Professional Documents
Culture Documents
Edukasyong
Pangkalusugan
Kwarter 2 – Modyul 1:
Nakahahawang Sakit, Bakit?
CO_Q2_Health 4_Module 1
Edukasyong Pangkalusugan – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Kwarter 2 – Modyul 1: Nakahahawang Sakit, Bakit?
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Edukasyong
Pangkalusugan
Kwarter 2 – Modyul 1:
Nakahahawang Sakit, Bakit?
Paunang Salita
Ang Self-learning Module o SLM ito ay maingat na inihanda para
sa ating mag-aaral so kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito
ng iba't ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang
bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng
kurikulum.
ii
Alamin
1 CO_Q2_Health 4_Module 1
Subukin
2 CO_Q2_Health 4_Module 1
Balikan
3 CO_Q2_Health 4_Module 1
Tuklasin
Suriin
4 CO_Q2_Health 4_Module 1
Ang dalawang uri ng sakit ay mga nakahahawang sakit at
dinakahahawang sakit. Ang hindi nakahahawang sakit ay hindi
naisasalin mula sa isang tao papunta sa ibang tao. Maaaring
makuha ito mula sa nakagawian at maling paraan ng pamumuhay
(lifestyle). Sa kabilang dako, ang nakahahawang sakit ay naipapa
sa ng isang tao, hayop o bagay sa ibang tao kung kaya’t kilala rin
ito bilang “Lifestyle” disease.
Ilang halimbawa ng hindi nakahahawang sakit ay asthma,
alzheimer’s, appendicitis, cancer, cystic fibrosis, ear infection,
epilepsy, diabetes, ulcer, stroke, sakit sa puso, at daluyan ng dugo.
Ang nakahahawang sakit ay nagmumula sa mga mikrobyo o
pathogens na pumapasok at sumisira sa mga selyula (cells) ng
katawan. Nangangailangan ito ng dagliang pagsugpo at masusing
pag-iingat upang maiwasan ang paglaganap nito.
Ang nakahahawang sakit ay malaking suliraning
pangkalusugan ng maraming tao sa iba’t ibang panig ng mundo,
lalo na sa papaunlad na bansang gaya ng Pilipinas.
Ang halimbawa ng mga nakahahawang sakit ay sipon, ubo,
trangkaso, tuberculosis, pulmonya, hepatitis o sakit sa atay, at
ilang sakit sa balat.
Ang sakit ay maaaring dumapo kaninoman – bata man o
matanda, mayaman man o mahirap ngunit ito ay maiiwasan. Ang
isang taong may mahinang resistensiya (immune system) ay
madaling kapitan ng sakit at karamdaman.
Narito ang ilan sa mga nakahahawang sakit na dala ng
virus, ang mga palatandaan o sintomas at ang paraan ng pag-iwas
at pagsugpo nito.
5 CO_Q2_Health 4_Module 1
Sipon (Common Colds) virus
Pagsalin ng Sakit
Pumapasok ang virus sa ilong sa pamamagitan ng
paglanghap, pag-ubo, pagbahing, direktang kontak sa mga
gamit na kontaminadong virus ng sipon
Palatandaan/Sintomas
Baradong ilong
Hirap na paghinga, pangangati at pamamaga ng lalamunan
Hirap lumunok ng pagkain sinat at lagnat
Pag-iwas at Pagsugpo
Uminom ng 8-12 baso ng tubig.
Kusang nilalabanan ng naturalesa ng bata (immune
system) ang virus at nawawala ito sa loob ng isang linggo.
Ubo (Cough)
Dapat (Pneumonia)
na tandaan na ang sipon ay maaaring palatandaan
ng iba pang sakit. Iiwas ang bata sa usok (mula sa
sigarilyo, sasakyan
Larawan
(Batang Ubo (Cough) / Pneumonia
may ubo)
Pagsalin ng Sakit
• Sanhi ng bacteria.
• Impeksiyon ito ng tubong dinadaanan ng hangin sa
paghinga (respiratory tract)
6 CO_Q2_Health 4_Module 1
Palatandaan/Sintomas
• Ubong mahigpit na tila kahol-aso
• Malat na boses dahil sa pamamaga ng vocal cords.
