You are on page 1of 25

4 Filipino

Unang Markahan– Modyul 7:


Pagpapahayag ng Sariling Opinyon
o Reaksyon at
Kahalagahan ng Media
Filipino – Grade 4
Self-Learning Module (SLM)
Ikalawang Markahan – Modyul 7: Pagpapahayag ng Sariling Opinyon at Kahalagahan ng
Media
Unang Edisyon, 2020
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang
8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan
ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang
kondisyon.

Ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may
karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga
tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.
Mga Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Angie L. Auman, Karen Joy A. Pueblo, Rinalyn P.Cristobal, Jovelyn E. Casi,Randy F.
Ramos, Perly F. Abrique, Marilyn G. Catampungan
Editor: Cyrel S. Defensor, Milrose C. Cordero, Juvy A. Lapating, Nancy S. Aquino
Tagasuri: Agabai S. Kandalayang, Mary Joy D. Bautista, Yusof A. Aluidin, Mary Anne A. Barrientos
Tagaguhit: Jake D. Bana-ay
Layout Artist: Cristine May E. Sagge, Angie L. Auman, Karen Joy A. Pueblo
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Carlito D. Rocafort, CESO V – Regional Director
Rebonfamil R. Bauio– Assistant Regional Director
Isagani S. Dela Cruz, CESO V- Schools Division Superintendent
Mario M. Bermudez, CESO VI -Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Leonardo Mission – Subject Area Supervisor
Elpidio B. Daquipil- CID Chief
Juvy B. Nitura- Division EPSVR-1 In Charge of LRMS
Marcelo A. Bocatera- Division ADM Coordinator
Antonio M. Dumagpi- Subject Area Supervisor

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon - Rehiyon ng SOCCSKSARGEN


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating magaaral
sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa
kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda
ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng
mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya
ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto
upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit.
Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit
pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi
ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila
ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa
kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Panimula
Magandang araw sa iyo mahal kong mag-aaral! Sa muli, isang makabuluhang
araw na naman ang ihahatid ng araling ito na siyang huhubog sa iyong talino at
kakayahan tungkol sa pagpapahayag ng sa iyong sariling opinyon o reaksyon sa isang
napakinggang isyu o usapan at kahalagahan ng media.
Ang opinyon ay tumutukoy sa kuro-kuro, paniniwala at mga palagay mo sa isang
bagay o pangyayari, mga ideya na hindi mo alam kung minsan ay nakasasama,
nakabubuti, nakatutulong o hindi. Ito ay nakabase lamang sa mga nangyayari o
totoong naganap at nakababatay sa mga saloobin ng isang tao kung papaano o ano
ang pagkakaintindi niya sa nangyari o naganap sa kanyang paligid.
Sa kasalukuyang panahon, ang media ay may mahalagang bahagi sa
pamumuhay ng mga tao sa isang komunidad. Malaki ang papel na ginagampanan nito
sa pagpapalaganap ng mga impormasyon na kinakailangang maipaalam sa mga
mamayan. Sinasabing ito ay makapangyarihang sandata ng komunikasyon.
Ang araling ito ganap na makatutulong sa iyo sa pagiging sanay sa
makahulugang pag-unawa, pagpapahayag at pagbibigay ng reaksyon sa pang-
arawaraw na mga balita at mga pangyayari na nababasa at napanonood sa loob at
labas ng bansa.

Halina’t tayo ay magsimula! Isang masayang pag-aaral para sa iyo.

Mahalagang Kasanayan sa Pagkatuto:

• Naipahayag ang sariling opinion o reaksyon sa isang napakinggang isyu o usapan.


(F4P5-Id-i-1)
• Naibibigay ang kahalagahan ng media (hal. Pang-impormasyon, pang-aliw, at
panghikayat). (F4PDI-e-2)

Layunin
Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
naipahayag ang sariling opinion o reaksyon sa isang napakinggang isyu o usapan at
naibibigay ang kahalagahan ng media (hal. Pang-impormasyon, pang-aliw, at
panghikayat).

