You are on page 1of 22

4

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan- Modyul 2:
Nilikha ng Diyos, Alagaan at Pahalagahan Mo!
2: 22

AIRs - LM
Edukasyon sa Pagpapakatao 4
Ikaapat na Markahan - Modyul 2: Nilika ng Diyos, Alagaan at Pahalagahan Mo!
Unang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o pagkuha


ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Ghey C. Alcaria


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent

Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D


Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph.D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS

Lorna O. Gaspar, EPS in Charge of EsP

Michael Jason D. Morales, PDO II

Claire P. Toluyen, Librarian II


Sapulin

Sa nakaraang aralin, natutunan mo na ang iba’t ibang katangiang


hinahanap natin sa isang huwarang komunidad ay maaaaring makita
natin sa pamilyang ating kinabibilangan. Sa tahanan unang iminumulat at
ipinapadama ang iba’t ibang uri ng pagpapahalaga. Kabilang dito ang
pagmamahal sa Diyos at ang pagkakaroon ng kapayapaang panloob. Ang
pagmamahal ay isang mabisang paraan upang ang mga pamilya sa
komunidad ay magkaroon ng kapayapaan.

Ngayon, pauunlarin pa natin ang mabubuting katangiang dapat


mong taglayin sa pamamagitan nang patuloy na pagpapaunlad,
pagpapahalaga, at pagkalinga sa iba pang likha ng Diyos, tulad ng mga
hayop. Sa araling ito, higit mong mauunawaan kung paano alagaan at
mahalin ang mga hayop na ligaw at endangered.

Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang kaalaman, kakayahan


at pagunawa sa:
Aralin 1: Mga Hayop na Ligaw at Endangered, Kalingain at Alagaan
➢ Pagkalinga sa mga hayop na ligaw at endangered
(EsP4PD-IVd-11)
Aralin 2: Halaman sa Kapaligiran, Presensiya ng Pagmamahal ng
Maykapal
➢ Pangangalaga sa mga halaman gaya ng pag-aayos ng mga
nabuwal na halaman,
➢ paglalagay ng mga lupa sa paso,
➢ pagbubungkal ng tanim na halaman sa paligid
(EsP4PD-IVe-g-12)

Mga Layunin sa Pag-aaral:

1. Naipapakita ang pagkalinga sa mga hayop na ligaw at endangered


2. Naipapakita ang mga paraan ng pag-aalaga ng mga halaman
Mga Hayop na Ligaw at
Aralin Endangered, Kalingain at
1 Alagaan!

Simulan

Gawain 1

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Lagyan ng hugis puso


ang patlang bago ang bilang kung ang isinasaad nito ay
nagpapakita ng pangangalaga at pagprotekta sa hayop na ligaw at
endangered at hugis bilog naman kung hindi.

______1. I-report ang anumang panggigipit o pagbaril ng endangered


animals.
______2. Pagtirador sa ibong agila na nakikitang nakadapo sa
punongkahoy.
______3. Pagsangguni sa Animal Welfare Committee para sa wastong
pangangalaga sa mga hayop.
______ 4. Binibigyan ng sapat na pagkain at inumin ang mga ligaw na
hayop.
______ 5. Katayin ang anumang mahuhuling ligaw na baboy-ramo.

Gawain 2

Panuto: Suriing mabuti ang sumusunod na sitwasyon sa ibaba.


Pagkatapos, isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot.

_____ 1. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagmamahal sa mga


ligaw na hayop MALIBAN SA ISA, alin ito?
A. Pagtirador sa mga ibon.
B. Paggawa ng tirahan para may silungan sila.
C. Paghikayat sa kaibigan na alagaan ang mga ligaw na hayop.
D. Panonood ng mga programa tungkol sa ligaw na hayop upang
madagdagan ang kaalaman tungkol sa mga ito.
_____ 2. Napanood mo sa telebisyon na maraming hayop ang malapit nang
maubos dahil sa kapabayaan ng mga tao. Gusto mong makatulong
para manumbalik ang dami ng mga hayop na malapit ng maubos.
Alin sa sumusunod ang dapat mong gawin?
A. Pagbibigay ng damo sa alagang kabayo.
B. Tamang pag-aalaga sa mga hayop o ligaw na hayop.
C. Paninirador ng mga ibong lumilipad sa paligid ng aming bahay.
D. Suportahan ko ang pagbabawal sa paghuhuli ng mga
endangered species sa aming lugar.