• Tunog na magaralgal pag humihinga lagnat
Pag-iwas at Pagsugpo
• Ilayo sa usok
• Dagdagan ng gatas o maligamgam na tubig para
marelax ang vocal cords at lumuwag ang plema.
Trangkaso (influenza)
Pagsalin ng Sakit
• Impeksiyon ng respiratory system na sanhi ng
Hemophilus influenza virus
• Nasasagap ang virus mula sa droplets na lumalabas sa
bibig o ilong ng isang taong may trangkaso kung siya’y
nakikipag usap, umuubo, sumisinga, o humahatsing
Palatandaan/Sintomas
• Pangangalumata, lagnat, giniginaw, sakit ng ulo,
kalamnan, at mga kasu-kasuan, pagod, masakit na
lalamunan (sore throat), baradong ilong o tumutulong
uhog.
Pag-iwas at Pagsugpo
-Umiwas/ lumayo sa mga taong may trangkaso
- Dagdagan ang tubig o juice na iniinom
-Pagpapabakuna
7 CO_Q2_Health 4_Module 1
Tuberkulosis (TB)
Pagsalin ng Sakit
• Isang impeksiyon na sanhi ng mikrobyong
Myobacterium tuberculosis.
• Nahahawa ang isang bata kung malalanghap niya ang
droplets mula sa isang taong may TB kung siya ay
nagsasalita, umuubo, o bumabahin.
• Primary complex ang tawag dito sa simula at di pa
gaanong delikado.
Palatandaan/Sintomas
• Madaling mapagod
• Walang ganang kumain
• Pagbaba ng timbang
• Pag-ubo na may kasamang plema at dugo
• Nilalagnat at giniginaw sa hapon
• Lumalaki ang kulani sa leeg lymph nodes
Pag-iwas at Pagsugpo
• Ipasuri ang mga kasambahay para malaman nang maaga
kung mayroon silang TB.
• Pagkakaroon ng tamang nutrisyon at ehersisyo.
• Magtakip ng bibig at ilong kung may kausap na taong
inuubo
• Ihiwalay ang kagamitan ng taong may TB
• Paarawan ang mga kagamitan ng kasamang may sakit
• Magpa-X-ray minsan man lang sa isang taon
8 CO_Q2_Health 4_Module 1
Pulmonya (Pneumonia)
Pagsalin ng Sakit
• Sakit na nakaaapekto sa baga
• virus, bacteria, o fungi
Palatandaan/Sintomas
• Hirap sa paghinga
• Kulang ng oksiheno (oxygen) sa katawan
Pag-iwas at Pagsugpo
• Pagpapabakuna
• Wastong nutrisyon
• Kalinisan sa sarili at kapaligiran
Pagsalin ng Sakit
• Isang matinding impeksiyon sa atay sanhi ng virus na
maaaring makuha sa maruming pagkain o inuming tubig
Palatandaan/Sintomas
• Paninilaw ng balat at puti ng mata, pananamlay, kulay
putik na dumi, nagsususuka, nilalagnat, giniginaw,
pagsakit ng ulo, pagsakit ng tiyan
9 CO_Q2_Health 4_Module 1
Pag-iwas at Pagsugpo
• Tiyaking malinis ang kinakain
• Sanaying maghugas ng kamay bago kumain o humawak
ng pagkain at matapos gumamit ng banyo
• Sumangguni sa doctor sa sandaling maghinalang may
Hepatitis A
• Sapat na pahinga
• Tamang nutrisyon
• Magpabakuna
Pagsalin ng Sakit
• Sanhi ng mga bacteria, fungi
Palatandaan/Sintomas
• Pamamantal o pamamaga ng balat
• Namumula
• Nangangati
• Maaaring magkaroon ng pantal o sugat kapag hindi
naagapan Nilalagnat at giniginaw sa hapon
• Lumalaki ang kulani sa leeg lymph nodes
Pag-iwas at Pagsugpo
• Maging malinis sa lahat ng oras
• Paarawan ang mga kagamitan ng kasamang may sakit
• Magpa-X-ray minsan man lang sa isang taon
10 CO_Q2_Health 4_Module 1
Dengue
Pagsalin ng Sakit
• Impeksiyon dahil sa kagat ng lamok na may dalang
dengue virus
Palatandaan/Sintomas
• Mukhang nanlalata at may matinding dinaramdam
• May lumilitaw na skin rash pag bumaba ang lagnat
• Biglaang tumataas ang lagnat
• Nananakit ang kalamnan at kasukasuan
Pag-iwas at Pagsugpo
• Maglagay ng pambugaw ng lamok
• Gumamit ng kulambo kapag natutulog
• Maglinis ng bahay at paligid araw-araw, lalo na sa mga
lugar na madilim.