1
Subukin

A. Panuto: Ipahayag ang iyong sariling opinyon o reaksyon sa


sumusunod na isyu o usapan sa pamamagitan ng pagsulat ng
TAMA kung sang-ayon ka sa pahayag at MALI kung salungat sa iyong opinyon.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ang mga tao ay nagbabasa upang ang kanilang blangkong utak ay


magkaroon ng maraming impormasyon.

2. Ang pagbasa ng anumang uri ng katha ay nagkakabisa sa ating isip,


damdamin at kaasalan.

3. Ang pagbubukas ng klase ngayong Agosto ay nakabubuti sa iyo bilang


mag-aaral.

4. Naging mabigat ang pamumuhay ng mga pamilyang benepisyaryo ng


4P’s.

5. Ang pagsasara sa ABS-CBN ay di makatarungan dahil sa hindi nila


pagsunod sa mga alituntunin ng National Tele Communication (NTC).
B. Panuto: Ibigay ang kahalagahan ng mediang nakalimbag at
dinakalimbag. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.

A.pang-impormasyon B.pang-aliw C.panghikayat D. pangkalusugan

_________________________1.

_________________________ 2.

_________________________3. brochure

_________________________ 4. tape recorder

_________________________5. website

2
Pagpapahayag ng Sariling
Aralin 1 Opinyon o Reaksyon

Balikan

Panuto: Tukuyin ang sumusunod na pahayag. Iguhit


ang kung opinyon at kung katotohanan. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

1. Mayroong dalawampu’t apat na oras sa isang araw.

2. Nahihirapan ang lahat ng mga Pilipino dahil sa pandemyang dulot ng


Corona Virus.

3. Ang sigarilyo ay may tar, nikotina, at iba’t ibang kemikal na nakasasama


sa kalusugan.

4. Mas masarap ang mga prutas kaysa gulay.

5. Ang bansang Pilipinas ay may tatlong malalaking pulo.

Tuklasin
Panuto: Tingnang mabuti ang bawat larawan.

3
Suriin

Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa mga larawang nasa Tuklasin pahina
3. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Anong isyung pangkalusugan ang isinasaad ng larawan?


Lagyan ng tsek (/) ang iyong sagot.
May kinalaman sa COVID-19
May kinalaman sa Dengue
Sa pamamagitan ng paggamit ng facemask, alcohol,
pagpapanatili ng social distancing maaaring maiwasan ang pagkalat ng Corona
Virus. Naniniwala ka ba? Lagyan ng tsek (/) ang iyong sagot.

Oo Hindi
Tandaan
Ang opinyon ay tumutukoy sa kuro-kuro, paniniwala at mga palagay mo sa isang
bagay o pangyayari.
Sa pagbibigay ng opinyon, nakabubuti kung ikaw ay may sapat na
kaalaman sa paksang pinag-uusapan upang masusing mapagtimbang-timbang
ang mga bagay at maging katanggap- tanggap ang iyong opinyon.
Sa pagbibigay nito, mahalagang matutuhan ang wastong gamit ng mga
salita upang maging kapani-paniwala o kahika- hikayat ang pahayag.

Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Tingnan ang larawan sa ibaba. Pagkatapos, ipahayag ang iyong opinyon o
reaksyon patungkol dito.Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung sang-ayon ka at ekis
(X) kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

________1. Ang maliit na pamilya ay masaya.


________2. Napapag-aral ang mga anak kung maliit ang pamilya.

4
________3. Napapabayaan ang mga anak kung maliit ang pamilya.
________4. Nabibigyan ng sapat na panahon ang mga anak kung
maliit ang pamilya.
________5. Nahihirapang mabilhan ng damit ang mga anak
kung maliit ang miyembro ng pamilya.

Gawain 2
Panuto: Ipahayag ang iyong opinyon sa isyung polusyon tulad ng nasa
larawan. Dugtungan ng tamang pahayag ang bawat bilang upang mabuo
ang kaisipan.Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Para sa akin _____________________________________________.

A. malulutas ang suliranin patungkol sa polusyon kung ang lahat ay


magkaisa.