_____3. Sa anumang hayop na aalagaan, anong panuntunang


pangkalusugan ang dapat sundin?
A. Paliguan ang mga hayop araw-araw
B. Kailangang bantayan ng beterinaryo
C. Buhusan ng alcohol ang kulungan nila
D. Panatilihing malinis ang kulungan at pagkain nila.

_____ 4. Nakita mong sugatan ang baboy-ramo. Ano ang maaari mong
gawin?
A. Hulihin at katayin B. di-mo papansinin
C. I-report sa kinauukulan D. painomin ng anumang gamot

_____ 5. Bakit dapat kalingain ng tao ang mga hayop?


A. Sapagkat mapaparusahan ang walang alagang hayop sa bahay.
B. Upang dumami ang mga ligaw na hayop at ibenta sa ibang
bansa.
C. Dahil ang kumakalinga sa mga hayop ay may naghihintay na
pabuya.
D. Dahil sa pamamagitan nito, ipinapakita natin ang ating
pagmamahal sa Diyos at sa lahat ng Kaniyang mga nilikha.

Lakbayin

Ang pagkalinga ay hindi lamang naipapakita sa mga tao. Ito ay


maaaring ipakita sa iba pang nilikha tulad ng mga hayop. Ang pagkalinga
sa mga hayop ay isa sa magagandang katangian nating mga Pilipino. Sa
pamamagitan nito ay ay ipinapakita natin ang ating pagmamahal sa Diyos
sapagkat kabilang ito sa Kaniyang mga nilikha.
Ang Republic Act No. 8485, na mas kilala bilang “Animal Welfare Act
of 1998” ang unang batas na komprehensibong nagtadhana sa tama at
maayos na pangangalaga ng mga mamamayan sa lahat ng hayop sa
Pilipinas. Binubuo ng batas na ito ang Committee on Animal Welfare na
siyang namumuno sa pagpapatupad ng batas. Sa Seksiyon 6 ng batas,
ipinagbabawal ang pagmamaltrato at pananakit sa mga hayop. Ipinasa rin
sa bahaging ito ng batas na hindi maaaring pumatay ng hayop, maliban sa
mga hayop na kinakain tulad ng baka, baboy, kambing, tupa, manok at
iba pang poultry, kuneho, kalabaw, kabayo, usa at buwaya. Isang paglabag
sa batas ang pagpatay sa mga hayop na hindi nabanggit liban na lamang
kung ito ay dahil sa ritwal ng isang relihiyon, at may malubhang sakit.
Itinuturing na isang landmark law ang Animal Welfare Act dahil ito
ang unang kumilala na paglabag sa batas ang kalupitan sa hayop.
Isinasaad naman sa Republic Act No. 9147 o ang “Wildlife Resources
Conservation and Protection Act” na maaari namang mag-alaga ng kahit
anong “threatened indigenous and endemic”, o mga “exotic species” ang
kahit sino. Kinakailangan lamang na mabigyan sila ng Department of
Environment and Natural Resources (DENR) ng Certificate of Wildlife
Registration (CWR).
Ayon sa Protected Animal Welfare Bureau (PAWB) nagbibigay rin sila
ng amnestiya para sa mga nag-aalaga ng mga protected at endangered
animals. May proseso silang sinusunod sa sino mang nagnanais mag-alaga
ng anumang klaseng protected at endangered species.

