuhit ng nagpapakita ng kahalagahan sa pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran

Inihanda ni:
ERELYN V.DOCUYANAN
Student teacher

Iniwasto ni:
LUDMILA R. DILAG
Cooperating teacher

Iminungkahing Pinagtibay:
NEDDIE D. DUPLON
Principal II

You might also like