B. dapat tayong magtapon ng basura kahit saan.

2. Kumbinsido akong ______________________________________.

A. mapananatili ang kalinisan kapag ang lahat ay may disiplina sa sarili.


B.wala tayong kakayanan sa paglutas ng problema sa basura.

3. Sa aking palagay ______________________________________.


A. ang kalinisan ay makamkamtan kung tayo ay nagtutulungan.
B. hindi na kailangang linisin pa ang ating paligid.
5
4. Kung ako ang tatanungin __________________________________.

A. di na kailangang sumunod sa batas tungkol sa tamang


pagtatapon ng basura.

B. dapat magkaroon ng karampatang parusa ang sinumang lumabag sa


kautusan hinggil sa tamang pagtatapon ng basura
5. Lubos kong pinaniniwalaan__________________________________.

A. na walang pag-asang makamtan ang minimithing


kalinisan ng ating kapaligiran.

B. na maisayos natin ang kagandahan at kalinisan ng ating kapaligiran


kapag lahat tayo ay sama-samang nagtutulungan.

Gawain 3
Panuto: Ibigay ang iyong opinyon sa isyung paglilipat ng buwan ng pasukan sa
Agosto sa halip na Hunyo. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Isaisip
Panuto: Sagutin nang pasalita ang mga tanong. Pagkatapos, punan ng
tamang salita ang bawat patlang upang mabuo ang pahayag. Piliin ang sagot
sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Mga Tanong:

1. Ano ang opinyon?

2. Sa pagbibigay ng opinyon, nakabubuti ba kung tayo ay may sapat na


kaalaman sa paksang pinag-uusapan?
Bakit?

6
3. Dapat bang matutuhan natin ang wastong gamit ng mga
salita sa pagbibigay natin ng opinyon? Bakit?

Ang (1) ay tumutukoy sa kuro - kuro, paniniwala


at mga palagay mo sa isang bagay o pangyayari.
Sa pagbibigay ng opinyon, nakabubuti kung ikaw ay may sapat na
(2) sa paksang pinag-uusapan upang masusing mapagtimbang-timbang ang
mga bagay at maging katanggap-tanggap ang iyong opinyon.

Sa pagbibigay nito, mahalagang matutuhan ang wastong gamit ng mga


(3) upang maging kapani-paniwala o kahika-hikayat ang pahayag.

Isagawa
Panuto: Ipahayag ang iyong opinyon o reaksyon hinggil sa usaping
paggamit ng online sa pagtuturo ng mga mag-aaral sa panahon ng
pandemya. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Aralin 2 Kahalagahan ng Media

Tuklasin
Panuto: Pag-aralan ang mga larawan. Alamin kung alin sa
mga ito ang makapagbibigay ng impormasyon, aliw, at
hikayat.

7
A.

pahayagan magasin infographic

Brochure/ Flyer
/ aklat billboard

B.

C.

8
Suriin
Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na mga
tanong batay sa mga ipinakitang larawan sa Tuklasin pahina 7-8.
. Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang papel.
A. Anong uri ng mga media ang nasa larawan A?

1. Anong uri ng media ang mga ito? Lagyan ng tsek (✔) ang kahon ng
tamang sagot.

nakalimbag di-nakalimbag nakalimbag at


di-nakalimbag
2. Ano ang kahalagahang dulot ng nasa larawan A?
Lagyan ng tsek (✔) ang kahon ng tamang sagot.

pang-impormasyon pang-aliw

panghikayat lahat ng nabanggit

3. Bakit mo nasabing pang-impormasyon ang mga ito?


Dahil sa pamamagitan nito
Dahil sa pamamagitan
makakakuha ako
nito malilito ako sa
ng mahahalagang
binabasa ko.

B. Balikan ang nasa Tuklasin upang makita ang mga larawan. Ano-
ano ang media na nasa larawan B?

9
1. Anong uri ng media ang mga ito? Lagyan ng tsek (✔) ang kahon ng
tamang sagot.

nakalimbag di-nakalimbag nakalimbag at


di-nakalimbag

2. Ano ang kahalagahang dulot ng nasa larawan A?


Lagyan ng tsek (✔) ang kahon ng tamang sagot.

pang-impormasyon pang-aliw

panghikayat lahat ng nabanggit

3. Bakit mo nasabing pang-aliw ang mga ito?

Dahil sa pamamagitan Dahil sa pamamagitan nito


masaya at naging nito maraming problema magaan ang aking
nararamdaman. naiisip.

C. Ano-ano ang media na nasa larawan?

10
1. Anong uri ng media ang mga ito? Lagyan ng tsek (✔) ang kahon ng
tamang sagot.

nakalimbag di-nakalimbag nakalimbag at


di-nakalimbag

2. Ano ang kahalagahang dulot ng nasa larawan C? Lagyan ng tsek ( ✔)


ang kahon ng tamang sagot.

pang-impormasyon pang-aliw

panghikayat lahat ng nabanggit

3. Bakit mo nasabing panghikayat ang mga ito?

Dahil sa pamamagitan nito lumawak ang aking kaalaman

at naaliw mula sa mga nababasa, nakikita o napapanood.

Dahil sa pamamagitan nito naging sarado ang aking isipan sa paghahanap


ng wastong paggamit at pagpili ng mga produkto.

Tandaan:

Ang media ay ang pangunahing paraan ng pangmadlang


komunikasyon o pagbigay ng mga impormasyon, kaalaman, at iba pang uri
ng pamamahayag.

May dalawang uri ang media. Ang mediang nakalimbag ay isang uri ng
sulatin o teksto kung saan ang mga impormasyon, balita, at iba pa ay
nakalimbag at malayang nahahawakan. Ang pangalawang uri ang mediang di-
nakalimbag. Ang mediang di- nakalimbag naman ay mga napanonod at
naririnig lang natin.

Mahalaga ang media dahil ito ay nagbibigay ng impormasyon, nanghihikayat


at nabibigay aliw sa bawat isa.

11
Pagyamanin
Gawain 1 Panuto: Tukuyin ang uri ng media na nasa larawan at isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel. Pagkatapos, ibigay ang kahalagahan nito kung
ito ay pang-impormasyon, pang-aliw at panghikayat.

A. nakalimbag B. di-nakalimbag
1.

A. nakalimbag B. di-nakalimbag
2.

A. nakalimbag B. di-nakalimbag
_______________________
3.

A. nakalimbag B. di-nakalimbag
_
4.

A. nakalimbag B. di-nakalimbag

5.

12
Gawain 2

Panuto: Tukuyin ang kahalagahan ng sumusunod ng mediang nakalarawan.Piliin ang


titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

A.pang-impormasyon B.pang-aliw C.panghikayat D.pangkalusugan

Ito ay isang uri ng aklat na ginawa gamit ang


_______________________1.
elektriniko o digital na format. Dito ay

magkasya lahat ng libro sa silid-aklatan sa

iisang maliit na gadget lamang.

Ito ay isang elektronikong kagamitan na


_______________________2.
ginagamitan ng Compact Disc(CD). Mahalaga
ito sa pag-save ng mga mahalagang
impormasyon o videos.

Ito ay isang malawak na network ng


_______________________3.
computer. Mahalaga ito sa pag- aaral,
negosyo at marami pang iba.

Mas kilala sa tawag na pamphlet at


_______________________4.
isang uri ng aklat na naglalaman ng mga
bagay tungkol sa kompanya o organisasyon.
Kadalasan, ito ay ipinamimigay.

_______________________5. Ito ay ginagamit na paglalagyan ng anunsyo


para sa isang produkto upang ito ay maging
mabenta. Kasali dito ang teksto at graphics
upang lalong gumanda.

13
Gawain 3

A. Panuto: Gumuhit ng 3 halimbawa ng mediang nakalimbag. Pagkatapos,


ibigay ang kahalagahan nito kung ito ay nakapagbibigay aliw, hikayat at
impormasyon at isulat sa iyong sagutang papel.

B. Panuto: Gumuhit ng 3 halimbawa ng mediang di-nakalimbag. Pagkatapos,


ibigay ang kahalagahan nito ito ay nakapagbibigay aliw, hikayat at impormasyon
at isulat sa iyong sagutang papel.

14
Isaisip
Panuto: Sagutin ang mga tanong nang pasalita. Pagkatapos, buuin ang pahayag
sa pamamagitan ng paglalagay ng salita sa patlang. Piliin ang mga sagot sa loob
ng kahon. Isulat sa sagutang papel.

Tanong:

1. Ano ang media?


2. Ano-ano ang mga uri ng media?
3. Ano-ano ang kahalagahan ng mga ito?

Ang (1)_____________________ay ang pangunahing


paraan ng pangmadlang komunikasyon o pagbigay ng
mga impormasyon, kaalaman, at iba pang uri ng
pamamahayag.

Ang (2)_____________________ay isang uri ng sulatin


o teksto kung saan ang mga impormasyon, balita, at iba
pa ay nakalimbag at malayang nahahawakan. Ang
(3)____________________ay isang uri ng media na
napapanood o naririnig natin.

Napakahalaga ng mga ito sa pang-arawaraw na


pamumuhay ng bawat isa. Kabilang sa
kahalagahan nito ay (4)________________
(5)__________________________________.

15
Isagawa

Panuto: Mula sa mga napag-aralan mong mga uri ng media, ano- ano ang mga
kahalagahan nito sa iyong pang araw-araw na pamumuhay? Gawin mo ito sa
pamamagitan ng paggawa ng isang poster sa iyong sagutang papel.

Tayahin

A. Panuto: Ipahayag ang iyong sariling opinyon o reaksyon sa sumusunod na isyu


o usapan sa pamamagitan ng pagsulat ng TAMA kung sang-ayon ka sa pahayag
at MALI kung salungat sa iyong opinyon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

1. Ang pagkakaingin ay nakasisira ng ating kalikasan.


2. Kapag naglalakad ka habang inaawit ang Lupang Hinirang ay tandang
ating pagmamahal sa bayan.

3. Ang pagtulong sa kapwa sa oras ng pangangailangan ay isang


magandang kaugalian nating mga Pilipino.
4. Ang patuloy na pangingibang bansa ng ating mga kababayan ay di
nakapagbibigay ng magandang ekonomiya sa ating bansa.

5. Nakapagbibigay ng kahit kaunting kaginhawaan sa buhay kapag


nakatatanggap tayo ng mga ayudang galing sa ating pamahalaan sa
panahon ng krisis na ating kinakaharap.

16
B. Panuto: Ibigay ang kahalagahan ng mediang di-nakalimbag. Piliin ang sagot sa
loob ng kahon. Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang na nasa unahan ng
bawat bilang.

1. Alin sa mga sumusunod na larawan


ang nagbibigay impormasyon sa atin?

A. C.

B. D.

2. Ano ang kahalagahan ng media ng ito?

A. pang-aliw C. panghikayat
B. panggulo D. pang-impormasyon

3.Gusto ni Angie mag-negosyo sa online. Alin sa mga sumusunod na media


ang maaari niyang gamitin?

A. C.

B. D.

17
4. Ano ang naibibigay ng tape recorder sa atin?

A. aliw B.hikayat C. impormasyon D.kalituhan

5.Si Karen ay mahilig manood ng telebisyon shows, anong halaga ang


naibibigay nito sa kanya?

A. Pang-aliw C. Panggulo
B. Panghikayat D. Pang-impormasyon

Karagdagang Gawain

A. Panuto: Makinig ng isang balita sa radyo o telebisyon.Isulat


ito at ibigay ang iyong sariling reaksiyon o opinyon. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

Pamagat ng balita:
Reaksyon o opinyon mo tungkol dito:

B. Panuto: Gumawa ng slogan tungkol sa kahalagahan ng media.

18
Rubrik para sa Poster

Pamantayan Indikator Puntos Natamong


Puntos
Malinaw at angkop sa
Nilalaman at konsepto ang mensahe ng 5
kaangkupan ng isinagawang poster poster.
konsepto

Maliwanag at angkop ang


Pagkamalikhain mensahe sa paglalarawan 5
ng
konsepto

Kabuuang Malinis at maayos ang 5


Presentasyon kabuuang presentasyon

Kabuuan

19
Mga Sanggunian

(n.d.). Retrieved may 2020, from is.gd/77XbAs: is.gd/77XbAs( n.d.). Retrieved may 2020, from is.gd/ISoZkR:
is.gd/ISoZkR
(n.d.). Retrieved may 2020, from https://prezi.com: https://prezi.com

(n.d.). Retrieved may 2020, from https://www.ph.images.search.yahoo.com:


https://www.ph.images.search.yahoo.com

(n.d.). Retrieved may 2020, from https://www.samutsamot.com/2015/01/31/katotohanan- Oopinyon-


worksheets/: https://www.samutsamot.com/2015/01/31/katotohanan- O-opinyon-worksheets/

(2015). In M. J. S. Calatrava, Yaman ng Lahi Wika at Pagbasa sa Filipino (pp. 28-30). Pasig City.

K to 12 Basic Education Curriculum. (May 2016). Deped Complex, Meralco Avenue Pasig City, Philippines:
DepEd .

S. Calatrava, M. J. ( 2015). Yaman ng Lahi 4 - Wika at Pagbasa sa Filipino (Unang Edisyon ed.).
Pasig City , Philippines: Pilipinas ng Sunshine Interlinks Publishing House, Inc.

(n.d.). Retrieved June 12, 2020, from shorturl.at/arX25: shorturl.at/arX25 (Read more on

Brainly.phttps://brainly.ph/question/110854#readmore). (n.d.). www.google.com.ph.

(n.d.).

n.d. Accessed June 12, 2020. shorturl.at/moAS6. 2020. June 12.


shorturl.at/moAS6.

n.d. Accessed June 12, 2020. shorturl.at/moAS6.

n.d. Accessed June 12, 2020. shorturl.at/ckBHO.

n.d. Accessed June 12, 2020. shorturl.at/zGKN7.

n.d. Accessed June 12, 2020. shorturl.at/DKS34.

n.d. Accessed June 12, 2020. shorturl.at/nzPQU.

n.d. Accessed June 12, 2020. shorturl.at/czASX.

n.d. Accessed June 12, 2020. shorturl.at/eHMQW.

n.d. Accessed June 12, 2020. shorturl.at/byV24 .

n.d. Accessed June 12, 2020. shorturl.at/bexyB.

n.d. Accessed June 12, 2020. shorturl.at/itzI5 .

n.d. Accessed June 12, 2020. shorturl.at/arvyJ.

n.d. Accessed June 12, 2020. shorturl.at/josEW.

n.d. Accessed June 12, 2020. shorturl.at/dwBIR.

n.d. Accessed June 12, 2020. shorturl.at/bwIOQ.

n.d. Accessed June 12, 2020. shorturl.at/gtFLX.

n.d. Accessed June 12, 2020. shorturl.at/gtFLX.

n.d. Accessed June 12, 2020. shorturl.at/tEKS0 .

n.d. Accessed June 12, 2020. shorturl.at/fuHMS.

n.d. Accessed June 12, 2020. shorturl.at/jDFM7.

n.d. Accessed June 12, 2020. shorturl.at/dzKR9.

n.d. Accessed June 12, 2020. shorturl.at/enCV8.


PAHATID-LIHAM

Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng


Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN

na may pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang


pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay
batay sa Most Essential Learning
Competencies (MELCs) ng Kagawaran ng Edukasyon. Iyo ay pantulong
na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-
aaral sa pampubikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong
panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay tinutukan sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong
1.0. Mahigpit naming hinihimok ang anumang puna, komento at
rekomendasyon.

Para sa katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon-
SOCCSKSARGEN Learning Resource
Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 228 – 8825, o 520 – 0421

You might also like