Pagkakakulong ng dalawa hanggang apat na taon o multa mula


P200,000.00 - P300,000.00 naman ang kahaharapin ng sinumang
mapapatunayang lumabag sa RA 9147.

Galugarin

Gawain 1

Panuto: Suriing mabuti ang mga pangungusap. Punan ng angkop na salita


ang bawat puwang upang mabuo ang diwa nito. Piliin ang sagot sa
loob ng kahon.

Animal cruelty Animal Welfare Act of 1988


hayop Landmark Law
R.A. No. 9147 Protected at endangered animals

1. Ang Republic Act Number 8485, na mas kilala bilang


_________________________ ang unang batas na komprehensibong
nagtadhana sa tama at maayos na pangangalaga ng mga mamamayan
sa lahat ng hayop sa Pilipinas.
2. Sa seksiyon 6 ng batas, ipinagbabawal ang pagmamaltrato at pananakit
sa mga ____________________________.

3. Itinuturing na isang ____________________________ ang Animal Welfare Act


dahil ito ang unang kumilala na paglabag sa batas ang kalupitan sa
hayop.

4. Isinasaad sa ___________________________ o ang “Wildlife Resources


Coservation and Protection Act” na maaaring mag-alaga ng kahit anong
“threatened indigenous and endemic”, o mga exotic species”ang kahit
sino.

5. Ang Protected Animal Welfare Bureau (PAWB) ay nagbibigay ng amnestiya


para sa mga nag-aalaga ng mga __________.

Gawain 2

Panuto: Suriin ang dalawang kolum sa ibaba. Isulat sa ikalawang kolum


kung paano kalingain ang mga hayop na ligaw at endangered na nasa
unang kolum.
Mga Hayop na Ligaw o Endangered Paraan upang kalingain

1. Philippine Eagle

2. Tamaraw

3. Baboy-ramo

4. Tarsier

5. Mouse Deer
Rubrik sa Pagsagot sa Activity (WW: Written Output)

PAMANTAYAN Napakahusay Mahusay Katamtaman Nangangaila May


ngan pa ng Panimuang
5 4 3 Kasanayan Kasanayan
2 1
NILALAMAN Napakahusay Mahusay ang May Maligoy ang May ilang
(5 PUNTOS) ng pagkakabuo kahusayan sagot naisulat na
pagkakabuo ng sagot. ang Nakalilito at salita ngunit
ng sagot. Malinaw at pagkakabuo hindi tiyak walang diwa.
Malawak at tiyak ang ng sagot. ang mga
marami ang pahayag at Tiyak ang mga punto.
angkop na paliwanag. pahayag at
pahayag at paliwanag.
elaborasyon.

Palalimin
Gawain 1

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Lagyan ng ( ) ang hanay


ng kung ang ipinapakita ng gawain ay pagkalinga sa ligaw at
endangered na hayop at sa hanay ng kung HINDI.

Mga Gawain

1. Ibinabahagi ko sa aking mga kaibigan at pamilya ang


aking kaalaman tungkol sa wastong pagprotekta sa
hayop na ligaw at endangered.

2. Sumasali ako sa pagtatanim ng mga puno upang may


masilungan ang mga hayop.

3. Sumusuporta ako sa pangangaso ng ligaw na hayop.

4. Binabato ko ang mga hayop na ligaw na nakikita ko sa


daan.

5. Sumusuporta ako sa adbokasiya ng mga samahang


nagtataguyod at nagpapanatili sa kaligtasan ng mga
hayop na endangered.
Gawain 2
Panuto: Punuin ang patlang sa pamamagitan ng pagbilog sa tamang
kasagutan.

1. Nangangailangan ang mga hayop ng tamang _______________ (atensiyon,


pagtatakwil, pagpapabayad) at pag-aaruga mula sa atin.

2. Kinakailangang malinis at ligtas ang _______________ (tirahan, pasyalan,


laruan) ng mga ligaw at endangered na hayop.

3. Kinakailangang dalhin ang mga may sakit na hayop sa _____________


(dentista, beterinaryo, albularyo) upang maipagamot.

4. Dalhin ang mga ligaw na hayop sa _________ (parke, gubat, bahay) dahil
doon ang kanilang tahanan.

5. Ang pagkalinga sa mga hayop ay nagpapakita ng ________________


(pagmamahal, pagmamalupit, paglalaro) sa mga ito.

Sukatin
A. Panuto: Pag-aralan ang mga pinaghalong letra na nasa loob ng
kahon. Ayusin ang mga letrang ito upang mabuo ang mga salita.
Basahin ang clue sa bawat bilang upang lalo kang magabayan sa
pagsasagot.

1. lingakapagam 3. xetoci 5. rgenedenda


2. tabas 4. hanprotatek

_______1. Ito ay isa sa magandang katangian nating mga Pilipino para sa


mga hayop.

_______2. Ito ay nagtatadhana sa tama at maayos na pangangalaga ng mga


mamamayan sa lahat ng hayop sa Pilipinas.

_______3. Maaaring mag-alaga ng species na ito kung may Certificate of


Wildlife Registration (CWR) mula sa Department of Environment and
Natural Resources (DENR).

_______4. Dapat natin itong gawin sa tirahan ng mga hayop tulad ng


kagubatan.

_______5. Ito ay turing sa mga hayop na nanganganib ng maubos tulad ng


spotted deer, Philippine eagle, tamaraw, tarsier at iba pa.
B. Panuto: Punan ang mga patlang upang mabuo ang “Pangako sa Pag-
aalaga ng Hayop na Ligaw” na nasa ibaba. Huwag kalimutang lagdaan
ito.

Pangako sa Pag-aalaga ng Hayop na Ligaw

Ako si ,nangangakong aalagaan


ko __________________ sa pamamagitan ng_______________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Rubrik sa Pagsagot sa Activity

Katamtam Nangangailan May


Napakahusay Mahusay
an gan pa ng Panimuang
PAMANTAYAN
Kasanayan Kasanayan
5 4
3 2 1
NILALAMAN Napakahusay Mahusay ng May Maligoy ang May ilang
(5 PUNTOS) ng pagkakabu kahusayan sagot naisulat na
pagkakabuo o ng sagot. ang Nakalilito at salita
ng sagot. Malinaw at pagkakabu hindi tiyak ngunit
Malawak at tiyak ang o ng sagot. ang mga walang
marami ang pahayag at Tiyak ang punto. diwa.
angkop na paliwanag. mga
pahayag at pahayag at
elaborasyon. paliwanag.
Halaman sa Kapaligiran,
Aralin Presensiya ng
2 Pagmamahal ng Maykapal

Simulan

Gawain 1

Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung ang pangungusap ay


nagpapakita ng pangangalaga sa mga halaman at malungkot na
mukha naman kung hindi ito nagpapakita ng pangangalaga
sa halaman.

______1. Pangalagaan ang mga pananim sa mga kulisap at nakapipinsalang


mga hayop na kumakain ng mga halaman.

______ 2. Bunutin kaagad ang mga ligaw na damo sapagkat inaagaw nito sa
mga pananim ang sustansiyang galing sa lupa.

______ 3. Diligan ang mga halaman tuwing tirik ang araw.

______ 4. Ginagamit ko ang mga paso, lata o plastik na walang laman upang
pagtaniman ng mga halaman.

______ 5. Pinipitas ang mga bulaklak ng mga halamang nadadaanan.

Gawain 2

Panuto: Bilugan ang simbolong ito  kung nagpapakita ito ng

pangangalaga sa mga halaman at ang simbolong ito kung


hindi.

 1. Hinahayaang matuyuan ang lupa ng mga halaman.

 2. Gumagawa ng kampanyang humihikayat sa pagpapalago ng


mga tanim na halaman.
 3. Ibinubuwal ng mga mag-aaral ang mga halaman sa paaralan.
 4. Pinapasikatan sa araw ang mga nakapasong bulaklak ng nasa
tamang oras lamang.
 5. Pinipitas na ang mga maliliit pang gulay sa bakuran.