• Alisin ang nakaimbak na tubig na pinamumugaran ng
lamok.
Larawan
(Batang may
Leptospirosis)
Leptospirosis
Pagsalin ng Sakit
• Bacteria na pumapasok sa balat o sugat mula sa
tubigbaha o basing lupa o halaman kung saan may ihi ng
daga
Palatandaan/Sintomas
• Nilalagnat, pananakit ng kalamnan at kasukasuan, at
pananakit ng ulo, nananakit ang kalamnan at kasukasuan
11 CO_Q2_Health 4_Module 1
Pag-iwas at Pagsugpo
• Iwasang maligo o magtampisaw sa tubig-baha o
maruming tubig
• Gumamit ng bota kung hindi maiiwasan ang baha
• Kumunsulta sa doktor kung nakararanas ng mga
sintomas na nabanggit
Covid-19
Pagsalin ng Sakit
• Ang COVID-19 ay ikinakalat ng maliliit na patak mula sa
isang tao patungo sa iba. Mahahawahan ng virus ang mga
tao sa pamamagitan ng kanilang mga mata, ilong o bibig
Palatandaan/Sintomas
• Nilalagnat, pag-ubo, pananakit ng lalamunan,
pangangapos ng hininga, pagkapagod, pananakit at
pagkirot ng mga kalamnan, pananakit ng ulo, tumutulo at
baradong ilong, pagbabahing, pansamantalang pagkawala
ng panlasa at pang-amoy, at pagtatae
Pag-iwas at Pagsugpo
• Madalas na paghugas ng kamay
• Pagsusuot ng face mask at face shield
• Pagpapabakuna
• Kumunsulta sa doktor kung nakararanas ng mga
sintomas na nabanggit
12 CO_Q2_Health 4_Module 1
Pagyamanin
A. SAAN KA NAGMUMULA?
Buuin ang mga salitang tumutukoy sa pinagmumulan ng sakit.
Kumpletuhin ang pangungusap sa ibaba.
13 CO_Q2_Health 4_Module 1
B. ANO ANG PAGKAKATULAD AT PAGKAKAIBA?
Kumparahin ang dalawang uri ng sakit sa pamamagitan ng
pagbuo ng Venn Diagram.
Pagkakaiba Pagkakaiba
Pagkakatulad
C. IBIGAY MO
Magbigay ng tatlong halimbawa ng nakahahawang sakit, ang
sintomas nito at kung paano ito maiwasan. Isulat sa kahon ang
iyong sagot.
Sakit Sintomas Paano Maiiwasan
1.
2.
3.
14 CO_Q2_Health 4_Module 1
Isaisip
15 CO_Q2_Health 4_Module 1
Isagawa
____________________
_____________________
______________________
______________________
16 CO_Q2_Health 4_Module 1
Tayahin
Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.
1. Alin ang maaaring dahilan ng pagkakasakit ng isang tao?
A. regular na pagpapabakuna
B. paghuhugas ng kamay
C. pagtulog sa oras ng klase
D. paghina ng resistensiya
2. Alin ang sanhi ng dengue?
A. Virus na dala ng lamok
B. Ihi ng dagang sumama sa tubig
C. Kontaminadong pagkain
D. Bacteria na nagmumula sa bulate
17 CO_Q2_Health 4_Module 1
Karagdagang Gawain
Source: www.deped.gov.ph
18 CO_Q2_Health 4_Module 1
Sanggunian
Iwas-Sakit Mula, Delos, Reyes, D. , 2008, Makati City
www.deped.gov.ph
Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyong Pangkatawan at
Pangkalusugan Patnubay ng Guro, Book Media Press
Inc.,2015
Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyong Pangkatawan at
Pangkalusugan Kagamitan ng Mag-aaral, Book Media Press
Inc., 2015
20 CO_Q2_Health 4_Module 1
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: