You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 4

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng katatagan ng loob,
mapanuring pag-iisip, pagkamatiyaga, pagkamapagtiis, pagkabukas-isip, pagkamahinahon at
pagmamahal sa katotohanan na magpapalaya sa anumang alalahanin sa buhay ng tao bilang
kasapi ng pamilya.
Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa nang may mapanuring pag-iisip ang tamang pamamaraan at pamantayan sa
pagkuha ng katotohanan.
Pamantayan sa Pagkatuto at Code:
Nakapagsasabi ng katotohanan anuman ang maging bunga nito. ( Isapuso Natin)
EsP4PKP-Ia-b-23
Markahan: 1 Linggo: 1 Araw: 3
I. Layunin: Pagkatapos ng 30 minuto, 100% ng mag-aaral ang inaasahang:
1. Nasasabi ang talento nang may lakas ng loob..
2. Nakakabuo ng Venn Diagram ng iba’t ibang kakayahan.
3. Nasusulat ang mga bagay mga bagay sa paglinang ng talento.

II. Nilalaman:
Paksang Aralin: Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya Ko ( Isapuso Natin )
Integrasyon: Filipino – Sining ng Pakikipagtalastasan, ICT
Istratehiya: Game, Direct Instruction, Group Sharing
Kagamitan: video clips, ppt presentation, telebisyon/projector, laptop
Sanggunian: TG: ESP 4 p. 5; LM ESP 4 pp. 6

III. Pamamaraan:
A. Balik-aral:
Sabihin: Kahapon, tinalakay natin ang iba’t ibang kakayahan o talento ng bawat isa.
Tingnan ninyo ang mga larawang ipapakita sa telebisyon. Tukuyin ninyo kung
anong talento ang ipinapahiwatig ng larawan.
Magpakita ng larawan ng iba’t ibang talento. Ipatukoy sa mga bata kung anong
talento ang ipinakita sa larawan.
B. Pagganyak:
Sabihin: Magkakaroon tayo ng simpleng laro. Sa isang maliit na papel, isulat ang
inyongpangalan at ang inyong talento.
Tumayo ang lahat. Magbabanggit ng talento ang guro. Kung ang talentong nabanggit ay
katulad ng iyong isinulat sa papel, uupo ka. Ang huling nakatayo ang siyang hihiranging
panalo sa laro.
C. Paglalahad sa Paksa:
Ipinapahiwatig ng laro na ang bawat isa ay ala mang natatangi nitong kakayahan.
Ngayong umaga, gagawa tayo ng Venn Diagram ng ating mga talento o kakayahan.
D. Pagtatalakay:
Turuan ang mga bata kung paano bumuo ng Venn Diagram. Ipaliwanag ang
bawat bahagi nito at magbigay ng halimbawa.

A B
Sagot ng isang kasapi
Sagot ng isang kasapi na iba sa
kasama na iba sa kasama
7
Dito isusulat ang magkaparehong
sagot.

Sagot ng isang kasapi na iba sa


C
kasama

E. Paglalapat:

Panuto; Isulat sa tamang bahagi ang napag-usapang


mga talento upang mabuo ang venn diagram.

Kasapi 1 Kasapi 2

Magkaparehong
Sagot

Kasapi 3

F. Paglalahat ng Aralin:
Sabihin: May magkakatulad at magkakaiba tayong mga talento. Dapat natin itong
pahalagahan at paglinangin nang mabuti at lakas loob natin itong ipagmalaki.

IV. Pagtataya:
Sagutin ang tanong.
1. Paano mo paglinangin ang natatangi mong kakayahan o talento?
2. Paano mo maipapakita ang iyong talent ng may lakas at tibay ng loob?

V. Takdang Aralin:
Pagninilay:
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya: ______
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain para sa remediation:
C. Nakatulong ba ang remedial? ______
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin: ______
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation: ______
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? ________________
Paano ito nakatulong? ________________________________________________
F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa tulong ng aking punungguro
at superbisor? _______________________________________________________
G. Anong kagamitang panturo ang aking nabuo na nais kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro? _____________________________________________________________

You might also like