Lakbayin

Sa kasalukuyang panahon, ang pagkakaroon ng luntiang


kapaligiran ay tila imahinasyon na lamang.

Ang pagsasaluntian ng kapaligiran ay pagtatanim ng mga halaman o


punongkahoy upang madagdagan o mapalitan ang mga nabuwal na mga
puno’t halaman. Naipapakita ang pagmamahal sa Poong Maykapal kung
pinahahalagahan at inaalagaan ang mga halaman.

Ang kapaligirang may luntiang mga halaman ay siyang nagbibigay-


buhay at sigla sa iba pang nilalang na hayop at tao. Ito rin ang
nagpapalakas sa mga bukal ng tubig para magamit ng lahat ng
nangangailangan nito. Ang buhay at malusog na kagubatan ay gumaganap
bilang buffer system sa alin mang kapaligiran sa buong daigdig, hindi lang
ito naglilinis ng hangin, lupa, at tubig kundi nagpapanatili sa tamang
temperatura na kailangan sa malusog na buhay ng bawat isa. Ang buffer
system ay panimbang sa lahat ng kalabisan tulad ng init at polusyon. Ang
global warming o pag-init ng buong daigdig ay isang malinaw na hudyat
upang isagawa ang reforestation o pagatataguyod ng kagubatan.

Kung magiging masigasig lamang tayo sa paglahok sa iba’t ibang


proyekto ng pamahalaan upang maging luntian ang ating kapaligiran, tulad
ng pagtatanim sa mga bakanteng lote o lugar, pagtitipon, at pamamahagi ng
mga buto at binhi sa ating mga kaibigan o kababayan, pagtulong sa
pagkakalat ng impormasyon tungkol sa kahalagahan ng mga halaman at
punongkahoy at iba pa, hindi sana tayo magkakaroon ng suliranin sa ating
kapatagan lalo na kung tag-ulan.
Galugarin

Gawain 1
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon sa
ibaba. Pagkatapos, isulat sa patlang ang wastong sagot.
______1. Nabalitaan mo na magkakaroon ng “Tree Planting Activity” sa
inyong barangay sa araw ng Sabado oras ng alas otso ng umaga.
Ano ang dapat mong gawin?
A. Pupunta sa itinakdang oras at makikiisa sa programa ng
barangay.
B. Pipiliing manood ng telebisyon kaysa magpakapagod sa
pagtatanim.
C. Mananatili lamang sa bahay sapagkat ito ay araw ng
pahinga ng mga mag-aaral.
D. Pupunta ako sapagkat pupunta rin ang aking guro at mga
kaklase sa araw na ito.

______2. Bilang batang mag-aaral, paano mo maipakikita ang pangangalaga


sa mga halaman?
A. Binubuwal ko ang mga halaman sa likod ng paaralan.
B. Kusang didiligin ang mga halaman sa bahay at paaralan.
C. Pipitasin ko ang mga bulaklak upang ihandog sa aking ina.
D. Dinidiligan ko ang mga halaman kapag inuutusan lamang ng
guro.

______3. Walang espasyo sa inyong bakuran upang pagtamnan ng mga


halaman ngunit may ipinapatupad na Programa sa Pagtatanim
ang inyong barangay. Ano ang iyong gagawin?
A. Huwag maki-alam sa programa.
B. Iisip na lang ng ibang proyekto.
C. Ipagsawalang bahala ang programa.
D. Magtatanim sa mga paso o kaya sa mga plastic container.

______4. Nakita mo na pinuputol ang mga puno para gawing troso. Ano ang
maaari mong gawin?
A. Hindi na lamang papansinin.
B. Makikisali para kumita ng pera.
C. I-report agad ito sa kinauukulan.
D. Panonoorin ko ang mga pumuputol ng puno.

______5. Napansin mong natutuyo na ang lupa ng gulayan. Ano ang dapat
mong gawin?
A. Hahayaan na lamang ito.
B. Didiligan ko agad ang mga ito.
C. Tapakan na lamang ang mga ito.
D. Pipitasin na lamang ang mga gulay.
Gawain 2

Panuto: Kompletuhin ng mga letra sa loob ng kahon upang mabuo ang


sagot sa sumusunod na pahayag.

1. Upang mabuhay ang halaman dapat itong ______________.

D
g
2. Kinakailangan ng mga pananim upang sila ay lumago.

A t
3. Ito ay ginagawa upang lumuwag ang lupa.

P b l
g
4. Ito ay tinatanggal sa paligid ng halaman upang ang sustansiyang galing
sa lupa ay di niya agawin.

D
5. Ano ang dapat taglayin ng bawat isa upang mapangalagaan ang ating
mga halaman?

D p
Palalimin

Gawain 1
Panuto: Ibigay kung anong dapat gawin sa bawat sitwasyon sa
pamamagitan ng pagsusulat ng 3-5 pangungusap upang ipaliwanag ang
iyong sagot.

A. Habang namamasyal sa parke si Owens ay may nakita siyang sang


batang namimitas ng mga halamang namumulaklak. Kung ikaw si Owens,
ano ang dapat mong gawin?

B. Dinidiligan ni Vincent ang kanyang mga tanim araw-araw.


Binubungkal niya din ito at inaalisan ng mga damo at bato upang
lalong tumaba ang lupa nito. Sa palagay mo, tama kaya ang ginagawa ni
Vincent? Bakit?

Rubriks sa Pagsagot ng mga tanong


(WW: Written Output)

Napakahusay Mahusay Katamtaman Nangangailangan May


pa ng Kasanayan Panimulang
PAMANTAYAN Kasanayan
2 1
5 4 3
Napakahusay Mahusay ng May Maligoy ang May ilang
ng pagkakabuo kahusayan sagot naisulat
pagkakabuo ng sagot. ang Nakalilito at na salita
ng sagot. Malinaw at pagkakabuo hindi tiyak ngunit
NILALAMAN
Malawak at tiyak ang ng sagot. ang mga walang
(5 PUNTOS) marami ang pahayag at Tiyak ang punto. diwa.
angkop na paliwanag. mga pahayag
pahayag at at paliwanag.
elaborasyon.
Gawain 2
Panuto: Sa loob ng kahon sa ibaba magtala ng mga DAPAT at DI-DAPAT
GAWIN sa pangangalaga ng mga halaman. Magbigay ng kaunting
paliwanag.

Dapat Gawin Di-Dapat Gawin


Rubriks sa Pagsagot ng mga tanong

Napakahusay Mahusay Katamtaman Nangangailangan May


pa ng Kasanayan Panimulang
PAMANTAYAN Kasanayan
2 1
5 4 3
Napakahusay Mahusay ng May Maligoy ang May ilang
ng pagkakabuo kahusayan sagot naisulat
pagkakabuo ng sagot. ang Nakalilito at na salita
ng sagot. Malinaw at pagkakabuo hindi tiyak ngunit
NILALAMAN
Malawak at tiyak ang ng sagot. ang mga walang
(5 PUNTOS) marami ang pahayag at Tiyak ang punto. diwa.
angkop na paliwanag. mga pahayag
pahayag at at paliwanag.
elaborasyon.

Sukatin

A. Panuto: Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon. Dugtungan at


isulat kung bakit ito kailangang gawin.

1. Dapat tanggalin ang mga damo sa paligid ng halaman upang

2. Dinidiligan ko ang aking mga tanim araw araw upang

3. Ako ay tutulong sa pagtatanim ng halaman sa aming paaralan


atkomunidad
____________

4. Gagamitin ko ang mga pinaglumaang gulong at iba pang recycled


materials sa pagtatanim upang

5. Lalagyan ko ng bakod ang aking mga pananim upang

__________________
Rubriks sa Pagsagot ng mga tanong

Nilalaman 3 2 1
(3 Puntos) Mahusay ang Maligoy ang May ilang
pagkakabuo ng sagot. Nakaklito naisulat na salita
mga sagot. at hindi tiyak ang ngunit walang
Malinaw at tiyak mga punto. diwa.
ang pahayag at
paliwanag

B. Panuto: Bilang mag-aaral sa ikaapat na baitang, sa paanong


paraan mo maipapakita ang pangangalaga sa ating mga halaman.
Iguhit at kulayan ang iyong munting paraan sa loob ng kahon at
sumulat ng dalawa o tatlong pangungusap bilang paliwanag sa
larawang iginuhit.
Rubriks sa Pagguhit
Pamantayan Indikator Puntos
Naipakita at naipaliwanag nang
Nilalaman at maayos ang ugnayan ng lahat ng 2
Kaangkupan ng konsepto at may angkop na
Konsepto mensahe ang mga ito
Originality Orihinal ang ideya ng iginuhit 1
Malinis, maayos at gumamit ng
Kabuuang tamang kombinasyon ng kulay 2
Presentasyon upang maipahayag ang nilalaman,
konsepto, at mensahe
KABUUAN 5

Rubriks sa Sanaysay
Napakahusay Mahusay Katamtaman Nangangailangan May
pa ng Kasanayan Panimulang
PAMANTAYAN Kasanayan
2 1
5 4 3
Napakahusay Mahusay ng May Maligoy ang May ilang
ng pagkakabuo kahusayan sagot naisulat
pagkakabuo ng sagot. ang Nakalilito at na salita
ng sagot. Malinaw at pagkakabuo hindi tiyak ngunit
NILALAMAN
Malawak at tiyak ang ng sagot. ang mga walang
(5 PUNTOS) marami ang pahayag at Tiyak ang punto. diwa.
angkop na paliwanag. mga pahayag
pahayag at at paliwanag.
elaborasyon.
Mga Sanggunian:

Abac, F. E., et. al. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Kagamitan ng Mag-aaral Unang Edisyon,
p.116-127,p.308-318 (DepEd IMCS) Vibal Group,Inc., Pasig City Philippines 1600

Abac, F. E., et. al. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Kagamitan ng Mag-aaral Unang Edisyon,
p.63-66,p.192-194 (DepEd IMCS) Vibal Group,Inc., Pasig City Philippines 1600
Susi sa Pagwawasto
Aralin 1

Simulan Palalimin Sukatin


Gawain 1
Gawain 1 A.
1. 1.  1. mapagkalinga
2. batas
2. 2.  3. exotic
3.
4. 3.  4.
5.
protektahan
endangered
5. 4. 
B.
Gawain 2 5.  Gamitin ang rubrik
sa pagbibigay ng
1. A puntos.
2. D Gawain 2
3. D
4. C 1. atensyon
2. tirahan
5. D 3. beterinaryo
4. gubat
Galugarin 5. pagmamahal
Gawain 1
1. Animal Welfare
Act of 1988
2. hayop
3. Landmark Law
4. R.A. No. 9147
5. Protected at
endangered
animals

Gawain 2
Gamitin ang
rubrik sa
pagbibigay ng
puntos.
Aralin 2

Simulan Palalimin
Gawain 1 Gawain 1

Gamitin ang rubrik sa


1. pagbibigay ng puntios.
2.
3. Gawain 2
4. Gamitin ang rubrik sa
5. pagbibigay ng puntos.

Sukatin
Gawain 2
1.  Gamitin ang rubrik sa
pagbibigay ng puntos.
2. 
3. 
4. 
5. 

Galugarin
Gawain 1
1. A
2. B
3. D
4. B
5. B

Gawain 2
1. Diligan
2. Araw at tubig
3. Pagbubungkal
4. Damo
5. Disiplina

You might also like